"Late," salubong sa akin ni Angelyka, nasa pinto siya, "tapos na ang meeting." Pinasadahan ko lang siya ng tingin saka pumasok sa loob. Nakapamulsa akong pumunta sa aking cubicle. Walang tao.
Lumingon ako sa posisyon ni Angelyka at nagtanong, "Nasaan na sila?" Inirapan niya ako. Ipinatong niya ang kanang braso sa kaliwa. "Sabi ng tapos na ang meeting." Wala akong nagawa kung hindi dumiretso at umupo sa meeting table. "What's the meeting for?" Sumandal ako sa bakanteng upuan. Pumunta si Angelyka sa posisyon ko, nakiupo sa tabi.
"Tungkol sa pinag-usapan ng SDEB. Tapos 'yong nangyaring rally kanina," matipid siyang sumagot. Sinuklay ng mahahaba kong daliri ang maalon-along hibla ng buhok. "Assigned ka do'n sa lalaking nagwala." Pinasadahan ko ulit siya ng tingin, naghihintay ng kasunod na sasabihin.
"Bakit ako?" Umaayos ako sa aking pagkakaupo. "Ay, Bakit naman hindi ikaw?" tugon ni Angelyka, "journalist ka rin naman, ah." Maikli siyang ngumisi. Tumango ako nang dalawang beses. "Yes, yes. Pero bakit sa akin pa iyan? Ano pa bang ibang assignment?"
"Tungkol sa SDEB, pero—"
"Iyan! Puwede sa akin iyan." Nagagalak ako habang nangungumbinsi. Nawala ang ngisi niya. "No." Pagpigil niya.
"I can handle that," mabilis ang naging tugon ko. Siya ay napatayo. "Hindi puwede." Pero siya ay mas mabilis. "Bakit naman? Magaling naman ako diyan, ah. At saka, baka tamang pagkakataon na para maipabagsak si Mateo, don't you agree?"
"Basta, hindi puwede!" Tumaas nang bahagya ang tono ng kaniyang boses. "Tell me why. You're acting weird, Angelyka."
"Kasi sinabihan kami!" Napasalampak ang kaniyang kamay kontra sa lamesa. Tumayo ako at humarap sa kaniya. "Sinabihan?" Aking pag-uulit.
Nag-iwas siya ng tingin. "Wala."
"Anong wala? Si Mateo 'no? Sinabihan niya kayo na huwag sulatan ng balita tungkol sa desisyon nila?" Pang-aakusa ko.
"When will you stop accusing Mateo for something he never did? Logan, we are just protecting you." May diin ang kaniyang pagbigkas. "Ibig sabihin, siya nga. Protektahan naman saan? Kaya ko ang sarili ko." Hindi tanong ang iwinika ko. Salaysay iyon. Nakataas ang parehas kong kilay. Nagsara ang parehas kong panga.
"Hindi mo kaya. Tingnan mo 'yang bandage sa ulo mo." Kumuyom ang kamao ko.
"Logan!" sigaw niya nang ako ay tumuloy palabas. "Stop! Inosente si Mateo. You'll just create a mess." Ang salita niya ay lumagpas lang sa aking pandinig. "Sir Willie," sambit niya. Napatigil ang aking paa. Huminto ako nang nakatayo pero hindi siya ihinaharap.
"Siya. Sinabihan niya kami na huwag na. Na ipaubaya na lang namin sa iba." Sa pagkakataong ito, ako na ay nakalingon sa kaniya. "What?" Kunot ang aking noo. "E, siya nga itong adik na adik sa paninira sa school!" Malakas na ang boses ko, animo'y sumisigaw na. Hindi ko na hinintay ang sagot ni Angelyka.
Nagmartsa ako sa malawak na pasilyo, iniisip kung saan nanggagaling ang matinding galit. Bakit naiinis ako? Bakit sa tuwing may problema ay napagbubuntungan ng galit si Mateo... kahit na inosente siya? Kahit na alam kong wala naman siyang ginagawa.
Ngunit ang lahat ng tanong na isinasariwa ay nasagot nang makita si Mama— si Director, kasama ang kaniyang paboritong estudyante. Tumigil ako sa paghakbang. Pinanood ko kung paano niya ngitian at tapikin sa balikat si Mateo. Kung nakakamatay ang tingin, siguro'y binawian na sila ng buhay.
Hinintay ko silang matapos sa pag-uusap. Nando'n lang ako. Makaraan ang ilang minuto ay naghiwalay na sila ng landas. Dahil do'n, ang tingin ni Mateo ay napunta sa aking direksyon. Agad siyang ngumiti sa akin. Ngunit iyon ay nawala nang magsimula akong lumapit sa kaniya. Malaki ang hakbang ko, animo'y may susuntukin.
