Day 11
"LET'S VISIT THEIR CATHEDRAL. They say na maganda daw doon. At saka gusto kong magbawas bawas ng kasalanan. Masyado ng dumadami eh." suhestyon ng babae na tinanguan ko lang.
Wala naman akong magagawa kung hindi ang sumunod lang eh. Chaperone lang naman ako sa bakasyong ito at ang tanging gagawin ko lang ay bantayan sya. Since I had enough of looking for an inspiration.
I wear my black Adidas jogger trouser and a white muscle fit t shirt. I also wear my black Adidas shoes together with my Adidas cap and watch.
Walang pakialamanan. I love Adidas. And I have a whole set of Adidas clothing and accessories.
Kinuha ko ang wallet at cellphone ko at saka lumabas ng kwarto. Nandoon na ang babae.. nakasuot ng isang simple lavander floral summer dress na pinarisan nya ng pink cross laced up sandals. Nakaladlad rin ang medyo wavy nitong buhok at mukhang naglagay ito ng manipis na make up sa mukha.
Ang ganda nya.
Tsk. Oo na. Inaamin ko ng maganda sya. Sobra.
At nakaka in lo——— nakakatuwa ang kagandahan nyang yan.
Lintik!
"Let's go?" nakangiti nitong tanong sa akin. Tipid akong ngumiti dito at saka tumango.
Mukhang hindi naman malaking kasalanan kung babawiin ko ang mga sinabi ko nitong mga nakaraan. Hindi ko pala kayang tumagal sa bakasyon na 'to ng hindi sya kinakausap.
Pakiramdam ko isang malaking kasalanan ang hindi sya pansinin. Alam kong hindi ito dahil sa mga nalaman ko kahapon. Alam kong iba na 'to.
Hindi ko man kayang paniwalaan na nagawa kong magkaroon ng nararamdaman sa kanya sa maikling panahon lang ng pagsasama namin dalawa. Pero wala akong magawa.
Alam ko ang pakiramdam na 'to dahil naranasan ko na ito noong nagkaron ako ng girlfriend. Ayoko mang i-acknowledge ang nararamdaman ko.. hindi ko na naman sya mapipigilan pa.
Nagsimula na akong kausapin sya kahapon. Nagagawa ko na ring dumikit dikit sa kanya ng walang inis, galit o pagkailang na nararamdaman.
Matapos ng nangyari kahapon.. alam kong may nagbago na sa aming dalawa.
Wait.. hindi yung nangyari na ano ha? Wala yon. Hindi yun yon. Ang tinutukoy kong nangyari is yung kiss.
Hindi naman sa medyo defensive ako.. nagpapaliwanag lang.
"Bilisan mo naman aba. Mauubusan tayo ng seats!" sigaw nito sa akin.
Naiiling na tumakbo na lang ako para masabayan sya. Hindi pinapansin ang mga matang kanina pa nakamasid sa akin.
Pansin ko naman yon. Wala lang talaga akong pake.
"Di ko naman alam na famous ka pala dito. Look.. they've been watching you since we arrived. Kahit yung mga staff na babae ng hotel.. pinagtitinginan ka. Bakit naman kasi naka muscle fit kang damit? Pinagpepyestahan ka tuloy." tatawa tawa nitong sabi sa akin.
Maging ako rin ay natawa sa sinabi nyang yon. Pabiro ko syang inakbayan saka ngiting ngiting nagpatuloy sa paglalakad. "Nagsalita ang hindi pinagtitinginan. Kanina ka pa rin pinapanood ng mga lalaki no. Buti na lang talaga at ikaw mismo ang tumawag sakin kanina kaya ayon.. tumigil din sila sa kakatingin." tatawa tawa kong asar dito.
Totoo.. kanina ko pa napapansin ang mga mata ng lalaking nakasunod ng tingin sa kanya. Hindi ko lang sinasabi sa kanya pero kanina ko pa sya binabantayan maging lahat ng taong tumitingin sa kanya.
At aminin ko man o hindi.. alam kong nagseselos ako.
"Selos ka naman?" tatawa tawa nitong tanong sa akin.
"Oo eh." I answered while laughing. I know she wouldn't take my answer seriously.
But I'm really jealous.
"Sana all jealous." tumatawa nitong sagot.
Tinawanan ko na lang ito at saka sya ginaya papasok ng cathedral.
