Chereads / Fourteen-Day Paradise / Chapter 10 - CHAPTER 8

Chapter 10 - CHAPTER 8

Day 8

MAAGA PA LANG AY GUMISING na ako at naghanda ng mga gamit na dadalhin sa one vacation na ito.

Nagkasundo kami nung babae na kailangan ko syang samahan sa lahat ng pupuntahan nya kapalit ng 20k money for the whole week of service. Kaya ito at pang isang linggo'ng gamit na ang dala ko.

Sa totoo lang, hanggang ngayon hindi ko pa rin mapaniwalaan na may ganon sya kalaking pera. Tapos sa Masbate pa nya nais mag bakasyon.

Saan ba naggagaling ang perang ipapanggastos nya para lang sa bakasyon na 'to?

Bakit parang sa bakasyon nya na 'to inuubos ang lahat ng pera nya?

Madaming araw pa naman ang dadaan at sa mga araw na iyon pwede syang magbakasyon pero bakit parang huli na ngayon?

Tsk.

"Hindi ba talaga ako pwedeng sumama, Kuya Akie? Bakasyon naman yon eh." nakasimangot na tanong ni Ayes habang pinapanood akong mag impake ng gamit.

Kahapon pa nya yan tinatanong sa akin. Mula ng malaman nyang magba bakasyon ako kasama nung babae ay hindi na nya ako tinantanan ng kakatanong kung pwede ba syang sumama.

Napapabuntong hininga akong umiling dito. "Hindi naman yung bakasyon ang ipupunta ko doon eh. Trabaho yon, Ayes. Trabaho." may pagpapaunawa kong sagot dito. Mas lalo lang itong sumimangot sa akin.

Naiiling na ginulo ko ang buhok nito at saka sya inakbayan palabas ng kwarto ko. Dumaretso kami sa kwarto nung babae at ilang beses na kumatok. Sandali pa kaming naghintay bago tuluyang lumabas yung babae bitbit ang isang maleta at isang maliit na shoulder bag.

"Let's go?" nakangiti nitong bungad sa akin.

Tanging tango lang ang isinagot ko dito at saka kinuha dito ang bitbit nyang maleta. Nginitian nya lang ako at saka naunang naglakad kasabay si Ayes na kinukulit sya kung maaari ba syang sumama.

Sa Masbate ang target destination namin. Sa LV Hotel and Resorts kami tutuloy sa Masbate City at sa loob ng pitong araw ay lilibutin namin ang buong probinsya.

Yun nga lang.. sa halip na eroplano ang sasakyan namin ay mas pinili nyang mag bus mula Turbina Bus Terminal dito sa Calamba, Laguna hanggang Bicol Region daretsong Masbate. 16 hours bus trip yon mga tol. 16 hours akong nakaupo lang sa bus! Ansakit non sa pwet.

Ngayong umaga ang byahe namin. Mula 5 ng umaga hanggang 9 ng gabi. Mabuti na lang talaga at wala akong planong kausapin sya kaya pwede pa akong matulog sa byahe. Wala naman kasi talaga akong sasabihin sa kanya.

Sa Masbate Bus Terminal kami bababa at mag aarkela ng tricycle na syang maghahatid sa amin sa LV Hotel. Tapos tulugan na!

Naiiling na sumunod na lang ako sa kanila. Nang makababa kami ay nandoon na ang tricyle na magdadala sa amin sa Turbina Bus Terminal maging sila tita at Dream.

"Mag iingat kayong dalawa doon. Wag pababayaan ang mga sarili." bilin ni tita at saka bumalin sa babae. May ibinilin ito doon na hindi ko naman masyadong naintindihan kaya ipinagsawalang bahala ko na lang.

Isinakay ko na sa tricyle ang mga gamit. Sa loob ng maleta niya habang sukbit ko lang ang bag ko. Naiiling na sumakay ako sa likod sa tabi ng driver at doon na lang sya hinintay.

"Mag iingat kayo ha? Akie!" tawag sa akin ni tita. Walang buhay ko itong binalingan ng tingin. "Bantayan mo itong si Zetia. Hindi sya pwedeng mapagod ng mapagod. Ang mga ipinagbilin ko sayo.. wag mong kalilimutan." bilin pang muli ni tita na tinanguan ko lang.

Yumakap pa muna ito sa babae bago ito inalalayang sumakay sa loob. Ako naman ay sinenyasan na si kuyang driver. "Sa terminal na tayo, bossing."

Tahimik kaming bumyahe pa terminal. Sandali nga lang eh kasi sa Calamba lang rin naman kami nakatira.

Walang imik akong kumilos sa tabi niya. Ibinaba ko na ang maleta niya at saka sya hinintay sa tapat ng bus na sasakyan namin. Nakabili na sya kahapon pa ng ticket namin.

