Chereads / Red Thread / Chapter 18 - Thread XVII

Chapter 18 - Thread XVII

Tila napawi ang lahat na dinanas naming pagod. Sa wakas, malapit na kaming makarating sa dulo. Malalaman na namin ang sikreto na itinatago ng Stanford sa loob nang mahabang panahon. At sa wakas din ay dumating na ang panahon upang ganap kong maipabagsak ang dakila kong kaaway, si Mateo.

Gayunpaman, ang mga kilos na aming isinasagawa ay sadyang labag sa batas ng Stanford. Hindi kami klasipikadong club kung kaya't wala kaming clubroom.

Ngunit humanap ako ng silid na nakatago. Katulad namin, madilim ito. Kasing dilim nang pagnanais na maituwid ang maling gawain sa paaralan.

Natagpuan ko ito nang ako ay maglakad sa ibabang pasilyo ng Building A-B. Kuryosidad ang tanging bumalot sa akin noon. Ang nasa isip ko: "Kailangan namin ng clubroom."

At naging masuwerte ako nang matagpuan ang silong o basement ng gusali. Madilim dito sa loob, walang bintana— tanging pinto na metal ang daanan ng hangin. Maalikabok, masangsang ang amoy dahil sa mga patay na daga. Pero ang ikinatutuwa ko, walang gamit. Malawak at maaari naming gamitin nang patago.

"Ang init!" reklamo ni Oliver. Kaunti na lang ay huhubarin na niya ang pinagpapawisan na sando.

"Ang dilim pa!" dugtong niya.

"Dapat kasi, bumibili na ng ilaw ang club president natin. Wala namang dulot, e! TSK," kaniyang reklamo. Ito ay dahil sa tanging lamesang kahoy na nakapuwesto sa gitna at mga monoblock na silya na nakapalibot dito ang amin lang pag-aari. Ilaw mula sa flashlight ng cellphone ang ginagamit upang magkaroon ng liwanag. Walang maaaring saksakan dito dahil itong silong ay isang abandunadong silid.

Ngunit ang kaniyang mga salita ay lumagpas sa aking tainga. Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil sa tuwang nananalaytay sa akin.

"What's the meeting for?" tanong ni Sheena— iyong minority floor leader. Nagkataon na inakit ko siya. Interesado naman, siya ay sumama.

"May meeting din ang Minority Whips, may pupuntang bisita sa atin," paliwanag ng babae.

Binigyan ko sila ng ngiti kahit na hindi ito nakikita.

"Khen," panimula ko, "ilabas mo na."

Bakas sa aking tono ang pananabik.

Sinunod naman ng kaibigan ang ipinag-utos. Inilabas niya ang diary na nakasilid sa munti niyang bag.

"Ito na ba iyon? Shit!" sabi ni Jeff na nagtangkang hawakan ang libro ngunit agad ko namang pinalo ang kamay.

"Damot," sabi niya.

Bumulalas si Angelyka habang ginagamit ang kamay sa pagpaypay, "Finally!"

Nagagalak ako sa kanilang expresyon.

Ako naman ay hindi nakapaghintay na hawakan ang nakalapag na malapad na diary. Utay-utay ko itong binuksan habang may hawak na flashlight ang kasamahan, nakatutok ito sa mismong libro.

Sinalubong kaming lahat ng isang blankong pahina. Wala pa ritong nakasulat. Sa pagbukas ko sa kabilang pahina ay nagsimulang mamuo ang pawis, dala ito ng kaba at init.

At sa wakas, may nakatala na ritong letra. Ngunit ito ay nasa porma ng bugtong. Binasa ko ito nang malakas habang ang aking mga kasamahan ay nakikinig.

Riddle:

If you are ever reading this, I must have encountered something that begins but never ends, yet it ends something that begins.

No worries. Let me show you myself.

You heard me before, yet you hear me again.

But then again, until you call me again. And when one doesn't know what it is, it is something. And when one knows what it is, it is nothing.

