Day 4
"AKIE.. MAY BAGO KA NGA PALANG kasama sa floor mo. Kalilipat lang niya kagabi. Batiin mo mamaya pag akyat mo." bungad sa akin ni tita ng makapasok ako sa compound namin. "Akalain mong.. lumipat ng dis oras ng gabi. Babae pa man din." pahabol pa nitong sabi.
Sa isang apartment ako nakatira. At nag iisang nakatira sa third floor na pag mamay ari ng tita ko. Dalawang kwarto lang meron ang bawat floor kaya hindi ganong kalayo ang agwat ng bawat nakatira sa building naming ito. Lahat kami ay magkakaibigan.
"Opo tita. Sige po. Mauna na ako sa inyo." paalam ko. Tinanguan lang ako nito at saka bumalik sa labahin niya. Ako naman ay dumaretso na ng akyat sa kwarto ko.
Mahigpit ang patakaran ni tita pagdating sa mga umuupa sa apartment niya. Ayaw niya ng sobrang ingay. Ayaw niya ng inuman. Ayaw niya ng kung sino sino ang pinapapasok at pinapatambay sa mga kwarto. Hindi rin pwedeng mag bitbit ng alak at mas lalong bawal ang boyfriend/girlfriend dahil ayaw niyang makarinig ng bilaang milagro. Lalo na at karamihan sa amin ay mga estudyante pa lamang.
Unlike me.
Isa akong intern sa isang publishing house. Kailangan ko kasi ng experience bago ako matanggap sa pinapangarap kong ZM Publishing Company eh.
I finished Bachelor of Arts in Journalism 3 years ago. I am now 25 years old and still an intern in a small publishing house. Pero feeling ko ito na ang magiging pinakamalaking break sa career ko bilang writer. Ang makapag publish ng novel sa isang sikat na sikat na company na ako mismo ang sumulat.
Ugghh.. dream come true.
Feeling ko nga.. kapag pumatok sa masa ang libro ko.. kukuhanin na ako ng ZM Publishing Company bilang isa sa mga authors nila eh. Kaya talaga namang ginalingan ko ang huling dalawang chapters na ipinasa ko.
"Hi kuya Akie! Welcome home!" rinig kong sigaw ni Ayes ng makaakyat ako ng second floor.
Nandoon ito sa room 4 kasama ang kuya nya na kaibigan ko rin. Magkatulong ang dalawang nagsasampay ng kanilang mga damit at mukhang nagkukulitan pa ng dumating ako.
Nakangiti akong kumaway sa kanila. "Akyat kayo mamaya sa taas. Kain tayo. Iimbitahan ko yung kapit bahay ko." pag aanyaya ko sa mga ito. Mas lalo namang lumawak ang ngiti sa mga labi ni Azes—kuya ni Ayes—ng marinig ang pag anyaya kong iyon.
Kahit kailan talaga. Napakahilig ng magkapatid na toh sa libr———
"Bro.. kilala mo ba yung kapit bahay mo? Ang sabi kanina ni Tita Irah.. magandang babae raw. Kaso mukhang may pinagdadaanan kasi ang putla putla ng mukha at mukhang nalipasan na rin ng gutom." mabilis na sabi nito. Kunot noo ko lang siyang tiningnan at pinakinggan ang patuloy na pag sasalita nya. Napakadaldal talaga. "Nag aalala ako don kasi sabi ni tila umiiyak daw yon nung dumating dito satin. Hindi pa nga sana patutuluyin ni tita dito kasi nga diba.. puro lalaki tayo dito tapos sya.. nag iisang babae. Kaya lang naawa daw si tita kaya ibinigay na lang dito yung bakanteng kwarto sa tabi ng kwarto mo.
"Tapos alam mo ba.. ang dami daw nyang dalang ano.. lika lapit ka. Bulong ko sayo. Baka may makarinig tapos magka interes. Mapahamak pa yung babae." kunot noo akong sumunod dito. Yumuko ako ng kaunti at hinayaan syang lumapit sa akin. "Madami daw dalang supot ng pera at iba pang supot na sa tingin ni tita ay.. drugs." bulong nito at saka muling humiwalay sa akin. Mas lalo lang lumalim ang gatla sa noo ko. Babaeng may pera at drugs? Baka pusher. "Dis oras na nga daw ng gabi nung pumunta dito eh. 12 daw yata. Tapos mukhang sabog nung dumating dito. Kaya yon.. usap usapan dito na nag gagamot nga daw yung babae sa tabi ng kwarto mo."
