Chereads / Red Thread / Chapter 11 - Thread X

Chapter 11 - Thread X

Inayos namin ang kalat na iniwan. Hindi ako pumayag na aalis silang marumi ang kuwarto ko. Nakitulong din sila Ej at Nicole, kahit na noong una ay sila'y nagmamaktol. Si Angelyka, Jeff, at Trisha ang naghugas ng mga pinagkainan. Si Khen at si Sheryl naman, mukhang naglalandian habang namumulot ng bote ng ininum nila. Mabuti na lang din at hindi sila nalasing.

Nang umalis si Shion, itinigil namin lahat ng aming ginagawa. Walang kayang magtanong kung ano ang nangyari. At kahit naman magtanong sila, hindi kami sasagot. Tanging ako at si Angela lang ang may ideya kung bakit umakto si Shion. Marahil, si Oliver ay alam din. Sa palagay ko ay inilagay ng lalaki ang cellphone ni Angela sa bag ni Shion.

Pero may isang bagay akong ipinagtataka.

Bakit siya umalis nang may luha? Inaamin niya rin ba na siya ang may pakana ng post ni Angela? Hindi ko siya kayang tanungin tungkol dito. Hahayaan ko na lang ang nangyari at magbubulag-bulagan. Nasabi rin ni Angela na wala na sa kaniya iyon. Ngunit hindi niya mapigilan ang pag-iisip. Kung bakit ganito. Kung bakit biglang ang daming nangyayari.

Handa na ang lahat para umalis. Malinis at mabango na ang kuwarto ko. Sa kabila naman nang malalim na gabi, mulat pa rin ang mata ng aking mga kaibigan.

"Nicole," sabi ni Angela. May hawak siyang isang supot. Lumingon naman nang sabay si Nicole at Ej. Nasa pintuan ang kanilang eksena.

Tinitigan nang masama ni Nicole ang babae, tumataas ang kaliwang kilay. Ang malaking lalaki na nasa tabi niya ay isinuot ang kamay sa bulsa ng pantalon. Nagkagat-labi naman si Angela.

"Uhm," panimula nang babae, naiilang siya, "can we talk?"

Tumingin nang ilang sandali si Nicole kay Ej, nag-uusap ang kanilang kilos. Nagkibit-balikat ang lalaki. Pinanood ko lamang silang tatlo.

Ihinawi sa hangin ni Nicole ang kaniyang mahabang buhok. Nagsalita siya, "Madami pa sana akong gagawin, pero okay."

Nagsimulang lumabas si Nicole at Angela. Hindi ako sumunod. Nagpaalam naman sila Khen sa akin, mauuna na raw. Malugod ko silang tinanguhan at nagpasalamat sa pagdalo ng party na hindi ko pakana. Naiwan si Ej sa loob kasama ko. Nasa gilid lang siya ng pinto. Hindi kami nag-uusap.

Bigla ko namang naalala kung nasaan si Oliver. Sinundan niya yata si Shion. Hindi ko na lang napansin dahil sa naging okupado ang isip.

Gusto ko mang kausapin si Ej ay hindi ko magawa. Gusto kong tanungin kung kumusta na siya. Kung magkaibigan pa kami. Kung oo, natutuwa akong tanggapin siya. Hindi naman ako naniniwala sa lamat ng nakaraan. Lahat naman siguro ng tao ay nagkakamali. Naiiba lang ang timbang nito kung gaano kasahol ang ginawa mong pagkakamali.

Pumasok ako sa restroom para magpalit ng damit. Naligo na rin ako para bukas ay hindi ko na kailangang maligo pa. Malamig pa man dito sa Stanford.

Paglabas ko, agad na napansin ng aking mata ang pinto. Wala na si Ej do'n. Lumabas ako para silipin si Angela at Nicole na nag-uusap, pero wala na sila.

Isinara ko ang pinto at natulog.

Kinabukasan.

May aksidente.

Naantala ang klase ni sir Lopez dahil sa mga humihiyaw na estudyante mula sa labas. Nakisilip kaming magkakaklase. Pero pinagsabihan kami ni sir na huwag na lang iyon pansinsin at pagtuunang atensyon ang klase. Ngunit hindi ko napigil ang sarili ko nang may matanggap akong text mula sa kaibigan kong si Khen.

"Logan!" sigaw ni sir Lopez dahil sa agaran kong paglabas, "Logan Stanford! Get back to your seat!"

Hindi ko siya pinansin. Ang sabi lang naman niya ay pumasok ako, nagawa ko na.

