Chereads / My Two First Kiss / Chapter 16 - Chapter 15

Chapter 16 - Chapter 15

Napalinga ako sa paligid ko, buong akala ko ay ihahatid niya ako pauwi sa bahay, pero nagkamali ako.

"Bakit mo ko dinala dito?" tanong ko, di ko maalis ang pagtataka sa isip ko. Nanatili akong nakatingin sa bintana at tinatanaw ang isang restaurant na may pangalang Saveurs de coeur. 

"To eat, obviously." I heard sarcasm in his voice.

May regla na naman ba ang impaktong 'to? Napapadalas ang mood swing niya, minsan okay siya pero mas madalas na hindi. Tinanong ko lang naman kung bakit niya ako dinala dito, masama ba magtanong.

"Hindi ko naman sinabing nagugutom ako, at kung nagugutom man ako pwede naman akong sa bahay kumain."

"But you haven't eaten since lunch, don't you want to eat with me?" Pakiramdam ko ay nangungunsensya siya.

"Sabi ko nga kakain tayo." Ayaw ko nang makipagtalo sa kanya, saka gutom na rin talaga ako kaya pumayag na rin ako.

Pagkatapos niyang magpark ay bumaba na kami ng kotse niya, saka pumasok sa loob ng restaurant na 'yon. Pagpasok namin ay agad kaming inasikaso ng staff at hinatid kami sa bakanteng table for two. 

Gaya ng madalas kong ginagawa ay pinasadahan ko rin ng tingin ang paligid. Isa iyong fine dining restaurant at naglalabas ng formal atmosphere, pakiramdam ko tuloy di ako bagay roon. May mahina ring kanta na nagmumula sa vynil record player. Mas pormal pa nga sa akin ang mga servers doon, lumapit ang isa sa kanila  sa table namin. Inabot nito ang menu sa amin,  maging ang menu ay sosyal leather bound, binuklat ko 'yon ngunit wala akong maisip na kakainin.

"What do you like to eat?" tanong niya sa akin.

"Ano ba ang sa'yo sir, 'yun na lang din sa akin," sagot ko saka ko nilapag ang menu sa ibabaw ng mesa.

Tiningnan niya ako nang nakakunot ang noo, naalala ko ang usapan namin na h'wag ko siyang tawaging sir kapag wala kami sa office. Muntik ko nang makalimutan.

"Xi nga pala."

"What do you want to drink?"

"Tubig na lang." Di ko talaga alam kung anong iinumin wala akong alam sa mga wine.

" I guess I'll have to choose for us,"

Lumapit ulit yung waiter to take our order. Si Xavier na ang nagsabi ng order namin.

"Two chicken canapes for appetizer and two Fettuceni Alfredo, and a bottle of Chardonnay."

Ngayon ko lang narealize na French restaurant pala ang pinuntahan namin.

"How about dessert sir?" tanong sa kanya ng server.

"Red velvet blondies, want to try it?" tanong niya sa a'kin.

Tinanguan ko na lang siya, tunog masarap naman 'yun.

Habang naghihintay ng order ay kinalikot ko muna ang cellphone ko.

"What are you doing?" tanong niya sa akin.

"Naghahanap ng magandang ringtone."

Bigla na lamang siyang natawa, hindi iyon kathang isip ko lamang.

"Bakit ka tumatawa?" tanong ko hang siya ay tumatawa pa rin.

"I remembered your alarm tone, it's hilarious." Pigil niya sa kanyang tawa.

Natawa ako nang maalala ang pagtunog ng cellphone habang nagkakainitan sila ni Nick. Ang weird kasi ng tunog nun, maging ang music video no'n ay weird rin. 

"H'wag mo nga akong tawanan, may magic 'yang mga ringing tone ko." Pagmamalaki ko sa kanya.

Bigla na lang sumingit ang waiter sa amin at unang i-sinerve ang appetizer sa table namin. Binuhusan rin nito ang ng wine ang wine glass namin.

"Let's start," sabi ni Xi, kinuha niya ang table napkin and placed it on his lap.

