WARNING:
Ang programang ito ay rated SPG. Striktong patnubay at gabay ng magulang ang kailangan.
Maaring may Maseselang Tema (T), Lenggwahe (L), Karahasan (K), Seksyuwal (S), Horror (H) o Droga (D) na hindi angkop sa mga bata.
~~β’~~
ISANG MALAKING WARNING!
WARNING!
π₯π₯π₯π₯
Day 13
3: 56 p.m
NAIILING NA NAPALAKAD AKO PABALIK ng kwarto ko. Kanina pa ako hindi mapakali. Pabalik balik sa kwarto ko at hindi maisip kung ano ang dapat gawin.
Kaninang umaga kasi paggising ko.. naabutan ko syang nakaupo sa tabi ng kama ko. Umiiyak sya at mukhang may problema na namang naisip kaya kamuntikan na naman syang atakihin ng asthma nya. Mabuti na lang at napatahan ko sya. Pero matapos non.. matapos nyang tumahan mula sa pag iyak nya.. b-bigla na lang nya akong sinunggaban ng halik.
Syempre pinigilan ko sya. Hindi naman tama yon at saka may respeto ako sa kanya. Masamang hinahalikan ang lalaki lalo na paggising sa umaga dahil may nagagalit talaga. Hindi man ako yon.. basga may nagagalit!
Nakakahiya naman kung mas mauuna pa akong bumigay sa kanya samantalang sya yung babae sa aming dalawa. Mula ng umagang yon.. hindi na nya ako pinansin at maghapon na syang nagkulong sa kwarto nya. Lumabas lang sya sandali kanina para kumain ng tang halian pero matapos niyon ay bumalik din agad sya sa kwarto nya at hindi na lumabas pa. Hanggang ngayon.
Nag aalala na ako. Baka kung anong mangyari sa kanya habang nakakulong doon. Baka atakihin na naman sya ng sakit nya at dahil naka lock ang pinto ay mahihirapan syang humingi ng tulong.
Nag aalala din ako na baka na offend ko sya dahil sa pagtangging ginawa ko kanina. Alam ko at nakita ko sa mukha nya ang pagkapahiya matapos ko syang ilayo sa akin.
Ano ba kasi ang dapat kong gawin?! Ayokong samantalahin ang kahinaan niya bilang babae at hinding hindi ko sya gagalawin hangga't wala ang apelyido ko sa pangalan niya. Hindi ako ganong klase ng lalaki.
Nagdadalawang isip akong tumayo sa harap ng pinto ng kwarto niya. Pinag iisipan kung kakatok ba ako o hahayaan na lang syang mapag isa.
Kaso nag aalala talaga ako eh! Pano kung hindi pala sya okay tapos sa sobrang panghihina nya.. hindi na nya magawa pang humingi ng tulong sa akin. Baka nag hihingalo na yon sa loob ah! Naku!
Dahil sa naisip na scenario ay agad akong lumpait sa pinto at sunod sunod na kumatok doon. "Tia?! Ayos ka lang ba?! Zetia? Ate you okay? Open the door please." sabi ko dito ngunit wala akong natanggap na sagot. Tanging mahinang paghinga lang ang naririnig ko sa loob at ang tila lagaslas ng tubig mula sa banyo.
Anong ginagawa nya? Nliligo ba sya? Naghihilamos ng mukha?
Teka! Baka nagpapakalunod yon ah!
Fuck!
"Zetia! C'mon, babe! Open this goddamn door! Pag hindi mo 'to binuksan.. sisiraan ko 'to! Bibilang lang ako ng tatlo!" banta ko dito saka ako lumayo ng medyo malayo. Kailangan kong bumwelo kung gusto komg masira ang pinto at mabuksan iyon.
Saka ako nagsimulang magbilang. "One!"
Ngunit wala pa ring magbubukas ng pinto. Mukhang hindi yata nito naririnig ang pinagsisigaw ko.
Pero kailangan kong malaman kung ayos lang ba sya!
"Two!" pagpapatuloy ko pa.
Inihanda ko na ang aking sarili sa pagsipang gagawin ko. "Last na bilang na, Zetia! Sisipain ko na ang pinto kapag hindi ka pa lumabas dyan!" bilin ko pa bago ako tumakbo palapit sa pinto. "Threββ" nabitin sa ere ang pagbibilang maging ang paa ko ng bigla na lang bumukas ang pinto at iniluwal nito ang bagong ligong si Zetia.
