Chereads / Fourteen-Day Paradise / Chapter 3 - CHAPTER 1

Chapter 3 - CHAPTER 1

Day 1

NAIIRITA AKONG NAPAKAMOT SA batok ko habang binabasa ang emails at messages na natanggap ko mula sa supporters at readers ng sikat na sikat ngayong novel na ako mismo ang writer.

Hindi ko alam kung bakit hindi nila matanggap ang ending na gusto ko para sa story ko. Halos lahat ng comments at messages nila sa profile ko ay tungkol sa ending na ginawa ko.

Ano ba kasing pakialam nila? Eh sa ayaw ko ng happy ending eh! At saka.. hindi ba obvious na tragic ang magiging ending ng story base pa lang sa title? Ganon na ba sila ka apektado sa ginawa kong iyon? Eh kung sila na kaya ang nagsusulat no?!

Tsk! Asar!

Ibinulsa ko na lang ang phone ko at tahimik na naglakad sa sidewalk ng kalsada. Papunta ako ngayon sa editor at publisher ko. Magkikita kami sa publishing house para pag usapan ang magiging ayos ng story ko na plano nilang i-publish at ilabas sa publiko.

Noong ilabas ko kasi ang ending ng story ko ay nakatanggap ako ng email mula sa ZM Publishing Company. Nais nilang gawing libro ang nobela ko na hindi ko naman tinanggihan. Pagkakataon ko na iyon upang mas makilala pa sa larangan ng pagsulat kaya hindi ko iyon sasayangin pa.

Hindi rin problema sa kanila ang ending na inilabas ko. Pero pinakiusapan nila akong gumawa ng kahit isa o dalawa man lang na special chapters para maengganyong bumili ang mga supporters at readers ko. Hindi ko na tinanggihan kaya ito ako ngayon.. bitbit na ang manuscript ng last two chapters ng novel na isinulat ko.

Muli ay masaya akong napangiti habang nakatingin sa mga papel na dala ko. Nawala ang kaninang iritasyong nararamdaman ko at mabilis iyong napalitan ng excitement at saya.

Sa wakas! Matutupad ko na ang isa sa mga pangarap ko! Ang magkaroon ng sarili kong libro na ako mismo ang sumulat!

"TABIIIII!!"

*booggsshhhhhh*

Napapikit ako sa sakit ng bumagsak ang katawan ko sa kalsada. Naunang bumagsak ang puwitan ko at talaga namang masakit iyon!

Kunot noo akong bumangon at hinanap ang taong may kagagawan ng pagbagsak ko.. ngunit wala ng tao sa harap ko. Pinagtitinginan na rin ako ng iba at mukhang pinag uusapan pa.

Inilibot ko ang tingin sa buong paligid at doon ko natagpuan ang isang babaeng nakaitim na hoody. Tumatakbo ko ng mabilis at kasunod naman nito ang dalawang lalaking may kalakihan ang katawan.

"Bwisit naman na buhay 'to! Pangit na nga ng feed back sa novel ko.. na hit and run pa ako. Ayos!" sarkastikong bulong ko sa sarili bago isa isang pinulot ang mga papel na nabitawan ko kanina.

Naiiling na pinagpagan ko ang sarili saka patay malisyang muling bumalik sa aking paglalakad.

Humanda ka saking babae ka.. may araw ka rin.

"OHH.. BAKIT GANYAN ang itsura mo? Saan ka na naman ba nagsususuot at mukha na namang hinalukay ng manok yang buhok mo?" bungad na tanong sa akin ni mamita ng makapasok ako ng bahay. Nakasimangot akong umiling dito saka pabagsak na naupo sa sofa.

Kung bakit ba naman kasi nakaharang sa daan ang lintik na lalaking yon?! Edi sana hindi ako naabutan kanina nila Ruep! Nakakainis talaga!!!

"Mamita.." tawag pansin ko rito ng may sumagi sa aking isipan. Nakangiti nya akong hinarap saka nagtatanong na tumingin sa akin. "Ayaw ko na pong bumalik sa ospital."

