Day 14
HINDI KO ALAM KUNG MAIIYAK BA ako o magagalit sa mga nalaman ko.
Kasalukuyan ako ngayong nandito ngayon sa hospital sa Masbate. Matapos ng nangyari sa aming dalawa ni Zetia kahapon ay bigla na lamang itong nawalan ng malay. Ilang beses ko syang sinubukang gisingin pero hindi sya nagmumulat ng mata. At ng kapain ko anh pulsuhan nito ay wala akong maramdamang kahit na anong pulso. Kaya ng dahil sa labis na pagkataranta ay dinala ko sya sa ospital ng walang suot na damit maliban sa boxer shorts ko.
Nakakahiya man iyon pero mas nakakahiya na hindi ko man lang naalala na may sakit nga pala sya bago ako pumayag na matulog ng kasama sya. Kasalukuyan sya ngayong nakaratay sa hospital bed dito sa Agio General Hospital. Dito ko sya dinala.
Natawagan na ang daddy nya at maya maya lang ay darating na ito para sunduin kami. Nakausap ko na rin ang doctor na nag check sa kanya at hindi ko malaman kung paniniwalaan ko ba ang sinabi nyang resulta sa akin.
Zetia's dying.
It was a sudden venticular fibrillation. Her heart abnormally pumps blood. Mas mabilis kesa sa normal na pagpa pump ng puso sa dugo. I really thought na wala na sya sa akin pero mabuti na lang at nadala ko agad sya dito sa ospital. Naagapan ang mas malala pang maaaring mangyari sa kanya.
Akala ko talaga noon asthma lang ang sakit nya. Akala ko kaya lang sya nahihirapang huminga kasi may asthma sya. Pero mali pala ako.
May sakit sya sa puso. Dilated cardiomyopathy ang sabi ng doctor at kailangang kailangan na nitong madala sa ibang bansa para makapag paopera sya. She needs to undergo heart transplant surgery. Kung hindi ay baka tuluyan ng bumigay ang puso nito.
At sobrang nag aalala na ako ngayon pa lang. Sobrang nag aalala ako sa maaaring mangyari sa kanya. Nag aalala ako sa kanya.
Natatakot ako na baka hindi nya kayanin ang byahe. Baka hindi kayanin ng puso nya ang surgery at baka hindi pa man natatapos ang operasyon ay tuluyan na iyong bumigay.
Natatakot akong mawala sya sa akin.
"Wake up, babe. I know you'll survive. I know you'll gonna make it. I'm just here. Hindi kita iiwan." naiiyak kong bulonh dito habang mahigpit na hawak ang kamay niya.
Kanina pa kami nandito. Madaling araw pa lang. Mabuti na nga lang at pinahiram ko ng damit ng isa sa mga staff ng hospital dito eh. Kung hindi baka kanina pa ako nagkasakit sa sobrang lamig.
Agad na umikot ang ulo ko at bumaling ng tingin sa pinto ng bigla iyong bumukas. Doon bumungad ang isa sa mga mukhang hindi ko inaasahang makita dito.
Natataranta itong lumapit sa kama sa tabi ni Zetia. Naiiyak na tiningnan ang dalaga at saka ito niyakap ng mahigpit. Akala ko ay hindi na ako nito papansinin ng bigla na lamang itong nag salita.
"What happened to her? Did she enjoy her vacation here?" naiiyak na tanong ng isa sa mga hinahangaan kong tao noon pa lang. Hindi ko sana ito sasagutin dahil hindi ko naman alam kung ako ba ang kausap nito ngunit bigla na lang itong tumingin sa akin. "Did she enjoy staying here alone? Did she enjoy her vacation?"
Wala sa sarili akong napatango dito. "Y-yes sir. She did enjoy her stay."
Malungkot itong ngumiti sa akin at saka tatango tangong muling bumaling sa kanyang anak. "I never thought she'll soon leave our house and travel alone. In this kind of place." Sabi nito at saka mahinang natawa. "C'mon young man. Iuuwi ko na ang anak ko. Kailangan ko pa syang dalhin ng America para maipagamot sya."