Pinatawag ako ni Khen sa Wolf's Building. Napalilibutan ako ng mga mag-aaral na may bughaw na roba at balabal. Kalimitan sa kanila ay nakasuot din ng salamin sa mata.

Hindi ko na pinasok ang loob ng gusali dahil nakita ko na agad si Khen sa ground. Kasama niya ang ilang mga estudyante na nakatingala sa pinakatuktok ng Wolf's Building.

Pinuntahan ko ang posisyon ni Khen. Sa unahan niya ay may kotse ng pulis. Nakatingala rin siya sa itaas. Ginawa ko rin iyon. Ngunit, bahagyang nasinagan ang mata ko ng sikat ng araw. Hindi ko agad naaninaw ang pinanood nila.

Ilang sandali pa at nanlaki ang bukas ng aking bibig.

"What was happening?" natataranta kong tanong kay Khen. Nagkibit-balikat siya.

Alam ko ito, ilang beses ko nang napanood ang ganitong eksena. Mga suicidal na mag-aaral. Sa sarili kong salita, hindi ako sang-ayon sa pagkitil ng sariling buhay. Isang sensitibong usapin ito, itatago ko na lang ang sariling sentimiyento sa loob ng katawan.

Natanawan ko rin sa rooftop ang ilang mga pulis na pilit na ipinapababa ang estudyante. Ngunit, animo'y wala itong naririnig.

Nagsimulang sumigaw ang mga manonood nang itinapak ng estudyante ang kaniyang paa sa hangin, para bang handa nang lumagapak sa matigas na lupa. Sigurado akong magiging lasog-lasog ang kaniyang katawan kapag bumagsak na siya rito.

Isang katakot-takot na pangyayari ito kung magkakataon.

Naramdaman ko naman ang paglapit ng isang lalaki sa tabi ko. May tunog ng flash ng camera ang umalingaw-ngaw. "You're here!" sabi ko kay Jeff, tumango lang siya habang nakasuksok ang mata sa camera.

"Para sa balita. Alam mo minsan, parang hindi na ako estudyante. Parang pumapasok na lang ako para maging photo journalist," may pait niyang sinabi.

"Ditto," tanging tugon ko.

Ilang sandali pa at napansin kong kumuha na ang lahat ng kanilang mobile phones. Itinutok nila ito sa itaas, matapos may dumating na babae sa likod ng nagpapakamatay na estudyante.

"Celebrity student iyan, 'di ba?" sabi ng mga tsismosa kong katabi.

"Oo, iyan din ang may controversial issue last two days," sagot ng kausap.

Siningkitan ko ang mga mata upang maaninag ang babaeng tinutukoy nila. Masyadong malayo ang posisyon ng eksena upang mabigyang linaw at kahulugan ang walang malay kong isip.

"That's Nicole!" wika ko.

Nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Nicole. Nagsasalita siya sa likod ng lalaking nagpapakamatay. Handa na sila parehas umiyak. Naging madrama ang eksena ngayon. Sino ba ang kausap niya?

May isang pulis ang nagmamadaling humablot sa kamay ng lalaki. Hindi ito namalayan dahil sa nakapikit na siya habang umiiyak.

Ibinaling ko ang atensyon sa kaibigan na nasa kanan. "Khen," panimula ko, "thanks for texting me."

Tinanguhan niya ako. "It's nothing. Alam ko naman na kailangan mo rin gumawa ng balita. I'm just helping you."

Utay-utay na nawala ang kumpol ng estudyante sa ground. Pumasok na sila sa kani-kanilang silid. Ako sana ay babalik na rin, ngunit bigla akong inaya ni Jeff. "Tara," sabi niya.

"Saan?" tanong ko.

"Interview. Kailangan nating gumawa ng balita. Wala naman si Angelyka, absent. Si Trisha, may LBM. Couldn't be seen naman si Oliver. Tapos iyong eleven naman na clubmates natin, hindi ko ka-close. Kaya tara na," paliwanag niya.

Nagsimula siyang pumunta sa Leon Building. Sinundan ko siya. Malalaki ang bawat hakbang ng binata, animo'y may hinahabol na oras.

Pumasok kami sa infirmary na nasa annex ng building. "Ba't dito?" usisa ko. Pinupunasan niya ang lens ng camera. "E, siyempre, ipupunta talaga iyon dito para ma-check-up," siguradong sabi niya. Tinanguhan ko siya.

"Sino sa tingin mo iyong lalaki?" tanong sa akin ni Jeff.

