Chereads / Red Thread / Chapter 10 - Thread IX

Chapter 10 - Thread IX

Nagsisimula na ang klase nang dumating ako. Pero mabilis din itong natapos lalo na at hindi naman ako nakikinig. Tatlong beses akong nabato ng chalk pero wala naman akong pake. Hindi ko naman ikamamatay ang pagkakabato ng chalk sa akn.

Sumapit ang lunch break at pinilit kong pumunta sa club room. Sa likod pa ang dormitory building, mababasa lalo ako kung do'n ako tutuloy.

Pagpasok ko rito, walang tao bukod kay Jeff. Pinupunasan niya ang lens ng kaniyang camera. "Nasaan sila?" tanong ko sa abalang lalaki.

"Busy sa report nila. May kaniya-kaniya tayong gawa, e. Ikaw ba? Musta report mo?" tugon niya sa akin. Sumagot ako, "Ayos naman. Boring lang."

Pumunta ako sa cubicle at inilapag ang dalang bag. Inilabas ko ang notebook at ballpen at sinimulang gumawa ng mga tanong para sa mangyayaring interview. Tahimik akong nagsusulat nang mapansin ko ang pagtayo ng kasama.

"Aalis ka?" tanong ko.

"Hindi, igagala ko lang camera ko. Bored na, e." May tawa sa kasunod ng kaniyang linya.

Hindi ko na siya pinansin, nagpatuloy na lang sa pagsulat. Nang matapos ako sa aking ginagawa, may tatlong katok ang umalingawngaw mula sa pintuan. Pinagbuksan ko ito. "Gabriel!" bati ko, "buti naman at dumating ka na, medyo malapit na matapos ang lunch break, e."

Tinanguhan niya ako. Inakit ko siyang pumasok sa loob at pumunta sa aking cubicle. May kinuha akong monobloc para do'n siya umupo. Inilabas ko rin ang cellphone ko na magsisilbing audio recorder. Ilang sandali pang paghahanda ay agad na kaming nagsimula.

"Let's begin with your name," panimula ko, "tell me just literally about everything."

Umayos siya sa kaniyang pagkakaupo at inayos ang kaniyang boses. Nagwika siya, "Gabriel Castillo. Eleventh Grader from Wolf's House. Isa ako sa mga sumali sa rally at nagwala nang mga oras na iyon. Dahil totoo, hindi ako payag sa naging desisyon ng SDEB. Pero wala akong magagawa tungkol do'n dahil maliit lang ang boses ko. Sino ba naman ako kumpara sa may mga kapangyarihan.

"Na andon na tayo sa puntong pagtutol ko, naiintindihan ko rin kung bakit naging ganoon ang desisyon ng mga opisyales. Pero ang ikinagalit ko lang ay ang ipamukha nila na walang nangyaring nakawan! Nasa alanganin ang scholarship ng ate ko sa Stanford Mai—"

Naputol ko ang kaniyang sasabihin. "Anong pangalan ng ate mo?"

"Rhealyn Castillo, Twelfth Grader— Stanford Main." sagot niya. Sineniyasan ko siya na magpatuloy nang matapos kong isulat ang pangalan ng kaniyang ate na di umano'y nawalan ng thesis report.

"Sa palagay ko ay kailangan nilang lutasin muna kung sino ang nanloob. Alam kong ginagawa nila ang makakaya nila, pero hanggang kailan? Hanggang saan? Kapag napagod na sila? Kapag hindi na matunog ang isyu at nakalimutan na nang nakakarami?"

Binuhay ko ang computer na nasa harapan sa kalagitnaan ng kaniyang pananalita. Sa palagay ko ay hindi ganoon kasama ang naibigay na task para sa akin.

"Narinig ko rin na may isang witness ang kumontak sa Diplomatic Urges – Stanford Main, pero binalewala lang. Ang usap-usapan nga ay direktor ng Stanford ang nagnakaw noon. Pero lahat ng iyan ay haka-haka. Wala akong ibang sinasabi. Gusto ko lang mabigyang hustisya ang pagkawala ng Thesis Report ng ate ko. Hindi ko na nanaisin na mapalinis ang pangalan ko, dahil alam kong may mali rin ako sa pagwawala."

