Chereads / Red Thread / Chapter 20 - Thread XIX

Chapter 20 - Thread XIX

Nag-usap kami nang ilang sandali ni Sheryl tungkol sa lahat ng kaniyang sinabi. Matapos iyon ay nagpaalam na siya. Sinabi niyang bukas na siya aalis ng Stanford.

Minabuti ko naman na umalis sa infirmary at dali-daling pumunta sa dormitory- kahit na ang bilin ng doktor ay huwag akong aalis para may magbantay sa aking nurse.

Hindi kinaya ng aking kuryosidad na hindi magtanong kay Khen. Nasa tapat na ako ng sariling silid ngunit hindi magawang pihiting ang busol, animo'y isa akong dayuhan sa sariling pagmamay-ari.

Nang itinulak ko ang pinto, ang inasahan ko ay si Khen na nagbabasa ng libro. Pero hindi.

"Dito niyo pa talaga nagawang maghalikan. Really? Sa kuwarto ko?" usal ko nang agad silang makitang naglalampugan sa may sofa habang may naka-play na porno sa T.V.

Napatayo ang dalawang binata sa gulat, hindi alam ang gagawin. Nataranta sila. Mabuti na lang at suot pa nila ang mga saplot, kung hindi ay napalayas ko na sila.

Tumayo si Jay at nakatungong naglalakad papunta sa pintuan, tila aalis at tatakas na sa kalibugang ginagawa nila.

"Saan ka pupunta?" Galit ngunit mahina ang tono ng aking boses. Dahan-dahang itinaas ng lalaki ang kaniyang ulo at saka bahagyang ngumiti. At sa pagkakataong ito, hindi ko na napigilan ang sarili sa pagdapo ng kamao sa kaniyang mukha. Mabilis siyang nilabasan ng dugo mula sa ilong.

Agad na pinuntahan ito ni Khen. Naninikip ang dibdib ko. Buong oras ay inakala kong lalaki si Khen at sadyang hindi lang mahilig sa babae dahil sa kasal na siya sa libro. Pero mali ako, bakla pala siya.

"You know that I don't hate gays," panimula ko, "but I hate it when people hide something from me."

Nagsara ang parehas kong panga habang nakaturo ang kamay ko sa pasilyo. "Leave," mahina kong sabi, pilit na itinatago ang galit at inis na maaaring magdulot nang panibagong suntok.

"I said, leave!" sumigaw na ako nang hindi sila kumibo sa posisyon.

"Maiwan ka, Khen," wika ko nang siya ay nasa harapan. Nakita ko siyang lumunok.

Ilang sandali pa at parehas na kaming nakaupo sa sofa. Malayo ang puwesto niya sa akin. Biglang nagkaroon ng distansiya.

"How can you betray me?" tanong ko sa lalaki. Wala siyang imik. "You should have told me, Khen. Matatanggap naman kita. You are my friend and I'll accept you whoever you are." Ikinukuom ko ang matigas na kamao. Hindi ako makatitig sa kaniya ng tuwid. Ang mata ko ay nakalupagi lang sa kawalana.

"I'm sorry. Natakot ako," sabi niya, "hindi ko masabi sa iyo dahil baka pandirihan mo ako. Sorry, Logan, I disappointed you."

Ang kaniyang mukha ay nangasim dahil sa iyak na nagbabantang bumuhos. Naging madrama ang gabi ko ngayon. Ang daming problema.

"Yes, you disappointed me," sabi ko, "but not because you were gay. But because you hid something from me. Doon ako nagagalit, Khen. Pakiramdam ko ay ginawa mo akong tanga." Hinarap ko siya at tinitigan nang matuwid. Ang kaniyang mata ay walang tigil sa pagluha.

"Please don't cry, I don't like seeing my friends crying," pigil ko sa kaniya. Ngunit ito ang naging dahilan upang maging bagyo ang kaninang ulan lang.

Iniusog niya ang kaniyang pagkakaupo malapit sa akin at agad na niyakap ako. Sinalo ko ang kaniyang imbitasyon at tinapik ang likod.

