Chereads / Red Thread / Chapter 13 - Thread XII

Chapter 13 - Thread XII

"It was really you, wasn't it?" wika ko, bahagyang humina ang aking boses- umabot sa puntong pabulong na ang gawa ko. Ayaw ko lang may makarinig sa pinag-uusapan namin.

Ngunit ang babae ay nanatiling tahimik, matapos niyang tanungin kung paano ko nalaman ay wala nang imik.

"Tell me how... I mean, tell me why," sabi ko. Pinipilit kong itago ang namumuong galit sa loob ng aking dibdib. Buong akala ko ay gumagawa lang ng kuwento si Nicole upang siraan si Angela, ngunit hindi iyon ang nangyari. Sadiyang madaming pasabog ang buhay.

Tiningnan niya ako sa mata. May nakita akong tubig na pumorma sa bandang gilid nito. Siya ay nasa bangin na ng pag-iyak.

Napahawak naman ang mga kamay ko sa ulo, nag-iisip kung ano ang tama at dapat gawin. Dapat bang ipagkalulo ko ang babae sa Guidance? O umakto na walang nangyari?

"We can't just act that none of these happen, Angela. You know that time will come and the Guidance Office will figure it out. Tell me. I want to help you." Naging sinsero ang tunog ng aking tono. Ano ba ang punto kung magagalit ako sa kaniya? Nangyari na ang nangyari. Panahon naman para pakinggan siya.

"Magagalit ka sa akin, I don't want to tell you. Magbabago ang tingin mo. Please, Logan. You can just act that you never heard a thing," ani Angela sa pagitan ng kaniyang hikbi, pinipigilan pa rin ang munting pag-iyak sa pag-usbong, "and I promise you, hindi ko na iyon uulitin. Just give me one more chance... kahit hindi ako magpaliwanag."

Hinawakan niya ang kamay ko na nasa lamesa, animo'y humihingi ng pagmamakaawa. Umiling ako. Nais kong maging emosyonal dahil ngayon ko lang nakita si Angela na maging mahina... at dahil ngayon ko lang siya nahuli sa kaniyang akto.

Nakakadismaya.

"Sorry, I just can't. EJ is my friend- not technically, but he was my friend. I want to know the reason. Baka kaya pa kitang tulungan. Tutulungan kita kasabay nang pagtulong ko kay EJ," wika ko, "kaya kung hindi mo sasabihin, may isang tao ang maiipit... and that is Nicole. She's innocent, Angela."

Ang katutulong luha na nasa dalampasigan ng pisngi ay mapait niyang pinahid. Kinalas niya ang kamay mula sa pagkakahawak sa akin at sinimulan itong ikuom.

"That is exactly what I wanted to happen!" tugon nito, naging mahina man ang kaniyang boses ay hindi pa rin napigilan ang sarili sa pagpapakawala ng mga masasahol na salita.

"You wanted to ruin Nicole? And kill EJ? Angela, is that you?" kunot-noo kong tanong.

"Only the former. I wanted to ruin Nicole! But to kill someone has never been in my intention. Kasalanan naman ni Nicole kung bakit nadamay si EJ. Para sa kaniya iyong burger, pero ibinigay niya do'n sa kaibigan niya. Ako ba ang dapat sisihin?"

Umawang ang labi ko.

"Of course!" Napataas ang aking tono. May ilang tumingin sa aking gawi, nailang naman ako.

Muli kong ibinalik ang mahinang boses at nagpaliwanag, "If only you did not try to forsake Nicole, none of these would happen! Hindi ka ipapatawag sa Guidance, walang gulo- payapa. Pero dahil nagpadala ka sa galit mo, nasira ang lahat. You are not ruining Nicole. You are ruining yourself, Angela!"

Nakita ko siyang lumunok. Sunod-sunod na ang patak ng kaniyang luha.

"You're wrong, Logan. All of these would not happen if Stanford was a better place," sabi niya, patuloy na umawang ang labi ko.

"Why are you blaming the school? Ikaw na iyong mali, Angela. You just need to admit it in front of me, so, I can help you get out of this mess!"

"Okay," sabi niya, "okay!"