Naging mahaba ang usapan namin. Marami pa akong itinanong tungkol sa kaniya. Sa kalagayan niya rito sa Stanford. Ang sabi naman niya ay wala siyang sama ng loob kontra sa paaralan. Hindi siya isang activist o kung ano pa man. Naghahanap lang ng hustisya para sa kaniyang ate.

Tinanong ko rin sa kaniya kung kilala niya ba ang witness na nabanggit niya kanina. Ngunit pinagpilitan niyang hindi niya alam dahil ayon sa kaniya, isa itong tsismis.

Naiintindihan ko kung saan siya nanggagaling, mahirap sadyang gumawa ng thesis. Kaya alam ko kung bakit siya galit.

Iginiit niya na hindi siya iyong may pakana ng pagbato ng bote, nais niya lang sanang i-urong ang complain laban sa kaniya ng physical injury.

Pinasalamatan ko siya at ipinangakuan na gagawan nang mabuting news report.

Pagkatapos noon ay nagsimula na akong tumipa sa aking computer. Narinig ko na ang pagtunog ng bell, pero minabuti kong hindi na tumuloy sa pagpasok. Nagtext ako sa aking teacher para sa susunod na subject na hindi ako makakapasok dahil masama ang pakiramdam ko dahil naulanan ako kanina. Naiintindihan niya raw, sinabihan niya akong magpahinga.

Pero hindi alinsunod sa kaniyang payo, nakapag-published na ako ng panibagong feature article sa site ng Diplomatic Urges. Isinulat ko ito sa wikang Filipino, maya-maya siguro ay gagawa ako ng English Copy. May Headline ito na: "Hitler: Namalagi Sa Stanford!"

Nakaakit ito nang maraming mambabasa. Ang pokus nito ay tungkol sa naging pamamahala at desisyon ng SDEB. Isinaad ko rin dito ang naging panayam namin ni Gabriel. Nabanggit ang lahat ng detalye, pero pinagdiinan ko na naging mali ang report ng opisyales sa pag-aakalang walang nawala.

"Si Professor Viven Stanford na nga ba ang animo'y Hitler ng ating munting paaralan? Kung hindi, maaari kayang ang bagong halal na Head Student, Mateo Ilagan?"

Hinayaan kong bukas para sa diskusyon ang aking balita. Dapat lang nilang malaman na maalin sa dalawang iyan ang may sala.

Lumabas ako ng clubroom, pumunta sa infirmary upang bisitahin ang sugatan na Patrol Student. Pagkarating ko ro'n ay nakita ko si Angelyka.

"Are you here to cover a news?" tanong ko. Tumango siya sa akin. "Ito iyong assigned sa akin," maikli niyang sabi.

"Sorry kahapon, medyo mainit lang ulo ko."

Pinasadahan niya ako ng tingin pero hindi nagbigay-sagot.

Sa maikling panahon na pakikipag-usap sa Patrol Student, isa lang ang nabanggit niya, ang hindi pagtuloy para sa kaso laban kay Gabriel. Naniniwala naman siyang inosente ang lalaki sa nangyaring batuhan. Mabuti na rin, iwas komplikado.

Nagagalak na lang akong umuwi sa dorm. Naging maliwanag na rin ang ulap. Sa palagay ko ay itutulog ko na lang ang natitirang oras. Ayos na ang report ko para kay Gabriel. Pero naisip kong ipagpatuloy pa ito tungkol sa kaniyang ate, pero magagawa ko lang iyon kung nasa Stanford Main ako.

Matagal na akong nakahiga sa kama ko nang may kumatok sa pintuan. Malakas, maingay, nakakainis. Tulog na ako, e!

Pagbukas ko ng pinto, naroon si Angela, may dalang isang case ng Alak.

"Woah! What was that for?" Malaki ang pagkakamulat ng mata ko, nakabilog din ang bibig.

"Ah, no. Ipinadala ni sir Willie sa akin," sagot ni Angela, "sabi kasi, may house warming party mamaya?"

Mas lalo na akong naguluhan. Gusto ko lang matulog!

***

Wala akong nagawa kung hindi tanggapin ang mga bisitang nagsidalo sa loob ng aking kuwarto. Hindi ko naman sila kayang ipagtabuyan na lang sa labas.

