Day 5
HINDI KO AKALAING KAPIT BAHAY ko na pala ngayon ang lintik na babaeng troublemaker na yon! At hindi lang troublemaker ha! Lapitin na ng gulo at lampa pa!
Grrrr! Bakit ba naman kasi sa lahat lahat ng makakasalubong ko eh yung katulad nya pang babae? Bakit hindi na lang katulad ni mommy na mabait na nga.. maganda pa.
Tsk.
Mabuti na nga lang talaga at babae sya eh. Kung hindi baka matagal ng nagdilim ang paningin ko doon. Ilang beses na nya akong pinahiya sa harap ng maraming tao. Never pang ginawa yon sa'kin ng mommy ko tapos sya.. papaulit ulitin lang nya in 3 fvcking consecutive days. Ang lupit nya diba?!
Matapos nung paghaharap namin kahapon.. hindi na nasundan yon.
Well.. as if naman na puntahan ko pa sya noh? Like duh!
Ay lintik! Nababakla na ang gago! Tsk.
Nagkulong na naman sya maghapon sa kwarto nya. Tanghali na ngayon pero hindi pa rin sya nalabas doon. Ni pag awang nga ng pintuan nya.. hindi ko nakita eh.
Hindi naman sa binabantayan ko ang bawat kilos nya. Kaso kasi.. sobrang putla nya kahapon nung makita ko sya. Mugto rin ang mga mata at namumula ang palibot niyon. Nanginginig din ang mga kamay nya at ang tamlay tamlay nya tingnan.
Malayo doon sa babae na naka engkwentro ko noong nakaraang tatlong araw.
"Kuya Akie. Okay lang po si Ate Ganda? May sakit po ba syang nakakahawa? Bakit hindi po sya nalabas ng kwarto nya? Takot po ba sya sa araw?" sunod sunod na tanong ni Ayes na kasalukuyang nagbabasa ngayon ng libro sa kama ko.
Wala ngayon si Azes. May part time sya at sa tuwing may pasok sya ay sa akin nya ibinibilin si Ayes. Na syempre hindi ko naman tinatanggihan diba? Parang mga kapatid ko na yang mga yan eh.
Sinenyasan ko itong manahimik na lang. "Shhh.. baka marinig ka non. Tapos yung ate ganda mo biglang mag transform na monster. Magalit pa sayo yon." biro ko dito.
15 na si Ayes kaya sigurado akong hindi na naniniwala yan sa mga ganyang biro. Binata na y--- "Totoo kuya? Ay naku! Sorry po ate ganda! Wag na ikaw magagalit ah? Joke lang yon. Hehehe.." biglang bulalas nito. Tumayo pa ito sa kama at humarap sa pader na nakaharap sa kwarto ng kapit bahay ko saka paulit ulit na yumukod. "Sorry talaga ate. Wag ka pong magagalit ah! Sorry!" dagdag pa nito.
WHAT THE HECK?!
"Sa tanda mong yan, naniniwala ka pa rin sa mga ganong biro? Are you for fvcking real, Ayes?" hindi makapaniwalang tanong ko pa rito na ikinasimangot lang nito.
Kakamot kamot itong muling naupo sa kama at saka nakayuko akong sinagot. "Eh sa takot ako sa monsters eh. Tulad nyang mukha mo. Mukha kang monster kaya tak-- wahhhhhhh! Joke lang kuya! Biro lang! Wahhhhhh!" sigaw nito habang tumatakbo paikot sa buong kwarto ko.
Hinabol ko matapos akong sabihan na mukhang monster! "Monster pala ha?! Hala sige! Takbo! Hinahabol ka ngayon nitong monster mo! Grrrr!" sigaw ko rito pabalik at mas lalo pang binilisan ang pagtakbo para lang maabutan sya.
Mahilig mag parkour ang batang yan. Track and field player rin sa school nila kaya ganyan na lang kabilis tumakbo. Nagagawa pa nyang pagsabayin ang dalawang yon kaya mas lalo syang hinahangaan ng lahat.
