Kusa kong iminulat ang mga mata dahil hindi pa rin ako makatulog sa mga nangyayari ngayon. Kahit ilang oras na akong nakapikit at nakahiga ay hindi ko pa rin magawang hindi mag-alala... kay Gale, pati na rin sa Alzini.
For sure, something's happening and it's bothering me since Gale had been abducted. Nag-aalala ako tungkol sa kalagayan niya doon at kung sinuman ang kumuha sa kanya.
I am also worrying about Alzini dahil parang tuluyan kaming tinitira ng kalaban. Or could they be targetting the whole organization of LaCosta dahil pati El Nostra, nadamay?
They were able to abduct her, so it means pinapanood nila ang bawat galaw dito sa mansyon. Is there a traitor inside the mansion? Pero imposible. One thing's for sure that whoever they are, they are too powerful at hindi basta-basta kalaban. They might be real soldiers of the underground. Especially, Gale was their target since from the start kaya hindi malayong pinapanood nga nila ang galaw ng Alzini.
Did something happen to Gale in the past na hindi namin alam? We were all informed with everything about her, at wala kaming alam na may nakaaway o nakaalitan siya noon bukod sa sariling pamilya nito.
Nasira na lang ang pag-iisip ko nang tumunog ang telepono kaya napatingin ako sa bedside table. Naupo muna ako bago sinagot 'yon, "Architect NoFuente speaking," saad ko.
"Mr. Sullivan, finally you picked up the call my goodness," tono ng isang babae na siyang naging pamilyar agad sa akin. Why would I forget my partner when it comes to the planning of architectural designs?
"Ms. Leonor?" tanong ko.
"What took me so long before being able to reach you at an unfortunate time like this?" base sa boses niya ay tila problemado ito kaya bahagya akong napangiti at napayuko.
"Sorry, miss. I've been busy since I arrived in my country. Especially now that there is an urgent matter here. Why? Did something happen?"
"Yes of course, therefore I wouldn't seek for your presence in line. You're losing your precious career, Sullivan," bahagya naman akong natawa.
"Well, of all the jokes you mentioned, that was the most funny one, Miss Leonor."
Ang corny niya kasi magjoke.
"This is not a g*ddamn joke, Sullivan. The plans and blueprints were not sent to our client's grand opening ceremony," kusa namang naglaho ang ngiti ko.
"W-Wait. What?"
"Yep. They were waiting for those to arrive, but nothing came. I tried to contact you just to confirm if it was on the way but your number wasn't even able to reach," hindi na naging maganda ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya.
"Wait, hold up," mabilis kong tinignan ang telepono para tignan kung may missed call ba pero wala akong nakita. I might be busy yet I never attempted to off my phone. I often checked it at ngayon ko lang nasagot ang tawag niya dahil ngayon lang naman ako nakatanggap ng tawag mula sa kanya.
"But Miss Leonor, I never turned off my phone, and you know that," paliwanag ko sa telepono.
"That's what I was also thinking. You never did that which made me think that you were really in a big trouble," may pag-aalala rin sa boses nito.
"We did everything to contact you but we couldn't even find ways how."
Ibig sabihin ba nito... idinamay rin nila 'to sa mga plano nila? My f*cking long-term career?!
Kung ganon, kailangan kong umasa na hindi ang pinakamalaking kliyente ko ang mawawala. Nakasalalay sa kanya ang pangalan na itinayo ko sa Portugal.
"I-I'm sorry but I had not received any calls. You know me well that I never tried— "
"It might not be your fault but what could your apologies do now, Mr. Sullivan?" natigilan ako at sandaling napaisip.
"Tell me that it wasn't my big client who didn't receive it?" if it wasn't that company, then I am still safe. Before I left Portugal, I exactly had two clients.
One who owns a corporation and one who is a sole proprietor. One big client, and one who is about to start a business. Pareho silang humingi ng kopya para sa plano na ginawa ko bago ako umalis sa bansang 'yon. The chief of the corporation told me to hand him the plans and blueprints as a legitimacy that the building was made without any bombs planted on it. Nagkaroon kasi ng kaso date ang owner nang ipaayos niya ang building ng matalik nitong kaibigan, yet it turned out na may ipinatanim siyang bomba sa mga 'yon. That's why he asked for the plan as an evidence that the same crime wouldn't be committed again by him, at ang mga plano ko lang ang makakapagpatunay na hindi na siya gagawa ng gulo. Me as the architect, could also be the witness that the building is all safe and no one could plant a bomb inside.
