Chereads / Fourteen-Day Paradise / Chapter 12 - CHAPTER 10

Chapter 12 - CHAPTER 10

Day 10

"OHH YEAH! HIII–YYYAAAA!! WAAAHHH!" malakas na sigaw nung babae habang nanood ng inaabangan nila ngayong 23rd Rodeo Festival dito sa Masbate.

Hindi ko alam kung pinlano nya ba ang bakasyon na toh para mapuntahan nya ang ganitong klase ng pagdiriwang or sinadya nya lang talaga. Kanina kasing umaga, paggising ko ay sinabihan nya agad ako na magbihis na pang cowboy. Aattend nga daw kasi kami ng festival na toh.

Pero dahil nga wala akong alam na may ganito palang uri ng festival dito at sumakto pa talagang sa araw ng bakasyon namin naganap.. ay hindi ako nakapag handa ng ganong klase ng damit. Kaya naman dumaan pa kami ng ukay ukay para lang may maisuot ako at saka nya ako hinila sa gitna ng kalsada kung saan marami ring Masbateño na nagdiriwang katulad nya.

Gusto nya daw kasing sumali kahit sa street barn dance ng festival. Hindi naman kasi sya pwedeng sumali sa mga extreme sports na meron ang festival. Baka hikain na naman sya at masundan pa ang halikang nangyari kahapon.

"Why don't you join the festival? Marami silang pa contest ngayong taon ah? Mr. Governor and Mr. Chairman of Rodeo Masbateño Incorporated announced that the competition is open for any participants who wants to join the competition. You can join." tila excited nitong sigaw sa gitna ng malakas na musika na pinapatugtog ng isang malaking speaker mula sa kung saan.

"No thanks. I am more comfortable with my feet on the ground." naaasar na ngumiti ako dito ng peke at saka wala sa sariling napairap.

Ehh?

Babae lang 'te? Tsk.

Nang aasar naman syang lumapit sa akin habang tumataas taas pa ang mga kilay. Kunot noo ko naman syang binalingan ng tingin. "Tell me.." bitin nito sa nais sabihin.

"What?"

"Are you afraid joining those kind of competitions?" nakangisi nitong tanong sa akin na mabilis ko namang inilingan.

"I am not." proud kong sagot dito kahit na wala naman iyong katotohanan.

Hindi naman sa takot ako sa mga ganyang activities. I can do swimming and biking and hiking and many more outdoor activities. But that kind of thing? No thanks. Hindi ko kaya ang ganyang ka extreme na activities.

"Then why?" curious nitong tanong sa akin at saka sandaling tumigil sa pagsasayaw niya.

Ako naman na kanina pa nakatayo sa harap niya ay kunot noo syang tiningnan. "Why what?"

Inabot pa muna nito ang dalawang plastic bag kung saan nakalagay ang binili namin kaninang Carmelado at Molido. Dalawa sa pinaka ipinagmamalaking pagkaing gaya ng mga Masbateño.

Ang Carmelado ay ang sariling version ng mga taga Masbate ng pastillas. Gawa sya sa purong gatas ng kalabaw at asukal na ibinebenta nila sa halagang 100 per pack of 30 pieces.

Habang ang Molido naman ay isang klase ng dessert na gawa sa sweet potato na binudburan ng dinurog na pili nuts at coconut bits. Ibinebenta nila ito sa halagang 50 pesos per pack of 30 pieces.

Tig limang balot ang binili nya kanina. Pasalubong daw namin para kila tita at Ayes pag uwi.

Ayos.. ang yaman talaga.

"Why don't you join the contest? That's an experience, you know?" inilingan ko ang sinabi nito. Kahit pa sabihing new experience ang bagay na iyon.. hinding hindi ko yon gagawin. Never in my whole life na sasali ako sa mga gany——. "Here! My friend here wants to join the contest. Let him in!" sigaw nung babae.

Nagtataka ko syang binalingan ng tingin ngunit agad iyong napalitan ng kaba ng makita ang announcer kanina na naghahanap ng mga nais sumali sa palaro.

