Chereads / Red Thread / Chapter 19 - Thread XVIII

Chapter 19 - Thread XVIII

"Hey," boses ng babae, pilit na iniyuyugyog ang aking katawang nakahiga.

Binigyan ko lamang siya ng ungol nang hindi ko maimulat ang aking mata. Papikit-pikit ako at nahihirapan pang dumilat. Pansin ko naman na ako ay nakahiga sa malambot na kutson.

"Hey," ulit ng boses, "gumising ka na nga!" Pinalo niya ang aking balikat. Malakas iyon at sapat na upang ako ay mapabangon kahit na masakit ang bandang ulo ko.

Nang nakaupo na ako sa kama, kinusot ko ang aking mata at bumilang ng ilang segundo hanggang sa mapagpasyahan na imulat ito. Hindi naging madali dahil parang masakit ang loob ng mata ko.

Pagkatapos ay tuluyan ko na itong ginamit sa pagtingin kung sino ang kasama ko ngayon sa kuwarto.

"Angela!" nagagalak kong bulalas. Akma ko siyang aakapin nang siya ay biglang tumayo mula sa pagkakaupo at umiwas.

Tinaasan niya ako ng kilay at tinarayan.

Tambol.

"Why are you sending some daggers? Did I do something wrong?" aking tanong.

"Sinamahan lang kita dahil pakiramdam ko ay kasalanan ko rin ang nangyari sa iyo," paliwanag niya, pilit na itinatago ang inis.

"Ano ba ang nangyari sa akin?" kunot-noo kong tanong. Umiling siya nang ilang beses, animo'y dismayado dahil sa hindi ko alam kung ano ang nangyari.

May inilabas siyang salamin mula sa bag. Itinutok niya ito sa aking mukha. Laking-gulat ko na makita ang kaliwang mata na may malaking pasa. Kaya pala sobrang sakit ng mata ko!

"You did this to me?" tanong ko sa kaniya.

"Ako? Hindi, ah! Gawa mo 'yan."

Tumugon ako, "How can I do this to myself? Sinuntok ko ba ang sarili ko dahil sa nawala ako sa katinuan?" Masaya ang tono ng boses ko habang nananakit ang aking mata.

"Whatever. I told you that I will never need your help. That I don't want to see you," sabi niya. Nakakrus ang kaniyang mga balikat.

Sumagot ako, "Your eyes say the otherwise."

Inirapan niya ako.

"Sa sobrang pagka-concern mo, ikaw iyong nahampas ng bangko at nasuntok sa mukha ni Nicole."

Nagulat ako sa sinabi niya. "WTF? Nicole did this to me?"

"Didn't I just say that?" mataray niyang sinabi, "I mean, hindi mo na kailangang gawin iyon. Hindi naman ako sasaktan nang ganoon ni Nicole."

Nagkasalubong ang mga kilay ko. "Nagsabunutan kayo, hindi pa pananakit iyon?" Hindi ko mapigilan ang pag-usbong ng isang ngiti na pumuporma bilang ligaya. Nag-uusap na ulit kami ni Angela. Hindi ako makapaniwala.

"Ganoon lang kami magsakitan, okay? It's bestfriends' things."

Sumagot ako, "Hindi tama iyan kasi bak— Wait, what?" Kumurap mata ako. "Bestfriends? Did I hear it right?" Paghingi ko ng klaro.

Inirapan ulit ako ni Angela. "Logan, ilang linggo lang tayong hindi nag-usap, pero parang nabingi ka na."

Lalo kong hindi nakontrol ang malawak kong ngiti. Nakakapunit ata ito ng labi.

"I know. And it was your fault," pagbibiro ko.

Nawala ang expresyon ng kaniyang mukha. Kinabahan ako.

"No, not literally! It's my fault," mabilis ang naging bawi ko.

Walang ano-ano pa man ay ibinaba niya na ang kaniyang mga braso mula sa pagkakakrus. Huminga siya at tinabihan ako sa pag-upo sa kama sa kabila ng silya na bakante.

"It's okay," sabi niya.

"Huh?" tanong ko.

"I knew everything already. Khen explained to me."

Nagulat ako sa kaniyang sinabi. Gagawin iyon ni Khen para sa akin?

"He was really concerned about you when we started parting our ways. Your friend is nice. But even though, you didn't have to suffer from that. It was my mistake," sabi niya. Parang natutunaw ang aking puso dahil sa sinasabi niya. Totoo ba ito?

"Pero bakit hindi mo ako kinausap kahit alam mo na?" tanong ko. Mahina lang ang boses ko dahil gusto kong tumunog sinsero ang aking sinasabi sa kabila ng saya na idinudulot niya mula nang kami ay mag-usap ngayon.

"Pride," sabi niya na ikinagulat ko, "char."

Sabay kaming tumawa.

