Chereads / Fourteen-Day Paradise / Chapter 14 - CHAPTER 12

Chapter 14 - CHAPTER 12

Day 12

MAAGA KAMING UMALIS NG hotel. Gusto kasi nyang mapanood ang sunrise sa Faro de Punta Bugui also known as Bugui Point Lighthouse.

Nasa Sitio Bajo iyon sa Aroroy. Isa iyong maliit na coastal community kung saan kilala ang century-old na lighthouse na yon.

Based on my history class when I was in college.. Bugui Point Lighthouse was built in 1893 but has stopped in 1896. Americans took over the construction and they finished it to completion in 1902.

But sad to say that the lighthouse is already decommissioned and replaced by a newer one also erected on the same ground while the attached keeper's house is in ruins, neglected and abandoned.

Sabi sa amin ng professor namin noon, kung bibisitahin mo ito ngayon at pagmamasdan.. hindi mo na mababakas ang kalumaan nito. Wala ng historical landmarks sa lugar at maging ang original plate kung saan ito unang itinayo ay wala na rin.

Tanging ang nag iisa na lang nitong dahilan ang syang nagpapanatili ng kagandahan nito.

Ang gabayan ang mga barko.

Nakangiti akong bumaling ng tingin sa kanyang kanina pa pala nag aabang sa akin na lumabas.

Alas kwarto pa lang ng madaling araw at mamaya pang exact 5:38 a.m ang sunrise. Pero dahil may kahabaan ang byahe mula Masbate City papuntang Sitio Bajo ay kailangan talaga naming gumising ng ganito kaaga.

Sabi ko nga sa Port na lang ng Masbate sya manood kaso tumanggi sya. Mas maganda raw ang view doon lalo na at lighthouse iyon.

Nasa gilid iyon ng buong isla ng Masbte at nakatapat pa sa karagatan kaya napakagandang pagmasdan doon ng araw.

Yan lang naman ang idinahilan nya sa akin.

"Kuya.. narerentahan po ba itong motor ninyo? Pwede po ba kaming magpahatid sa Sitio Bajo? Don't worry.. we'll pay you naman po." rinig kong pakiusap nito sa may hindi katandaang lalaki na nakaabang sa sakayan na pinuntahan namin.

"Ay! Opo naman, madame! Ihahatid ko na po kayo ng kasama ninyo." nakangiti namang sagot ng lalaki dito at saka iniabot dito ang isang helmet.

Ngunit bago pa iyon abutin ng babae ay ako na ang naunang kumuha doon. Nagtataka nila akong binalingan ng tingin ngunit hindi ko iyon pinansin bagkus ay hinila ko sya palapit sa akin at ako mismo ang nagsuot sa kanya ng helmet.

"Next time.. wag basta basta ngingiti sa kung kani-kanino okay?" nakangiti at pabulong kong tanong dito. Bakas ang awtoridad pero hindi ko iyon pinansin at pinanatili na lamang ang tingin sa kanya. "I'm territorial, Miss Smiley Face."

Ngunit sa halip na seryosohin ay tinawanan lang ako nito. Naiiling na nauna akong sumakay sa motor sa likod ng driver.

I won't let her seat in between me and the driver. That's a big big no!

"I didn't know na joker ka pala. Sana sinabi mo sakin noon.. baka nagkasundo tayo ng mas maaga kesa sa inaasahan." tatawa tawa nitong bulong sa akin ng makasakay sya.

I just tsked and let her hug me from behind. Kailangan nyang kumapit kung ayaw nyang mahulog lalo na at sya ang nasa likod.

At ang isa pang dahilan kaya hinayaan kong sya ang sumakay sa likod. Kasi alam kong yayakap sya sa nasa unahan nya.

It's better to be me than this driver.

No way in hell I'll let her hug this guy. Ako lang.

Ako lang dapat.

BUONG BYAHE AKONG MAY masayang ngiti sa mga labi ko. Hindi kasi ako maka get over sa sinabi nya kanina.

