Day 2
NGITING NGITI AKONG NAKAMASID sa editor kong kasalukuyan na ngayong ine-edit ang novel ko. Na e excite ako sa magiging outcome ng novel ko lalo na at sikat na publishing company ang ZM Publishing Company.
Sobrang nao overwhelmed ako dahil ang novel ko ang napili nilang ipublish sa buwang ito at ilalabas nila iyon all over the country. Ibig sabihin.. maraming makakabasa ng nobelang sinulat ko at makikilala na rin nila ako! Sa wakas!
Inaayos na lang ang manuscript ng novel ko. Napagkasunduan na namin ang magiging price ng book kung sakaling ilabas. Ang mga privileges na matatanggap ko sa oras na pumatok ang libro at ang magiging kita ko sa oras na naisagawa na ang libro.
Kung noon.. iniisip ko na pangarap lang ang bagay na ito.. ngayon abot kamay ko na. Sa oras na maging sikat at maraming bumili ng novel ko.. magko conduct kami ng book signing. May pa fan meet pa kung sakaling marami talaga ang pupunta at kung may magkakainteres na bumili ng libro ko.
Medyo maraming binago sa takbo ng istoryang isinulat ko. Pero ganon pa rin ang plot maging ang ending nito. Kahit ang last two chapters na ipinasa ko ay may binago rin sila at mas pinaganda nila ang librong noon ay pinapangarap ko lang na makuha.
"Stop smiling, Azariah Keaton. You look like a shit in there." natatawang komento ni Xire--ang aking butihing editor. Hindi ko pinansin ang pang aasar nito sa akin bagkus ay mas lalo pang nilawakan ang aking pagkakangiti.
"Masaya ako eh. Pake mo ba?" nakangiti at proud kong tanong dito. Natatawang inilingan nya lang ako bago muling bumalik sa trabaho niya. "Anong oras ka ba matatapos dyan bro? Kain na muna tayo. Lunch na oh.." pag aanyaya ko dito.
Tinaasan lang ako nito ng kilay bago tumigil sa ginagawa niya. "Basta ba libre mo eh.. future novelist." may pang uuto nitong sabi. At dahil nga maganda ang mood ko ngayong araw ay tinanguan ko ito. Pumapayag sa kagustuhan niyang mailibre ng lunch.
Sabay kaming lumabas ng conference hall kung saan niya ginagawa ang trabaho niya kanina at saka naglakad palapit sa elevator. Nakasara pa iyon at gaya namin ay may ilan ding naghihintay na bumukas iyon.
Nagkagitgitan pa ng halos sabay sabay silang pumasok sa loob. Mabuti na lang at nagpahuli kaming dalawa ni Xire kaya sa harap kami napunta.
Hindi mawala wala ang ngiti sa labi ko hanggang sa makarating kami sa cafeteria ng building. Kahit na may kahabaan ang pila at nakasimangot na ang kasama ko sa pagkabagot ay nakangiti pa rin ako at tuwang tuwa sa mga pangyayari.
"Tigil tigilan mo na yang kaka shabu mo pre. Mukha ka ng sabog dyan." pang aasar muli ni Xire ngunit gaya kanina ay positibo pa rin ang naging tugon ko rito.
"You killed my miseries. You exterminate my insecurities and execute my hatred in life. But you also extirpate my heart together with you, my soul." ngiting ngiting banggit ko sa isa sa mga tumatak na line ng isa sa mga main characters ng novel ko.
Naiiling na itinuon nya ang tingin sa unahan. "Wala ka na talagang pag asa." bulong nito. Hindi ko iyon pinansin saka nakangiting hinarap si Ms. Saleslady.
"Hi miss beautiful. Can you please give me Adobo with extra soy sauce and kanin with extra rice. Dagdagan mo pa ng tubig.. with extra ice." sabi ko dito sabay kindat. Kinikilig na tumango ito at saka personal na inihanda ang mga in-order kong pagkain.
"Ito na po ser. Enjoy your meal." pabebe nitong sabi sabay abot ng aluminum tray kung saan nakalagay ang orders ko.
Pina order ko muna si Xire bago ako nagbayad saka kami sabay na lumapit sa isang table hindi kalayuan sa glass wall ng building. Magkaharap kaming naupo roon at magsisimula na sanang kumain ng may mahagip na pamilyar na tindig hindi kalayuan sa kinauupuan namin.
Nanlalaki ang mga matang itinuro ko ang babaeng naka itim na hoody at pasigaw itong tinawag. "Hoy! Babaeng naka hoody na itim! Tigiiilllll!!"
"HOY! BABAENG NAKA HOODY NA ITIM! Tigiiilllll!!" rinig kong sigaw ng kung sino sa likod ko.
Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Aba malay ko ba kung sinong sinisigawan nya diba? Hindi lang naman siguro ako ang babaeng naka hoody ng itim dito. Mga.. dalawa kami.
Pero hindi! Imposibleng ako ang sinisigawan non. Kilala ako ng mga tao dito kaya malabong may tumawag sa akin sa ganoong tono. Parang galit.
Grrrrrrrr..
Kakatapos ko lang kumain kasama sila daddy at tito. Routine na namin ito. Tuwing lunch time ay kailangan kong sumabay ng kain kina daddy. Sa breakfast naman ay magkasabay kami ni daddy kasama ni mamita sa bahay at sa ganon din sa dinner. Depende kung walang dinner meeting si daddy or walang OT.
Papasok sa sana ako sa elevator ng may biglang humawak ng mahigpit sa braso ko at saka ako marahas na iniharap sa kanya. Kunot noo ko syang binalingan ng tingin ngunit mas lalo lang iyong nangunot ng bumungad sa akin ang isang pamilyar na mukha.
Pero mas lalo lang nangunot ang noo ko ng bigla na lang nagtambol ng malakas ang tibok ng puso ko.
What the fuck is your problem, hearty?!
TSK!
Teka nga! San ko nga ba nakita ang gwap--- I mean pangit na mukhang yan?! Bakit parang sobrang pamily-----
"TABIIII!!" malakas na sigaw ko sa lalaking naglalakad ngayon sa gitna ng sidewalk.
Lintik! Sa nilawak lawak naman ng sidewalk na 'toh.. bakit sa gitna pa nya naisipang maglakad?! At parang wala pa talaga syang narinig sa lakas ng sigaw kong iyon. Ano?! Nabingi na?!
Hindi ko na ito pinansin at nilampasan na lang sya. Binalingan ko pa ito ng tingin para makita at mapagbantaan ito ngunit nakahiga na ito sa sahig at umiinda ng sakit. Tanging ang Celtics tattoo lang nito sa likod ng tainga nya ang nakita ko.
'Parthas'
Tsk.
Naniningkit ang mga matang inagaw ko ang braso ko sa mahigpit nyang pagkakahawak at saka sya hinila patalikod sa akin. Inalis ko ang suot nitong Adidas cap at mabilis na tiningnan ang likod ng tainga nito.
Sya nga.
"Ikaw na naman?!" inis na sigaw ko dito saka sya pabatong binitawan. Naiiritang napakamot ako ng batok at hindi na hintay pang mag salita sya at mabilis na pumasok ng elevator na papasara na sana.
Hahabol pa sana ito sa akin ng tuluyan ng magsara ang elevator.
Haist. Mabuti na lang at nakatakas ako sa kanya. Alam ko naman na may kasalanan ako. Kung hindi dahil sa mga humahabol sa akin ay baka hindi sya napahiga sa sahig.
Tsk! Buti naligtas ako! Hoooo!