Una

"Inaamin ko. I really tried killing Nicole at first, but I thought it will be brutal. Kaya nag-isip pa ako ng ibang paraan. And then, I remembered science. Science has always been helpful. Naalala ko ang tungkol sa Mercury. Kaya kinuha ko iyon at ginamit para sa aking plano.

"But do you want to know why I reached the point of ruining someone else's life? Come on, alam nating mukha akong mahirap. Alam nating katulong lang ang level ko. Alam naman natin na hindi ako nababagay dito! Alam ko na iyon. I really am aware of that. Pero hindi iyon dapat pang ipinamumukha ni Nicole.

"I had enough. I really had enough. Bago ako mapunta sa infirmary last two days, pinagbantaan niya ako na baka matagkal ang scholarship ko katulad ni ate. Oh, hindi mo alam? Of course, Logan! You never asked. Lagi mong iniisip kung paano pabagsakin si Mateo.

"Remember when I asked you if you were my friend and you said yes? Alam mo, natutuwa talaga ako dahil sa sinabi mo. Sa wakas ay may kaibigan na ako. But look, equality is nowhere to be found. You treated me like your servant. And I hated it!"

Sabay na tumulo ang luha namin.

Nahigitan ako ng hininga.

Hindi ako makakibo.

Alam ko na ang lahat ng sinabi niya ay walang pawang katotohanan. Ganoon ba talaga ang pakikitungo ko sa kaniya? Ginawa ko ang lahat para matulungan siya. Tinatanong ko siya kung may problema siya. Saan ako nagkulang? Isa-isa ay tinanong ko ang aking sarili kung naging masamang kaibigan ba ako sa kaniya, dahil malinaw na naging mabuti ako.

Lumunok ako. Gusto ko siyang sumbatan pero ang bibig ko ay nanatiling nakatikom. Gusto nitong magalit at ipaliwanag sa babae ang sariling punto. Pero hindi magawa dahil alam ko sa sarili na wala itong mabuting idudulot.

Pinilit kong manahimik.

Pinahi ko ang luhang tumutulo gamit ang hubad na kamay, nanginginig ito.

"See, Logan? I made you cry," wika niya habang pinupunasan din ang luha, "alam kong sisisihin ko lang ang lahat ng bagay kapag nagsimula akong magpaliwanag. And I hate myself for being like that. But I can't help. Sa tuwing nakikita kita, naaalala ko kung ano ang ginawa ng mama mo sa ate ko."

Tumayo siya at tinalikuran ako. Nagsimula siyang maglakad patungo sa ikalawang palapag. Sinundan ko siya. At nang nasa hagdan na kami ay pinilit kong hawakan ang malambot niyang kamay. Dahil sa aking ginawa, siya ay napalingon. May pineke siyang ngiti.

"I'm okay," sabi niya, pinipilit na itago ang sama ng loob.

Sa pagkakataong ito, binasag ko ang sariling katahimikan. "I'm sorry," tanging tugon ko, "I didn't know that I was like that in front of you. I'm sorry."

Umiling siya. "It happened. It already happened. We just can't press the "ctrl. Z" and return to the past." Ngumiti siya.

Sumagot ako, "Ano iyong tungkol sa mama ko?"

"I'll explain it shortly to you. Pero mangako ka na walang ibang makakaalam maliban sa ating dalawa," sabi niya. Utay-utay siyang lumapit sa aking tainga at bumulong, "she's a monster."

***

Sumapit ang araw ng Biyernes at natagpuan ko ang sarili sa gitna ng dagat ng estudyante sa loob ng conference hall. Nakaupo ang crew ng Diplomatic Urges at Diplomatic News Station sa unahan ng mga nakaupong tagapagpakinig. Naka-set-up sa aming harapan ang kagamitan na kakailanganin sa paggawa ng balita. May mga malalaking camera na nagsisilbing live video recorder para sa gaganapin na conference ng Student Board.

Tahimik akong nakatayo sa tabi ni Jeff na patuloy na kumukuha ng litrato sa loob ng bulwagan. Maaliwalas ang paligid dahil sa mga malalaking aranya. Naghahalo naman ang boses ng mga mag-aaral kaya ito ay gumagawa ng dakilang ingay.