Ang kadramahan na aming tinataglay ay biglang naantala nang may sigaw na umusbong mula sa labas ng silid. Sarado ang pinto kung kaya't ang taong sumisigaw ay walang-tigil na kumakatok. Akala ko ba, may curfew?!

"Logan, Logan!" sabi niya kasabay ng kaniyang nakaririnding tanong. Pumunta ako sa pintuan at pinagbuksan siya. Bumungad sa akin si Sheena na magulo ang buhok habang ang isang kamay ay nakakapit sa isang dibdib.

"Death!" sabi niya.

Kumunot ang noo ko. "Anong death?"

"Death! Sagot sa first riddle," paliwanag niya. Kahit pa man ay hindi ko siya iniimbita sa pagpasok, kusa na siyang tumuloy at umupo sa sofa. Nakita naming dalawa ang pagpahi ng luha ni Khen. Kaya hinarap ako ni Sheena para magtanong kung may nangyari ba. Nagkibit-balikat lang ako bilang tugon. Hahayaan kong si Khen ang magsabi ng totoo niyang kasarian.

"Sit," utos ni Sheena habang tinatapik ang bakanteng tabi ng sofa. Inilabas niya rin ang diary. Malinis na iyon, marahil ay nagkaroon siya ng panahon para pagtuunan ng pansin ang book cover.

Binuksan niya ang hawak at itinapat sa riddle. Nakaturo ang kaniyang mga daliri habang binabanggit ang unang pangungusap.

"If you are ever reading this, I might have encountered something that begins but never ends, yet it ends something that begins," wika niya.

Katulad nang nauna kong expresyon, kunot-noo pa rin ako dahil sa wala akong naintindihan sa kaniyang sinabi.

"Okay?" tanong ko.

Bumuntong-hininga si Sheena. "Think about a thing that has a beginning but no ending. Ibig sabihin tuloy-tuloy ito once na magkaroon ka. Ang kasunod naman na linya, tinatapos nito ang ano mang nasimulan," panimula niya, "this person is pertaining to death! Kasi ito lang naman talaga ang nagpapahinto sa lahat ng bagay."

Mas unang naliwanagan si Khen kesa akin. Ang gulo ng paliwanag ni Sheena, hindi siya puwedeng maging guro.

"Yes, you're right," sabi ng sinisipon na binata, "but look at the words before the riddle. This person is also saying that he or she is dead by now if we are now reading it."

Mas lalong nagkasalubong ang aking mga kilay. "I'm really not good at these things. But, are you guys saying that it is our fault? Namatay siya dahil sa binasa natin ang kaniyang diary? Is that what it means?" Nakahawak ako sa aking batok habang nagtatanong.

"Who would've thought that you are this stupid," ani Sheena, "ang pinaka-sense ng riddle ay kapag nababasa na natin ang kaniyang diary, ibig sabihin ay posibleng patay na siya." May diin ang kaniyang salita, animo'y nawawalan na ng pag-asa sa akin. Hindi ko siya masisisi, hindi naman ako magaling sa ganitong bugtong-bugtong.

Nagsalita si Khen, "This means, something really happened before. Maybe he wrote this diary to say that Stanford has a messy history. That... there were killings before." Mahina ang boses ni Khen, parang may pinagtataguan.

Habang sila ay masinsinang nag-uusap, may bumalik sa aking alaala. Bigla na lang lumabas sa isip ang sinabing kataga ng mama noong ako ay bumisita sa kaniya upang magtanong-tanong tungkol sa mabahong kasaysayan ng Stanford.

"If you were here to ask me about that, try looking for the teacher who harassed, raped, ruined the school's sytem and reputation, and was behind numerous serial killings. I bet you wouldn't find anyone. Kasi wala namang sikreto ang Stanford."

Naningkit ang mga mata ko nang inaalala iyon habang ang mga kasamahan ay sinserong pinag-uusapan ang kasunod na bugtong.

"God," sabi ko. Ayaw ko munang magmura, pinarurusahan siguro ako ng Diyos sa Olympus dahil sa pagmumura ko.

Natigil ang dalawa, sabay na nagsalita, "Bakit?" Nakalingon sila sa aking posisyon.

