Totoo sa sinabi ng SDEB at Minority Whips, ganap nang ipatutupad ang panibagong decree ngayong Sabado, ngunit ang mungkahi ni Head Student, Mateo Ilagan, ay hindi ipinahintulutan. At dahil walang pasok ngayon, tinawagan ko ang kaibigang si Shion upang bumisita sa aking dorm.
Naghanda ako nang ilang putahe na binili ko sa labas, hindi naman ako tinuruan magluto. Kaya ko lang magprito ng itlog, hotdog, at wala na.
Sumapit ang ala-una ng hapon, may natanggap akong katok. Binuksan ko ang pinto at binigyang ngiti ang bagong dating na kaibigan. Samantalang siya ay halatang naiilang.
"Uhm, I really just wanted to thank you for helping me out yesterday," panimula ko, pinatutungkulan ang nangyaring isyu kay Angela, "hindi ko rin talaga alam kung ano ang gagawin kong depensa para mailigtas siya."
Hindi umimik ang kasama, tanging ugong ng aircon ang naglalakbay sa paligid. Pinalilibutan namin ang lamesa sa kusina, doon kami kumakain.
Makalipas ang ilang segundo ay nagawa niya nang magsalita, "I'm sorry."
Nakatungo ang kaniyang ulo habang iniinom ang orange juice, animo'y nahihiya.
"Hindi ko talaga intensyon na mabasag iyong phone ni Angela. It's just... I got scared. Pero alam ko rin naman na may mali ako. Hiding the mistake I made was another mistake."
Hindi niya nakikita ang aking ekspresyon dahil siya ay nakaiwas sa akin. Ngunit kung ito may makikita niya, malalaman niya na hindi ako galit sa kaniyang ginawa.
Nakangiti ako habang siya ay hinahayaan na magpaliwanag. Marami na ang nangyari sa mga araw na ito, ang magagawa ko na lang ay ngumiti upang itaboy ang masamang presensiya sa hangin.
"It's okay. We forgive you. Kalimutan na lang natin," wika ko. Tumaas ang kaniyang mukha at nakita ang ngiti ko sa labi. Tiningnan niya ako sa loob ng tatlong segundo bago maglahad ng ngiti.
"Kaya huwag ka nang tatakbo, you don't run after you confess. You'll make my mind crazy, okay?" sabi ko habang hinihipo ang kamay niyang nakapatong sa lamesa.
Tumango siya at pagkatapos ay iniba ang usapan. "Ano pala ang nangyari? Okay na ba iyong kaso nila Angela?" nag-aalala niyang tanong. Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa bumabalik na ang dating Shion, ang concern sa lahat ng bagay.
Sumagot ako, "Oo, ayos na ang lahat. We handled it cleanly."
"Ano na ang mangyayari? May mapaparusahan ba? Hindi niyo ba gagawan ng balita ang nangyari? Kasi... makakatulong iyon sa ratings ng Diplomatic Urges lalo na at malapit na ang competition niyo," dugtong niya.
Ipinihit ko ang ulo sa tig-kabilang dako habang nagsasalita. "Hindi, we don't have to make them news. Hindi naman involve ang ibang tao, why bother?"
Tinanguhan niya ako. Nagpatuloy kami sa pagkain at sa pag-uusap. Nagagalak akong malaman na ayos na kami. Na wala nang problema. Na maayos na ang lahat.
Maliban sa isa- ang ulo ko.
Matapos ang naging pag-uusap sa loob ng aking silid, nagpaalam ako kay Shion na pupunta sa ospital para kitain ang doktor. Sinabihan ko siya na mamalagi na muna sa kuwarto habang ako ay wala. Magiging mabilis lang naman ang aking pupuntahan.
Pagkarating ko sa hospital, naghihintay na sa akin si Doctor Alvarez, family doctor. Pumasok ako sa loob ng kaniyang malamig at tahimik na opisina habang siya ay naghahanda para sa gagawin naming test.
Ilang beses na akong dumaan sa CT-Scan, pero sana ngayon ay hindi ko na gawin iyon. Narinig ko kasi sa kaniya na magiging huli na iyong nakaraang Linggo. At sa pagkakataong ito raw ay tatagkalin na ang abalang bendahe sa aking ulo.
