Chapter Unknown
NAKANGITI AKONG SINALUBONG ang masayang mukha ng isa sa mga fans ko.
May pa book signing kami ngayong mga writers. Sampu kaming writers ngayon na nandito at nagpapasaya ng mga readers namin.
Ito na ang pang labing isang book signing na isinagawa ko matapos kong ilabas ang isa sa pinaka pumatok kong libro. Pinamagatan ko iyong 14 Day Paradise.
Tungkol iyon sa dalawa tao na nagkakilala sa isang simpleng paraan. Isang sikat na writer at isang nangangarap na maging isang sikat na manunulat. Nagkakilala sa isang masakit na dahilan. May sakit sa puso ang babae. Isang linggo na lang ang itatagal nya sa mundo at inilihim nya iyon sa lalaking una nyang minahal mula ng mabuhay sya sa mundong ito. Nagkakilala at natutunan nilang mahalin ang isa't isa sa loob lang ng dalawang linggong pagsasama. At matatapos sa isang napakagandang katapusan.
Oo.. tungkol nga sa amin ang kwentong isinulat ko. Mula umpisa hanggang dulo. Lahat ay totoomg nangyari. Lahat ay totoonv naganap.
"Pa autograph po, idol! Ang galing nyo po." masayang sabi ng isang pamilyar na tinig.
Hindi ko naiwasang mapangiti ng magtama ang mga mata naming dalawa. "My pleasure.. idol."
~~THE END..~~
๐ฅ๐ฅ๐ฅ๐ฅ
This is the ending. Hope you all enjoy reading ๐ Thank you for supporting this story.
Adiรณs, people.