Napatitig ako sa kisame at nagsimulang mag-isip. Wala akong ideya. Wala naman akong kilala masyado sa Stanford. Nakakatamad pati mag-alala ng mga pangalan nila, kung sisitsitin ko rin naman para matawag ang atensyon.

"I have no idea. Pero, alam mo namang 'uso' sa mga kabataan ang pagiging suicidal. Hindi lang ako makapaniwala na meron sa Stanford na ganoong kaso," sagot ko.

Tumango siya at nagwika, "Exactly. Kaya nararamdaman ko na magiging masarap ang balita na ito. Makakatulong 'to para maging EIC ka."

Kinunutan ko siya ng noo at sumagot, "Ha? Ako? Gusto mo bang maging EIC ako ng Diplomatic Urges?" Bahagya akong natawa sa dulo.

"Bakit naman hindi?" sabi niya, "magaling ka naman. Demanding nga lang. But you have the potential to lead, bro." May ngiti siya sa kaniyang labi.

Masiyahin talaga siyang tao. Kapag magkasama kami ay laging magaan ang paligid dahil sa lagi siyang nakangiti. Kahit na minsan ay tahimik siya, ayos lang din dahil nasa magandang kondisyon ang pagiging tahimik niya.

Ilang sandali ang nakalipas at nagsimulang dumating ang taga-kabilang kampo. Ang Diplomatic News Station. Tumunog ang dila ko nang makita si DNS Jasmine.

Bakit ba kailangan nilang sumulpot kung saan-saan?

"I see that you are here," bati niya sa aming dalawa. May dalawa siyang lalaking kasama, may dala itong malalaking video recorder.

"Gagawa rin ba kayo ng balita tungkol sa nangyari kanina?" tanong niya.

"Isn't it obvious?" sagot ko, inirapan ko siya.

"Well, see you around. Gandahan niyo naman balita niyo para tumaas ang engagement ng inyong newspaper," tugon niya. Ngumisi ang kaniyang mapulang labi.

"I see nothing wrong with our articles. In fact, puro katotohanan lang iyong pinu-publish namin. Unlike you guys, chasing for clout. Sabay sa trend. Sabay sa bandwagon. And lastly, feeling relevant," ganti ko.

Hinawakan niya ang kaniyang buhok at saka sinimulan itong laruin. "Nakaka-touch naman ang description mo. Palibhasa, old fashion kayo." Tumawa siya.

"No, DNS Jasmine, we are classic," aking banat. Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Tumawa lang siya nang malakas

"How about we have a game? Kung sino ang makakakuha ng exclusive interview sa mga naging sangkot ng insidente kanina, sila ang mananalo. C'mon, just a little game and fun." Dalawang beses tumaas ang kaniyang kilay, pang-aakit nito.

"Sure. Madali lang iyan," sagot ko.

"Hey, Logan," tawag sa akin ni Jeff. Nilingon ko siya at nagsalita, "Why?"

Hindi siya nakasagot dahil may inilusob ng pasyente sa loob ng isang silid. Hindi ko nakita kung sino iyong nakahiga dahil naharangan ang paningin ko nang mga personnel. Kabuntot naman nito si Nicole. Magulo ang mahaba niyang buhok. Halata ring namumugto ang mga mata.

Agad-agad na nilapitan ni Jasmine ang babae. Tinapik niya ang kaniyang likod at sinubukang patahanin. Umiiyak si Nicole. Si Jasmine ay sumisipsip.

Hinintay ko ang ilang sandali bago siya tumahan.

"Nicole," sabi ko. Nasa harapan niya ako habang nasa gilid niya ang sipsip na si Jasmine. "Why are you being so affected?"

Napalunok ako.

Binigyan niya ako ng tingin.

"What do you mean why am I being so affected?" panimula niya, may galit ang boses, "that's our friend, Logan!"

Nagkasalubong ang parehas kong kilay. "Friend? Sino?" tanong ko.

Ang mukha niya ay nawalan ng buhay ng tanungin ko iyon. "Hindi mo ba talaga alam?" sabi niya, "Enrico Junior Morato! Your friend, hoe."

Nanlaki ang pagkakamulat ng aking mga mata.

"Si… EJ?" pagkaklaro ko. Dahil hindi ko maintindihan. Bakit naman gugustuhin ni EJ na magpakamatay?

"May iba ka pa bang kilalang ganiyan ang pangalan?" naiirita niyang tanong. Pinapanood lang kami ni Jasmine.

"I mean, why? How?" tugon ko. Lumapit ako kay Nicole para titigan siyang mabuti. Ngunit naharang ako ng mga kamay ni Jasmine sa paglapit. "Not too close Mr. Logan Stanford," marahan niyang sinabi, "your questions are on the record. We have a game, right?"