"Sheena, mayroon bang kopya ang Minority Whips nang listahan ng guro sa Stanford na nagtuturo pa rin hanggang ngayon mula nang itayo ito?"

Gulo ng isipan ang umukit sa kaniyang mukha. "I'm not sure, I'll ask Matthew. Siya ang madalas na nagbabasa ng mga files sa school. Sharp memory noon baka natandaan. Why?"

"I just need it now. Can you ask him quickly?" tanong ko- hindi, utos ko.

Sinimulan niya ang pag-text kay Matthew. Habang siya ay abala sa cellphone, sumigaw ako dahil sa magulong araw na ito. Ang daming pasakit at pagpapahirap!

Malakas iyong sigaw ko dahil binuhos ko ang lahat ng enerhiya ko rito. Wala namang makakakinig dahil sa concreted ang silid.

Nagitla si Sheena dahil sa ginawa ko. Si Khen, masaya habang nagulat, animo'y may nakitang multo. "That's it!" sabi niya.

Napatitig ako sa kaniya. Dito na ba kami mababaliw kakaisip sa bugtong na iniwan ng isang patay na tao.

"Logan," wika niya, "can you do it once more?"

Ipinagkrus ko ang dalawa kong braso. "Ang alin?"

"Iyong sigaw. Just do it for me," sagot niya.

Inulit ko nga ito, lumabas ang litid ko dahil mas nilakasan ko pa.

Mabilis siyang nagsalita na akin namang ikinatakot. Masisiraan na ata siya ng bait. "You heard me before, yet you hear me again. But then again, until you call me again."

Umawang naman ang labi ko. Nagsalita siya, "Echo! It's Echo. The sound resonates again and again not until you will stop. This means, the owner of the diary is a boy and his name's Echo!"

Nagliwanag ang mga mukha ng aking kasamahan, wala akong naintindihan. Nanatili akong walang pag-asa.

"You're a genius!" sabi ni Sheena. May dumating na call sa kaniyang phone. Sinagot niya ito habang si Khen ay abala na sa kasunod na riddle. Ako naman, nakatunganga lang hanggang sa may maibigay silang resulta at abutin na ng antok.

"Gabing-gabi na Sheena, ginagambala mo pa rin ako." Dinig kong sabi sa kabilang linya.

"Sorry, Mr. Stanford just needed to ask you something. Tulog ka na ba?" wika ni Sheena, ibinibigay ang cellphone sa akin.

"Hey," bungad ako, "Logan, speaking."

Hindi umimik ang nasa kabilang linya. Kahit ngayon talaga, bad boy pa rin ang dating ni Matthew.

Itinanong ko sa kaniya ang pakay. Ilang sandali pa at narinig ko na siyang nag-iisip habang tumutunog ang dila.

"I'm just not sure, but Mr. Francis Sotto was the only loyal teacher here. Siya iyong may pinakamatagal na residential sa Stanford."

Tinanguhan ko ang kaniyang sinabi kahit na hindi niya ako nakikita.

"Oh, since you were asking things about the Teacher Faculty, I also wanted to ask you if know Troy Silvenia? A former teacher of Stanford. He's data has been erased. It was my assignment, baka kilala mo," sabi niya.

Umikot ang mata ko pataas at nag-isip. Ngunit ang pangalan ay hindi tumutunog sa kampanaryo. "Hindi."

"I see, next time na lang. Tutulog na ako."

"Oka-"

Pinatayan niya ako ng phone.

Pumeke ako ng ngiti at saka ibinalik ang cellphone ko kay Sheena. Nadagil naman ng tingin ko ang nakangiting binata sa kawalan.

"Kilala ko na," mahina niyang sabi. Nagsisimula na akong matakot sa kaniya. Nakangiti sa amin si Khen. Ganito ba siya kapag nababaliw sa kaniyang mga ginagawa?

"His name is Echo Riddle," wika niya.

Kaming tatlo ay tahimik na nagkatinginan sa bawat isa, hindi makapaniwala na nagawang i-decipher ni Khen ang magulo at pasikot-sikot na bugtong.

(More)