"I'm territorial, Miss Smiley Face."

"I'm territorial, Miss Smiley Face."

"I'm territorial, Miss Smiley Face."

Territorial daw sya oh?! HAHAHAHAHA!

I didn't know na mabilis syang dapuan ng selos sa katawan. Sa gwapo nyang yan.. nagagawa pa nyang magselos sa ibang lalaki?

I didn't know na nagkagusto pala ako sa lalaking kasing possessive nya.

Yeah. May gusto ako sa kanya. At kahapon ko lang na realize ang bagay na yon. Ng damayan nya ako sa pinakamahinang point ng buhay ko.

Ang tunay na lalaki.. ka close man o hindi.. pag kailangan ng tulong ng babae.. hindi mag aatubuling tumulong at magpakita ng kabutihang loob.

Kahapon matapos nung banggaan.. umiiyak akong inuwi nya sa unit namin. Inatake kasi ako ng sakit ko at nahirapan akong huminga. Itatakbo na nga sana nya ako ng hospital pero mabilis akong umayaw at sinabing nasa unit ang gamot ko kaya agad nya akong dinala pa uwi.

Doon nya ako inalagaan. Hindi nya ako iniwang mag isa sa kwarto at natulog pa talaga ito sa sahig para lang mabantayan ako.

Ganon nya ako pinahahalagahan.

Nakangiti kong sinalubong ang napakagandang karagatan na tanaw na tanaw mula rito sa itaas.

Papasikat na ang araw.

Manghang mangha akong naupo sa damuhan kung saan nakaharap ako sa araw na unti unting nagbibigay liwanag sa buong kapaligiran.

Ramdam ko ang pag upo ni Zariah sa tabi ko at ang papalayong tunog ng motorsiklong inarkela namin.

"Kamusta na ang pakiramdam mo? Ayos ka na ba?" tanong nito matapos ang ilang sandali ng katahimikan. Mas lalong lumawak ang mga ngiti sa labi ko.

"Uhhmm.. I'm fine na."

"Bakit ka ba kasi umiyak kahapon? Anong problema mo? Inatake ka tuloy ng asthma mo." may pag aalala nitong tanong habang ang mga mata ay nasa karagatan rin.

Oo. Asthma lang ang alam nyang sakit ko. Hindi ko pina alam sa kanya ang tunay na kalagayan ng puso ko dahil makakagulo lamang iyon sa kasiyahang meron kami ngayon.

Malungkot akong napatingin sa araw. Tapos na ang sunrise. Pero nanatili ang magandang emosyon sa loob ko.

Kahit ramdam ko na ang sakit ng dibdib ko.

"I remember my dad and mamita kasi. Hindi kasi nila alam na nandito ako ngayon. Hindi nila alam na nagawa kong mag travel ng 16 hours sa kabila ng sakit ko." malungkot akong napangiti at saka ipinatong ang mga kamay sa lap ko. "Ang alam nila nasa abroad ako at nagpapagaling. Kaya siguro hindi nila ako hinahanap ngayon." walang buhay akong natawa.

Iyon ang inilagay ko sa sulat ko bago ako umalis noon. Sinabi ko na nag abroad ako para magpagamot. Pero wala akong specific country or even name of the hospital na ibinigay. I know na hahanapin nila ako don once na nalaman nilang doon ako nagpapagamot.

At malalaman nila na nandito lang ako at nagbabakasyon. Wala sa ospital na binanggit ko sa sulat ko.

Haist. Hirap ng buhay.

"Na saan ba ang parents mo? Bakit nga ba hindi ka nila hinahanap ngayon?" nagtataka nitong tanong sa akin habang kunot noong nakatingin sa akin.

