Chereads / My Two First Kiss / Chapter 15 - Chapter 14

Chapter 15 - Chapter 14

Kung dati haggard na akong dumadating sa office, feeling ko ay mas haggard pa ako ngayon. Di kasi ako nakatulog ng maayos kaiisip sa nangyari sa office kagabi. Panay ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa tuwing naaalala ko ang sandaling muntik ko ng halikan si Nick. Iba ang pakiramdam niyon di tulad nung gabing hinalikan niya ako sa club at nakainom. 

May kakaiba sa kung paano niya ako tinitigan kahapon at muntik na akong raydurin ng sarili kong katawan. Ayaw ko man aminin ngunit sa mga oras na 'yon ay nagawa niya akong maakit sa mga titig niya.

Langyang Pakboy siya!

Nagpapasalamat talaga ako sa Message tone at sa pag message ng boss ko. 'Don't Kiss him' yan ang laman ng message niya sa akin, ibig sabihin ay nakita niya ang mga pangyayari kagabi. Dapat na ata akong magpakabait sa kanya dahil dun. He saved me by sending a message, pwede naman siyang pumasok noon at sigawan ako ng ' Hoy, Silang h'wag kang malandi. He is more like that.

Halos buong araw ko na iyong iniisip, hindi pa ako makapag-kwento kay Donna dahil sigurado akong ibubugaw lang ako ng baklang 'yun. 

Natapos ang aking pag mumuni-muni nang mag-ring ang telepono ko sa office. Umehem-ehem muna ko bago iyon sagutin.

"Hello good morning, Gabriela spea--" 

"Let's talk," putol ng kausap ko sa kabilang linya.

Hindi ko na kailangan tanungin kong sino 'yun, ibinaba ko agad ang telepono saka ako pumasok sa loob ng work area ng boss ko.

"Sir, ano po yun?" tanong ko habang papalapit sa desk niya.

"Have a seat," seryosong utos niya sa akin.

Ginawa ko ang sinabi niya at umupo sa sa upuan na nasa harap ng desk niya.

Kinuha niya ang remote ng blinds pinindot iyon upang bumaba ang blinds sa opisina niya.

Bakit ganun, di naman ako ganito kapag pinapatawag niya ako pero kinakabahan talaga ako ngayon. Pakiramdam ko anumang oras ay mabubulyawan niya ako. Napayuko na lamang ako at hinanda ang aking sarili.

"Do you have another schedule for turn-over later?" tanong niya sa akin.

"Yes sir," kumpirma ko.

"I changed the time of your turn-over, you can do it an hour after the lunch break tomorrow, you don't have to do it today."

Napatingin ako sa kanya dahil sa narinig ko, natuwa ako dahil di na ako kakabahan na maiwang mag-isa kasama si Nick. Ayokong mag-assume pero tingin ko ay ginawa niya iyon dahil sa nangyari sa kagabi.

"Noted sir, and thank you." di ko napigilan ang mapangiti.

"Don't thank me, we might have a meeting after working hours. And the turn over might interfere with that," sabi niya.

"Yes sir, but still thank you. Especially last night, you saved me sir,"

"Tss!" sabi niya tila naiirita.

"You're thanking me for saving you from kissing Nick?" I heard sarcasm in his voice.

Muli akong napayuko at napakagat sa aking ibabang labi.

"You should've seen yourself," sabi niya pa.

"Sorry," hingi ko ng paumanhin. Saka ko lang naisip na mali ang nangyari kagabi di dapat ako ngpadala sa nararamdaman ko.

"You're flirting at work, you can do that outside or anywhere else."

Sorry na nga eh,galit nagalit ka pa diyan.

"What happened to you Silang? This isn't like you."

Napatingin akong muli sa kanya nang marinig ang palayaw na iyon. Nakatingin siya sa akin habang magkasalubong ang kilat at nakahalukipkip ang mga braso.

"I even saw how you punched his face when he took advantage of your drunkness, why didn't you do that last night?"

Pakiramdam ko ay disappointed siya sa nangyari.

"You we're even shocked and pissed when he appeared in the office," galit pa rin na sabi niya.