Lumipas ang isa o dalawang segundo, tumama ang kamao sa matigas na mukha ni Mateo. Nakita ko ang pag-iling ng lalaki dahil sa suntok na natanggap. Walang dugo ang lumabas, pero pinahid ni Mateo ang kaniyang labi gamit ang kamay. Nanggagaliiti ako na tumingin sa kaniya. "What was the for, Logan?" Inasahan ko na sisigawan niya ako. Dahil kayang kaya niya iyon gawin ko. May karapatan siyang magalit.
"Have you gone mad?" tanong niya. Umayos siya sa kaniyang pagkakatayo. Pinagpagan niya rin ang damit na suot. "Oo na!" wika ko. Nagkasalubong ang parehas niyang kilay. "Ano'ng oo na?" Siya ay naguguluhan. "Oo na!," panimula ko, "ikaw na ang gusto ni Mama! Na ikaw na ang paborito niya... at hindi ako!"
Ang sagot sa tanong ay naibigay na. Nagawa ring aminin sa sarili na naiinggit sa lalaking nasa harap. Na nangangarap na sana ay nangingitian din ako ni Mama katulad ng kaniyang ginagawa sa harap ni Mateo. Kung paano siya tapikin sa likod. Minsan ay iniisip ko na rin na hindi ako tunay na anak ni mama. O, hindi niya ako ginustong dumating sa kaniyang buhay.
"What are you saying?" Kunot pa rin ang noo ni Mateo. Hindi ko na pinansin ang kaniyang tugon. Tinalikuran ko siya at utay-utay na pinahid ang luha na bagong usbong sa aking mukha. Ang ilang patak ng luha ay umabot sa sahig. Hindi ko pinakita sa lalaking kinaasaran na ako ay napaluha niya. Dahil sa simpleng galaw ni Mama, naapektuhan ako.
Pero ang nararamdaman ko ay hindi basta ganoon. Naghalo na ang lungkot, galit, pagod, at dismaya. Sa sobrang dami kong gustong maramdaman, naging manhid na ako. At sa pagiging manhid ay nagresulta para ako ay magbigay ng tubig mula sa matang halatang nalulungkot.
Hindi pa gabi. Pero nais ko na sanang matulog.
Sa paraang iyon, payapa ang isip ko. Walang problema. Gusto kong tumigil sa takot at kahihiyan. Gusto kong tumigil sa larong nilalaro ko kung ang buhay man ay isang simpleng 'game' na sasalihan. Dahil sa totoo lang, hindi pa man nagsisimula ang laban, talo na ako.
Hinawakan ako ni Mateo sa pulsuhan. Minabuti kong bumitaw at nagpatuloy sa paglakad. Sinisipon. Namumula ang matang tumutulo ng mga mabibigat na luha. Sa aking dibdib ay may pusong kay bigat ng nararamdaman. Sa loob nito ay ang kaluluwang nawalan ng gana.
Gusto ko lang namang patunayan sa lahat na mali si Mateo! Na may ginagawa siyang hindi tama. Na masamang tao siya. Ngunit, paano ko iyon magagawa kung ang tingin ng lahat sa kaniya ay malinis? Isang anghel sa pormang tao.
"Umiiyak ka pala." Nadaan ko si Oliver na nakapamulsa, nakasandal siya sa isang pader. Nakatingin ang kaniyang mata sa akin, ngunit napunta ulit ito sa kaniyang harapan— Achievement's Bulletin and Cabinet. Nakapaskil do'n lahat ng mga naging tagumpay ng paaralan.
"Manahimik ka na lang kung wala kang sasabihig maganda," sagot ko. Tumaas ang kaniyang kaliwang kilay, nakatayo pa rin ako sa aking posisyon. "Hindi naman pala maganda, bakit mo ginagawa?" Tumunog ang kaniyang dila. Bahagyang umiling ang ulo ko.
"Naghahanap ka ba ng gulo?" Mapanghamon ang tunog ko. Binigyan niya ako ng isang tunog, mula sa pagkakapitik ng kaniyang daliri. "Hindi mo kaya," may halong tawa niyang sinabi.
"Look who's talking. Puro ka rin naman salita," sagot ko. Hinawakan ng kamay niya ang gilid ng kaniyang salamin. Umalis siya mula sa pagkakasandal sa pader. Pumunta siya sa harapan ko at pumwesto.
