Chereads / Fourteen-Day Paradise / Chapter 5 - CHAPTER 3

Chapter 5 - CHAPTER 3

Day 3

WALANG BUHAY AKONG naglalakad ngayon dito sa bagong bukas na park kasama ang kaibigan kong si Ayes. Niyaya nya akong tumambay dito kanina noong magising ako.

Hindi ko nga alam kung bakit sumama ako sa kanya eh. Alam ko namang mababagot lang ako rito pero nauna pa yung oo ko bago yung reklamo. Kaasar na buhay naman!

Idagdag mo pa yung lintik na babaeng ang lakas ng loob na hawakan ang braso ko at pabato pa talaga yong binitawan! Ang kapal! Ha!

Naku! Kung nahabol ko lang talaga sya bago sumara yung elevator.. baka nagkatapat na kaming dalawa. Hindi ko matanggap na ganon lang ang nangyari sa pagitan namin matapos nya akong itulak sa kalsada nitong nakaraan. Tsk.

Kasalukuyan kami ngayong naghahanap ng bakanteng bench. Kanina pa kami dito. Naikot na nga yata namin ang buong park at ang lintik na lalaki lang na 'to ang nag eenjoy sa biglaang tour nya sa bagong park na ito.

Malapit lang kasi ito sa apartment building namin at mahilig talaga sa mga ganitong lugar ang lalaking ito kaya nung nalaman nyang nagbukas na ito ay tuwang tuwa nya akong hinila papunta rito.

Wala naman akong nagawa kasi bukod sa kapit bahay ko sya ay parang nakababatang kapatid na ang turing ko sa kanya. Solong anak kasi ako at syempre.. gaya ng lahat ng pangarap ng mga only child na katulad ko.. gusto kong maranasan ang magkaron ng kapatid. Kaya pinatulan ko na rin 'to. Sayang naman diba?

Char lang.

"Hindi ka ba napapagod maglakad Ayes? Pagod na pagod na si kuya eh." nakasimangot kong reklamo dito ngunit nakangiti lang nya akong inilingan. Mas lalo lang akong napabusangot. "Kain na tayo. May nakita akong tuhog tuhog doon. Libre mo ko."

Magrereklamo pa sana ito kaya naman mabilis akong tumalikod dito at saka naunang maglakad. Nakasimangot naman itong sumunod sa akin na syang nakapagpatawa sa nakasimangot na ako kanina.

"Kuya naman kasi! Wala na nga akong pera.. wala pa rin akong nahuhulog sa alkansya ko tapos magpapalibre ka pa. Maawa ka naman sa'kin." nakabusangot nitong reklamo sa akin.

Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang tawanan na lang sya. "Oo na. Sagot ko na. Pasalamat ka talaga at malakas ka sakin. Kung hindi.. baka nabatukan na kita sa sobrang pagka kuripot mo." natatawang sagot ko dito na ikinangiti naman nito.

"Salamat kuya!" pamimilosopong sagot nito.

"Pilosopo." sagot ko na lang saka sya hinila palapit sa fish ball vendor na nakita ko kanina.

"Matalino." pabulong na dagdag nito. Hindi ko na iyon pinansin pa.

Nanguha na kami ng tig isang stick at tumuhog ng nasa kawali pang fish balls at kikiam. May tinda rin itong pinira pirasong hotdogs at squid balls rin.

Sampung pirasong fish balls lang ang kinuha ko samantalang ito naman kasama ko ay humingi pa ng disposable cup kay manong vendor at doon inilagay ang lahat ng kakainin niya.

Ang kapal talaga. Ha!

"20 pesos lang naman kuya. Salamat sa libre!" masayang masaya nitong sabi saka ako iniwang mag isa sa harap ng stall ni manong vendor.

"Ha.. ayos! Yung akin limang piso lang samantalang yung kanya bente? Mautak talaga ang lintik na batang yon." nasabi ko na lang saka iiling iling na nagbayad kay manong.

Nakasimangot akong naglakad papalapit sa napakakulit na bata ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalayo sa stall ay may bumangga na sa akin dahilan upang mabitawan ko ang stick ng fish balls na binili.

Naiiritang binalingan ko ng tingin ang syang may sala at napatunganga na lang ako sa nakita.

"Ikaw na naman?!"

MALUNGKOT NA NGITI LANG ang ibinungad ko sa doctor kong kakapasok lang ng kwarto ko.

Nandito ako ngayon sa hospital. Mag isang nagpapa check up dahil biglaan na namang nanikip ang dibdib ko kanina habang naglilibot sa bagong park na kabubukas lamang sa kabilang kanto malapit dito.

Mabuti na lang at nakatawag agad ako ng taxi kanina kaya mabilis akong nakarating dito bago pa man lumala ang nararamdaman ko. Pinakiusapan ko rin ang doctor ko na kung maaari ay wag ng ipaalam kila mamita ang bagay na ito dahil ayoko ng madagdagan pa ang nararamdaman nilang pag aalala sa akin.

Mabuti na lang talaga at pumayag ito. Pero kailangan ko pang mag makaawa sa kanya bago sya pumayag. Tibay eh.

"I know you didn't want your daddy and mamita to be worried about you. But after seeing the results of your tests? I suggest you call them and ask to be here. This is a serious case, Zetia. I can't take a risk without telling to your parents." namomroblema nitong bungad sa akin.

Hindi ko iyon pinansin ay sinenyasan na lang syang basahin ang nilalaman ng hawak nyang folder. Napapabuntong hininga itong binuklat iyon saka nagsimulang magsalita. Pero wala akong naintindihan sa lahat ng sinabi nya maliban sa limang salitang tumatak sa isip ko.

Wala na akong naintindihan sa lahat ng nangyari sa buong maghapon ko. Tulala akong umuwi sa bahay. Hindi rin ako makausap ng matino ni mamita dahil hindi ko sya hinahayaang pumasok sa kwarto ko. Ayokong makita nya akong ganito lalo na at hindi naman nila alam ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

Kahit noong dumating si daddy at pilit nilang binuksan ang kwarto ko.. nagkunwari lang akong tulog para hindi na nila tanungin kung bakit hindi ako nalabas ng kwarto. Ayokong kwestyunin nila ang problema ko. Mas hindi ko kakayanin kapag sila ang bumigay sa oras na malaman nila ang nalaman ko.

12:07 a.m

Walang paglagyan ang mga luhang sunod sunod na pumapatak sa mga luha ko habang tahimik naglalakad palabas ng aking kwarto. Bitbit ang bag na matagal ko ng itinatago noon, mabilis at tahimik akong pumuslit palabas ng bahay namin.

Ngunit bago ako tuluyang umalis ay nag iwan muna ako ng sulat sa mail box ng bahay namin. Matapos niyon ay umiiyak na kumaripas ako ng takbo papalayo. Maingat na maingat sa bawat hakbang upang hindi na muling bumigat pa ang pakiramdam ng aking dibdib.

Alam kong mahihirapan na akong mamuhay simula sa araw na ito. Pero sisiguraduhin kong magiging perpekto ang bawat natitirang araw ko.

Lalo na at may isang linggo na lang ang itatagal ko sa mundo.