Day 7
KUNOT NOO AKONG NAUPO sa upuan sa harap nila tita at Dream.
Kasalukuyan ako ngayong nasa harap nila tita sa loob ng bahay nila. Ipinatawag nila ako kanina habang nag lilinis ako ng bahay kaya madumi pa ang damit ko nung pumunta ako dito.
Ang totoo lang kanina pa ako nagtataka kung bakit nila ako pinatawag. Hindi naman kasi natural na ipatawag nila ako. Kadalasan ay sila pa mismo ang pumupunta sa akin para lang sabihin ang mga gusto nilang sabihin. Kaya nga hindi ako mapakali ngayon eh.
Seryoso pati ang mukha nila at mukhang importante ang sasabihin dahil walang kangiti ngiti ang mga labi nila. Naiiling na napangiwi ako. "What's going on? Sobrang seryoso nyo naman yata dyan?" kunot noo kong tanong dito.
"I want you to do me a favor, Akie." panimula ni tita na kasunod naman ang pagtango ni Dream. Mas lalo lang niyong pinalala ang pagtatakang nararamdaman ko ngayon.
"Ano po yon, tita?" tanong ko muli dito.
"Si Zetia. Yung babaeng nakatira sa katabing kwarto mo."
"Yeah.. I know her." walang buhay kong singit sa pagsasalita nya. Hindi ko pa sana papansinin iyon ng mag sink in sa akin ang pangalang binanggit nya. Mabilis akong lumingon sa kanila saka kunot noong nagtanong. "What about her?"
"She needs a chaperone for her one week vacation."
"Really? A chaperone? Sa edad nyang yon?"
"Yeah. May problema kasi ang pāā" natigil ito sa pagsasalita ng hawakan ni Dream ang braso nito at sunod sunod itong inilingan. Napabuntong hininga pa si tita bago muling humarap sa akin. "We want you to assist her sa bawat lugar na pupuntahan nya. Don't worry. She'll pay your time and effort naman."
Mukhang ayaw nilang ipaalam ang tunay na dahilan kung bakit kailangang may kasama sa bakasyon nya ang babaeng yon.
May itinatago ang mag inang 'to sakin.
Sunod sunod akong umiling sa mga ito. "I don't money, tita. You know that."
"But you need inspirations for your book right?" bwelta agad nito pabalik.
Natahimik naman ako sa isinagot nyang iyon. Totoo naman ang bagay na yon. Kailangan ko talaga ng inspiration ngayong may bago akong istoryang nais isulat. At nakukuha ko lang yon sa mga lugar na nakikita ko. Kaya nga madalas pa sa madalas akong wala sa apartment ko eh. Nililibot ko kasi ang buong Laguna para makapag hanap ng magagandang lugar na pwedeng makuhanan ng inspirasyon.
"Why are you doing this? Bakit ako? Bakit hindi si Dream? Sya ang kaibigan nung babaeng yon hindi ba?" kunot noo kong tanong dito. Hindi ko pa rin kasi makuha ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon sa harap nila.
Pwede naman kasi talagang si Dream na lang dahil sya naman talaga ang kaibigan ng babae na yon. Nalaman ko lang yon nung minsang maikwento sa'kin ni Dream na magkaibigan nga sila.
"You know na Dream has still his school to attend. Hindi sya pwedeng um-absent ng one week dahil scholar lang naman yang pinsan mo." pagdadahilan ni tita. Isa pang totoo.. scholar sa isang private university si Dream at ngayon ang last year nya ng pag aaral. Haist. "I know you didn't need money but you need inspirations, Akie. You can use this vacation para naman ma relax yang isip mo at makaisip ng magagandang scenes para sa librong isusulat mo. May income ka pang maiipon para kung sakaling gusto mong magpa self publish ng sarili mong libro ay maa afford mo." sunod sunod nitong dagdag.
Napapabuntong hininga akong umayos ng upo. I get her point. Malaki nga ang maitutulong sa akin ng bakasyon na 'to at may extra income pa akong makukuha sa pagbabantay lang sa kanya. Makakapag enjoy at makakapag relax pa ako sa trip na 'to.
"Haist. Fine. One week. Just one week and all of this bullshit will end. Fine with me." nawawalang pag asa kong sagot dito. Kahit naman kasi anong pagdadahilan ang gawin ko, alam kong may magagamit pa rin silang sandata para lang mapa oo ako.