Marami kaming pinag-usapan. Chineck-up niya ang bawat bahagi ng aking katawan, sinisigurado lang daw na malusog ako. Physically- oo. Maayos ang pangangatawan ko, kaya nga ang laki ng katawan ko. Pero emotionally at mentally? Sa palagay ko ay hindi.
Madaming dumaan na problema sa buhay, sa palagay ko ay naapektuhan noon ang aking pag-iisip at lagay ng damdamin. Mas nagiging madalas na ang pagha-hallucinate ko. Lumalala rin ang galit ko kay Mateo. At alam ko sa sarili na mali iyon.
Ipinalakpak ni Doc. Alvares ang kaniyang dalawang kamay habang nakangiti. "Tapos na ang check-up natin!" Masaya niyang bati. Hinuhubad naman niya ngayon ang stethoscope na ginamit sa pag-check ng aking heart rate.
Masaya akong nakangiti sa kaniya. Ibig sabihin nito ay hindi ko na kailangan pang pumunta sa ospital nang isang beses tuwing linggo. Magiging madalang na at magkakaroon ako nang mas maraming panahon para sa sarili.
"But for the last step, we needed to remove your bandage," wika niya. Mas lalo akong sumaya. Sa wakas! Ito kasi ang unang napapansin ng mga tao. Lagi akong tinatanong nang: "Ano ang nangyari, bakit may nangyari, kailan tatagkalin?"
At nakakasawa iyon, hindi ko naman kailangan na magpaliwanag sa harap nang maraming tao. Dahil din sa ginagawa nila ay naaalala ko ang galit kay Mateo. Siya lang naman talaga ang puwedeng gumawa sa akin nito!
Lumapit si Doc. Alvarez sa akin at dahan-dahang tinagkal ang nakatapal na bendahe. Makalipas nang ilang minutong paghihintay ay muli ko nang nasilayan ang buong porma ng aking ulo.
Malawak akong ngumiti, "Thank you Doc!" bati ko. Ilang taon na siyang nagsisilbi sa amin, mabuti at hindi siya nananawa.
Tinanguhan niya ako at nagwika, "Sure, sure. Anytime, Logan."
Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Inayos ko ang damit at sinabi ang: "Paalam." Pero bago iyon ay tinanong ako ni Doc, "Kailan pupunta si Ma'am? May Schedule siya dapat noong nakaraang dalawang Linggo, hindi siya sumipot. Pakisabi na lang sa mama mo, Logan."
Kumunot ang kaniyang noo paitaas. Tiningnan ko siya at hindi sumagot.
Lumabas ako ng ospital at sumakay sa kotse. Nagmaneho ako papunta sa bahay namin. Kukuhain ko lang ang ilang gamit na naiwan ko. Siguro, kapag walang topak ang nanay ko ay sasabihan siyang pumunta sa ospital para sa monthly check-up namin. Pero kung may sayad na naman siya, huwag na lang.
Bumungad sa akin ang karaniwang alikabok na tumatambay sa loob ng malaking bahay. Maliwanag dito dahil sa nagbibigay nang natural na init ang araw paloob.
Mukhang walang tao. Hinayaan ko na lang iyon at tumungo sa aking silid upang kumuha nang naiwang damit. Kinuha ko rin ang Versace na bedsheet at pillowcase sa kabinet ko, ang pangit ng tela sa Stanford, nangangati ako.
Papaalis na dapat ako dahil sa nakuha naman na ang pakay. Ngunit aking nakita ang ilan kong laruan na kotse at fidget spinner. Nasa bilang ito na dalawampo. At dahil hindi kayang buhatin nang dalawa kong kamay ang lahat, pumunta ako sa basement ng bahay namin para kumuha ng kahon.
Natagalan pa ako sa paghahanap ng susi, nasa ilalim lang naman pala ng mismong pintuan. Pagkapasok ko roon ay binuhay ko ang ilaw, ngunit ito ay patay-sinid, animo'y naghihingalong kabayo. Pinatay ko na lang nang tuluyan dahil sa nakaduduling ang ibinibigay na ilaw nito. Inalabas ko na lamang ang cellphone at hinayaang flashlight nito ang magdala sa kahon na aking kukuhain.