Lumapit ang mukha niya sa akin. Ilang segundo pa ay mas malapit na. Lumapit din ang kaniyang puwesto sa bandang tenga ko. "Hindi naman ako nananakit. Those who hurt people physically are piece of trash." Kumuyom ang pareho kong kamao.
"Kaya bilib din ako sa 'yo," panimula niya, "kahit sobrang naiinis ka na sa akin, hindi mo pa rin ako sinasapok." Ngumisi siya. Tumindi ang pagkakasalubong ng aking kilay. "Oops!" sabi niya habang ipinapalakpak ang malalaking palad.
"Hindi pala. Kakasapok mo lang ata, e. Namumula pa ang kamao mo." Lumawak ang ngiti sa kaniyang labi. "You saw that?" tanong ko. Nagkibit-balikat siya bago magwika, "Ano pa ba ang hindi ko nakikita?" May tawang kasunod.
"Why are you doing this to me? Bakit galit na galit ka sa akin?" tanong ko, galit pa rin na nakatingin sa kaniya. Sa pagkakataong ito, isang sentimetro na lang ang pagitan ng aming mga mukha. Kaunti na lamang ay magdidikit na ang parehas naming labi.
Naghintay siya ng ilang segundo. At sa ilang segundo na iyon ay nagawa ng aming mga mata na magtalo. "We are in the same boat," sabi niya. "Huh?" aking sagot.
"You hate Mateo because of being him. I hate you because of being you. Simple as that. Kung may iba pang rason, parehas pa rin tayo. Kung naiinggit ka kay Mateo, naiinggit naman ako sa 'yo." Binigyan niya ako nang hilaw na ngiti.
"Naiinggit?" panimula ko, "naiinggit ka sa akin? Nagpapatawa ka ba, Oliver?"
Isinilid ng lalaki ang kaniyang kamay sa bulsa. Hindi siya umimik, nagkibit-balikat lang. "Ikaw rin naman, naiinggit ka kay Mateo." Pilit siyang ngumiti. Inikot ko ang aking mata. Hindi naman niya kailangang banggitin ang pangalan ni Mateo nang paulit-ulit. Alam na nga niyang may sama ako ng loob sa tao. TSK.
"Can we just drop that topic off?" tanong ko, "nevermind. Wala naman pala akong planong makipag-usap pa sa 'yo nang matagal." Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa akin. Sinusuri niya ako— mula ulo hanggang paa. "Ganda ng fashion mo, ah," papuri niya. Puwede rin nating sabihing— pang-iinsulto.
"Bakit hindi kaya natin ipalagay sa mama mo ang fashion taste mo. Malawak pa naman ang board na ito, oh." Nakatingin siya ngayon sa Achievement's Bulletin and Cabinet. "Oh! Parang may mas naiisip akong magandang ilagay." Ngumiti siya.
Lumingon siya sa akin, kunot-noo naman ako. "Why don't we put here anything related to your misdoings? That'd be great!" mungkahi niya, animo'y may magandang saysay. Ngumiwi ang labi ko sa pagkakataong dumaloy ang disgusto sa katawan. Tinitigan ko siya nang masama.
"Ayaw mo?" inosente niyang tanong, "then, I have to help you pull something out of your ass to drag Mateo down." Utay-utay nawala ang ekspresiyon sa aking mukha.
"H'wag mong sabihing nagulat ka," panimula niya, "nagulat ka?" Binigyan ko siya nang naguguluhang mukha. "Help?" Tama ba ang narinig ko?
Tumango siya sa akin.
"Wait, are we friends to begin with?" Ako ang nagtanong.
"Ano sa tingin mo?" May ngisi sa kaniyang labi.
"Uh, hindi." Hindi ako sigurado. "What?" reaksiyon niya. "We are in the same club! How can you think something rude like that? Such a disappointment, Logan." Ipinatong niya ang kaniyang kanang braso sa kaliwa.
"Of course! You hate me that much. Paano ko naman iisipin na kaibigan pala ang turing mo sa akin?" tanong ko. Disgusto siyang ngumiwi sa akin. Nagwika siya, "Not because I hate you, you're no longer my friend."
"That's insane, Oliver. I hate your logic," sagot ko. Tinagkal niya ang pagkaka-kurus ng braso bago tumugon, "Likewise."
"So, does it mean... we're good? Hindi mo na ulit ako aakusahan?" tanong ko. Ibinigay na naman niya ang naiinis na mukha. "We've always been good. But we've never been close. H'wag mong isipin na magiging close tayo. Tutulungan lang kita kay Mateo," sagot niya.