Hindi ko lang matanggap na magpa-party kami ngayon imbis na mahimbing akong natutulog. Sino ba kasing nagsabi na gusto ko ang ganitong ideya?

Kasunod na dumating ay si Khen, may dala siyang roasted chicken, may ibinigay rin siyang regalo. Sa palagay ko naman ay mga aklat, kurbang-kurba rito ang gift wrapper.

"If you weren't the one to invite me here, I'd be carrying my book and studying for the test, tomorrow," sabi niya, pagod dahil sa school. Mukha ngang matamlay pa ang kaniyang mga mata.

"Kailan ba ako nag-send ng invitations? Hindi ko nga natatandaan na nakipag-usap ako sa 'yo, e," tugon ko, papikit-pikit ang mata. Inilabas niya ang kaniyang cellphone at may ipinakitang message.

From Messenger.

Logan Stanford:

Attend my house warming party later! I expect you to come.

Malakas kong binasa ang mensahe.

"That's not mine," sabi ko.

"Lol. Nahihiya ka pa talaga ngayon," tugon niya.

"Hindi nga ako iyan! Hindi ko iyan account!" Lumakas ang boses ko. Napatigil tuloy si Angela sa paglilinis. "Is there a problem?"

Umiling ako at ngumiti. Ganoon din ang ginawa ni Khen.

"But, seriously. I did not send that message. Busy ako sa interview kanina," mahina ang boses ko.

"Huh? Kung hindi ikaw, sino ito?" naguguluhan niyang sinabi, "ay, niloloko mo na naman ako, e." Inirapan niya ako at saka umupo sa bakanteng sofa.

Lumapit ako kay Angela na abala sa paglilinis. "Angela," tawag ko.

"Hmm," sabi niya nang hindi tumitingin sa akin, patuloy lang sa pagwawalis.

"May natanggap ka bang message mula sa akin?" tanong ko. Itinigil niya muna ang pagwawalis at saka ako tinanguhan. Nagwika siya, "Oo, teka kuhain ko."

Ipinakita niya sa akin ang message. Kaparehas ito nang natanggap ni Khen. Sino kaya ito?

"Bakit?" tanong niya, naputol nito ang tren ng aking iniisip. Nagkibit-balikat ako bago sumagot, "Wala lang. Masyado siguro akong pagod, hindi ko na namamalayan ang ginagawa ko." May pineke akong ngiti.

Alam ko sa sarili na hindi talaga ako ang nag-send ng message na iyon. Alam niyo naman na ibang account ang ginagamit ko.

"Halata nga, kukuha ako ng tubig para sa 'yo." Tumuloy siya sa kusina, sinundan ko siya. Pinainom niya sa akin ang isang baso ng tubig. Pinanood niya akong lagukin ito. Pagkatapos kong uminom ay ako na rin ang nag-hugas. Ayaw ko na may mga nakakalat na hugasin dito.

"Angela," pagtawag ko, "about your phone. Hindi si Nicole iyong may gawa."

Inosente siyang tumango, "Yup, I know."

"Ha? Paanong alam mo?" tanong ko, "alam mo na si Oliver?" Kunot ang aking noo.

Pero mas nakakunot ang sa kaniya.

"Oliver? Hindi, ah. Hindi naman siya," sagot niya sa akin.

Sa puntong ito ay kapwa na kami naguluhan.

"Sinabi sa akin ni Oliver na siya nga iyong kumuha ng phone mo nang magkabanggan kayo," sabi ko. Pero biglang tumalon ang puso ko nang may tumabing lalaki sa gilid namin.

"Pinag-uusapan niyo ba ako?" Si Oliver, bagong dating. Wala siyang ibang dala kung hindi mansanas na hawak-hawak ng kaniyang hubad na kamay. Iniabot niya ito sa akin.

"Medyo," sagot ko, "para saan iyang apple?"

Hindi niya ibinaba ang pagkakalahad ng kaniyang kamay. Sumagot siya, "Regalo ko sa 'yo. Wala 'yang lason. Hindi ka naman si Snowhite. At lalong hindi ako evil witch."

Tahimik si Angela na nakikinig sa amin. Tinanggap ko iyong mansanas at saka inilagay sa isang plato. Itatapon ko na lang pag-alis niya. Kadiri kung kakainin ko iyan.

