Day 9
NAGISING AKO MULA SA ILANG malalakas na katok mula sa pinto ng kwartong tinutuluyan ko ngayon.
"Wake up, Zariah. C'mon. Time's running." sigaw nung babae mula sa labas. Naiiritang bumangon ako mula sa pagkakahiga at saka dumaretso sa bag ko kung nasaan ang mga gamit ko. "Come faster, okay? I'll prepare our breakfast." dagdag pa nito.
Ng marinig ang papalayo nitong yabag ay agad akong pumasok sa banyo at sandaling naligo. Nag bihis na rin ako ng panlakad at saka lumabas ng kwarto.
Medyo madilim pa sa labas ng mapadaan ako sa veranda. Patay pa rin ang ilaw sa salas kaya naman nagtataka akong nag angat ng tingin sa wall clock sa itaas na parte lang ng tv.
4:27 am
Kaya pala medyo inaantok pa ako. Kasi alas kwatro pa lang ng madaling araw. Ayos.
Nilibot ko pa sandali ang buong kwarto bago tumuloy sa kusina. Ngayon ko lang kasi nakita ang kabuuan nitong kwarto na pina reserve nya. Kagabi kasi ay madilim na at talaga namang napagod ako sa byahe kaya hindi ko rin nagawang siyasatin ang buong lugar. Ngayon ko lang nagawa dahil ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon.
Kakamot kamot akong dumaretso ng kusina kung saan ko naabutang nagluluto yung babae ng pang agahan namin.
Well.. marunong naman akong magluto. Sa walong taon ko ba namang tumira mag isa sa apartment ko na yon. Napaka imposibleng hindi ako marunong ng mga gawaing bahay.
Paktay pag ganon.
Naupo ako sa stool na nasa harap ng island counter sa pagitan ng kusina at dining area at doon sya pinanood na kumilos sa kusina.
Napakapino ng mga galaw niya. Walang halong arte pero para syang sumasayaw sa saliw na rin ng musikang kanyang pinapakinggan.
Tahimik ko lang syang pinanood hanggang sa mapansin niyang nandito na ako. Nakangiting inalis niya ang earphones na nakakabit sa tainga niya at saka ako sinenyasang lumapit sa kanya.
Kunot noo akong umiling dito. Ngunit paulit ulit nya akong sinenyasan.
Napapabuntong hininga akong tumayo at saka pumasok sa kusina. Mapapapalakpak sa sana ito sa tuwa ng lumihis ako ng daan at dumaretso sa coffee maker na nandoon.
Pinainit ko pa sandali ang kape bago ko iyon isinalin sa mug na nakahanda na. Hinaluan ko pa iyon ng kaunting cream at asukal bago muling bumalik sa kinauupuan ko kanina.
Nakangiti akong bumaling sa babae at saka nang aasar na inangat ang mug ko na may kape. "Cheers."
Nakasimangot nitong inihanda ang pagkain sa harap ko at saka kumuha ng isa pang stool. Inilagay nya iyon sa kabilang parte ng island counter sa tapat ko at saka naupo doon.
"Sa Catandayagan Falls tayo una pupunta. It'll takes an hour bago tayo makarating doon mula sa port malapit dito. Mahaba ang byahe. Pwede kang magdala ng damit kung gusto mong magpalit bago umuwi." panimula nito at saka nagsimulang kumain.
Tinanguan ko lang ito at saka nagsimula na ring kumain. Wala akong planong mag salita sa buong bakasyon na ito. Hindi ko gustong ubusin ang laway ko sa babaeng ito.
Tsk.
"Wala ka ba talaga planong kausapin ako? Baka matuyuan ka ng laway dyan.. kasalanan ko pa pag sumakit yang lalamunan mo." dagdag pa nito. Inilingan ko lang ito.
Wala talaga akong planong mag salita. Wala. Period.
WALA AKONG IBANG MAGAWA KUNG hindi ang bumuntong hininga na lang. Mukhang wala talaga syang plano na kausapin ako.
Tsk. Eh pano nya mae enjoy ang bakasyon na 'to kung hindi sya magsasalita?
Haist.