Tulala akong napatango dito. I didn't know na anak pala nya ang babaeng mahal ko. Nakakatuwa namang isipin ang ang dalawang taong hinahangaan ko noon ay kaharap ko na ngayon at minahal ko pa ang isa sa kanila.
Tahimik lang akong sumunod dito. Inilipat na sa stretcher si Zetia at saka iyon dinala kasunod namin. Sa roof top yata kami pupunta. Yun kasi ang pinindot na button ni Mr. Moore.
Walang imik akong tumayo sa gilid. Wala ng pake kung maiwan man sa hotel ang mga gamit ko. Basta maiuwi lang namin ng ligtas si Zetia. Mas mabuti iyon kesa sa mga naiwan kong gamit.
"Ikaw si Azariah Keaton diba? Yung bago naming writer?" biglang tanong ng ama ni Zetia.
Oo. Sya ang ama ni Zetia. At sya rin ang boss ko na syang may ari ng ZM Publishing Company kung saan na publish ang libro ko.
Tipid akong ngumiti dito at saka sya tinanguan.
"And you're my daughter's boy friend?" dagdag na tanong pa nito na ikinagitla ko. Nanlalaki ang mga mata ko syang binalingan ng tingin na ikinatawa naman nito. "I mean kaibigang lalaki. Boy friend." Tatawa tawa nitong tanong.
Nakahinga ako ng maluwag ng linawin nya ang bagay na iyon. Akala ko naman ay intimate relationship ang tinutukoy nya.
Hay nako.
"I am, Sir." Mahina kong sagot dito at saka tipid na ngumiti.
Nakangiti naman syanh tumango sa akin. "I'm happy na may naging kaibigan pala ang anak ko. At isa ring magaling na writer ang naging kaibigan nya." masaya man paraan ng pagsasalita niya ay malungkot naman ang emosyong sinisigaw ng mga mata niya. "She'd been suffering for almost half of her life because of heart disease. Her heart is weak. Sabi ng doctor nya.. nakuha nya ang mahinang puso dahil nagkaroon ng pagkataon na nagkasakit ang mommy nya noong ipinagbubuntis pa lang sya. Because of that, we didn't let her stay outside of our house. Palagi lang syang nasa loob. Hindi pwedeng lumabas sa takot na baka bigla na lang humina ang puso nya at bumigay iyon.
"Never in her life na nagkaroon sya ng kaibigan maliban kay Dream na minsan lang naman nya kung kausapin. Ngayon lang ako nakakilala ng kaibigan nyang nagawang tumagal ng isang linggong kasama nya sa klase ng ugaling meron sya. Nakakakilabot!" umakto pa itong tila natatakot na sabay naman naming tinawanan. Ngunit natigil rin ng seryoso itong numiti sa akin. "Thank you for assisting my daughter, Azariah. I really appreciate what you've done for her. I owe you a lot."
Ngumiti lang ako dito at saka sya hinayaang maunang lumabas ng elevator. Isinakay sa helicopter ang stretcher na kinahihigaan ni Zetia. Sumunod naman kami dito at naupo sa magkabilang tabi nito.
Kung noon na bus at ferry ang sinakyan nin, umabot ng 16 hours.. itong helicopter ay mahigit apat na oras lang ang itinagal sa himpapawid at agad ding lumapag sa helipad ng ZM company building.
"Umuwi ka na. Babalitaan na lang kita kung anong lagay nya sa oras na dalhin namin sya sa America." bilin ng matanda. Tumango na lamang ako dito. Sandali ko pang tinitigan si Zetia at saka napapabuntong hiningang bumaba ng helicopter. "Mag iingat ka, Azariah. Maraming salamat sa tulong mo." pahabol pa nito bago tuluyang umangat ang helicopter at umalis.
Malungkot naman akong nakamasid lang dito hanggang sa tuluyan iyong mawala sa paningin ko.
Magpagaling ka, Zetia. Hihintayin kitang bumalik sa akin. Hihintayin kita, Zetia.