I was a student in here. A young lady once spoken: "I never was— am always to be. Never had seen me nor ever will be. And yet, I am the confidence of all, to live and breathe on this terrestrial ball–" a word that will be broken once it's not held.

She broke it.

Since it was everywhere.

Of the king I am blue and of a peasant I am red. Of the frog I am cold, of the dog I am hot.

I need you.

Help me.

Protect me as you are losing me. For I last forever and you might have too much or too little, and so you will run out of me eventually.

Solve!

Survive!

Napahawak ako sa ulo nang matapos kong basahin ang mga dayuhang salita. Sinubukan kong buksan ang ibang pahina, baka my key-to-correction. Pero wala na. Blanko na ang lahat.

"Fuck," panimula ni Jay, "is that it?"

Tiningnan ko siya nang masama. Sumasakit na ang ulo ko ay sumasabay pa siya. Siniko naman ang lalaki ni Khen.

Nagsalita si Sheena, "Obviously, it was a riddle. Sino magaling dito? Decode niyo na, may meeting pa ang Minority Whips."

Napaangat ako ng ulo at humigit ng hangin. Hindi ako magaling sa mga bugtong.

"Walang magaling?" tanong ni Sheena, "anyone? Oh, fine. I'll try to. Pero kailangan ko munang umattend sa meeting."

Tiningnan siya ni Angelyka. "No offense, why are you in a hurry?"

Ipinatong ni Sheena ang kaniyang palad sa ibabaw ng dibdib. "Preperation ng SDEB para sa bisita bukas."

"Sinong bisita?" tanong ni Shion. Napansin ko naman na kinuha ni Oliver ang libro at sinimulang pag-isipan ang bugtong.

"Uhm," sumagot si Sheena nang naiilang, "father of Mateo." Mabilis ito. Alam niya na ayaw kong marinig ang pangalan ng mokong na iyon.

"Mag-aano raw? Magpapalakas ng pangalan kasi lalaban ng pagka-Senador?" tanong ko. Sinundan ito nang pagtunog ng dila.

"This is why I didn't want to tell you," paliwanag ni Sheena, "mauuna na ako, ha! Akin na 'yan." Hinigit ng babae ang libro mula sa kamay ni Oliver. Nainis naman ito pero hindi nakapatol. Sa mga babae rito, si Sheena lang ang may lakas ng loob na kontrahin si Oliver.

Sumigaw si Khen, "Hey, Sheena! Don't let anyone see what you are reading, e?"

Nag-aalala marahil na makita ito.

Malikot na umikot ang mata ko habang nag-iisip. "Tungkol saan kaya ang bugtong?" tanong ko.

Nagkibit-balikat ang mga kasamahan ko maliban kay Oliver. Sumagot siya, "Sounds like someone is giving us a warning."

"Warning of what? Warning from the threat of this school?" tanong ni Jeff.

Umirap si Oliver. "Obviously, TSK."

"So, Stanford is really hiding something," ani Angelyka.

Nakaupo pa rin ako habang hinihilot ang masakit na ulo. Ayaw ko nang isipin iyong bugtong, pero iyong utak ko ay hindi nakikisama. Tapos nakakadismaya lang, ang tagal naming hinanap ang diary na iyon! Isang palaisipan lamang naman pala ang nakasulat.

"Huy, saan ka?" tanong ni Khen nang tumayo ako sa upuan. Lumabas ako ng pinto bago sumagot, "Bibili lang ng juice. Ang sakit ng ulo ko."

Pagkarating ko sa cafeteria, nagkasalubong kami ni Mateo. Malas!

Nginitian niya ako bilang pagbati ngunit iyon ay hindi ko tinanggap. Nilagpasan ko siya pero ako ay hinawakan niya sa pulsuhan. "Are you still mad at me?"

Sumara ang parehas kong panga. Kailan ba nawala ang galit ko rito.

Binitawan niya ako sa pagkakahawak at saka humarap. "Look, Logan, hindi ko alam kung bakit galit ka. Dahil sa mama mo... na mas gusto niya ako? Pero kung ipipilit mo pa rin na ako iyong tumulak sa iyo sa hag—"

"SHUT-UP," pagputol ko sa pangungusap.