Ginaya ko siya sa kanyang ginawa, Tumango na lamang ako at nagsimula na kaming kumain. Masarap ang chicken canapes paliit na french toast na may chicken topping sa ibabaw at may mustard at mayonnaise. Pagkatapos ay isinerve naman ang pasta, I enjoyed eating it too. Bagay na bagay ang lasa ng chardonnay rito. Siyempre huling i-sinerve ang dessert, ang ganda ng kulay niyon  literal na red ang red velvet blondies. Mukha iyong brownies pero kulay red at my white filling kumuha ako ng isa. Katulad ng nauna kong nakain ay masarap rin iyon. May kalasa iyn di ko lang malaman kung ano.

"Gab, are you okay?" nakakunot noong tanong niya sa akin.

Kinuha ko ang baso ng wine at ininom iyon, I started to feel uneasy. Nag umpisa akong mahirapan sa paghinga, nagsimula rin maglitawan ang mga rashes sa kamay ko.

Langya!

Nanlaki ang mata ko, alam ko na kung bakit parang may kalasa ang desert na yun.

"Gab are you okay? do you need water?" Nag-aalalang tanong niya.

Tumango na lang ako habang nakahawak ako sa dibdib ko at naghahabol ng hininga.

"Maam okay lang ba kayo?" tanong ng staff sa akin.

Tumayo si Xi at tumabi sa akin, inabutan kami ng tubig ng server at inalalayan ako ni Xi na inumin iyon, nag-bill-out na rin siya.

"May halo bang chocolate ang dessert namin or anything cocoa?" hingal na tanong ko sa server bago ito umalis

"Yes maam, bakit po?" tanong nito sa akin.

Napangisi ako, I'm dead meat. Hawak ko pa din ang dibdib ko at naghahabol ng hininga.

"Xavier, do you love chocolates?"tanong ko sa kanya.

"Who doesn't?" alangang sagot niya.

"People who might die because of it, just like me."

Nakita ko ang panlulumo sa mukha niya nang mapag-tanto ang sinabi ko.

"Shit!" he cursed.

"Are you allergic to it?" Tanong niya, kahit alam na niya ang sagot dito.

Pilit ko na lang siyang nginitian, saktong dumating na rin ang server para sa bill namin. Nagsukbit na ng pera doon si Xavier.

"Keep the change." aniya dito.

Tumayo si  Xi at may  tinawagan sa kanyang cellphone, di ko na intindi dang ang pinag-uusapan nila. Buti na din at wala pa masyadong tao dun kaya wala masyadong commotion na nangyari. I'm still catching my breath, I could feel my lips and throat starts to swollen. Napahawak ako sa sa leeg ko, nag-simula akong maiyak pakiramdam ko ay malalagutan ako ng hininga. It's been years since I have an allergy attack. Hindi naman ako nagkaganito dati, nagkakaroon lamang ako ng rashes sa katawan.

Nagsimula akong manghina at mahilo nakarinig ako ng  sigawan nang mahulog ako sa kinuupuan ko. Naramdaman ko rin ang pagsalo sa akin. Ilang segundo pa ay nakarinig ako ng mahinang tunog ng sirena. Naramdaman ko na lamang ang pagbuhat ni Xi sa akin. 

"Stop crying Gab, I'm here." dinig kong sabi niya.

Inihiga niya ako sa stretcher at ipinasok na sa loob ng ambulansya. Kinabitan ako ng oxygen mask ng nurse. Natatakot ako, Ayaw ko pang mamatay, Inabot ko ang laylayan ng damit ni Xavier ayaw kong maiwan mag isa roon. Napatingin siya sa akin, inalis niya ang pagkakahawak ko sa damit niya. Akala ko ay iiwan niya ako but instead I felt him hold my hand with both hands. Naramdaan ko ang pag andar ng ambulansya.

Nagsimulang bumigat ang mga talukap ng mata ko, nahihirapan pa rin akong huminga. Naririnig ko ang boses nila ngunit wala akong maintindihan sa mga 'yon. Nakatingin lamang ako sa ilaw ng ambulansya. Sinusubukan kong panatilihing nakabukas ang mata ko ngunit di ko iyon magawa. Bigla na lamang nagdilim ang buong paligid.