Famous yan.. wag kayo.
Pero mas mabilis ako.
Agad na nahuli ko ang braso nya kaya naman pabato ko syang hinila pabagsak sa kama. At mula sa kinatatayuan ay mabilis akong gumapang paibabaw sa kanya hanggang sa magtama ang aming mga mata. Ilang segundo pa kaming nagkatitigan ng bigla na lang nya akong sunggaban ng halik. And then.. that thing happened.
Ohh sandali.. akala nyo yun talaga ang nangyari? Pwes nagkakamali kayo. Mabilis ko syang dinamba pahiga sa kama at saka ipinulupot sa leeg nito ang braso ko. Sunod sunod ko syang binatukan ng hindi kalakasan.
"Ngayon.. sinong mukhang monster ha? Sino?" may pagbabanta kong tanong dito habang nakaamba ang kamay ko para kung sakaling mali na naman ang isasagot nya ay mabilis akong maka opensa.
Yes! Offense! Offense! Offense! No to defense! Yes to offense!
"A-ako! Ako na! Bitawan mo na ako kuya! Nasasakal ako huhuhu.." reaklamo nito.
Tatango tango ko syang binitawan at saka muling bumalik sa kinauupuan ko kanina. Nagkatinginan pa kaming dalawa at sabay na lang na natawa sa kalokohan naming dalawa.
RINIG KO MULA DITO SA KINAUUPUAN ko ang malakas na sigawan ng dalawang tao mula sa kabilang linya. Kanina pa ako mahinang tumatawa habang pinapakinggan ang pagkukulitan nila.
Bigla ko tuloy na miss ang bunso kong kapatid. Na kay mommy kasi sya ngayon. Lola ko si mamita at iba pa ang mommy ko. Naghiwalay noon sila dad at mom dahil sa hindi ko malamang issue at dinala ni mommy ang bunso kong kapatid. Mas kailangan kasi ni Zejih si mommy noon kasi 1 year old pa lang sya non samantalang 9 na naman ako.
Nagkikita naman kami ng madalas at nagkaka bonding. Pero hindi kami kasing lapit na katulad nung dalawa sa kabilang kwarto.
Lumaki si Zejih kay mommy at hindi kay daddy. Magkaiba ng paraan ng pagpapalaki sila dad at mom kaya nagkakaroon kami ng ilang hindi pagkakaintindihan kasi magkaiba kami ng opinyon.
Haist.. I already missed my family.
Hindi ko napigilan ang pagkawala ng mga luha sa aking mga mata. Sunod sunod na naman iyong pumapatak ag hindi ko na napigilan pang mahinang mapahikbi. Sobrang hirap umiyak sa tahimik na paraan. Masakit. Nakakamatay sa sakit.
Muli na namang nanikip ang dibdib ko. Unti unti ay nahihirapan na naman akong huminga. Paulit ulit akong huminga ng malalim para lang ibalik sa normal ang paghinga ko ngunit lalo lang niyong pinalala ang nararamdaman ko.
Dahan dahan ay parang pinipiga at pinupunit ang puso ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Pinilit kong tumayo at kahit na nanlalabo na ang mga mata ko sa pinaghalong luha at sakit na nararamdaman ay pinilit ko pa ring humakbang. Ngunit nakakailang hakbang pa lang ako ay kusa ng bumigay ang tuhod ko.
Bumagsak ang katawan ko sa sahig kasabay ng malakas na lagabog ng bumagsak rin sa gilid ko ang flower vase. Nasagi ko yata nung pinilit kong kumapit ngunit napaluhod pa rin.
Doon ako namilipit sa sakit. Hirap na hirap na akong huminga at pakiramdan ko ito na ang katapusan ng aking buhay.
Unti unti ay kusang bumibigay ang mga mata ko. Ngunit bago pa ako lamunin ng dilim ay isang pamilyar na mukha na naman ang bumungad sa akin.
Ikaw na naman?