"My mom died when she gave birth to me. My dad is in Laguna. Working together with my aunties and uncles. While my mamita stays in the house. She's taking care of me while dad is in the company.. working his ass off para lang may ipambayad kami sa hospital bills ko." may malungkot na ngiti kong salaysay. Ngunit agad kong pinasigla ang sarili ng magtama ang mga mata naming dalawa. May pag aalala at awa sa mga mata niya. Mukhang hindi maganda ang ganitong mga topic sa ganito kagandang scenarios. "Ikaw? Nasan ng mga magulang mo? Bakit mag isa ka lang sa apartment mo?" pag iiba ko ng topic.

Hindi magandang pag usapan ang pamilyang meron ako. Oo. Sobrang ipinagmamalaki ko sila at talaga namang proud ako. Pero sa mga ganitong usapan.. pamilya ko na yata ang pinakamahina.

Siguro kasi hindi ko pa naman nararanasang mabuhay kasama ang ibang pamilya. Kaya wala akong masabing iba tungkol sa kanila.

Sandali pa nya akong tiningnan sa mga mata at saka nakangiting bumaling sa karagatan. "Ang pamilya ko ba? Masaya naman kami. Nasa Pangasinan sila mama. Parehong nagtatrabaho sa isang factory doon kaya kahit papano ay may napapadala silang allowance sakin monthly.. kahit na hindi ko naman kailangan." wika nito at saka biglang natawa. Napangiti na lamang ako sa kasiyahang nakikita ko sa mukha niya. Kakaiba pala talaga kapag yung taong gusto mo ang taong nakakapagpasaya sayo. Ang sarap sa feeling. "Maliban sa pagiging novelist ko.. nagpa part time rin ako bilang isang bartender sa café malapit sa amin. May kaliitan ang kita pero masaya naman don kaya nagtagal ako.

"Ikaw ba? Wala ka ng ibang trabaho maliban sa pagiging isang sikat na writer?" biglang tanong nito. Itiniklop nito ang tuhod.. ipinatong doon ang mga braso at saka nakatingin sa aking yumuko doon.

Nginitian ko lang siya. "Nope. Just a writer. Writer. Not famous writer." natatawa kong sagot dito. 

Nabigla ako ng bigla itong tumayo at saka muling naupo paharap naman sa akin. Ano bang problema nito? "Anong hindi famous?! Your book entitled My Deepest Wound won a fucking National Book Award last 2016 while your White Wild Ocean received a Novel Prize Award for Literature last 2018. Panong hindi sisikat ang ganong klase ng libro?!" hindi makapaniwalang tanong nito sa akin.

Mahina naman akong natawa. Yeah. I admit it. I already received different awards because of my works. Kaya rin lumago ang company ng daddy ko ay dahil sila ang publisher ko at sila rin ang nagpo promote ng mga libro ko.

Nakangiti ko syang hinarap at saka ipintong ang dalawang kamay sa balikat nya. "Just continue your passion, Zariah. This is just a milestone. This is just the start. You'll soon achieve your dreams. Everyone will acknowledge you. Everyone will notice you. And everyone will love you and your works.." ..at sa araw na yon. Wala man ako sa tabi mo.. asahan mong na sayo ang buong suporta at pagmamahal ko.

"Dream high, Zariah. Make yourself proud. Your mom and dad. Make them proud of you. Give your very best when writing a story. Put yourself in the shoe of your own character and let your heart speak. That's how you'll get your reader's attention." nakangiti kong payo rito.

Nakangiti rin nya akong tinanguan at saka hinawakan ang dalawa kong kamay na nasa balikat niya. Akala ko ay tatanggalin na niya iyon ngunit nabigla ako ng hilahin niya iyon palapit sa kanya dahilan upang mapadukwang ako palapit.

Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kanya ngunit nasa ibaba ang tingin niya. "I'm happy hearing those words from you. From my very favorite author. From my idol." tanging sabi nito at mas inilapit pa ang mukha sa akin. "Thank you, Zetia. Thank you for this wonderful experience." dagdag pa nito at saka ako sinunggaban ng halik sa labi.

Kiss na naman?!