Pilit akong nanlalaban sa pagtulak sa akin nung babae ngunit may tumulong ditong dalawa pang babae kaya naman wala akong takas na nakarating sa unahang stage kung nasaan ng announcer.

What the fuck?!

TATAWA TAWA AKONG nagpaiwan sa ibaba ng stage. Kitang kita ang takot at kaba sa mukha nya ng makaharap nya ang announcer. Umiiling iling pa ito at mukhang ayaw talagang sumali sa competition.

Pasimple akong naglakad palayo sa stage. Alam kong bubungangaan na naman ako ng lalaking yon pag baba nya ng stage. Kaya lalayo na ako bago pa ako masigawan ng masigawan.

Nakangiti akong lumapit sa maliit na bangketa kung saan may mga naglalakong mga abubot na pwedeng gawing souvenirs.

"Napakaganda mo naman ineng." nakangiting bungad sa akin ng matandang babaeng nagtitinda ng mga keychains at maliliit na mga manikang may ibang ibang designs.

Matamis naman akong ngumiti rito pabalik. "Maraming salamat po."

Bigla ay tumagos sa akin ang tingin niya. Akala ko ay ibang tao na ang binabalingan nha ng tingin ngunit bumalik na naman sa akin ang tingin niya. "Napakagwapo rin ng iyong nobyo, ineng. Bagay kayong dalawa." ngiting ngiti nitong sabi at saka muling bumaling ng tingin sa likod ko.

Nagtataka naman akong bumaling ng tingin sa likod ko at doon nagtagpo ang paningin naming dalawa ni Zariah. May ngiti man ito sa labi ay masama naman ang uri ng tingin nito sa akin.

"Nako nay. Hindi ko po sya nobyo. Magkaibigan lang po kami." naiilang na sagot ko sa matanda at saka nagkunwaring inaabala ang sarili sa paghahanap ng maaaring mabili.

Ngunit agad akong natigil ng maramdamang may biglang umakbay sa akin. Nagtataka akong bumaling ng tingin dito ngunit nginitian nya lang ako at saka matamis ang ngiting humarap sa matanda. "Tama po kayo. Bagay na bagay po kami, hindi ba?" ngiting ngiti nitong tanong sa matanda na ikinahagikhik naman nito. Nangunot lang ang noo ko sa mga pinagsasabi niya. "Pasensya na po kung tinanggi nya ang relasyon namin kanina. Malihim kasi sya eh." dagdag pa nito.

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Alam ko na dapat akong magalit sa mga pinagsasasabi nya.. pero hindi ko maiwasang umasa sa mga pinagsasasabi nya. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko at nagsisimula na namang maghurumintado ang kalooban ko.

Magsasalita pa sana ako ngunit naunahan na naman ako ni Zariah. "Mauna na po kami ah. May gagawin pa po kasi kami eh." paalam nito sa matanda na tinanguan lang naman nito.

Nakangiti akong tumango sa matanda at saka nagpaubaya sa kung saan ako dadalhin ng lalaking 'to. Wala pa rin akong makapang salita na maaari kong ipambwelta sa kanya sa ginawa niya sa akin kanina.

Pinagmukha nya pa akong walang kwentang girlfriend.

Eh hindi naman nya talaga ako girlfriend.

Tsk. Asar.

Maaga kaming bumalik ng unit. Dito nya ako hinila matapos nung engkwentro sa matanda kanina. Naiiling na nauna akong naupo sa sofa at doon ipinahinga ang sarili.

"You should stop roaming this province with that kind of condition. Mapapagod ang katawan mo at hihingalin ka lang lalo kapag ipinagpatuloy mo ang maggagala." rinig kong payo niya.

Wala sa sarili akong napangiti. Is he concerned of me? "I have my reasons why I want to have a vacation for a week. Hindi naman yung hingal ang habol ko dito. Yung saya.." ..at memories.