Maraming istante sa loob. Nakita ko rito ang lumang bike ko, narito rin pala ang bola ng basketbol na hilig kong laruin. Isasama ko sana siya sa dorm pero ito ay yupi na.
At nang may makita akong maluwang na kahon, agad ko iyong binuhat at dinala palabas. Ngunit ako ay naantala nang may bumagsak mula sa kabilang bahagi. Agad kong itinutok ang flashlight sa gawing narinig. Dahan-dahan akong naglakad papunta roon, imposible namang may multo rito. At higit pa, hindi ako naniniwala sa mga ganoong bagay.
Walang-takot akong naglakad. Ngunit ang paa ko ay may naapakan na nakaumbok sa sahig. Ibinaba ko ang aking tingin at nakita ang isang album. Itinungo ko ang katawan paibaba upang pulutin ang naapakan na libro.
"Album 'to ni mama," wika ko. Kinagat ko ang hawak kong cellphone at saka ipinagpagan ang librong namahayan na ng alikabok. Mayroon itong bookcase kaya hindi nakagat ng mga bibwit at uod.
May pumasok na malakas na hangin sa basement sa kabila nang pagiging tagong silid nito. Umawang ang pintuan at nagbigay nang hindi kanais-nais na tunog. Nagpasya akong lumabas, kinuha ko ang kahon at tumungo sa silid.
Ilang sandali pa at handa na ako. Bumalik ako sa campus, at habang ang sasakyan ko ay marahang tinatahak ang daan papunta sa Building A-B, nadaanan ko si Oliver na kababa nang sakay niyang motorsiklo sa tapat ng dorm ni Shion.
Mabilis ko siyang pinasadahan ng tingin. Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy. Baka naman ay hindi siya iyon.
Ipinarke ko ang aking kotse nang naroon na ako sa Building A-B.
"Hey," wika ng panibagong lalaki, nasa tapat siya ng kaniyang sasakyan. Kakababa ko lang sa kotse. Nasa parking lot kami, mukhang siya ay namili ng kaniyang groceries dahil may bitbit siyang supot.
Umakto akong hindi siya nakita, siya iyong lalaking nakita kong sumusupsop ng suso ng guro namin. Walang modo.
Narinig ko siyang mag-"oh" nang nilagpasan ko ang kaniyang posisyon. Mabilis akong tumungo sa loob ng gusali, Malaki ang naging hakbang ko papunta sa elevator, ngunit iyon ay sarado na. Minabuti kong gamitin ang hagdanan paitaas kesa maghintay. May naramdaman naman akong nakasunod sa akin.
"Hey, neighbor!" wika ng parehas na lalaki. Siya na naman!
Hindi ko siya nilingon, tinuon ang pansin sa hagdan. Pero sa kakulitan niya sa pagtawag, muntik na akong matalisod. Kumalat ang laman ng dala-dala kong kahon.
"Fuck," sambit ko, "what do you fucking need?" Naging brusko ang tunog ng aking boses.
"Fuck agad? Ngayon pa nga lang tayo nag-uusap nang matino, e," sagot ng lalaki.
Nagsimula akong mamulot, tinulungan niya ako. "I don't need your help," sabi ko.
Sinuklay ng kaniyang mahahabang daliri ang malalagong hibla ng kaniyang buhok. Mas mahaba ang buhok niya kesa sa akin!
"I never needed your punch but you still punched me the last time I saw you," sabi niya. Kumunot ang noo ko, ano ba ang gusto ng lalaking ito mula sa akin?
"You were being an asshole that time. But I guess being an asshole was just being yourself," tugon ko. Matipid siyang tumawa.
Tumayo naman agad ako nang matapos sa pamumulot. Nagpatuloy ako sa paglalakad.
"Tangina? Puwede bang huwag mo akong sundan?" naiirita kong sabi sa kaniya. Nasa ikatlong palapag ang silid ko, ang haba tuloy nang lalakarin!
Hindi niya pinansin ang sinabi ko at patuloy pa rin sa pagsunod sa akin. Sa pagkakataong ito ay tahimik siya. Ngunit hindi nakaya ng aking pasensiya ang kaniyang munting presensiya. Muli ko siyang nilingon at nagwika nang marahas. "Are you fucking gay?" tanong ko.
