Chereads / Fourteen-Day Paradise / Chapter 8 - CHAPTER 6

Chapter 8 - CHAPTER 6

Day 6

MAG IISANG BUONG ARAW NA syang tulog. Hindi ko talaga alam ang nangyari kahapon. Basta bigla na lang kaming nakarinig ng malakas na kalabog mula sa kwarto nitong babaeng 'to. Akala ko kung ano lang kaso kasunod non ay malakas naman na pagkabasag ng kung ano ang narinig namin.

Hindi naman ako manhid para hindi makaramdam ng pag aalala para dun sa tao.. kaya naman mabilis ang naging pagkilos namin ni Ayes. Hindi naman naka lock ang pinto ng kwarto nya kaya nakapasok kami agad. At doon nga namin sya naabutang namimilipit sa sakit.

Wala namang syang sugat. Isusugod na nga sana namin sa hospital kaso pinigilan kami ni Tita Irah. Hindi raw namin pwedeng ilabas ng compound ang babae sa hindi ko malamang dahilan. Kinabitan lang sya ni tita ng oxygen at sandaling hinilot ang dibdib nito. Matapos non ay hinayaan na kami ni tita na bumalik sa mga kwarto namin.

Hindi na ako naka angal non kasi sabi naman ni tita na sya na ang magbabantay sa babae. Oo na! Hindi ko naman itatanggi na nag aalala ako sa kanya kahit na ilang beses nya akong pinahiya. May puso pa rin naman ako kahit papano.

Kahapon kasi nung lapitan ko sya.. sobrang higpit ng kapit nya sa akin at paulit ulit na umuusal ng masakit. Halos mapunit na nga nya yung damit nya sa sobrang paglamukos doon eh. Kaya nataranta rin ako non. Ang putla putla pa nya at umiiyak pa sya. At mukhang hirap na hirap huminga.

"Haist.. sana ayos na sya." mahinang bulong ko at saka sumulyap sa pinto ng kwarto ng kapit bahay ko.

Kasalukuyan akong nagsasampay ngayon ng mga nilabhan kong damit. Malawak naman ang hallway ng building na at mas trip kong mag sampay dito kesa sa veranda sa likod ng kwarto ko. Study room ko kasi yon eh. At saka t shirts at pants lang naman ang sinasampay ko rito. Sa cr na yung underwears ko at iba pang maliliit na gamit na tela.

Maglalakad na sana ako pabalik ng kwarto ko ng bumukas ang pinto ng kwarto nung babae at tumambad ang medyo maayos na nitong mukha. Hindi na namumutla ang labi nito at hindi na rin mugto ang mga mata niya.

Nagulay pa ako ng ngitian nya ako. "Hi." halos bulong na para sa akin ang sinabi nyang yon. Sobrang hina ng boses nya.

Malayong malayo sa boses na narinig ko noong unang beses kaming mag usap.

"G-gising ka na."

MATAMIS AKONG NGUMITI NGAYON sa kapit bahay kong nakatulala lang sa akin.

Kanina pa talaga ako gising. Mag iisang oras na. Naabutan ko pa si Tita Irah na kumakain sa mesa sa maliit kong salas at nagkakwentuhan pa muna kami bago ako nakalabas.

Yung Akie daw ang nakakita sa akin sa sahig na namimilipit sa sakit. Sya rin daw ang tumulong sa akin na madala sa kama ko at makabitan ng oxygen pero si tita naman ang nag masahe ng dibdib ko.

Gusto kong magpasalamat sa taong yon kaya narito ako ngayon. Naglalakas loob na lumabas ng kwarto at harapin ang lalaking mortal enemy na yata ang turing sa akin.

"Uhhmm.. kani kanina lang." para akong bumubuga lang ng hangin sa sobrang hina ng boses ko. Hindi ko alam kung narinig nya ang sagot ko na yon dahil kahit ako ay nalito sa mga salitang binitawan ko.

