Nakaupo si Kihara sa kanyang upuan habang nagcocomputer ito. Isang gang sa Diff Web ang nais niyang salihan. Qoued-Uni Devitoria ang pangalan nito.
--
Hello, I'm Zevherion23 AKA Zyveron Curtio, Founder and Gang leader of Qoued-Unica Devitoria. I'm conducting active members for my Gang who can participate on my following activicas (Activities). We give prizes and special gifts to those who are always active. If you are wishing to join us, send me your enrollment form thru private message.
Here's the form you need to fill up in order to get in.
//
Name:
Code Name:
Type of Rp'ier:
Skills:
From what Academia, SBH, Gang:
Rate Experience:
Type of decodings:
Section:
\\
Note:
Do not join if your old founder or someone who handles you before haven't agree yet. It may cause you danger online. Think twice before doing anything.
--
Fini-fill-up-an ni Kihara ito nang maresib niya ang tawag ni Riko.
Tumigil muna siya sa pagta-type saka sinagot ito. "Oh? Riko, musta?"
"Hoy, gaga! Huwag kang basta-basta sumasali sa mga gang! Hindi pa ba sa'yo okay na OC Rp'ier ka?" Sigaw ni Riko sa tawag.
"Aray naman. Sisigaw-sigawan mo pa ako. Tsaka paano mo nalaman?"
Napakamot ulo si Riko sa sabi ni Kihara. "Gago naman 'to e nakita ko comment mo. Sali-sali ka diyan. Delete mo 'yon!" Alalang sabi nito.
"Galit na galit ah. wala namang masama kung sasali ako sa gang eh. Online lang naman ito. Di naman ako masasaktan dito," Tugon naman ni Kihara.
"Naku, Ikaw talaga! Kahit 'yan iniisip mo pero sumunod ka naman sa mga rules!"
"Huh? What rules?"
"Oh, di mo alam? Syempre di mo binasa 'yong letter ni Woodsworth!"
"What? Ano'ng pinag-sasabi mo? Sinong Woodsworth?"
"Ito naman oh," Galit na nasabi ni Riko. Tumawa lang naman si Kihara sa sinabi nito.
"Bakit ba? Di ko alam pinagsasabi mo," sabi ni Kihara.
"Tse!" Inis naman na sagot ni Riko.
"It's a warning letter. If you sign up to the website first, makikita mo 'yon!" Dagdag niya.
"Letter? Aw, okay. Haha siguro nakita ko na iyon pero di ko naman binasa. Nakakatamad kaya magbasa ng mga rules tsaka wala naman akong pake doon. Online lang naman 'yan," Pasimpleng sabi ni Kihara.
"Ang gaga mo sa part na iyan," Insulto naman ni Riko.
"Wow, ang sakit mo naman magsalita," Ika ni Kihara sa telepono.
"Hays..." Si Riko. "Geh, bahala ka. Basta sinabi ko na sa'yo ah. Bahala ka diyan." At pinatay na nito ang tawag.
"Luh, di man lang ako pinareply," Sabi ni Kihara sa sarili. "Tsaka galit na galit 'yon ah. Curious lang naman ako dito." At nitap na ni Kihara ang send button sa isang founder ng gang na sasalihan niya.
๐ฏ๐ฝ๐ ๐ฎ๐๐พ๐ธ๐พ๐นโฏ ๐๐พ๐ถ๐๐พโฏ๐
Nagkakape si Hirono habang nakaupo rin sa kanyang upuan. Nagcocomputer din siya nang maresib niya ang isang pending message request galing sa isang Rp user na nangangalang LeVeAn21.
Ayon sa kanyang sign up form, isang babae ito at mas kilala sa tawag na Kirei Volcarus. Nagulat si Hirono sa nakita.
"What? Si Kihara?" Tanong nito sa sarili. Umupo siya ng maayos saka binasa ang sinend niyang form.
"Teka, is she really serious about this? Anong plano ng babaeng 'to?" Tanong uli nito sa sarili.
"Kirei Volcarus, Are you sure about joining our gang? This may affect you irl." -Zevherion23
"I am. This must be exciting." -LeVeAn21
"Even tho you're a neophyte, with 0% Rate experience, and never been in any Sbh, gang or academia?" -Zevherion23
"Yes." LeVeAn21
Napaisip pa kung ano ba ang gagawin ni Hirono. Papayag ba ito sa request ni Kihara o hindi. Alam niya na hindi alam ni Kihara ang account niyang ito.
"I don't want to harm her or me. But I'm worried about her at the same time."
Pinag-isipan ng maigi ni Hirono ang request ng babaeng kanyang iniibig.
Matagal bago ni-click ni Hirono ang accept request nito sa kanilang gang. Pagkatapos gawin iyon ay mas lalong nagsisi si Hirono.
"Tell me God, hindi mali ang ginawa ko, please," He said.
"Finally!" Napatayo si Kihara sa kanyang kinauupuan ng makita na na-accept siya sa gang na iyon.
"This is great. Nice!" She smiled, "I'm so looking forward for this."
Samantala, si Hirono nama'y nagtataype ng mga dapat niyang iwarning kay Kihara. "Ako, ako ang magiging handler niya dito. This girl doesn't even know what she's doing," Sabi uli nito sarili.
"Tang-*na, bat ba ako nagkagusto sa bobong 'to!" Reklamo nito bigla.
"Shut up, Hirono. Ikaw ang may kasalanan kasi ni accept mo request niya." He changed his mind.
"Hayop, ako naman pala ang tanga dito!" Di na niya napigilan ang sarili kaya nagsisi na lang ito.
On process...
- Downloading user's information -