Ngumiwi ang kaniyang bibig at nagwika, "You saw me sucking Ms Palax's boobs then you gonna ask me if I was gay?" Nagkasalubong ang makapal niyang kilay. Kung hindi siya isang bading, bakit niya ba ako sinusundan?!
Ako naman ang ngumiwi at sumagot, "Proud ka pa talaga, ha?" Hindi ko hinintay ang kaniyang sagot. Nagpatuloy ako sa paglakad habang siya ay nakabuntot pa rin sa akin habang nagpapaliwanag.
"I am somehow proud. Dahil sa ginagawa ko ay nakakagawa ako ng art," sabi niya nang malakas. Mabuti at kulong ang dinaraanan namin. Walang ibang makakarinig ng kaniyang kabalbalan maliban sa akin.
"That was awesome. Masarap."
Walang tigil ang mata ko sa kaiirap sa kaniyang sinasabi. "Puta, ano ang masarap?" sabi ko nang hindi siya nililingon.
"Ang pagsuso, iyon ba?" tanong ko. Maraming nagsasabi na masarap nga raw gawin iyon, pero hindi ko iyon ginagawa. Ayaw kong mapuno ng katarantaduhan ang buhay ko. Masaya na akong si Mateo at si mama ang tanging tarantado sa aking mundo.
"No, of course not, dude! Iyong paggawa ng art ang masaya."
Umawang na naman ang bibig ko. Art talaga ang pagsuso? TSK. Iba na talaga ang kabataan ngayon.
Sa wakas, nasa ikatlong palapag na ako. Binuksan ko ang pintuan at mabilis na dumungaw sa akin ang pasilyo. Naglakad ako papunta sa aking silid, kulang na lang nga ay takbuhin ko. Nakaririndi ang boses ng isang ito! Hindi ba siya nagsasawa? Ang dami niyang kinukuwento kahit hindi kami magkakilala.
Tumapat ako sa posisyon ng pinto ng kuwarto. Sarado, baka umalis na si Shion. Sabi ko pa naman din ay hintayin niya ako, siguro ay may ginawa siya.
Ang isang ito naman ay ikinukuwento kung paano siya gumagawa ng art. Ginagamit niya raw ang kamay niya sa paghulma ng isang dakilang mahika. Lalamasin mo raw ang pinaghalong kulay para makabuo, lumabas, at may sumabog na paghihirap.
Ang dumi-dumi ng pandinig ko! Patawarin sana ako ng mga santong aking kilala.
"Why is this key not fucking working in this fucking tight keyhole," sabi ko habang pilit na sinusuksok ang hawak na susi sa doorknob. Napatigil sa pagdadaldal ang lalaki.
"Uhm," panimula niya, "that's my room. You need a key? Wait... here."
Lumunok ako nang isang beses. Hanggang sa naging dalawa at tatlo.
Napatigil ako habang siya ay tinitingnan.
"Hey, here's the key," sabi niya.
Pinilit kong kumuha ng hangin. Sinubukan kong huminga nang malalim at mag-isip nang magagandang bagay, makalimutan lang ang kaisipan na pagsuntok sa lalaking ito.
"Why didn't you fucking say earlier that this wasn't my room?" mabagal kong sinabi, may pinipilit akong ngiti na lumabas. Hindi ko na kaya ang pagtitimpi.
"Why do you always say fuck?" sabi niya, "akala ko kasi gusto mo makita mga art ko kaya binubuksan mo kuwarto ko."
Ang mukha ko ay sumisigaw ng galit. Gusto ko na talaga siyang sapukin!
"So, neighbor talaga kita?" tanong ko, "ikaw iyong naririnig kong laging umuungol?"
Humagalpak siya sa katatawa habang nagsasalita, "Of course not. Videos lang iyon, I watch that whenever I needed to work an art."
"Fuck? You watch porn?" tanong ko.
Tumango siya nang dalawang beses. "Nothing's wrong with watching porn, dude. People created porn site ain't for nothing, e," kaniyang tugon, "and don't act like you never seen one."
"Because I never really seen one! That's disgusting, okay? And I don't need to see your arts. I don't want to see you have sex! I don't want to talk about sex!" sigaw ko, umalingawngaw ang boses sa mahabang pasilyo.