"Tahimik ka," wika ni Jeff.

"Inaantok lang. Kinakabahan ako para sa meeting mamaya ng Guidance."

"Iniisip mo pa rin iyan?" tanong niya, nabaling ang atensyon sa akin, "pakiramdam ko naman kasi ay si Nicole iyong may gawa talaga. No need to worry." Tinapik niya ang likod ko.

"Pero, paano kung hindi?" pabalik ko.

"Let's just leave it to the authorities. Narito lang naman tayo para gumawa ng balita," sabi niya nang may ngiti, "isa pa, nakalabas naman na si EJ. Ayos na siya. Kung hindi man natin malaman ang totoo, at least ligtas na si EJ."

Hindi ako umimik pabalik. Alam ko ang lahat.

Ilang sandali pa at nagsimula na ang seremonya. Pahakay-hakay ako habang may mga committee na pumupunta sa unahan. Hindi ko pinapansin sinasabi nila dahil si Mateo lang naman ang magbibigay ng mismong rason kung bakit sila nagpatawag ng conference.

"Uy!" Tinapik ako ni Jeff. "Makinig ka, dude. Take notes ka, si Sheena iyan."

Nagawi naman ang tingin ko sa bagong akyat na babae. Ilang segundo at nagsimula siyang magsalita.

"Good day, students of Stanford. It is I, the Minority Floor Leader, Sheena Obligado. Nagsasalita ako sa panig ng Student Board dahil sa kasamaang palad ay hindi makakadalo ang ating Head Student, Mateo Ilagan. Nais ko munang pasalamatan ang lahat dahil sa inyong presensiya ngayong araw na ito sa kabila ng ating pagiging abala," sabi niya. Nagsimula akong magsulat habang nakatayo.

"Alam nating lahat na ang Minority House ang siyang nagsisilbing oposisyon ng Student Board. Ngunit sa pagkakataong ito, malugod naming ipinaparating na kami ay nagkasundo para sa Stanford's Decree Number 0812, na may layuning palawigin ang kapangyarihan ng CPPS at paigtingin ang curfew hours sa loob ng campus.

"Nakakagulat, hindi ba? Pero dahil sa naging eksena kahapon sa gusali ng mga lobo, ipinakita lang nito na kailangang ibalik ang tamang disiplina upang ang lahat ay magkaroon ng panatag na loob. At para na rin maiwasan ang mga insidente na hindi natin inaasahan." Ngumiti si Sheena. "At sa pagkakataong ito, ganap na naming sinasabi na ang bagong decree ay magsisimula mula bukas, Sabado, at magpakailan pa man." Nagpaalam na siya. Nagpalakpakan ang mga estudyante sa loob.

Hindi ko iyon inasahan.

Akala ko ba ay hindi sila sang-ayon sa desisyon ng SDEB? Bakit may mga pumapalakpak? Bakit sumang-ayon ang Minority House?

"Logan, let's go to our club. Hey?" Ihinawi ni Jeff ang kaniyang kamay sa harap ng aking nakatulalang mukha. Natapos na pala ang conference. Nag-aayos na ang ilan sa pagbabalik ng mga upuang ginagamit. Utay-utay na ring nawawala ang DNS.

Tinanguhan ko siya.

Maya-maya pa ay nasa loob na kami ng club room, abalang-abala sa pag-sulat ng balita.

"Good morning, journalists," bati ni sir Willie, nasa unahan siya. Tumigil kami sa pagsulat. "I am glad that you working hard to get the freshest available news over the ground of Stanford. But that isn't enough, we need more. Malapit na ang annual contest ng Stanford, galingan niyo pa. Hindi pa sapat para manalo," sabi niya.

Nagtanong si Trisha, "Sir, on-going pa po ba iyong activity natin? Iyong sa "pinakatatagong sikreto" ng Stanford?"

Tumango si sir Willie at sumagot, "Yes, why? May maipapakita ka na bang news?"

Umiling ang babae at ngumiti. Nagpaalam si sir Willie at nawala na sa aming paningin. Balik sa trabaho!

Pagkaraan nang pagsulat sa loob ng club. Nagmamadali akong pumunta sa kung saan-saang pasilidad para makuha ang pakay para matulungan ang kaibigan. Nauna si Jeff, sumunod ako.