Nagpaliwanag siya, "I was about to talk to you when your club was on verge of dissolving. But I was taken aback when I saw you standing again for another time. I saw you so determined and so strong. I was happy to see you doing well without me.

"I thought to leave you behind for the best. I thought that I was causing you a lot of troubles and heartbreaks... that I was making your life miserable at some point. I didn't want you to suffer from that anymore. You had enough. You had it from your mom. You had it from our school. You had it from Mateo. I don't want you to have it from me. So I stayed away.

"But I never really wanted to. I was thinking about my decision so many times. There are these moments that I just wanted to hear your voice as I rant about how mad I am to the system of Stanford. But I knew I can't have it. Because I decided to stay away. And I must stick with it."

Kumurap-mata ako. Sa ilang sandali ay parang kinalimutan ko ang problema na matatagpuan sa gilid. Bumilis ang tibok ng puso ko nang ilang sandali. Pakiramdam ko ay mahihigitan ako ng hininga. Ngunit hindi ko alam kung bakit.

"You changed," tanging sabi ko, "I mean you were open. Sinasabi mo na ang mga nasa loob mo! That's really a good improvement." Ngumiti ako.

Nginitian niya ako. Mayroong katahimikan.

Tiningnan niya ako sa mata. Ibinalik ko ang tingin. Naglaban kami. Bumaba ang tingin namin sa ilong hanggang sa mapunta sa labi.

Walang ingay. Tahimik. Ang saya.

Nang makaikot ang mundo. Naglapit ang aming mga mukha hanggang sa ilang pulgada na lamang ang pagitan. Ipinosisyon namin ang mga mukha at handa nang humalik.

May katok!

Naudlot, naantala. Fuck!

"Logan. OMG! I'm really sorry to what happened to you." Nagmamadaling pumasok ang babae. Si Nicole ito.

"Patingin nga." Hinawakan niya ang aking mukha gamit ang hubad na kamay. Sinilip at sinuri niya ang bawat bahagi nito. Bakas naman sa mukha niya ang pag-aalala. Si Nicole ba talaga ito?

"Did I just hear you... apologizing?" naiilang kong tanong. Sobra na ang pag-ikot ng kuwento!

"I don't like you character development. It's creeping me out," sabi ko sa kaniya. Nginusuan niya ako na parang bata.

Sumagot siya, "I was just scared. Baka kasi napatay na kita!" Seryoso siya. Ako naman ay bahagyang natawa.

Tumingin ako kay Angela na halatang nag-iiwas tingin. Nahiya ata sa muntik na halik na kaniyang matitikman. Unang beses pa man din iyon kung magkakataon!

"What's up with the two of you? Parang nagbago kayo bigla," wika ko.

Sabay na umirap ang babae. Bestfriends ata talaga sila!

"Nyenye," sabi ni Nicole, "hindi lang natuloy kiss niyo, e!" Malakas siyang tumawa.

Nakita ko ang pisngi ni Angela na namula. Ako naman ay buong-lakas na ngumiti. Proud ako.

May panibagong katok.

Kaming tatlo ay napalingon sa gawing iyon.

"Shion!" bati ko. Matamlay ang kaniyang mukha at parang nakakita ng multo. May hawak siyang bag.

"Hey," sabi niya bago magpaliwanag nang mabilis, "I just got you some things since I've heard you got yourself in an accident. I'll just leave it here. Si Khen na muna ang magbabantay ng kuwarto mo."

"Ah, than—"

"Bye, I have to go," mabilis niyang dugtong saka umalis na sa aming harapan.

"That was weird," sabi ko.

Hindi na nila pinansin ang babae. Nakipagkuwentuhan na sila sa akin. Itinanong ko kung bakit sila nagsabunutan. Ang sabi naman ni Nicole: "Iyan! Sabihan ba naman ako na kaya nawawala ang pera ng theater club dahil sa ang lakas kong magdemand ng merienda!"

Ang depensa naman ni Angela: "Totoo naman! Kung maka-order ka ng boxes ng pizza ay parang nagbabayad ka ng tuition dito. Parehas naman tayong scholar."

Muntik na naman sana silang magtalo nang ito ay mapigilan ko.

Lumipas ang oras at nagpaalam na sila dahil sa curfew. Kasabay naman noon ang pagdating ni Doc. Alvarez para i-check ang lagay ko. Mabilis lang din iyon, pinayuhan niya ako na mag-stay na lang sa infirmary para may magbabantay na nurse sa akin.

Pero hindi ko iyon sinunod dahil nangangati ako sa bedsheet ng Stanford. Naglalaba ang mga staff dito?

Naghahanda na ako sa paglabas nang may pumasok na panibagong bisita. Si Sheryl iyon.

"Hi," bungad niya.

Tinanguhan ko siya at nginitian. Ihininto ko ang aking ginagawa upang kausapin siya.

"What's up?" tanong ko.

Umupo siya sa bakanteng upuan. Doon ako sa kama pumwesto para kaharap niya.