"Was it all an act?" tanong niya.

"No, sir I was really pissed that time," dipensa ko.

"That time?" parang may gusto siyang ipahiwatig sa sinabi niya.

"So you mean you're not last night?" paglilinaw niya. 

"Hindi sa ganun sir." Di ko talaga alam ang sasabihin ko sa kanya.

"Ano 'yun kung ganun?"

Nabigla ako sa narinig, nanagalog siya. Isa lang ang ibig sabihin nun, galit talaga siya. Pakiramdam ko ay nanunuyo na ang lalamunan ko sa kaba, para niya akong lalamunin ng buhay.

"He is not even you boyfriend and you almost kiss him." Pailing-iling na lamang siya.

"So, I can kiss her anytime If I am his boyfriend?" 

Natigilan kami ng may magsalita, pareho kami ng boss kong napatingin sa likuran ko. Bakit ba bigla-bigla na lang sumusulpot ang kabuteng ito. 

"Who allowed you to come in?" Nakataas ang kilay na tanong niya, tila di natuwa sa nakita.

"Myself I guess," nang-aasar pa na sabi ni Nick.

Nagtagisan sila ng tingin, pakiramdam ko ay ang bigat ng paligid.

Pwede na kaya akong umexit? 

"What's wrong if we kiss?" tanong ni Nick na nakalapit na sa amin.

Bwisit!

Napayuko na lamng ako ulit dahil sa kahihiyan.

"It's wrong if there is no love in it." Di ko inaasahan na iyon ang sasabihin ng boss ko, akala ko ang sasabihin niya ay dahil nasa loob kami ng trabaho naglalandian.

"I can just make her fall in love with me" casual na sabi ni Nick. Napataas na lamang ako ng kilay sa sinabi niya.

Wow! Petmalu! Lodi! Werpa!

"Don't say it like it would happen in just a snap of your fingers."

"Gab your heart is beating fast right now, am I right?"

Kanina pa mabilis tumitibok ng mabilis ang puso ko dahil sa kaba, sa takot, at dahil tense ako. Baka may sakit na talaga ako sa puso. Kapag sumang-ayon ako sa sinabi niya baka isipin niyang dahil sa kanya yun.

"Hindi yun dahil sayo," paglilinaw ko at hinarap siya.

"Should I teach you again later." Meron na namang nais ipahiwatig ang mga ngiti niyang iyon.

"Sorry, but she couldn't besides the turn-over schedule was changed," sagot sa kanya ng boss ko.

"Should I teach you somewhere else?" makahulugan niyang tanong sa akin.

Takte!

"She's not going anywhere with you," sabi ng boss ko.

"She's not saying anything," sabi naman ni Nick.

"Stop implying things on her!" Bigla siyang napatayo at hinampas nang malakas ang ibabaw ng mesa niya, nagitala ako sa ginawa niyang iyon.

"Who do you think you are?" tanong ni Nick sa kanya.

"I'm her boss, and you are?" tanong naman ng boss ko kay Nick.

"I'm the reason why her heart beats fast."

Ngayon pa talaga niya nagawang bumanat? Assumero din ang isang 'to.

"You're bad for her health then."

Boom! Basag!

Para akong nakikinig sa fliptop battle na medyo class habang nagpapalitan sila ng mga salita. 

Bigla na lamang tumunog ang cellphone ko. Nakakatawag pansin iyon dahil weird ang tunog niyon, it was vitas' 7th element.

Sa tuwing naiipit ako sa ganitong sitwasyon ay nililigtas ako ng mga weird kong tones sa phone. Hinugot ko ang cellphonephone ko mula sa bulsa ng blazer ko. Tinigna ko iyon at in-off ang alarm, napatingin din ako sa orasan sa dinding. Tumayo na ako mula sa pagkaka-upo ko.

"Sir, tapos na ang office hours mauuna na ako sa inyo." paalam ko, nais ko lang talagang makalas na roon.

"No, Wait for me in front of the entrance, I'll take you home."

Napatingin na lang ako sa kanya at tumango.