"Kamusta na ang pakiramdam mo? Okay ka na ba? Ano bang nangyari sayo at ganon ang itsura mo kahapon?" sunod sunod na tanong nito.

He sounds worried about me. What's going on?

Nginitian ko lang ito at saka inialok ang kamay ko. "Thank you. For helping me even though you're mad at me. I owe you my life. Thank you so much." puno na pagpapasalamat kong sabi dito na tinanguan nya lang.

Tinanggap naman nya ang pakikipagkamay ko. "I don't know why you owe your life to me but I don't care. Just live longer and stay positive. Your life will be easier through that." sabi nito at saka ngumiti sa akin.

His first positive expression towards me.

"Uhhmm.. can I asked you out for dinner? Isama mo na rin si Ayes. I want to treat you both for helping me yesterday." nakangiti kong paanyaya dito. "And I won't take NO for an answer." dagdag ko pa na ikinatawa nito. Maging ako ay natawa sa sarili.

Tinanguan lang ako nito. "Sige.. katukin mo na lang ako mamaya kung aalis na tayo, okay? Sasabihan ko na din si Ayes. Salamat sa invitation." paalam nito at saka pumasok sa sarili nyang kwarto.

6:45 PM

BIHIS NA AKO AT HANDA NG lumabas. Nandito na rin sa kwarto ko si Ayes na katulad ko ay handa na ring lumabas. Hinihintay na lang talaga namin ang pagkatok nung babae sa pinto ng kwarto ko.

Sa totoo lang, gusto kong tanggihan ang alok nya sakin kanina. Hindi ko pa rin naman kasi nakakalimutan yung atraso nya sa'kin. Ang kaso lang kasi.. yung mga mata nya. May kakaiba sa mga mata nya. Para iyong nagsusumamo na ewan. Parang nangungumbisi at the same time nagmamakaawa. Kaya hindi ko nagawang tanggihan ang alok nya.

Kaya ito ako ngayon.. naghahanda kahit labag naman sa loob ko.. ng medyo medyo slight.

"Kuya.. saan po ba talaga tayo pupunta?" pang sampu na yatang tanong ni Ayes.

Syempre hindi ko sinabi kung saan. Hindi ko naman kasi talaga alam kung saan eh.

"Somewhere down there. Hintayin na lang nating ang ate mo. Sya kasi ang nakakaalam kung saan tayo pupunta eā€”ā€”" naputol ang sasabihin ko ng may ilang beses na kumatok sa pinto ko. Nagkatinginan pa kaming dalawa ni Ayes. "And speaking of the witch. Tara na." anyaya ko.

Sabay kaming naglakad palapit sa pinto. Ako na ang nagbukas niyon at plano ko na sana syang bulyawan dahil napakatagal niya ngunit tila naiwan sa loob ang mga dapat na sasabihin ko.

Ang ganda.

Ay hindi! Walang maganda sa babaeng yan! Ano namang maganda dyan eh naka dress lang naman yan tapos naka heels pa ng hindi kataasan. May light make up din ang mukha na na bumagay sa aura nya. Itim na itim ang mahahaba nyang pilik mata. Maganda ang kurba ng kilay nya at mapula pula ang mga labi. Kumikinang sa liwanag ng buwan ang mga mata niya at maganda rin ang ngiti sa labi niya. At hindi na rin sya mukhang namumutla kaya anong maganda sa babaeng yan?!

Tsk. Wala.

"Done criticizing me? What's the current record?" tatawa tawa nitong tanong na syang naging dahilan upang umiwas ako ng tingin sa kanya.

Muling nangunot ang noo ko. "I'm not criticizing you and there's no record for you. Sorry but you're not my type." daretso at walang utal na sagot ko dito.

Nginitian nya lang ako at saka humarap kay Ayes na ngayon ay mangha ng nakangiti sa dalaga. "Ang ganda mo po pala talaga." mukhang wala sa sarili nitong sabi. Tinawanan lang sya nung babae at saka ginulo ang buhok nito.

