Chereads / The Suicide Diaries / Chapter 2 - Ikalawang Pahina

Chapter 2 - Ikalawang Pahina

Umaga, di gaano maliwanag ang langit. Lumabas si Kihara sa kanyang tinitirahan. Linabas niya ang kanyang headset at ipinasok ito sa kanyang tainga saka nagpatugtog ng kanta at lumakad na ito patungo sa kanilang paaralan.

6:30 pa ang oras at masyadong maaga para kay Kihara ang pumasok sa eskuwela dahil 8:00 ang pasukan nila. Minsan pa nga'y absent ang kanilang first period kaya sinulit nalang niya ang oras na maglakad ng mabagal.

Di nagtagal ay nilabas niya ang kanyang cellphone na nakabulsa sa kanyang skirt at nag open ito ng wifi. Binuksan niya ang isang website na tinatawag nilang DiFF web na kasalukuyang sikat sa kanilang lugar. Ginagamit ito ng mga kabataan bilang kalibangan pag bored na sila sa ibang website tulad ng Facebook at Instagram. Isa rin itong roleplaying website kaya karamihan sa kanila'y dito na lang nagtatambay.

Pagbukas niya sa website na iyon, nakita niya ang pinakaunang nagmensahe sa kanyang messaging at galing ito kay Hirono. Nagmessage ito ng Good morning  pero ni-seen lamang ito ni Kihara. Binulsa niya ulit ang kanyang telepono at walang ganang nagpatuloy ito sa kanyang paglalakad.

Lumipas ang sampong minuto, nasa harapan na ng school gate si Kihara. Tumuloy na siya sa loob nang biglang may umakbay sa kanyang balikat.

"Yoooo!" Bati ng kanyang kaklaseng lalaki na si Vino. Tropa rin ito ni Kihara since nang naggraduate sila sa elementary. May blonde na buhok ito at isang tatoo ng lobo sa kanyang leeg

"Yoo, sis, musta ka na?" Dagdag ni Vino sabay pindot sa pisngi ni Kihara. Agad namang sinampal ni Kihara ang kamay ng kaklase.

"Ano ba!" Inis na sabi nito. "Wala ako sa mood," dagdag ni Kihara.

Nilayo ni Vino ang kanyang kamay kay Kihara. "Luh, bakit? Anyare sa'yo?" Tanong ni Vino.

Napabuntog hininga na lang si Kihara sabay irap sa kaibigan. "Basta. Wag ka muna mangulit ngayon. Baka sipain kita diyan." At iniwan na ito ni Kihara sa hallway.

Nagpatuloy na siya sa paglalakad patungong Klasroom at naiwan si Vino sa hallway, habang iniisip kung ano ba ang nangyari bat wala sa mood si Kihara. Ngunit nang mapansin niyang malapit na pala ang simulan ng klase, tumakbo siya papuntang klasroom.

Umupo si Kihara sa kanyang upuan. Binaba niya ang kanyang backpack tsaka ito nagrest sa kanyang desk. Napahinga siya ng malalim habang iniisip kung ano ba at sino ang tumawag na iyon sakanya kanina.

Habang iniisip niya ang dati niyang Cyber boyfriend na si Ryu, napapasabunot na lang siya sa sarili. Ayaw niyang maalala ulit ito at gustong gusto niyang makalimutan ang lahat ng nangyari sa kanila.

Ryu Taiki, ang Cyber Boyfriend ni Kihara na naging karelasyon niya for 8 months ay namatay. Sa araw na iyon ay nagkita sila ni Kihara sa isang cinemahan. Ang akala ni Kihara'y ito ang magiging masayang araw para sakanya. Ngunit kabaliktaran pala ito.

Isang beses na rin siyang inakusahan na siya daw ang pumatay rito dahil silang dalawa lang ang magkasama sa araw na iyon. Ngunit sabi ni Kihara ay hindi daw siya mamamatay tao at hindi niya kayang gawin iyon dahil imposible ito para magawa niya. Wala siyang magawa kundi ang tumakbo at umalis sa lugar na iyon.

Nang makatakas siya'y dumiretso siya sa kanyang bahay. Wala siyang matandaan sa mga nangyari. Paano nga ba namatay si Ryu at sino nga ba ang nagsabit sa kanya sa taas ng ceiling. Pero naisip naman niya na baka ginawa lang niya ang pangako nila ni Kihara.

Agad niyang binuksan ang kanyang computer sa oras na iyon at pumasok sa Diff web. Nais niya sanang kausapin ang mga tao rito upang maghingi ng tulong nang bigla na lang may lumabas na notification sa kanyang wall.

Wala siyang oras para basahin iyon kaya sinubukan niyang iclose ito ngunit ayaw matanggal ng notification sa kanyang wall. Wala siyang magawa kundi ang basahin na lang ito.

Dyo Choisir; La Specialis queste per iriu

Hindi naintindihan ang nakasulat sa kanyang computer kaya niclick na lang niya ang close tab. Kaso ayaw pa ito bumalik sa homescreen. Naramdaman niya ang kunting galit dahil dito pero kinakabahan pa rin siya sa nangyayari. Wala siyang nagawa kundi ang pindotin ang nag-iisang opsyon sa kanyang software.

Pagkatapos nito ay bigla na lang naturn-off ang kanyang kompyuter at di nagtagal ay nagbukas uli.  Bumalik sa dati ang kanyang kompyuter kaso nga lang, di nagtagal ay nag-g-glitch din ito. Lumakas ang kaba ni Kihara sapagkat di nito alam kung ano rin ba ang problema ng kanyang kompyuter. Biglang may lumabas na sulat sa desktop ng kanyang kompyuter.

"Our main goal is to help our roleplayers who experiences terror and difficulties in facing reality. in any ways, we would like to help you by giving you a one wish to grant. Type the wish you're willing to make it come true: "

Nakakagulat man pero ito ang unang lumabas na mga salita sa kanyang kompyuter pagkatapos ito magglitch. Napatanong siya sa sarili kung ano nga ba ito at bat biglang nagpakita?

Dahil magulo at walang maisip na iba si Kihara, ito na lang ang napili niyang i-type sa blanko na iyon.

"Please help me how do I turn back time, how do I help my boyfriend, how will I prove them that I am innocent, please help, I can't take this alone,"

Pagkatapos niya ito matype ay agad niyang pinindot ang send button. Nagloading pa ng iilang sigundo bago masend ang kanyang sagot.

Isang video ang nae-display sa kanyang software na nagdudulot ng katakotan na pakiramdam sa mga manonood. Nag-play ito bigla at pinanood ito ni Kihara.

Nagsimula sa isang lalaking nasa kwarto na kumakain ng biskwit ang nakita sa kanyang kompyuter. Ngunit hindi HD o masyadong klaro ang pagkakuha sa video na ito sapagkat ang gamit nitong kamera ay luma.

Mabilis na nailipat ito sa isang babaeng nasa kama rin pero naglalaptop ito. Medyo magulo ang pagkuha at pag-edit sa video na pinapanood niya. Hindi maintindihan ang bidyo dahil palipat lipat lang ito. Medyo madilim, masakit sa mata, at nakakatakot pakinggan ang tuno nito.

Hanggang 2:34 minutes ang haba ng bidyo na pinanood ni Kihara. Pagkatapos niya ito mapanood ay bigla na lang napatunganga ang dalaga at mas lalong sumakit ang ulo sa pinanood. Kitang-kita sa bidyo kung paano isinabit ng lalaki ang kanyang sarili sa itaas ng pader.