"Narinig ko iyong pangalan ko. Bakit niyo ako pinag-uusapan?" tanong niya. Nag-iwas ako ng tingin. Hindi umimik si Angela.

"Wala iyon!" Pinilit kong tumawa nang hindi ko matiis ang katahimikang bumabalot.

"Angela?" Walang buhay ang boses ni Oliver. Bumalik iyong katakot-takot niyang tono. Iyong tono na parang handang pumatay.

Hindi umimik si Angela. Napakamot ako sa batok dahil nakakailang ang sitwasyon. Maya-maya pa at nagsalita na ako, "Hindi ba at sabi mo sa akin na ikaw nga iyong kumuha ng cellphone ni Angela?"

Tumango-tango ang lalaki, animo'y natutuwa na siya talaga ang mastermind nito. "Yup, ako nga."

Tumugon ako, "Ikaw rin iyong bumasag noon diba?" Naiilang ang pagkakurba ng aking mukha. Nginiwian niya ako at nagsalita, "How many times should you insist?"

"Ewan? As much as you insist that I am guilty?" sabi ko. Sumagot siya, "And as much as you insist that Mateo is GUILTY?"

Siningkitan ko siya ng mata bago tuluyang magbigay ng tugon, "I thought we were on the same boat!"

"Kidding," sabi niya, inaayos ang pagkakasuot ng salamin.

"I'm still here," sabi ni Angela, nagpapaalala na hindi lang kaming dalawa ni Oliver ang nasa kusina.

"But really though, hindi ako ang bumasag ng cellphone ni Angela," depensa ni Oliver.

"Well, I believe in you." Pantay ang tono ni Angela. Binigyan ko siya ng tingin.

"Look, Logan, h'wag kang mabibigla kung sasabihin kong si Shion iyong bumasag ng phone," tuloy-tuloy na sinabi ni Angela.

"Okay, I wasn't prepared. How am I supposed to react?" wika ko. Sinong hindi mabibigla kung tuloy-tuloy ang boses niya!

"Oops, sorry. I did it quick. Let's start all over again, shall we?" akit niya. Tinanguhan ko ang kaniyang mungkahi, pero may sumigaw mula sa pinto.

"OMG! It's so hot out there!"

Napalingon kaming tatlo sa pinagmulan ng boses.

"Who TF invited her?" tanong ko.

Napatingin si Oliver at si Angela sa akin.

"Well, maybe you? Party mo ito, 'di ba?" Tugon ni Oliver. Napakamot lalo ako sa aking batok.

"But, anyways! Thank you for inviting me here, Logan!" panimula niya, "Logan?" Nagsimula siyang maghanap. "Logan, where are you?" Umikot ang kaniyang mata. Nasa kusina kami, hindi niya talaga kami makikita agad.

Lumabas ako at nagwika, "I'm over here."

Lumapit siya sa puwesto ko at may ibinigay na halaman. Nakipag-beso-beso siya sa akin. "God! I really can't believe that you want me to come over here," nagagalak na bati ni Sheryl. Mataas ang pagkakapuyod ng kaniyang buhok.

Bumulong ako sa aking sarili, "Not actually. I never planned any of these." Hindi niya ako narinig.

Kasunod niyang dumating si Shion, napako ang tingin sa kaniya. Naalala ang sinabi ni Angela. "Hi." Itinaas niya ang kaniyang kamay at saka kumaway. Tumango ako at pilit na ngumiti. Napalingon ako sa gawi ni Angela, nag-iwas ito ng tingin.

Ilang segundo pa at natagpuan ko na lang ang sarili ko sa gitna ng isang party. Dumating si Jeff, Angelyka, at Trisha. Buong akala ko rin ay magiging most unwelcomed na si Sheryl, pero dumating si Nicole, kasama niya si EJ.

Madilim na sa labas.

"Goodness gracious!" Bungad niya. Nasa salas kaming lahat, nagsisimula na silang uminom, pero hindi ako nakisali. Madalang akong uminom ng alak.

"Ang daming naka-line-up na interviews sa akin, ang dami ko pang pictorials and all. Busy pa sa theater! Tapos si Logan, nagawa pa talaga akong akitin. OMG. I'm so pretty," pagyayabang niya. Kung alam lang nila na wala sa plano ko ang pagkakaroon ng party.