"No one believed the owner since the architect, his plans and blueprints were all not present in the ceremony even though your engineers were there. What do you think the guests would think about the owner if those papers were the only ones who could prove his sincerity not to commit the same crime again?"
"But I sent the physical files before I left the country!" pagpupumilit ko.
"Nothing arrived, Sullivan. And your biggest client doesn't want to see you anymore. The sole owner received the copies but your big client did not. It would be better if you don't come back here anymore for the mean time. The corporation is hunting you, if they weren't busy solving the case, they would already be there hunting you. The boss is digging you a grave," seryosong saad niya.
"I made someone do the job for me, Leonor!"
"I know! I believed in you without further explanations, but your clients aren't like me, Van. J-Just don't come back yet. It's not yet safe. Or if ever you really want to come back, make sure to clear everything to them. I'll call you whenever I have some urgent to tell you," at mabilis niyang ibinaba ang telepono.
Dahan-dahan ko ring naibaba ang hawak at napako ang tingin sa isang sulok hanggang sa mapahigpit ang hawak ko sa telepono, "Those f*ckin group!" mahina ngunit may banta kong saad. Ramdam ko rin ang pag-iinit ng katawan ko na kung pwede lang pumatay ng tao ay kanina ko pa nagawa since I heard that terrible news.
Of all the things, ang pinangangalagaan ko pa talaga ang titirahin nila?! Who are they to do this to me?! To us?! We are Alzini! Anong gusto nila at ginagawa nila 'to sa amin?! Hindi na ako nakapagpigil at malakas na inihagis ang hawak sa pintuan na siyang nakagawa ng ingay. Kusang napakuyom ang dalawa kong kamay habang nag-iinit sa galit.
Whoever they are, I will surely hunt them! Hindi basta-basta mangyayari ang lahat ng 'to kundi nila 'to isinama sa mga plano nila.
Nothing is coincidence here!
"What happened?!" pumasok si Allison at nakita ang sira-sirang telepono ko. Madali siyang lumapit at umupo sa tabi ko, "Anong nangyari?!" napatingin ako sa kanya at halata ang pag-aalala sa kanya kaya inilipat ko ang tingin sa kung saan.
"Seeing you right now, alam kong may hindi magandang nangyari," saad pa niya. Hinawakan ng isa niyang kamay ang nakakuyom kong kamay kaya napatingin ako sa kanya, "Tell me. Alam ko ang ganyang klasi ng galit na meron ka, Van."
Napayuko na lang ako bago nagsalita, "They ruined my career," mahina ngunit may pagbabantang saad ko.
"Sino?"
Tumingala naman ako, "All of this aren't just a coincidence. Yung pagkawala ni Gale, yung pagpapaikot nila sa dalawang organisasyon at militar, yung biglaang pag-alis nina Don Stefano at Senyora, yung paghihintay ni Ali, yung pagkasira ng pinakainiingat-ingatan ko all this time?" umiling ako at bahagyang natawa.
"They planned everything to destroy Alzini at all cost," nagsalubong naman ang kilay nito at maya-maya'y umiwas ng tingin si Allison, "Yan din ang iniisip ko kanina pa. Hanggang ngayon, wala pa rin sina mom at dad," ibinalik niya ang tingin sa akin at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.
"I lost my biggest client, Allison. I know he wouldn't stay still. The boss will do everything to destroy me and my image," galit kong saad dito. Gustuhin ko mang pigilan ang galit dahil nandito si Allison pero hindi ko magawa, "Why does it have to be thing I've worked hard for?" humigpit naman ang pagkakahawak niya sa aking kamay.
"May idea ka ba kung sino sila?" umiling naman ako, "Your brother might be. Tell me, Allison. Alam mo rin na may itinatago sa atin ang kuya mo," lumuwag ang pagkakahawak niya at napayuko. Maya-maya ay tumango rin siya at tinignan ako, "I know. But I can't confront him, dahil alam kong nahihirapan siya at ayaw kong dagdagan 'yon. I'm just waiting for mom and dad to come home."