Nawala ang ngiti nito sa labi at napalitan ng malungkot na tingin ang kaninang emosyon sa mata niya. May pagpapasensya syang naupo sa tabi ko at pinagsiklop ang mga kamay naming dalawa.

"Anak.. alam mo namang mahal na mahal kita diba?" tila naiiyak na tanong nito sa akin. Tipid akong ngumiti dito saka maliit ang naging pagtango ang naging tugon ko. "At dahil mahal kita.. ayokong mawala ka sa akin. Ang bata mo pa, Zetia. Napakabata mo pa upang lisanin ang mundong ito. Ayokong mawala ka sa akin anak. Hindi kakayanin ni mamita kapag nangyari yon." pagpapaliwanag nito kasabay ng pagtulo ng isang butil ng luha sa kanyang mga mata.

Isang malungkot na ngiti lamang ang isinagot ko rito bago sya niyakap ng mahigpit. Hinagod ko ang likod nito at hinayaan lang na umiyak sya sa aking balikat.

Matagal na namin itong pinagtatalunang dalawa ni mamita. I have this condition called Dilated Cardiomyopathy. It is a disease of the heart muscle, usually starting in the heart's left ventricle. The ventricle stretches and thins and can't pump blood as well as a healthy heart can.

And based on my research.. a person with this kind of disease has only less than 5 years of lifespan from the time they we're diagnosed. And sadly.. today's my last year of being alive. I was diagnosed with Dilated Cardiomyopathy when I was 20 years old and now I was nearly 25 years old.

I almost lived in the hospital when my mamita found out about my condition. Na confine ako for almost 2 years at kahit papano ay umayos si hearty ko kaya pumayag ang doctor ko na lumabas ako. Sobrang dami nga lang bilin at pinayuhan rin kami ng weekly check up para palagi raw kaming update sa lagay ni hearty.

At masasabi kong sa halos dalawang taon ko sa hospital at yung weekly check up ko for almost 3 years now.. we already spent millions of money. Mabuti na lang talaga at malaki ang company na pinapatakbo ni daddy kaya nagawa naming i-survive ang mga nagdaang taon na iyon.

Pero sa tingin ko.. pakiramdam ko.. hindi na kakayanin ni hearty ang paulit ulit na medications na ginagawa ko. Pakiramdam ko huling taon na ito ng buhay ko. Pakiramdam ko ito na ang huling araw ko.

Kaya ayoko ng bumalik sa ospital. Gusto kong gawin lahat ng gusto ko. Gusto kong maranasan lahat ng hindi ko naranasan noon. Gusto kong mabuhay ng malaya sa nalalabing mga araw ko sa mundo. At gagawin ko ang lahat ng iyon sa oras na makalabas ako ng bahay na ito.

Malungkot pa rin ang ngiti kong binitawan si mamita. "Matutulog na po ako. Pasensya na po at umiyak na naman kayo ng dahil sakin." muli ko syang hinila at niyakap ng mahigpit. "Mahal na mahal kita mamita. Pasensya na kung mauuna ako sa inyong dalawa ni daddy. Hindi ko naman alam na mangyayari sakin ang bagay na to. Edi sana hindi ko na sinayang ang buhay ko noon. I'm so sorry, mamita." ramdam ko ang pagkabasag ng tinig ko maging ang paninikip ng dibdib ko.

Nakangiting humiwalay ako dito. Muli akong nagpaalam na matutulog na malungkot naman nitong tinanguan.

Bagsak ang balikat na pumasok ako ng kwarto.. ini-lock ang pinto saka matamlay na lumapit sa kama.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko gusto sa tuwing nasasaktan sila daddy at mamita.. pero ayokong sayangin ang buhay ko sa loob lang ng ospital. Hindi ko na matagalan ang paghiga sa hospital bed at mas lalong ayoko na ng medications.

Kusang tumulo ang mga luha sa mata ko ng abutin ko ang bag na naglalaman ng mga gamit ko.

I'm so sorry mamita.. daddy. I can't live this life anymore.