"Thanks for the invites," tipid na sinabi ni EJ.

Bakit ba pumunta pa sila rito? Sa pagkakaalam ko ay madalas kaming magtalo nito. Parang ang kapal din ng mukha ni Nicole.

Nakisali ang bagong dating sa inuman. Ako ay kumakain lang ng mga pulutan na nakahain. Hindi talaga ako iinom. Maya-maya pa ay tumayo si Angela. Sinundan ko siya.

"Saan ka?" tanong ko. "Gagawa lang ng burger," sabi niya sa akin. May kinuha siyang tinapay na regalo ni Jeff na nasa cupboard ko.

"Madami naman tayong pagkain sa labas, why do you need to?" tanong ko. Hindi siguro siya nakain ng mga dala ng kaibigan ko.

"This is for Nicole," sabi niya. Umawang ang labi ko. "Magkaaway kayo, right?" tugon ko. Tumango siya sa akin at nagwika, "Peace offering lang. Mali siguro talaga ako. Mabuti na lang at hindi napansin ang isyu dahil sa SDEB."

Habang gumagawa siya ng burger, pumunta muna ako sa restroom para umihi. Pagbalik ko do'n ay tahimik nang nakaupo si Angela sa dining area.

"What happened?" tanong ko sa babaeng kapansin-pansin na tahimik.

"I am thinking about Shion. Kung bakit niya nagawang basagin ang phone ko. We've been good, right?" sabi niya, "pakiramdam ko talaga ay nasa akin ang mali."

"Paano mo ba nasabi na si Shion. Naguguluhan din ako, Angela. Puwede ko bang malaman?" mungkahi ko. Tahimik akong naghintay sa kaniyang responde. Nginitian niya ako.

"There was a lipstick," sabi niya, "mark of a lipstick."

"Sa phone mo?" Tanong ko, tinanguhan niya ito.

"Marami naman ang may lipstick, ano ngayon?" Paghingi ko ng paglilinaw.

"It was pink," mabilis ang naging tugon niya. Kapansin-pansin ang pagiging seryoso ng klima sa loob ng kusina.

"And only Shion wears pink lipstick. I wanted to know why she did it. Because I knew I was sure about it. Pero hindi ko siya magawang tanungin."

Pagkatapos ay may nabasag na baso.

Napalingon kaming dalawa.

Naroon si Shion. Ang sa palagay kong hawak na baso ay kaniyang nabitawan. Kapwa kami ni Angela nagulat dahil sa biglaang pagdating niya. Naantala rin ang kasiyahan sa loob ng salas. Nawala ang ingay.

"I'm sorry," mabilis niyang sabi, "I didn't mean to."

Sinimulan niyang pulutin ang piraso ng baso. Agad akong tumayo para mapigilan siya dahil delikado iyon. Pero huli na ako nang magsimulang lumabas ang dugo mula sa nasugatan niyang daliri.

"I didn't mean to," pag-uulit niya.

"You didn't mean to what?" tanong ko. Iniabot naman ni Angela ang nakitang tissue, kumuha na rin siya ng pandakot para sa nakakalat na bubog.

"To break the glass... and to break her phone."

Bumilis ang takbo ng aking dibdib. Inaamin niya na.

Akala ko ay si Nicole ang may sala. Sumunod si Oliver. Pero nangyaring wala pala sa kanilang dalawa.

"Can you tell me how it happened?" tanong ko. May tumulong luha sa kaniyang mata. Bakit siya umiiyak? Hindi siya dapat umiiyak. Naaapektuhan ako.

Mabilis siyang tumugon, "Nakita ko ang cellphone ni Angela sa loob ng bag ko. Nakita ko na lang ito nang maihatid mo na ako sa dorm. Kaya agad akong pumunta sa building ni Angela, pero nadapa ako sa pagmamadali. Pagpunta ko naman sa kuwarto niya, wala pa siya. Natakot ako. Umakto ako na wala akong ginawa. I'm really sorry. I really am."

Tuloy-tuloy ang pagpatak ng kaniyang luha, kasabay sa kumpas ng kaniyang pananalita. Wala akong nasabi dahil tumakbo na siya palabas. Wala akong imik.

(More)