Ganyan talaga kapag nagmula sa pamilyang meron ako. Walang salitang hindi kung pwede namang oo.
Tsk.
"When will this vacation start?" dagdag ko pang tanong dito ng maalala na wala silang sinabing date kung kailan magsisimula ang bakasyong sinasabi nila.
"Tommorow."
NAKANGITI AKONG NAUPO SA TABI ni Dream sa harap nila tita at ni Zariah.
Ang lalaking bipolar.
"Ipinatawag nyo daw po ako tita?" nakangiti kong tanong dito na tinanguan naman niya. Inilibot ko pa muli ang paningin ko saka tatawa tawang humarap kay tita. "What's happening here? Why are you guys so serious? Is there a problem?"
Mabilis naman akong inilingan ni tita. "Remember the time when you asked Dream for assistance in your one week vacation?" nakangiti na nitong tanong sa akin.
Bigla ay nakaramdam ako ng excitement sa katawan ko. Pero agad kong sinuway ang sarili at pinanatili lamang na kalmado ang aking kalooban. Hindi ako pwedeng makaramdam ng sobrang emosyon lalo na ngayon. Kailangan kong limitahan ang aking sarili dahil kapahamakan lang ang maidudulot ng kasiyahang mararamdaman ko.
Nakangiti akong tumango dito. "Payag na po ba sya? Payag na po ba kayo? I badly need a chaperone for this vacation." may pagmamakaawa na sa boses ko ng sabihin ko iyon.
Kailangang kailangan ko kasi talaga ng mag a assist sa akin sa bakasyon ko. Hindi ako pwedeng gumala mag isa lalo na sa lagay ng puso ko ngayon. At si Dream lanh ang naiisip kong maaaring isama dahil sya lang naman maliban kay tita ang tunay na nakakaalam ng totoong kalagayan ko ngayon.
"I'm sorry iha. Pero hindi kasi pwedeng um-absent ng isang linggo si Dream sa school nya eh. You know na he's a scholar. And being absent for a whole week will be a mess in his record. Please do understand me." malungkot nitong sabi sa akin.
Maging ako ay nalungkot rin sa katotohanang iyon na sinabi niya. Bakit nga ba nakalimutan ko ang bagay na iyon eh pamilya ko nga pala ang nagpapaaral sa kanya. Hay nako.
Nakangiti akong tumango dito. "I understand you po tita. Don't worry about that. Hahanap na lang po siguro ako ng ibang pwedeng sumama sa akin."
Sunod sunod namanh umiling ito. "No need na, Zetia. Naihanap na kita." proud at tila excited pa nitong sabi at saka bumaling ng tingin sa isa pa naming kasama dito.
Nakangiti man ay kunot noo naman akong bumaling rin ng tingin sa binata. "Sya?"
Tuwang tuwa namang tumango sa akin si tita. "Yeah. He accepted your offer. You'll pay for his time and he'll assist you in your vacation. Sounds great, right?" tuwang tuwang tanong ni tita.
Nagtama ang mata naming dalawa ni Zariah ng bumaling rin ito ng tingin sa akin. "Are.. you sure about this? You can decline if you're not really interested with my offer."
Tinitigan pa muna ako nito sandali bago umiling sa akin. "I'm not actually interested in your offer. I'm more than interested with the location rather than your money." straight to the point nitong sagot sa akin.
"With the location? What do you mean?" I asked curiously. I can't deny the fact that I'm amazed on how he gets to be so straightforward in a girl like me. Such a mean guy.
"Ahh. Writer kasi yang si Akie, Zetia. And he's currently finding a place where he can relax and find inspirations for his story." si tita na ang sumagot sa tanong kong iyon. Tumango naman ito bilang pagsang ayon. "And I think this vacation is a great opportunity for him. You need an assistant and he needs an inspiration. Perfect combination for a team like you." tuwang tuwa pa nitong dagdag.
"Ohh.. okay. So Mr. Writer.. since you agree with my offer for you.. let's have a deal." nakangising saad ko.
This vacation will be very interesting to me.
"What deal?" kunot noo naman nitong tanong.
"I'll pay you 10 000 for the whole week. No. I'll make it 20 000 for you." nakangising panimula ko na mukhang ikinagulat niya. I knew it. "But you need to join me in my vacation. Take it or leave it?"
Pansin ko ang sunod sunod na paglunok nito dahil gumagalaw ang Adams Apple niya.
"I'll take it. Deal."