Hindi ko alam kung pano nya nagawa yon pero nakabili talaga sya. Kaya ito.. daretso na kami sa bus na nakaparada na syang magdadala sa amin sa Masbate.

"Bumili ka muna ng makakain natin para hindi tayo magutom habang nasa byahe. Ayokong bumaba mamaya.. hassle masyado." sabi ng babae at saka ipinikit ang mga mata niya.

Wala sa sariling na pairap na lang ako. Ibinaba ko muna ang maleta nya sa harap nya at saka walang buhay na bumaba muli ng bus upang bumili ng pagkain sa malapit na mini mart.

Bwisit na buhay. Bakit kasi sya pa ang makakasama ko sa isang linggong bakasyon na 'to eh. Pahirap masyado.

Tsk.

TAHIMIK AKONG NAUPO SA ASSIGNED seat na para sa akin. Masyado kaming napaaga. Iilan pa lang kami ngayong nandito sa loob ng bus pero wala na akong pakialam doon.

Gusto ko lang talaga na mangyari ang mga bagay na nais kong gawin bago ako mawala sa mundong ito.

At magagawa ko lang iyon kung wala ako sa ospital at nakaratay lang. Naghihintay na tuluyang malagutan ng hininga.

Ang totoo nyan.. biglaan lang ang bakasyon na ito. Ng malaman ko sa doctor ko na may isang linggo na lang na itatagal ang bago kong puso na ito.. naisipan ko ng maglayas at gugulin ang natitira kong panahon sa pagpuno ng masasayang memories sa isip ko.

Oo.. bagong puso. Last year.. month of May.. I undergo heart transplant surgery. At first.. it went well. Pero nung lumabas ako ng ospital.. nagsimula na naman syang manakit ng sobra.

And then few weeks later, we went back to the hospital.. explaining what's going on with my new heart.

The doctor said na my body's rejecting my new heart. That's the reason why I'm experiencing that kind of excruciating pain.

And up until now.. my dad's looking for a heart donor. Marami sana noon.. but they're always refusing my dad's offer. That's why I'm here.. fulfilling my fantasies.

I really want to end my life with a smile on my face. I want to leave this world with a happy mind and soul. I won't let this disease eats me alive. I will fight.. if that's what I'm doing right now.

Tsk.

I'm risking my life, I know. Travelling for 16 hours is really risky for me. Para akong tatawid ng kabilang parte ng mundo sa tagal ng byahe ko. But I want to take the risk. I know I'll survive. Besides.. may bus stops naman kaming madadaanan. I can calm myself when we reach that bus stops.

But as of now.. I badly needs breakfast. I woke up late kanina at sa sobrang pagmamadali ko.. nakalimutan ko ng kumain.

Idinahilan ko lang talaga kanina na para may makain kami sa byahe. I need to do that kung gusto ko syang mapasunod.

Nakangiti akong sinalubong ang mga mata nya ng makita kong paparating na sya. Bitbit ang dalawang white plastic bags.. naupo ito sa tabi ko at saka iniabot sa akin ang mga pagkain.

"Thanks." pasasalamat ko at saka naglabas ng pera pambayad sa mga ginastos niya. Iniabot ko iyon sa kanya ngunit tiningnan lang nya ako ng may pagtataka. "Bayad ko. Thanks for the food." nakangiti kong sabi dito.

Nagtataka man ay inilingan naman ako nito. "No need. You already pay for my ticket. That's my payment."

"Ohh.. okay. Edi thank you." tatawa tawa kong sagot at saka nagsimulang lantakan ang mga pagkaing nasa unang plastic.

I thought biscuits or kahit na anong chips ang bibilhin nya. But he actually bought rice with ulam. Nasa styro tupperware ang pagkain. And I'm thankful na rice ang binili nya. At least di na ako magugutom sa byahe.

Hindi ko pinansin ang paninitig nya sa akin at nagpatuloy lang sa pagkain. Wala ng paki paki sa paligid kapag gutom ka na talaga.

"Hindi ka ba kumain ng agahan? Grabe ka." tila hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Zariah. Ang lalaking pinaglihi yata sa sama ng loob. Tsk. "Oh sandali naman! Magdahan dahan ka aba. Pag ikaw nabilaukan.. tingnan lang natin kung hindi ka magngangawa dyan." reklamo nito.

Napasimangot na lang ako sa sinabi nito. Dinahan dahan ko ang pagkain sa takot na mabilaukan tulad ng sinabi niya. Alam ko namang may kasamang tubig 'tong binili nyang pagkain pero syempre diba.. prevention is better than cure.

Saktong pagkatapos kong kumain ay paalis na ang bus na sinasakyan namin kaya naman agad kaming umayos ng upo. Itinabi ko na ang pinagkain ko at saka inilabas ang earphones at cellphone ko.

Balak kong matulog lang buong byahe. Kakain pag gutom at saka matutulog ulit.

At yong ang mangyayari sa buong byaheng 'to.