"I know that. But look at you. Dadalawang araw pa lang tayong nagbabakasyon, para ka nang mamatay sa sobrang putla ng balat mo. Hindi lang talaga halata dahil dyan sa kolorete mo sa mukha." nakangiwi nitong sabi at saka naglapag ng inumin sa harap ko. Kinuha ko iyon at saka ininom.

Kinakalma ko ang puso ko. Kanina pa talaga ako nakakaramdam ng kirot doon at laking pasasalamat ko na dinala nya ako rito. Makakapag pahinga ako bago pa mas lumala ang nararamdaman ko.

"So.. are you enjoying our vacation? May mga nahanap ka na bang pwede mong maging inspirasyon para sa librong gagawin mo?" pag iiba ko ng topic. Mukhang napansin din nya iyon dahil napangiwi ito.

"Inspirations? Well.. maliban sa nangyari kanina.. masasabi kong marami naman akong naranasang bago na masasabi kong maaaring maging inspirasyon." tatango tango nitong sagot.

Wala akong nagawa kung hindi ang tumango na lang. Hindi naman kasi ako sa ganitong mga lugar nakakakuha ng inspirations. Kadalasan ay sa mga tao lang sa paligid ko.

Observant ako at kung ano ang madalas kong nakikita sa tao ay ang syang nagiging inspiration ko.

"Ikaw ba? Sa edad mong yan.. imposibleng wala ka pang trabaho. Magka edad lang tayo eh." dagdag pa nitong tanong.

Wala sa sariling napatawa na lang ako. "Isa din akong writer na katulad mo. Science Fiction at Mystery Thriller ang genre ko. Kabaliktaran naman ng iyo na Romance Drama. I am more into tragic stories." paliwanag ko na ikinakunot ng noo nito.

Hindi yata makapaniwalang author rin ang isang katulad ko. "Eh? Bakit parang ngayon lang kita nakita? Hindi pamilyar sa akin yang mukhang yan." dagdag pa nitong tanong.

Mas lalo lang lumakas ang tawa ko at saka naiiling na napangisi. "Hindi naman kasi ako mahilig sa public exposure. I don't have an account in any writing app. Nagsusulat ako daretsong libro. Just editing and some revising and then boom! My book's done."

Nanlalaki ang mga matang humarap sya sa akin at saka pabagsak na naupo sa tabi ko. "Are you serious? What's your pen name? Your books? Are you.. somehow.. famous?" curious nitong tanong muli.

Nagkibit balikat na lang ako sa huli nitong tanong. "I am the author of Ocean Of The Devil Clouds. Sa akin din ang Behind The Green Pallette at ang Darkness Of The Undersea. Pero ang pinakapaborito ko sa lahat ng gawa ko is yung Humorous Whirlwind Trilogy." ngiting sabi ko dito na ikinatulala niya. Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lang sa pagsasalita. "ZM Publishing Company recently released my last book entitled I Am The Beauty Behind My Scars at yung Last Wish."

My very last story before every fades in line.

Malungkot akong napangiti ng maisip iyon. Ngunit agad iyong napawi ng bigla na lamang magsalita ang katabi ko.

"Oh my God? Are you for real? You mean.. y-you are.. AiXia Moore? The famous author of ZM Publishing Company?" manghang mangha nitong tanong sa akin. Kunot noo akong tumango dito at nabigla na lang ng bigla itong yumakap sa akin. Tuwang tuwa ito at mukhang excited na excited sa nalaman niya. "I am a big fan of yours! Ghad! I didn't know na katabi ko na pala ngayon ang isa sa mga naging dahilan kung bakit ako naging writer na katulad mo! Shit! I'm so blessed." tuwang tuwa nitong sabi.

Ngingiti na rin sana ako upang makisabay sa tuwang nararamdaman niya ng humiwaly ito sa akin at bigla na lamang dumukwang dahilan upang magdikit ang mga labi namin.

He kissed me again.. just because he's happy to know that I am his idol?! What the fuck?!