"Angela Catapis, please cooperate!"

Huli na ako nang makarating. Nasa labas pa lang ako ng pinto ay dinig ko na agad ang boses ng galit na Guidance Counselor.

Mabuti at nakinig si Angela sa pinag-usapan namin.

"Last call, Ms. Angela Catapis. Kung hindi ka magsasalita, ikaw talaga ang sisisihin. Worse, ma-e-expel ka," paliwanag ng boses ni sir Francis. Pumasok ako sa loob ng silid na may dalang flash drive, dinala ko rin ang karaniwan kong ngisi.

Nakita ko si Angela sa pagitan ni Jeff at ni Nicole. Nasa kabilang direksyon nila ang tatlong Guidance Counselors, ngunit sa pagkakataong ito ay wala ang doktor at ang pulis. Si Sheryl naman ay nasa dati niyang posisyon.

Ang yapak ko ay naging matunog. Pinanood ako ng mga guro sa pagpasok. Inirapan ako ni sir Lopez, nginitian ako ni sir Francis. Tumingin ako sa nag-iisang babaeng guro, nag-iwas tingin siya. Mas lalong lumawak ang ngisi ko.

Pinaalis ko si Jeff sa tabi ni Angela, doon ako pumwesto sa katabi niya. Halatang kabado ang dalagita. Hindi siya umiimik at sa palagay ko ay handa nang bumuhos ang kaniyang luha. Ngunit tinapik ko ang kaniyang likod para sabihin na magiging ayos lang din ang lahat. Habang ginagawa ko iyon ay bumalik sa aking isip ang aming pinag-usapan.

"I'll explain it shortly to you. Pero mangako ka na walang ibang makakaalam maliban sa ating dalawa," sabi niya. Utay-utay siyang lumapit sa aking tainga at bumulong, "she's a monster."

Kumunot ang noo ko. Hindi ko nagustuhan ang kaniyang sinabi, dahil kahit papaano ay nanay ko pa rin iyon. Patuloy ko siyang pinakinggan.

"Nasa Stanford Main si ate, twelfth grader siya at may ginagawang thesis report. Iyong Thesis na iyon ang magpapasiya kung patuloy siyang magkakaroon ng scholarship para sa college. Kailangang-kailangan namin iyon dahil sa dalawa na lang kaming magkasama. Kapag nawalan siya ng scholarship, hindi na niya kayang paaralin ang sarili.

"Their work was doing well, ipinasa na nila ito kasama ang mga flash drive at raw data na ginamit nila. Lahat ipinapasa after ng kanilang final defense. Pero the day after, nawawala ang kanilang report. Dahilan para mawalan sila ng grades.

"But, my ate knew better. Nang araw na ipinasa nila ang report two weeks ago, bumalik si ate sa stock room dahil maling flash drive ang kaniyang naibigay. Pero saktong natagpuan niya ang nanay mo sa loob ng stock room- kinukuha lahat ng pinaghirapan nila. So, yes. My ate is the witness who remained silent because she was told to shut up.

"Ginusto niyang magsalita, pumunta siya sa Guidance ng Stanford Main noong Martes. Pero noong sinabi niya lahat ng kaniyang nalalaman, hindi siya pinaniwalaan. Confiscated na rin ang natitirang pruweba na may ginawa silang Thesis. At ilang oras ang makalipas at nagkaroon ng urgent meeting. Itong desisyon ng SDEB ay may kinalaman sa pagkawala ng Thesis Report. Ayaw nilang may makaalam na ang nanay mo ang tanging may gawa noon."

Nagulantang ako sa narinig.

"Mom was the culprit?" tanong ko, kahit na maliwanag na ang ina nga ang may gawa.

Tumango si Angela. "Pero nagdududa ako. Bakit niya kukuhain ang Thesis Report ng ate ko, simple lang naman iyon pero makabuluhan. I am still confused. Do you know anything?"

Umiling ako.

"Ibig sabihin ay posibleng alam ito ng mga guro, 'di ba?" sabi ko.