Nilagpasan ko na lamang si Nick nakatingin pa rin sa boss ko ng masama. Kinuha ko lamang ang mga gamit ko sa desk ko, noon ko lang din napansin na andoon pa ang mga pinamiling damit ng boss ko sa akin. Di ko alam kung iuuwi ko ba ang mga yun o hindi. Nagpasaya akong iwan na lamang 'yun, bago tuluyan lumabas ay sinilip ko muna ang boss ko at si Nick sa loob ng office ng boss ko. 

Pagkatapos ng sampung minuto ay saka huminto harap ko ang sasakyan ng boss ko. Bahagya niyang ibinaba ang bintana ng kotse niya at sinenyasan niya lang ako na pumasok sa loob. Sa backseat sana ako papasok pero nakasara ang pinto 'nun kaya sa passenger ako umupo.

Limang minuto pa lamang kaming nasa biyahe ay naaasiwa na ako sa katahimikan, nagpasya akong basagin iyon.

"Sir galit ka pa din?" tanong ko.

"Don't call me sir, wala tayo sa office."

"Galit ka nga," kumpirma ko.

"Why did you say so?" takang tanong niya ngunit diretso pa rin ang tingin sa kalsada.

"Nanangalog ka sir, ginagawa mo lang 'yan kapag galit ka na," paliwanag ko.

"You even noticed that." he smirked.

"Enough with the sir," dugtong niya pa.

"Anong itatawag ko sa'yo? Bossing?"

"Not funny,"

"Xixi?" alangang tawag ko sa kanya

"Xixi? Where did you get that?" Tila di niya nagustuhan iyon.

"Wala lang, bigla lang pumasok sa isip ko cute naman ahh." 

"Hirap mo bigyan ng nickname, gusto mo X-men na lang itawag ko sayo?"reklamo ko sa kanya.

Bigla siyang natawa.

"They actually call me x-men in grade school. I thought it was cool back then," kwento niya.

"So 'yun na lang itatawag ko sayo?" tanong ko.

"No, it's not cool anymore," mabilis na tanggi niya.

"Eh di Xixi na lang." Pagpupumilit ko sa unang kong naisip na palayaw.

"Just Xi."

Tingin ko ay X at I ang spelling nun but he pronounced it as letter Z.

"Are we friends now? Alam mo na friends lang nagbibigay ng nicknames?" tanong ko.

Alam ko kasi only friends could give you nicknames, siyempre mamaya assumera lang pala ako na  magkaibigan na kami.

"You can take it that way." Bahagya siyang nangiti ngunit agad din iyong binawi.

"Uhmm Xi, bakit ka galit kanina?" alangang tanong.

Bahagyang nagsalubong ang kanyang mga kilay.

Gabriela wrong move ka!

Napabuntong hininga siya at muling nagsalita.

"I'm disappointed," tipid niyang sagot.

"At bakit? dahil ba yun sa nakita mo kagabi?" tanong ko.

Umiling siya at tila naasiwa sa tanong.

"I'd be lying if I say no," sagot niya sa akin.

"Ako din naman disappointed sa sarili ko," pag-amin ko.

"And why?"takang tanong niya.

" Hindi ko alam bakit ganun ang naging ko  reaction sa ginawa niya, gusto ko nalang magpatiwakal kapag naaalala ko ang inasta ko."

"Are you starting to like him?"

"Wala ako balak gustuhin siya pero kasi..."

"But what? You find him attractive?" tanong niya na tila nabasa ang nais kong sabihin.

Napatango na lamang ako.

At napatingin sa kanya, saglit akong nakakita ng kalungkotan sa mga mata niya.O baka imagination ko lang yun.

"That guy, I really don't know what he's up to," biglang pagsasalita ng boss ko.

"But please don't start liking him." dugtong niya pa.

"Bakit?" tanong ko.

Malamang ay may dahilan siya para sabihin iyon.

"I just don't like the idea."

Di ko alam pero parang na disappoint ako sa naging sagot niya.

Ahhh.... assumera ka Gabriela.

Casual lang ang naging paguusap ngunit natuwa ako dahil parang concerned siya sa akin. Not bad for our first day of being friends.