"What game?" sabi ni Nicole.

Sa pagkakataong ito, si Jasmine ang sumagot, "Game. Kung sino ang pipiliin mo na mag-interview sa iyo." May ngiti ang kaniyang labi, animo'y sigurado na siya ang pipiliin.

"Do you find this funny, huh?" Naiirita si Nicole. Nawala ang ngiting nakatapal sa mukha ni Jasmine. Sinubukan kong humigit ng hangin, pero hindi ko iyon nagawa nang sampalin ni Nicole si Jasmine.

Nagulat ako. Hindi ko iyon inasahan.

"I thought we were friends. Mukhang ginagamit mo lang ako sa mga leche mong balita," may pagdidiinang sinabi ni Nicole kay Jasmine na nakahawak sa kaniyang mukha. Mabilis na namula ang pisngi ng babae.

Tumindig nang tama ang matapang na journalist. Inayos ang pagkakasuot ng kaniyang roba. Hindi siya sumagot. Alam niyang walang patutunguhan ang kaniyang depensa. Matapos iyon ay tumalikod siya. Kahiya-hiya ang nangyari dahil marami ang nakakita.

Bumaling ang tingin ni Nicole sa akin. "I was tired. I really had enough with that bitch. I needed to," sabi niya sa akin.

Matagal ko nang alam na ganito ang ugali ni Nicole. Sa palagay niya, siya ang superior. Akala niya, siya ang pinakamagaling sa lahat. Kaya ayaw niya sa mga taong mahihina. Inaaway niya lang ako dahil sa magaling ako. At ayaw niya noon. Ayaw niyang nalalamangan siya. Pero pagdating sa kaniyang mga kaibigan, handa naman siyang gawin ang buong makakaya para lang makatulong.

"You did a great job," sabi ko. Hindi ako sang-ayon sa kaharasan. Pero sa palagay ko naman ay nararapat lang kay Jasmine ang natanggap niya.

Inirapan niya ako at nagwika, "Whatever. I knew that you needed this news to get published. We are in the same house, if your news could get high points, all of us in the Tiger can benefit from it."

Tumango ako. Sa wakas ay nakausap ko rin siya nang matino. Pakiramdam ko kasi ay puro na lang panlalait at pagyayabang ang lumalabas sa bibig niya.

"Can we now proceed to the interview. I can tell you anything," karugtong niyang sinabi.

Umiling ako sa kaniya. "Stay where you at, bibili lang ako ng tubig."

Mabilis akong lumabas ng infirmary. Iniwan ko si Nicole sa kamay ni Jeff. Pagpunta ko sa cafeteria para bumili ng tubig, nagkasalubong kami ni sir Willie. Binati ko siya, binati niya ako. Sabay kaming bumili ng tubig. Nang pabalik na ako, may sinabi siya, "Iyong si Angela, pakitanong nga sa kaniya kung naibalik na niya iyong chemicals na kinuha sa lab." May pagka-awtoridad ang kaniyang tono. Tinanguhan ko siya.

Naalala kong humingi ng tulong si Angela kay sir Willie tungkol sa General Science, siguro ay iyon ang itinutukoy ng matanda.

Pagkabalik ko sa Infirmary, nakaayos nang upo si Nicole. Hawak naman ni Jeff ang kaniyang camera habang kinukunan ng litrato ang nakahigang katawan ni EJ. Hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa niyang isipin ang pagpapakamatay.

"Hey," bungad ni Jeff nang makita ako. May iniabot ako sa kaniyang tubig, ganoon din kay Nicole. Wala akong narinig na pasalamat mula sa kanilang dalawa.

"Nanghingi na ako ng kopya ng lab report, kakalabas lang nung examination ni EJ." May iniabot siya sa aking folder. Binasa ko lahat ng database, napagkumpara nito ang stress level ng kaibigan. Narito rin ang potential reasons kung bakit naisipan ni Ej mag-suicide. Bago pala ako kausapin ni Nicole ay may nakausap na siyang guidance.

Tinanguhan ko si Jeff. Pumunta naman ako kay Nicole at tumabi sa kaniyang gilid. May kinuha akong upuan, ipinatong ko ang notebook sa aking nakakrus na hita.

"Shall we start?" tanong ko. Tumango siya. Lumapit si Jeff sa amin at nagsimulang kumuha ng litrato.

"State everything that happened before EJ could think of suiciding. Something unusual today," saad ko.

Pinisil-pisil ni Nicole ang kaniyang kamay gamit ang isa. Nag-isip siya.