Ang Cathedral-Parish of Saint Anthony of Padua ang isa sa mga ipinagmamalaking establishment ng Masbate. Maganda ang bawat disenyo nito at talaga namang nakakamanghang pagmasdan.
Buhay na buhay rin ang paligid nito lalo na at katatapos lang ng Rodeo Festival nila kahapon.
Tahimik kaming pumasok sa loob.
Mukhang kasisimula lang ng misa dahil kauupo lang ng mga tao. Mukhang nag aayos pa rin ang mga sakristan at pari sa unahan.
Naupo kami sa bakanteng upuan sa likod at doon tahimik na nakinig sa sermon ng pari.
"KAWIKAAN 1:8.. ANAK KO, DINGGIN MO ang turo ng iyong ama, at huwag mong pabayaan ang kautusan ng iyong ina." sermon ng pari. Nasaktuhan namang tungkol sa pagiging isang anak ang sermon ni father ngayon. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit dahil tinatamaan ang labis sa bawat salitang binibitawan niya. "Ang pagiging isang anak ang isa sa pinakabanal na biyayang ipinagkaloob ng ating mahal na Panginoon sa ating mga tao. Anak ka ng Diyos. Ikaw nanay.. anak ka rin ng Diyos. Lahat tayo ay anak ng mapagpalang Ama." nakangiti nitong sabi habang itinuturo ang mga kasama namin.
"Ngunit maliban sa pagiging anak natin ng Panginoon.. anak din tayo ng ating mga magulang. Malamang! Alangan namang anak ka ng kapit bahay nyo tapos sa birth certificate mo.. yung pangalan naman ng mama mo ang nakalagay." biro nito na ikinatawa naman ng lahat. "Ang bawat tao ay may mga magulang. Tunay na anak ka man, anak sa labas, o anak sa pagkadalaga o pagkabinata. Lahat tayo ay mga magulang na dapat mahalin, igalang at sundin." dagdag pa nito. Dulong linya pa lang grabe na impact sa akin. Kinakabahan na ako sa mga susunod ah.
Alam ko namang mali na umalis ako ng hindi nagpapaaalam sa mga magulang ko. Alam kong nag aalala na sila sa akin ngayon. At alam kong kasalanan sa Diyos ang pagsuway na ginawa ko.
Naging makasarili ako. Hindi ko naisip na masasaktan ang daddy at mamita ko. Alam kong hindi ako patatahimikin ng konsensya ko sa oras na may mangyaring hindi maganda sa kanila.
Kaya nga bago ako umalis ng bahay ay nag iwan ako ng sulat eh. Nagpadala rin ako ng scheduled email kay daddy na magsesend sa araw kung kailan ako mawawala. Hindi ko man sure kung iyon nga yung araw na yon.. pero at least nag send pa rin ako.
Doon ko inilagay lahat. Lahat ng totoong nangyari at lahat ng dapat nilang malaman.. isinulat ko doon at saka iyon isinet sa date na nakalkula ko.
"Are you okay? Hey! May problema ba? Why are you crying?" may pag aalalang tanong sa akin ni Zariah habang pinilit akong inaalo.
Doon ko lang napagtantong tumutulo na pala ang luha ko. Agad ko iyong pinunasan ngunit nagtuloy tuloy lang iyon hanggang sa narinig ko na ang mahihinang hikbi ko.
Sa takot na makaabala sa iba pang nagsisimba at makaagaw ng atensyon ng iba.. nakayuko akong lumabas ng cathedral. Alam kong nakasunod lang sa akin si Zariah kaya malakas ang loob kong magtuloy tuloy ng lakad.
Ngunit di pa man ako tuluyang nakakalayo ay may nabangga na akong isang lalaki na may kalakihan ang katawan. At dahil sa kawalan ng balanse ay unti unting bumagsak ang katawan ko pero mabilis na umalalay sa likod ko si Zariah.
"We're sorry. Pasensya na. Pasensya na talaga." rinig kong paghingi nito ng paumanhin sa lalaking nakabangga ko.
Tinanguan lang kami nito at sinabihang mag iingat at saka umalis. Nanatili naman ako sa mga bisig ni Zariah at doon tahimik na umiyak.
Ang bawat sandaling meron ka. Ang bawat araw na ilalagi mo sa mundong ibabaw. Ang bawat oras na nanatili sayo habang nabubuhay ka.. lahat yon pahalagahan mo. Dahil hindi mo alam kung kailan ka kukunin ng Diyos mula sa mga mahal mo.