Pilit siyang ngumiti. Magalit ka, Mateo! Nasa cafeteria tayo, maraming tao ang makakakita.

"Okay. I hope you the best. But if you are tired, take a rest."

Sumagot ako nang may bumalot na katahimikan, "Why did you do that?"

"Did what?" ani Mateo.

"Why did you catch our frame-up. Alam mong hindi ikaw iyong nam-blackmail. Why did you still admit it?" malinaw kong tanong.

Matipid siyang ngumiti. "Something is up. So, I must be on there, too," sabi niya.

"Huh?" panimula ko, "you are already on top. Ano pa bang kulang? Inaamin mo na ba na marami kang kabalbalan na ginagawa rito?"

Tumawa siya nang maiksi. "No, of course not. Wala naman akong ginagawang mali. Akala mo lang ay mali ako dahil sa hindi ka rin tama."

"How can you be so sure?" tanong ko.

"I am Mateo, I know everything."

"See, sounds like a villain," wika ko na kaniyang tinawanan.

"Okay, just for the records. Inamin ko lang iyong tungkol sa blackmailing para iwas gulo. I was a sacrifice. I was forsaken by your club. So, I thought something is up. And I needed to help you by catching the fall," sagot niya, "but I am not up to something."

"Why did you consider yourself as a sacrifice then?" tanong ko.

Tumawa siya nang bahagya. "You'll know. You just do what you feel like what supposed to happen, instead of going against the current. No explanation. No word. You just do it."

Hindi ako sumagot. Nang wala siyang matanggap na salita, tinalikuran niya ako at nagpatuloy sa paglakad.

Humarap naman ako sa gawi ng counter ng cafeteria nang biglang may bumalik na alaala.

Sumakit nang bahagya ang ulo ko. Masyado na ata akong pressured sa ginagawa namin.

Bumibili na ako ng maiinom nang makarinig ako ng sigaw mula sa mga babae. Nagmumula ito sa kaliwang bahagi ko, tunog ay nag-aaway.

Paglingon ko sa pinanggagalingan ng ingay, nakita ko ang dalawang babaeng nagsasabunutan. Natatakpan ng kanilang mahahabang buhok ang mga mukha. Habang ang kanilang eksena ay pinalilibutan ng mga mag-aaral na masayang kinukunan ng video ang iskandalo.

May lumapit na ilang CPPS ngunit sila ay pinagtabuyan. Ilang segundo pa at nagkahiwalay nang bahagya ang dalawang babae. Hinawi nila ang kanilang mga buhok.

Doon ko nakita kung sino ang mga nag-aaway.

"Shit!" sambit ko nang maaninag si Angela. Mukhang si Nicole iyong kasabunutan niya.

Mabilis akong tumakbo nang sinimulan ni Nicole ang pagkuha ng silya. Akma niya itong ibabato sa walang depensang babae.

Nagmamadali akong lumapit. Ilang sandali pa... may itim.

***

Tumatakbo ako. Hinihingal ako. May namumuong butil ng pawis sa aking noo. Habang tinatahak ang daan sa pasilyo, ako ay patingin-tingin sa relos na nakasuot sa braso.

Hinahabol ko ang oras. Ilang sandali pa at nakatigil ako sa harap ng isa tao. Wala siyang mukha. May sinasabi siya habang ako ay galit na nakatingin sa kaniya.

Sinubukan niya akong hawakan sa balikat ngunit iyon ay mabilis kong iniwasan. Sinigawan ko siya dahil sa inis at galit. Tumalikad ako at nagpasyang umalis. Ngunit nang aking gawin iyon, may dumapong kamay sa aking likod. Sumandali, ako ay nasa ere. Ngunit bumagsak nang ilang beses, gumulong sa bako-bakong hagdan.

Tanging pigura na lamang ng babae ang nakita ko. Hindi ko nakita ang mukha dahil sa kinokontra ito ng sinag ng araw.

Maya-maya, bumagsak ang aking pakiramdam habang may likidong bumabalot sa aking likod.

(More)