"Nothing really particular happened. Sabay kaming pumasok, pumunta muna kami sa Leon Building para bumili ng pagkain kasi hindi kami parehas kumain ng almusal. Pero ako lang iyong bumili, sinamahan niya lang ako, mayroon siyang baong burger, galing iyon sa akin.

"Came recess. Magkasama kaming kumain, sarap na sarap nga siya sa kinakain niya— ako walang gana. Then, all shit happened! I don't think it's related with his affairs. Hindi naman siya nagku-kuwento tungkol sa mga problema niya. Okay naman kami kapag magkasama. I can't think anything special today."

Isinulat ko lahat ng sinabi niya.

"Hindi ba kayo nag-away?" si Jeff.

"What? No! We've always been good. Lagi siyang masaya."

"Pero ang mga suicidal, 'di ba, nakangiti 'daw' sa labas, pero malungkot sa loob? Iyon trend sa SNS, e," sagot ni Jeff.

Natahimik kaming lahat. Posible kayang suicidal si EJ? Sa mga sinabi ni Nicole ay parang ganoon na nga. Pero paano kung hindi. Paano kung may nag-udyok sa kaniya na magpakamatay?

Pero kasasabi lang, walang sino man ang puwedeng mag-udyok.

Hindi kaya… isang bagay?

May yapak ng takong ang umusbong.

"Kayo ba ang mga kaibigan ni Mr. Morato?" May dumating na doctor— si Dra. Eleazar, suot-suot ang white gown. Tumango kami sa kaniyang tanong.

"You need to know something." May iniabot siya sa aking bagong folder. "That's fresh from the lab results, hindi namin agad napansin."

May kinuha siya sa bulsa ng kaniyang gown. Inilabas niya ang mababasagin na thermometer. Makikita mo rito ang likido sa loob.

Tinitigan naming mabuti ang kaniyang hawak.

"This is a thermometer," sabi niya. Sabay-sabay kaming napasang-ayon. Oo, alam naming thermometer nga iyon. Anong mayroon dito at bakit niya sa amin ipinapakita ang kanilang kasangkapan. Susuriin ba nila ang temperatura ng aming katawan?

"But, do you know what's inside it? The liquid in particular," kadugsong niya. Sa aming tatlo, ako lang ang tumango.

"Yes, Mercury," aking sagot.

"Good Job, Logan. Additional Three-Points for you," tugon niya. Natuwa naman ako dahil sigurado akong maidadagdag ito sa aking points sa leaderboard.

"Now, I want you to open the folder," utos niya. Binuksan ko ang hawak na folder, nakisilip sa akin si Nicole at Jeff, halatang naguguluhan.

"Your friend, Enrico Junior Morato, indigested a form of chemical— called Mercury," sabi niya. Binigyan ko siya ng kunot na noo. Hindi napigilan ni Jeff ang kaniyang bibig.

"What's the deal po? I mean, was that a bad thing?" tanong ni Jeff.

"When Mercury has been taken by a person, it can affect the mental state of a being. Causing them hallucinations and could potentially rise up their stress levels," tugon niya.

Sa palagay ko ay naliliwanagan ako.

Ibig sabihin ay may nakain si Ej na may halong Chemical Mercury.

May lumapit na campus police mula sa likuran ni Dra. Eleazar.

Kinabahan ako dahil sa kaniyang pagsulpot. Suot niya ang police uniform. Maganda at matikas ang tayo niya.

"Nicole Surara," pauna nito, "we are peacefully inviting you to our office."

Lumaki parehas ang aking mata. Napalingon ako sa babaeng kinakabahan at naguguluhan.

"W-why?" Bakas sa tono ng kaniyang pananalita ang takot na bumabalot.

Sa pagkakataong ito, si Dra. Eleazar ang sumagot. "We found the chemical on Ej's burger. Pina-check ko ito mula sa cafeteria para kumpirmahin kung doon nagmula ang kinain ng kaibigan niyo. But there were no records. So, we checked the CCTV and traced all of his actions. We are scared to say, pero nakita namin na sa iyo nagmula ang burger na iyon."

Bumilis ang takbo ng aking damdamin. Nagkabuhol-buhol ang isip ko. Pero kahit na ganoon ang nangyari ay ikinuha ko ang notebook, hinawakan ang ballpen, at sinimulang sumulat. Kumuha ng litrato si Jeff.

"Pero hindi sa akin galing iyon," pagtanggi ni Nicole.

"Bigay lang siya sa akin ng kaibigan ko. Si Angela! Angela Catapis."

(More)