Pagmulat ko ng aking mata ay puro puti lamang ang nakita ko.

Nasa langit na ba ako? Pero paano ako mapupunta sa langit eh hindi naman ako mabait.

Saka ko lang napagtanto na nasa hospital nang makita ko ang kamay kong sinaksakan ng Dextrose.

"Anong nangyari?" tanong ng isang lalaki.

Pamilyar ang boses na iyon kaya hinanap ko ang pinagmulan niyon.

"The doctor said it was anaphylaxis, They gave her two shots of epinephrine, they are just monitoring her vital signs. But she's out of danger now." Sagot naman ng isa.

"I'm sorry, I didn't know she has an allergy,"bakas sa boses niya ang guilt.

Kung di ako nagkakamali ay kay Kuya Migz at Xavier ang mga boses na iyon, nakita ko silng nakatayo sa tapat ng pintuan.

"Ayos na 'yon, it's not your fault. Let's just be thankful that she's out of danger now."

Sinubukan kong umupo itunukod ko ang siko ko sa kama para makaupo, narinig at nila ang pag lagitgit ng hinihigaan ko kaya napalingon sila sa akin. Agad naman silang lumapit sa akin si kuya. Umupo sa bakanteng upuan sa tabi ng kam ko si kuya,  si Xavier naman ay lumabas muna.

"Gabriela okay ka na ba? Humiga ka muna." Nag-aalala pa ding sabi ni kuya.

"Okay na ako kuya," I assured him.

Bumalik si Xavier at may kasama na siyang nurse at doctor. Tsaka lumapit sa akin at umupo sa isa pang bakanteng upuan.

"Okay ka na ba Hija? ako nga pala si Doctor Tan." Nakangiting sabi nito.

"Okay na po," sagot ko.

"Ano po bang nangyari?" tanong ko.

"What you experience is dyspnea due to anaphylaxis, a kind of allergic reaction."paliwanag niya kahit di ko naiintindihan ang mga iyon ay tumango na lamang ako.

"Pero dati naman nagkaka-rashes lang ako kapag nakakain ng chocolate," pagbibigay alam ko.

"The reaction changes from time to time. You also have a low blood pressure, we will monitor you until we make sure you're okay." explain niya sa akin.

"Okay po."

"You need to carry two shots of epinephrine all the time and try to avoid eating chocolate."

Di ko na siguro kailangan no'n wala naman na akong balak pang kumain ng chocolate sa future.

"Yes doc."

"For now nurse Carlo will take care of you," sabi nito.

Nabaling naman ang tingin ko sa nurse na katabi niya, in fairness cute siya. 'Yun pa talaga napansin ko.

"Okay, thank you po," sabi ko.

Pagkatapos nu'n ay lumabas na ito para siguro mag rounds. Lumapit naman sa akin si nurse Carlo at chineck ang aking vital signs. Pagalis nito ay mulng lumapit sa akin at si kuya.

"Buti na lang talaga at okay ka na," sabi sa akin ni kuya.

"Hindi ka galit kuya?" tanong ko.

"No, I'm just thankful na okay ka na. Bakit kasi di mo napigilan ang katakawan mo?" tila nang-aasar pang sabi niya.

"Malay ko bang may cocoa yung red velvet na yun, akala ko strawberry flavor yun kasi red. Tsaka akala ko ba di ka galit?" tanong ko.

"Haay naku, buti na lang nadala ka agad sa hosital ni Xavier." Nagawi ang tingin ko kay Xavier na di ako magawang tignan.

"Uhmm ilang oras na akong tulog?" tanong ko.

"Five hours," sagot niya at di pa rin ako tiningnan.

"Hala ka! madaling araw na, umuwi ka na Sir may pasok ka pa mamaya," sabi ko.

"I told you not to call me sir, when we're not in the office." Sa wakas ay tiningnan niya na rin ako.

"No, I'll stay here with you."