"Magpapaalam lang ako," sabi niya.

"Kakarating mo lang, ah," sabi ko. Umiling siya.

"Tungkol ba ito sa D 'Lit? Nakapagpaalam ka na, Sheryl. Naiintindihan nila. At ayos lang sa akin kung diyan mapapanatag ang loob mo," may ngiti kong wika.

Muli siyang umiling. May biglang tubig ang tumulo mula sa kaniyang mata. Hindi ko iyon inasahan.

"I'm here to say goodbye to our school," tugon niya na nilakihan ko ng mata.

"What? You're transferring... in the middle of this sem?" nagkasalubong ang dalawa kong kilay.

Tumango siya hanggang sa may tumulo na namang luha.

"Why?" tanong ko.

Lumunok siya at inayos ang porma ng upo.

"I am here to confess. But before that, I want you to make a news about it once you heard my confession."

Natigilan ako.

"I'll do that if it won't ruin your profile. And if you are here to confess about your love for me. It's okay, I was aware," sagot ko.

Bahagya naman siyang tumawa habang sinisipon.

"You're so full of yourself, Logan. Talaga nga naman. Some people never really changed," sabi niya. Nagbigay naman ako ng hilaw na ngiti.

"Ano ito? Ano ba talaga ang sasabihin mo? Tell it now," utos ko.

Kumuha siya ng cellphone mula sa kaniyang bag at pumunta sa audio recording. Balak niya marahil na i-record ang sasabihin niya.

"Kailangan ba talaga ito?" tanong ko, kinakabahan.

Tumango siya. Pinindot niya na ang record button at nagsimulang magsalita.

"Have you ever wondered why I was able to get on the leaderboard even if I was not studying too hard? Makikita mo nga ako minsan hindi nagre-review kahit na may exam kinabukasan. Mas focus pa nga ata ako sa skin care at beauty ekek ko kesa pag-aaral. Itinanong mo na ba sa sarili mo kung paano ko iyon ginagawa? If your answer is yes, then here is how I do it.

"The name is Sheryl Sandberg: Tiger Student, Class beedle of five classes, Top Three of Stanford's Leaderboard, is hereby now confessing the truth behind her intelligence and skills.

"I was raped by Mr. Francis Sotto, a philosophy teacher, in exchanged of buying the tests. It never actually wouldn't happen if I was strong enough to beat him.

"It started when I entered the eleventh grade. He asked me to be a Guidance Assistant in exchanged for the tests, assignments, projects and grades. I agreed on it. It was just fine being a GA, not until he asked me unpleasant. Una ay hihipo siya sa legs ko. Sunod ay magnanakaw ng halik. Hanggang sa lagi niya nang pinipisil ang dede at puwet ko.

"Mayroong isang araw na umiiyak ako dahil sa aking crush— I decided not to name him, nasa library ako noon at kunwaring nagbabasa. Walang tao dito dahil abala sila sa buhay nila. Dumating si sir Francis kasama ang kaniyang karaniwang ngiti. Hindi ko siya inaasahan na susundan ako. Papaalis na sana ako nang higitin niya ako sa braso. Sobrang lakas niya at hindi ako makakalas dahil naubos ang enerhiya ko sa kakaiyak. Utay-utay ay hinubad niya ang roba ko. May kinuha siyang panyo mula sa kaniyang pantalon at agad na itinapal sa aking mukha. Mabaho ang naibibigay na amoy nito. Nawalan ako ng malay.

"Hanggang sa nagising ako, wala ng saplot. Madumi. Magulo. Kadiri! Puno ng laway ng isang manyak."

Umiyak siya at naputol ang sasabihin. Hindi ko namalayan ay nakayakap na ako sa kaniya. Naaawa ako, hindi alam ang tamang gagawin. Patuloy siya sa pagbuhos ng luha. Lumakas ang kaniyang hagulgol hanggang sa maging sapat na ito upang lukubin ang bakanteng silid.

"You can stop, Sheryl. I don't want to force you." Tinapik ko ang kaniyang likod.

Binigyan ko siya ng tubig at hinayaan na makahinga. Naghintay ako ng ilang segundo hanggang sa palagay ko ay makapagsasalita na siya.

"I didn't know," sabi ko, "ako ba iyong crush na iniyakan mo? I'm sorry. I'm really sorry."

Umiling siya. "You did nothing wrong, Logan. At hindi rin ikaw iyong crush na tinutukoy ko."

Huminga lang ako. Hindi ako nag-imik.

"It was Khen. That day was rainy. Inamin ko sa kaniya na gusto ko siya. Akala ko, parehas kami ng nararamdaman. Tinangka kong magnakaw ng halik sa kaniya. Pero napigilan niya ako nang may aminin siyang iba sa akin."

"Ano'ng inamin niya? Is it serious? Maybe we can talk about things," sabi ko.

"Khen... he's gay. And he admitted that he had sex with Jay."

(More)