Matapos kumain ay agad akong dumaretso pabalik sa kwarto ko. Iniwan ko na sa kanya ang hugasin. Ako naman ang nagluto at naghanda ng pagkain nya eh.
Dumaretso ako sa banyo at sandaling nag shower. Isang oversized t shirt at summer shorts lang ang susuotin ko papunta ng Catandayagan Falls. At syempre sa ilalim non ang two piece ko na matagal ko ng gustong suotin noon pa man.
Matapos mag bihis ay nag lagay muna ako ng sunblock sa balat. Itinali ko rin sa messy bun ang buhok ko at itinuck in ang kalahati sa harapan ng t shirt para naman bumagay. Binitbit ko rin ang maliit kong shoulder bag kung saan nakalagay ang cellphone, pera at inhaler ko.
Isa sa mga bagay na hindi maaaring mawala sa bag ko. Inhaler.
Matapos niyon ay lumabas na ako ng kwarto. Nakaupo na sa couch si Zariah at mukhang ako na lang ang hinihintay. Nakatalikod ito sa akin at mukhang inaantok pa dahil nakapikit pa ang mga mata niya.
Tahimik akong naglakad palapit sa kanya at plano na sana syang gulatin ng kusa syang tumayo at naunang naglakad sa akin palabas ng unit.
Basag trip. Bad.
Nakasimangot akong sumunod dito at saka kami sabay na lumabas ng hotel. Pumara kami ng tricycle at saka nagpahatid sa port na magdadala sa amin sa falls.
Umarkela kami ng bangka at iyon ang ginamit namin papunta ng falls. At matapos nga ng isang oras na byahe ay agad na bumungad sa amin ang I think 100 feet above sea level na falls. Malakas ang lagaslas ng tubig mula sa itaas na parte ng talon.
Inilapit pa sandali ni manong bangkero ang bangka at ng tumigil iyon ay mabilis kong ibinaba ang shoulder bag ko. Tumayo ako at saka lantarang hinubad ang damit at shorts na suot at saka ako sumampa sa unahang dulo ng bangka. Saka ako nag dive.
Grrrr...
Ang lamig ng tubig. Lumayo pa muna ako sandali sa bangka at saka muling sumilip doon. Nandoon pa si Zariah. Tulala lang na nakamasid sa akin at mukhang walang plano na sabayan ako sa paglangoy.
"Aren't you going to swim with me? Malamig ang tubig. It feels so refreshing to swim lalo na ngayon at mainit ang panahon. Ikaw rin.. baka matuyuan ka dyan sa kakaupo mong yan." pang aasar ko dito.
Hindi ko na ito hinintay pang sumagot. Ng marinig kong tila may bumagsak na mabigat na bagay sa tubig ay napangiti na lamang ako.
Naiiling na humugot ako ng malalim na hininga at saka sumisid pailalim.
Ito ang isa sa mga pinakamami miss kong gawin sa oras na mawala ako. Ang pagmasdan ang kailaliman ng dagat at panoorin ang paglangoy ng napakaraming mga isda.
Sumisid pa akong muli at ng nasa medyo kalaliman na ay hinayaan ko na ang aking sarili na manood na lamang sa mga nagdadaang lamang dagat.
Hindi ko alam kung anong meron sa pinapanood ako at ramdam ko ang pag iyak ng puso ko. Hindi man halata dahil nasa ilalim ako ng tubig, alam ko at ramdam na ramdam ko ang pagluha ng aking mga mata.
Lalangoy na sana ako paangat ng tubig ng may bigla na lamang pumulupot na mainit na bagay sa bewang ko na syang humatak sa akin paitaas. Binalingan ko ng tingin ang taong may lakas ng loob na yakapin ako at doon ko namasdan ang mukha ng chaperone ko.
Sunod sunod ang naging pag ubo ko ng makaahon kami sa tubig. Nahihirapan na naman akong huminga sa tagal ng inilagi ko sa ilalim ng tubig. Hingal na hingal ako sa kakahabol sa aking hininga na mukhang ikinatakot ng kasama ko.
"H-hey! Are you okay? Anong nangyayari sayo?" natataranta nitong tanong sa akin.