Natigilan siya.
Isa.
Dalawa.
"Tanga," sabi niya, "I'm virgin."
"E, ano iyong nakita ko noong Huwebes?" tanong ko.
"Make-over. Okay? Iba ang sex sa make-over," paliwanag niya, "Ang make-over ay iyo-"
"Will you please shut up and stop talking about sex?!" Nawalan na ako ng kontrol sa sarili.
"Logan?" May boses na lumabas sa likod. "Why are you shouting sex?"
Lumingon ako. "SHUT UP!" sigaw ko sa babae, si Shion pala iyon, nagitla siya, "I mean... I am not talking about sex- he is!" Muli kong ibinaling ang atensyon sa lalaking pilit na tinatago ang kaniyang tawa.
Naramdaman ko ang paglabas ng panibagong tao mula sa kabilang gawi. "What is the fuss all about?" sabi nito, si Khen. Lumingon ako. Ano ang ginagawa ni Khen sa kuwarto ko?
"Ang ingay naman," sabi ng bagong boses, si Sheryl. Silang lahat ay lumabas mula sa aking silid. Tambayan ba itong kuwarto ko?
"Oh, hi, Logan!" bati ng babae, ang taas pa rin ng kaniyang puyod.
Hindi ko pinansin ang bati ni Sheryl, sinamaan ko naman ng tingin ang lalaking hindi ko kilala. Ito ay pilit na pinipigilan ang tawa.
"Okay-okay, I won't talk about sex anymore. Kahit naman hindi sex iyong sinasabi ko," depensa niya. Kahit na malinaw na sex talaga ang kinukuwento niya buong oras.
"Oh!" kasunod na bati ng lalaki, "ikaw pala iyan Khen!" Nakatingin siya lagpas sa aking katawan. Lumingon ako sa gawi ni Khen, nagsalita ito, "Hey, Jay! Dito ka rin pala? Nice! Pasok ka, naglalaro kami sa loob," akit ni Khen, animo'y siya ang may-ari ng kuwarto.
"Magkakilala kayo?" tanong ko. Ito ay hindi nila pinansin. Hangin ba ako?
"Sure-sure," sagot noong Jay. Nagpatuloy siya sa paglakad papunta sa kabilang silid.
"Who the fuck told you that you can play inside my room?" kunot-noo kong tanong. Kung kanina ay masaya ang lagay ko, ngayon ay hindi.
Hindi pinansin ng dalawang lalaki ang sinabi ko, pumasok sila sa loob. Naiwan ako kasama ni Shion at ni Sheryl sa labas. Nagsalita si Shion, "Sorry, medyo na-bored ako. Nag-invite lang ako ng iba mong friends. I invited Khen since his phone number was posted against your ref."
Napahilamos ang dalawa kong kamay sa mukha.
"Sana pala ay hindi na. Hindi nga ako na-recognize ni Khen. Mabuti na lang at kilala ako ni Sheryl," sabi pa ni Shion habang ibinabaling ang tingin sa bagong sambit na babae.
Ngumiti si Sheryl sa akin.
"Let's go inside?" nahihiyang tanong ni Shion. Nakakunot ang kaniyang noo paitaas.
Nagsalita si Sheryl, "Kilala mo pala si Jay, siya iyong bagong Top Five sa leaderboard." Ngumiwi naman nang todo ang mukha ko. Paano siya naging top five?! Sira ba talaga ang sistema ng Stanford?
"Pogi, 'no?" sabi ni Sheryl, "kaso hindi na ata virgin."
Ikinuom ko ang aking kamao dahil sa terminong narinig. Kailangan ko na atang bumili ng holy water at iligo sa buong katawan. Nagtimpi ako.
Tinanong ko na lang si Shion. "Ano ba nilalaro niyo? Wala ba kayong gagawin ngayong sabado. Projects? Assignments?"
Umiling si Shion, "We don't have. Kaya pumasok na tayo, medyo mainit sa labas!"
Hinigit ni Shion ang kamay ko papunta sa katabing silid. Pagdungaw ko sa pintuan, nakita ko si Khen at iyong Jay na nakaupo sa sahig habang naglalaro ng Jackstone.
Kailan ba ako magkakaroon nang matinong araw?
(More)