Iniikot ko sa pangalawang pagkakataon ang aking mga mata. "Okay, just for the record. You want to help me drag Mateo because you also believe he does something unlawful, right? What comes after next? Paano kapag nagawa na natin iyon?" tanong ko.
Napahawak siya sa kaniyang baba, nag-iisip. "I know," ani Oliver, parang nagkaroon ng bumbilya sa taas ng kaniyang ulo, "ikaw naman ang pababagsakin ko." Malawak siyang ngumiti.
Ang malapad kong kamay ay napasapok laban sa mukha. Akala ko ay tapos na siya sa kaniyang ilusyon. "I don't need your help, then," sagot ko, pagkababa ng kamay.
Pilit ko siyang binigyan ng ngiti. "Mauuna na ako." Tinanguhan ko siya. Pagkalagpas ko sa kaniyang posisyon, muli akong napalingon at nagwika, "Bago pala ang lahat, do you like Angela? I mean, are you interested with her?"
"What?" panimula niya, "of course not."
Mabuti naman.
"Inilagay ko nga iyong cellphone niya sa kung saan, e," mahinang bulong niya. Pero nadagil iyon ng aking pandinig. "Ano'ng sabi mo?" Kuryosidad ang bumalot sa akin, inaalam kung tama ang narinig.
"Narinig mo iyon?" tugon niya. Tumango ako at nagwika, "dinig na dinig." Napahawak siya sa kaniyang batok.
"Ang sabi ko: "Inilagay ko nga iyong cellphone niya sa kung saan, e," 'yan. Kuha mo?" Pag-uulit niya. Nagawa niya pa talagang ulitin ang mahinang tono.
"It now makes sense. Kaya pala nawawala ang cellphone niya, e! Ikaw pala ang kumuha. Tama nga ang hinala ko," ani ko. Nagkibit-balikat siya at sumagot, "At least, umamin ako. Iyon naman ang mahalaga, 'di ba?"
Umiling ako. "Siyempre, hindi. All thanks to you, basag na ang cellphone ni Angela. Bakit mo naman gagawin ang ganoong bagay? I don't even get you, Oliver."
"Basag? Hindi ko binasag, okay? I'm innocent." Itinaas niya ang kaniyang kanang kamay at nanumpa. "Stop acting like an Eleventh Grader. This is so unusual of you," pagpuna ko. Ang kilala kong Oliver, tahimik, masungit, nerd. Iyong nasa harap ko, ibang tao. May sapi ata itong lalaki sa harap.
"Eleventh grader naman talaga ako! At saka ginawa ko iyon to have some fun!" Maaliwalas ang kaniyang mukha. Ipinagdiinan niya ang salitang "fun."
"Oh, 'di ba? Nag-away si Nicole at Angela. All thanks to my great mind!" Umawang ang pagkakabukas ng aking labi. "Ikaw din iyong nag-post noon?" Nagulat ako. Buong-akala ko ay si Nicole ang kontrabida. Ang akala ko rin ay si Nicole ang kumuha at bumasag ng cellphone ni Angela. Mukhang nagkakamali ako.
"Huh?" tanong niya, "me? Hindi, 'no. Akala ko nga sadiyang ginawa iyon ni Angela, eh. Kasi alam ko namang makikita niya agad iyon. Pero sayang din, hindi natuloy iyong fun na hinahanap ko. Umepal SDEB, e. Magco-cover na naman tayo ng balita niyan," mabilis at dismayado niyang sinabi.
Hinintay kong ma-process lahat nang sinabi ni Oliver. Hindi ko naman kinuha ang kaniyang depensa, malay ko ba kung nagsisinungaling ito o hindi.
"Iyong mama mo naman kasi, magwawala na lang, do'n pa talaga Stanford Main." Klaro ang kaniyang boses. Siningkitan ko siya ng mata. "Si mama?" panimula ko, "paanong si mama?" Nakagusumot ang aking mukha.
"At paanong nagwawala? Bakit hindi ko alam," pagpapatuloy ko. Sumagot siya, "Ah, hindi ba nasabi ni sir sa 'yo? TSK. Kaya nga ayaw niya kaming hayaan mag-cover noon dahil sa konektado sa mama mo 'yong nangyari. Pero h'wag kang—"
Hindi ko na natuloy pakinggan ang kaniyang salita, natagpuan na lang ang sarili na naglalakad patungo sa parking lot. Ilang segundo ang nakalipas, nagmamaneho na ako pauwi sa aming bahay.
Paanong si mama?
(More)