"I like you, kiddo. By the way, let's go? It's already 7 pm. I think we should go now. Baka mas gabihin tayo kung hindi pa tayo aalis ngayon." nakangiting suhestyon ng babae na tinanguan naman ni Ayes. Bumaling pa ito ng tingin sa akin at mukhang hinihingi rin ang opinyon ko.

Dahan dahan akong tumango rito na mas lalo naman nitong ikinangiti. "Great! Let's go na!" tuwang tuwa nitong yaya.

Hinawakan nito ang braso ni Ayes at saka hinila pababa ng building. Nasa likod naman nila at nakamasid lang sa kanila habang naglalakad.

Kakaiba talaga ang babaeng 'to.

Umarkela pa muna kami ng tricycle na syang magdadala sa'min sa restaurant na gusto ng babae.

Sandali lang ang naging byahe namin dahil malapit lang din naman ang restaurant na pupuntahan namin. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa naming nag tricyle kung pwede naman palang lakarin. Sayang sa pera.

Hindi naman ganong kadami ang tao sa restaurant na ito. Hindi rin ito kalakihan at mukhang mga teenagers lang ang nagsisipasok dito. Maganda ang ambiance at ang tahimik ng paligid. Bagay na bagay para sa mga taong katahimikan ang gusto kapag kakain sila.

Naunang pumasok ang dalawa kasunod ako. Naupo kami sa mesa sa gilid at doon um-order ng makakain namin. Pagkatapos umalis ng waiter ay naging tahimik ang pagitan namin. Hindi ako bumabaling ng tingin sa kanya dahil ayokong makita.. yung ngiti sa mga labi niya.

"By the way.. I forgot to introduce myself. My name is Zetia Alexia. 25 years old from San Pablo, Laguna." pagpapakilala nito. Nangunot naman ang noo ko ng ibaling nito ang tingin nya sa akin.

"What?" kunot noo kong tanong sa kanya.

Magsasalita na sana ito ng biglang sumingit sa usapan si Ayes. " Ako nga po pala si Amhir Yeshua. Ayes for short. 15 na po ako at ako ang soon to be boyfriend mo, ate ganda." ngiting ngiti nitong sabi sabay kindat sa babae.

Agad na umangat ang kamay ko at saka sya mahinang binatukan. Kakamot kamot syang nakasimangot na tumingin sa akin. "Yang bunganga mo. Rendahan mo nga yan. Kung ano ano ng salita lumalabas dyan eh." pabulong kong saway dito ngunit parang narinig din iyon ng babae dahil narinig ko ang mahina nitong pagtawa.

"Eh kasi naman kuya.. gusto ko talagang ligawan si ate ganda. Ang ganda ganda nya oh! Tapos ang bait pa! Yung mga tulad nya ang hanap kong babae." proud na proud pa nitong salaysay at saka nakangiting humarap sa babae.

Hindi mo maiwasang mapangiwi ng marinig iyon. Ang corny tsk. Masyado ng cliche ang line na yon. Hindi na ako nagsalita pa.

At hindi na sana sila papansin ng sabay silang humarap sa akin. "Ano?" inis na tanong ko sa mga ito ngunit sinenyasan lang nila ako. Hindi ko iyon naintindihan kaya mas lalong nangunot ang noo ko. "Ano bang sinesenyas nyo dyan ha?" mas inis kong tanong habang kumakamot sa ulo.

Dumukwang palapit sa akin si Ayes at saka bumulong. "Magpakilala ka kuya." bulong nito at saka muling lumayo sa akin.

Napapabuntong hininga akong umayos ng upo. "Azariah Keaton Nevazquez." tanging sabi ko. Ayokong magsalita masyado dahil wala rin namang patutunguhan ang pakilanlanang ito.

Nagtaka pa ako ng bigla nitong ilahad sa harapan ko ang kamay nya. "Nice meeting you, Zariah." nakangiti nitong sabi sa akin.

Zariah?! What the heck?!