"It's his obligation to make a move since Godfather and Senyora are not around, yet he's keeping Alzini quiet all this time. Could he be that he's keeping a secret from us? Baka alam niya kung sino ang samahan, grupo o organisasyon na bumangga sa atin ngayon?"
"I can't tell, Van," sabay iling ni Allison na halatang gulung-gulo na rin.
"Miss Allison! Sir Van!" sabay kaming napatingin sa pintuan dahil hindi naisara 'yon ni Allison kanina. Tumambad sa amin si Blue na hinihingal at pinagpapawisan. Napahawak rin siya sa gilid ng pintuan habang ang isang kamay ay sa tuhod nito, "What happened?" pagtatakang tanong ko.
Mula sa itsura niya at kung paano niya kami tignan ay mas lalong hindi naging maganda ang pakiramdam namin ni Allison. Sinundan namin siya ng tingin nang matanaw niya ang remote ng tv na nakapatong sa bedside table at mabilis 'yong kinuha, "May kailangan po kayong mapanood," hingal niyang sabi. Itinutok niya 'yon sa tv at sinindihan kaya doon namin ibinaling ang tingin.
"Senator, what can you say about this matter, na kung date ay nakapabor sa inyong asawa ang lahat, pagkatapos maipalabas ng video na 'yon ay muli niyong nakuha ang simpatya ng mga tao?" saad ng isang reporter kasama ang iba pa habang sinasabayan nila ang paglalakad ng senator papasok sa isang building.
"I won't deny the fact na kaya namin nagawa 'yon ng heneral sa kanya ay dahil doon namin nalaman ang tungkol sa video na 'yon. Hindi na lang namin inilabas dahil ayaw kong masira ang reputasyon ng aking asawa," sagot naman nito.
Bigla na lang may lumitaw na isang video mula sa tv kaya doon napako ang atensyon namin, "Malinaw na kuha sa video na ito na habang nasa isang club ang anak ng heneral at asawa ng senador ay may kinakasama itong iba," nakita namin ang isang babaeng nakapula. Halos wala na rin itong suot na damit dahil sa panloob na lang ang suot niya na siyang tumatakip sa maseselang parte ng katawan nito. Napupuno siya ng mga pulang palamuti sa katawan. Nasa isang pulang kwarto siya habang may kasamang lalaki.
"At base sa oras na nakalagay sa cctv ay kuha ito bago pa man nangyari ang kaarawan ng heneral, doon na rin nila nalaman ang kalokohan ng kanyang anak na si Gale kaya nila siya nagawan ng senador ng masama at hindi sinasadyang nabaril."
Kusa kaming napatayo para lumapit sa tv at maayos na tignan ang babae na tila pamilyar sa akin. Kinuha ni Allison ang remote kay Blue para lakasan 'yon, "Ang sinasabi ng lahat ngayon ay nahuli ng senador ang kanyang asawa na may kinakasamang iba dahil sa video na 'yon matapos ang kaarawan ng heneral kaya nagawa niyang gawan ng masama ang sariling asawa. Ang pahayag ng heneral tungkol dito... pakinggan natin."
Lumitaw naman ang heneral sa tv, "Hindi namin ikakaila ang tungkol sa video. Sa totoo lang, kami ang nagtago noon para hindi na lumabas pa sa publiko dahil mahal ko ang anak ko at hindi ko hahayaang masira ang reputasyon at dignidad niya kahit pa sa likod ng panloloko niya sa senador. Ngunit nailabas na ang video kaya wala na kaming magagawa. Panawagan lang po namin ng senador na huwag niyo ng husgahan pa si Gale, dahil lahat naman tayo ay nagkakamali."
Muling ipinakita ang video hanggang sa unti-unti naming nakilala ang babae, "T-Tell me I'm seeing the wrong person," utal na saad ni Allison na hindi inaalis ang tingin doon. Kitang-kita ko sa video na may kahalikan siyang lalaki at parang desidido pa siya sa nangyayari na mas lalong nagpagulo sa akin at sa amin.
What is this all about? Pinilit ba nila siya para gawin 'to? And to ruin her image too?
Continua...