Pinihit niya ang kaniyang ulo sa tigkabilang dulo. "Si ate at ang team niya pati na rin ang Guidance na kinausap lang ang may alam noon. Hindi ito alam ng SDEB."

Bumibilis ang takbo ng aking isip dahil sa naguguluhan.

"Pero nag-decide ang SDEB," kontra ko.

Muli siyang umiling.

"Tuta lang sila ng direktor. I really hate to say this, but your mother is manipulative. She's a monster!"

Sa ilang rason ay biglang huminto ang paggalaw ng aking puso. Sa ilang sandali ay nanatili akong nakatayo.

"I promise that I won't tell anyone about this. But just promise na susunod ka sa usapan natin. Deal?" tanong ko. Walang ano-ano pa man ay tumango pa siya.

"Bukas, ipapatawag ka sa Guidance Office, tatanungin ka ng mga tanong tungkol sa ano ang kinalaman mo sa nangyari kay EJ. Wala kang sasabihin hanggang wala pa ako. Manatili kang tahimik, okay?" sabi ko.

"Wait, why? Hindi ba at galit ka sa akin dahil sa mga sinabi ko? Okay lang ba sa iyo na hindi mabibigyan nang tamang hustisiya ang nangyari kay EJ?" tanong niya pabalik.

Umiling ako. "Hindi ako galit sa iyo. I understand you, at naniniwala naman ako na hindi mo iyon gagawin sa susunod. What you need to do is to listen and obey me, understood?" tugon ko.

"Okay, I get you. Pero saan ka ba pupunta. Puwede namang sabay tayo, 'di ba?" Nakataas ang dalawang kilay niya.

"May kukunin ako," sabi ko, "so, whenever I ask you something, you just need to answer yes."

***

"Can we now proceed, sir, ma'am?" tanong ko sa mga counselors.

Hindi ko na sila hinintay sumagot. Dahil validated naman ang mga sasabihin ko, may iniabot akong flash drive kay Sheryl. Isinaksak niya ito sa kaniyang laptop. May itinuro akong file. Maya-maya pa ay may lumabas na audio sa monitor, nakita at narinig ito nang lahat.

Audio:

Nicole: "Ikaw, newbie ka pa lang naman sa theater. You need to obey your master, understood?"

Angela: "You don't have to be like this, Nicole. Bakit ba ang init ng ulo mo sa akin?"

Nicole: "Just for no reason, I just hate you because you are so pabida. Eww. Baka gusto mong matulad ka sa ate mo na nawalan ng scholarship?"

Angela: "What? How did you know that?"

Nicole: "Aww. So, totoo nga ang chismis?"

Nicole: "Oh, basta. H'wag ka na lang bida-bida, okay? O kung gusto mo, puwede naman kitang saktan. Actually, puwede mo rin naman akong saktan- iyon ay kung gusto mo."

May narinig kaming kalabog mula sa audio. Napatingin ako kay Angela na ngayon ay nagsisimulang lumuha. Hanggang sa natapos ang audio sa tunog ng babaeng umiiyak.

Nagsalita ako, "Ang narinig niyo ay kuha sa audio recorder ng theater club. Hindi nila alam na naka-on ang recorder habang si Nicole at Angela ay nag-uusap. Mabuti na lang iyon, at least may isa pa tayong pagbabasehan."

"Pagbabasehan ng ano?" tanong ni sir Lopez.

"Kung sinong guilty," matipid kong sagot.

Ibinaling ko ang atensyon sa mukha ng babaeng umiiyak. "Angela, I want to ask you. Do you plead guilty for putting the harmful chemical on EJ's burger?"

Tiningnan niya ako gamit ang namumugtong mata. Tumango siya at nagsalita, "I plead guilty. Ako po talaga iyon, it was intentionally given to Nicole."

Nagulantang ang lahat ng nasa loob, kabilang na si Jeff dahilan para mapatigil siya sa pagkuha ng litrato. Napaawang naman ang bibig ni Sheryl, hindi inaasahan ang mga salita na nanggaling kay Angela.

"She's guilty. Dapat siyang parusahan," mungkahi ni sir Lopez.

Umiling ako habang nakangisi. "Class Beadle, Sheryl, can you play the last part of the audio?"