"Alam mo ikaw.. napaka chismoso mo no? Pati buhay ng ibang tao pinakikialam mo. Naku! 'Pag narinig ka nung babaeng tinutukoy mo.. humanda ka ng ma gera." pananakot ko dito. Nginiwian lang aki nito at saka sumandal sa hamba ng hagdanan.
"Hindi nga nalabas ng kwarto nya eh. Kaya pano nya ako maririnig? Ano yon?? May sixth sense sya?" sarkastiko nitong tanong. Binatukan ko lang ito ng mahina at saka nagpaalam na mauuna na. Tumango naman ang dalawa at sinabing susunod na lang sila.
Hindi ko alam kung bakit hindi ko mapaniwalaan ang sinasabi nila. Imposibleng magpapasok ng ganong klaseng tao si tita dahil sobrang metikoloso nyan pagdating sa mga boarders nyan. Mas gusto nyang lalaki ang boarders nya lalo na kung estudyante dahil maliban sa tahimik ang mga seryoso.. makakatulong pa raw ito sa mga mabibigat na gawain sa apartment. Ayaw ni tita ng babae dahil maaarte raw ang mga ito at madirihin hindi katulad namin.
Sang ayon naman ako sa sinabi nyang yon. Walang tutol tutol at wala ng reklamo pa. Kaya nga puro kami lalaki dito at palaisipan sa aming lahat kung bakit tinanggap ni tita ang babaeng sinasabi nila.
Naiiling na pumasok na lang ako ng kwarto. Magluluto na muna ako bago ako mang abala ng kapit bahay.
TAHIMIK AKONG UMIIYAK SA sulok nitong bago kong kwarto. Kasalukuyan ako ngayong nanunuluyan dito sa apartment na pag mamay ari ng nanay ng isa sa mga kaibigan ko. Hindi ko na alam kung san ako pupunta kaya tinawagan ko agad si Dream. Pagkatapos ng tawag na yon sinira ko na ang sim card na matagal ko na ring gamit at saka dumaretso dito.
Muntik pang tumanggi ang mommy nya nung malaman na lumayas lang ako ng bahay. Mabuti na lang talaga at napaki usapan namin ni Dream kaya ito.. mag isa ako ngayong nagmumukmok sa gilid ng bago kong kwarto.
Mag aalas tres na ng hapon pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong kain. Kanina pa rin naninikip ang dibdib ko kaya nga katabi ko na ngayon ang nebulizer na nahiram ko sa mommy ni Dream.
Hindi ko naman magawang tumawag ng tulong dahil hindi ko naman kilala ang mga tao dito. Ang sabi pa sa'kin ni tita kanina ay puro lalaki daw ang boarders nya kaya kung maaari ay wag na akong maglalalapit sa mga ito.
Well.. wala naman talaga akong planong gawin yon. Ni ang lumabas nga dito ay hindi ko maisip gawin eh. Yun pa kaya? At saka.. trip ko kayang magpaputi. Kaya no to sunrise muna ang skin ko.
Nanghihina akong tumayo at saka lumipat sa kama ko. Inalis ko na rin ang nebulizer dahil umayos na naman ang pakiramdam ko at tumigil na rin ako sa pag iyak.
Pahinga na lang ang kulang sa katawan ko. Pagkatapos niyon ay maaari ko ng gawin ang mga nais kong gawin. Gumawa pa nga ako ng bucket list eh. Isang lugar kada isang araw. Gagawin kong memorable ang bawat araw na dadaan sa buhay ko.
At gagawin ko ito sa loob lang ng isang linggo.
"Uhhmm.. tao po. May tao po dyan? Ako nga pala yung kapit bahay mo. Gusto sana kitang imbitahing kumain sa apartment ko para naman ma welcome kita." biglang sabi ng isang pamilyar na tinig mula sa labas ng kwarto ko. Huminga na muna ako ng malalim bago tumayo at lumapit sa pinto. "Don't worry. Wala akong gagawin sayo. Iwe-welcome lang talaga kita. At saka may kasama naman tayong kakain eh. Ka apartment din natin sila. Sa baba nga l———"
Nabitin sa ere ang mga salita nito ng magtama ang mga mata namin. Nanlalaki ang mga matang itinuro ko ang pagmumukha niya at may tatolong salitang naibulalas ng dahil sa gulat.
"IKAW NA NAMAN?!"