Nanlalaki ang mga mata nyang nakatingin sa akin at sa paa kong muntik ng tumama sa mukha niya. Natataranta ko iyong ibinaba at saka siya nilapitan at sinipan ang kabuuan niya. "Ayos ka lang ba? Wala bang masakit sayo? Wala ka bang sugat? Hindi ka nahihirapang huminga? Ano?! Sagot!"
Nagitla ito sa bigla kong pagsigaw. Mukhang hindi nya inaasahang mapagtataasan ko sya ng boses. Well.. kahit naman ako. Lintik!
Wala sa sarili itong tumango sa akin at saka nagtatakang tumingin sa akin. "Ano bang nangyayari sayo? Walang masakit sa'kin. Wala rin akong sugat at maayos rin ang paghinga ko. Ba't ka ba nagkakaganyan?"
Nakahinga naman ako ng maluwag sa isinagot nyang iyon. Naiiling na naupo ako sa back rest ng sofa. "Akala ko kasi kung anong nangyari sayo. Maghapon ka kasing hindi lumabas ng kwarto mo mula nung.. n-nung nangyari yung kanina." I stuttering answered her. Napabuntong hininga na lang ako. "I'm glad you're okay. Pasensya ka na nga pala sa ginawa ko kanina. Ayoko lang naman kasi na mabastos kita kaya ko ginawa yon. I hope you understand." naiilang na sabi ko pa.
Magmamaktol na sana ako maghapon dahil sa hindi nya pagpansin sa akin pero agad iyong nabura sa isipan ko ng marinig ko ang mahinang pagtawa nya.
I didn't know na pwede palang maging ganito kaganda ang pagtawa ng isang babae?
Iba talaga pag in love. Nahihibang na.
Tsk.
WALA AKONG NAGAWA KUNG HINDI ANG TAWANAN na lang ang kainosentehan niya. Sino ba talaga ang babae sa aming dalawa? Bakit kung umakto sya eh para sya ang mas dehado sa ginawa ko kanina.
Eh mukhang nagustuhan rin naman nya eh. Pakipot lang.
To be honest.. I feel ashamed of what I did earlier. I kissed him senseless the time he woke up. And that's an ambush for an innocent guy like him. Mukhang ako pa nga ang first kiss nya eh. Hahahaha..
Naisip ko lang kasi.. since I'll soon leave this paradise.. I want to experience the most intimate scenario na nangyayari sa buhag ng isang tao. I wanna leave this life na pakiramdam ko kumpleto na ako kahit na sa ganitong edad lang matatapos ang buhay ko. I want to reach heaven kahit sandali lang.
Kahit na alam kong malaki ang magiging epekto non sa puso ko.
At sa lahat ng naiisip kong lalaki na pwede kong makatabi sa kama.. isa lang ang binibigyan ko ng pagkakataon na gawin iyon.
At sya yon. Si Zariah.
"Let me sleep with you." walang pasubali kong saad dito na mukahang ikinagulat nito. Nagdare-daretso ito ng upo pabagsak sa sahig habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. Natawa na lang ako sa itsura nya.
"Stop joking around, Tia. Napaka mapanganib ng ganyang klase ng biro. Nakakahibang kung biro nga talaga." pahina ng pahina nitong sabi at saka natatarantang tumayo. Hindi ito makapaniwalang nakatingin lang sa akin habang nakaturo ang isang kamay sa mukha ko. Ngumiti lang ako ng malawak sa kanya at saka nagsimulang humakbang palapit na sya namang naging dahilan ng pag atras niya. "W-wag kang lalapit sa'kin! Jusko! Patawarin ka nawa ng Panginoon! Napakapilya mong baba! No! Stop!" pigil nito sa akin habang atras naman sya ng atras.
Ako naman ay tawa lang ng tawa. Nangingiti kong hinawakan ang braso nyang kanina pa nakaturo sa akin at saka sya mabilis na hinila palapit sa akin. Ginaya ko lang amg ginawa nya sa akin kahapon.
Nakangisi akong dumukwang palapit sa kanya na sya namang ikinalaki ng mga mata nya. "Just tonight. Let me sleep with you. And then we're going home tomorrow. I promise." I whispered before capturing his lips.
I'm happy to give my everything to you. I love you, Zariah. Good night.