Muling may pinindot si Sheryl sa kaniyang laptop.

Nicole: "Oh, basta. H'wag ka na lang bida-bida, okay? O kung gusto mo, puwede naman kitang saktan. Actually, puwede mo rin naman akong saktan- iyon ay kung gusto mo."

Nakangisi akong nakamasid habang pinakikinggan ng mga counselors ang audio. Nagsalita ako habang sila ay nakakunot-noo, "Ang sinabi ni Nicole ay nasa porma ng challenge. The challenge was accepted by Angela, I don't see anything wrong about that. When we face the law, walang kasalanan si Angela. After all, hinamon lang naman siya ni Nicole. And that challenge was a form of liberty to hurt her. Unfortunately, may nadamay. But, we still can say that Angela is not guilty for what happened to EJ."

Ngumiti ako sa ilang sandali dahil natahimik ang mga counselors. Wala silang imik. Hindi siguro inaasahan ang mga gagawin ko.

"Let's continue deciding, then," mungkahi ni sir Francis habang isa-isang tinitignan ang kaniyang kasamahan.

"Uh, before that. Can I have a moment with Ms. Palax?" tanong ko. Napatingin sa gawi ko ang naiilang na dalagang guro.

Ilang sandali pa at natagpuan ko na ang sarili sa labas ng opisina kasama si Ms. Palax.

"What?" usal niya.

Inilabas ko ang aking cellphone mula sa bulsa ng pantalong suot. Binuksan ko ito at may ipinakitang litrato. Nagulantang ang kaniyang mukha nang makita ang naka-display sa monitor. Mukha niya ito habang umuungol at sarap na sarap sa ginagawa ng isang estudyante.

Masama ang blackmailing, pero kailangan ko itong gawin.

"This is you, right?" tanong ko, bahagyang nawawalan ng modo.

"Kung ayaw mong lumabas ang litratong ito, you have to make sure na walang makakalabas tungkol sa pinag-usapan natin. I want Nicole and Angela both safe from the issue. Tell your other counselors to act like none of these happened."

Tinaasan niya ako ng kilay at nagsalita, "Puwede ko namang ipamukha na edited iyan. Hindi ka ba nag-iisip? At sinong maniniwala sa 'yo? I was known of being pure and innocent teacher here. Who would side you?"

Ngumisi ako at nagwika, "You must have forgotten that I own the school. Not technically, but I will sooner own this. The name is on my blood. My blood is within the school's name. Hindi ka ba natatakot na mawalan ng trabaho?"

Nakita ko kung paano siya mamatay sa galit. Kung paano siya magtimpi sa mga sinabi ko. Wala siyang ibang ginawa kung hindi may sama ng loob na pumasok pabalik ng opisina.

Makalipas ang ilang sandali at pinalabas na ang lahat ng estudyante sa loob.

Unang lumabas si Nicole, inirapan niya ako. Hindi ko siya binigyang pansin. Dapat nga at magpasalamat siya dahil iniligtas ko pa rin ang kaniyang reputasyon.

Sumunod si Jeff na tahimik na nakatingin sa akin habang umiiling ang ulo. "I didn't know you were like that. That's so cool of you." Ngumiti siya.

"Pero galit ako. Hindi mo ako sinabihan na may inaasikaso ka pala. TSK," dugsong niya. Tinawanan ko lang ito.

Lumabas si Sheryl at pinasadahan lang ako ng tingin habang nakangiti.

"Logan," usal ni Angela nang makalabas sa pintuan.

"Thanks for helping me out."

Nagkibit-balikat ako.

"But, how did you know that? Hindi ko naman iyon sinabi sa 'yo," naguguluhan niyang tanong.

"I have connections," matipid kong sabi.

"Wow, sino?" ani Angela.

"Shion. She told me everything. She was the one to record it, okay? Sa kaniya galing ang audio. I guess you should also thank her. Pambawi niya lang daw."

Nginitian ko siya. Totoong galing kay Shion ang audio. Hindi niya lang inilalabas dahil sa pakiramdam niya ay hindi naman niya magagamit ito.

Tumitig sa akin si Angela at nagsalita, "You earn my respect, Logan." Nginitian niya ako.

(More)