Hindi ko magawang magsalita dahil kinakapos talaga ako ng hininga. Sunod sunod ang paghugot ko ng malalim na hininga at alam kong ilang sandali na lang ay maiiyak na ako dahil nagsisimula na namang manikip ang dibdib ko.
May pagkataranta sa mukha nito. Hindi malaman ang gagawin kung papaano ako matutulungan. Pabalik balik ang tingin sa bangka at sa akin. Nagdadalawang isip kung lalapit ba sa bangka o sasamahan lang ako dito.
Pero mas nataranta ako ng bigla nitong ilapat ang dalawa nyang kamay sa magkabilang pisngi ko. Kita ko pa ang pag aalinlangan sa mga mata nya ngunit matapos huminga ng malalim ay agad nyang inilapat sa akin ang mga labi nya at inilipat sa akin ang hanging kinuha niya.
Ilang beses nya iyong ginawa hanggang sa tuluyang kumalma ang paghinga ko.
Pero hindi ang puso ko.
Mabilis ang tibok ng puso ko pero hindi iyon yung klase ng bilis na masakit sa dibdib. Iyon yung klase ng bilis na nakakakaba dahil hindi mo alam kung anong dahilan kung bakit tumitibok iyon ng ganong kabilis.
"Okay ka na ba? Hindi ka na hinihika? Wala na bang masakit sayo?" nag aalala pa rin nitong tanong sa akin. Tanging pagtango lang ang naging sagot ko dito at saka wala sa sariling napahawak sa labi ko.
Maging sya ay napatingin doon at kusa ring napaiwas ng tingin. Naiilang na bumitaw sa akin at saka kakamot kamot sa ulong medyo lumayo.
Hindi ko inaasahang hahalikan nya ako pero mas hindi ko inaasahan na mapapangiti ako sa ginawa nyang yon.
Hinalikan nya ako para lang iligtas ang buhay ko.
HANGGANG SA MATAPOS ANG Catandayagan Falls trip namin ay pinipilit ko pa ring dumistansya sa kanya. Naiilang pa rin kasi ako hanggang ngayon dahil sa ginawa ko kanina.
Pero kung hindi mo ginawa yon.. baka namatay na sya sa kawalan ng hininga.
Pero hinalikan ko pa rin sya. Hindi man directly at hindi ko man sadya.. halik pa rin ang tawag sa ginawa kong iyon.
Hindi. CPR ang tawag sa ginawa mo.
Hinalikan ko pa rin sya! At hindi yon tama!
Hindi ko naman sya girlfriend para halikan ko sya ng PAULIT ULIT. Alam kong para rin naman sa kaligtasan nya kaya ko ginawa ang bagay na iyon.. pero kasi. Hindi ko talaga matanggap na sya ang FIRST KISS ko!
Oo.
Tsk.
Inaamin ko.
S—Y—A—N—G—A—A—N—G—F—I—R—S—T—K—I—S—S—K—O.
Masaya na kayo?
Tsk.
Hindi naman kasi ako katulad ng ibang lalaki dyan na basta basta na lang nakikipag relasyon sa murang edad pa lamang. Hindi rin ako basta basta lang nanghihila ng babae na pwedeng halikan. Pinalaki ako ng mga magulang ko na conservative na tao.
Ang unang halik ay para lang sa asawa.
Walang imik akong pumasok sa unit kasunod nya. Dadaretso na sana ako sa kwarto ko para mag banlaw ng bigla na lamang itong nagsalita sa gilid ko.
"I enjoyed our first day of our vacation. I'm hoping for more enjoyable sessions with you." nakangiti nyang sabi bago binuksan ng pinto ng kwarto niya. Papasok na sana sya at susunod na rin sana ako ng muli na naman syang humarap sa akin. "Thank you for saving my life again. I really owe you a lot."
Tinanguan ko lang ito. Mas lumawak ang ngiti sa mga labi nya at saka pumasok sa kwarto niya.
Ako naman ay pumasok na rin sa kwarto ko at doon nagbanlaw at nagpahinga.
Ang araw na ito. Kakaiba ito sa lahat ng araw mula ng makilala ko ang babaeng yon. Ito lang kasi yung nag iisang araw na tumibok ng mabilis ang puso ko ng dahil lang sa halik.
What the heck's going on with me?!