Kasalukuyan akong nakaupo sa isang kulay pulang kama habang naghihintay ng balita. Hindi ko na rin matukoy kung ilang minuto na akong tulala matapos mangyari ang lahat ng 'yon. Komportable na rin ako sa mismong kinauupuan matapos kong maisuot ang pulang roba na halos ilang minuto ko ring hindi suot kanina. I wanted to prove them na nagkakamali sila. I wanted to prove La Jara that Alzini is still the kind of people they had shown themselves to me. Hindi nila ako kayang pagtaksilan at alam kong sinisiraan lang sila sa akin para kumampi ako sa kalaban.
I should feel satisfied because of what we did, but why do I feel like habang buhay kong pagsisisihan ang desisyong ginawa ko? Kusa akong napatingin sa pintuan nang bumukas ito at bumungad sa akin ang isang pamilyar na mukha. It's him, the one I accidentally shot. Nakangisi siyang pumasok at isinara ang pintuan bago lumapit para iabot sa akin ang isang cellphone kaya doon nabaling ang aking atensyon.
"Ano 'yan?" pinilit ko namang pagtaasan siya ng kilay.
"See for yourself," saad niya na siyang ikinatawa ko though I'm not comfortable being around with him. Anumang oras, kaya niya akong tapusin dahil sa nagawa ko noon.
"Ano nanaman bang kalokohan ang ipapakita niyo sa akin para lang magalit ako sa kanila?" umiling ako, "Whatever that is, stop. Because I will never believe you. I know that you've been hunting me all this time, kaya alam kong anumang oras ay pwede mo akong gawan ng masama. I will accept it kaya huwag na nating patagalin 'to."
"Basta huwag mo nang idamay pa ang mga walang alam. If you really want to punish me dahil hindi niyo nakuha ang gusto niyo. Then do it now. Since I'm already tired too, defending myself," diretsong saad ko na halos maiyak na dahil sa huling pangungusap na sinambit ko.
I have to be strong. Kahit gaano kahirap, I have to be. You can do it all alone, Serenity Gale.
"Seems like you're all ready to face death any time," dagdag pa niya na bahagyang yumuko para itapat ang mukha sa akin, "Killing you easily won't satisfy me, Serenity Gale. I have to kill you slowly," umayos siya ng tayo at mas inilapit sa akin ang hawak nito.
"You have every right to know who's your real enemy and how you were easily deceived by those people, after watching it, for sure you'd know that they are worse than us."
Ilang segundo ring napako ang tingin ko sa kanya habang salubong ang kilay. What is he talking about? I sacrificed my dignity in La Jara just to prove Alzini's innocence. Dahan-dahan ko namang kinuha ang hawak niya para matapos na. Kahit anong sabihin niya, hinding-hindi ako maniniwala.
Nang tignan ko 'yon ay tumambad sa akin ang isang video kaya pinindot ko 'yon para panuorin. Kahit pa anong klasing pangungunsinti ang gawin at sabihin nila, hinding-hindi ako maniniwala.
"Senator, what can you say about this matter, na kung date ay nakapabor sa inyong asawa ang lahat, pagkatapos maipalabas ng video na 'yon ay muli niyong nakuha ang simpatya ng mga tao?" saad ng isang reporter kasama ang iba pa habang sinasabayan nila ang paglalakad ng magaling kong asawa papasok sa isang building.
Mali ata akong nang narinig, o baka mali lang ang tanong sa kanya?
Inulit ko naman ang video para marinig ng maayos ang tinanong ng isang reporter kay Philip, "Senator, what can you say about this matter, na kung date ay nakapabor sa inyong asawa ang lahat, pagkatapos maipalabas ng video na 'yon ay muli niyong nakuha ang simpatya ng mga tao?"
"I won't deny the fact na kaya namin nagawa 'yon ng heneral sa kanya ay dahil doon namin nalaman ang tungkol sa video na 'yon. Hindi na lang namin inilabas dahil ayaw kong masira ang reputasyon ng aking asawa," sagot nito. Nag-umpisa namang mas kumunot ang aking noo.
Ano bang pinagsasabi ng mga 'to? Ako ba ang pinag-uusapan nila?
Bigla na lang may lumitaw na isang video kaya doon napako ang aking atensyon, "Malinaw na kuha sa video na ito na habang nasa isang club ang anak ng heneral at asawa ng senador ay may kinakasama itong iba," natanaw ko ang isang babaeng nakapula. Halos wala na rin itong suot na damit dahil sa panloob na lang ang suot niya na siyang tumatakip sa maseselang parte ng katawan nito. Napupuno siya ng mga pulang palamuti sa katawan. Nasa iisang pulang kwarto sila at saka doon naghahalikan.
Inilapit ko naman ang tingin sa video na aking napapanood at parang pamilyar sa akin ang lugar. Hindi nagtagal ay kusa akong napatingin sa kwarto kung nasaan kami at inilibot ang tingin. H-Hindi naman siguro ako nagkakamali ng nakikita hindi ba? Ramdam ko naman ang bahagyang panginginig ng kamay ko kaya ibinalik ko sa cellphone ang tingin para ituloy ang panonood.
Baka naman ilusyon ko lang ang lahat ng 'to?
"At base sa oras na nakalagay sa cctv ay kuha ito bago pa man nangyari ang kaarawan ng heneral, doon na rin nila nalaman ang kalokohan ng kanyang anak na si Gale kaya nila siya nagawan ng senador ng masama at hindi sinasadyang nabaril," dagdag pa ng tagapagsalita.
Napako ang tingin ko sa dalawang taong naghahalikan hanggang sa mapagtanto na lang ang napapanood ko. Imposibleng hindi ko makikilala ang mga taong 'to dahil ako 'yon... at ang lalaking kasama ko ngayon, "Ang sinasabi ng lahat ngayon ay nahuli ng senador ang kanyang asawa na may kinakasamang iba sa pamamagitan ng video na 'yon matapos ang selebrasyon ng heneral kaya nagawa niyang gawan ng masama ang sariling asawa. Ang pahayag ng heneral tungkol dito... pakinggan natin."
Lumitaw naman ang magaling kong ama sa tv, "Hindi namin ikakaila ang tungkol sa video. Sa totoo lang, kami ang nagtago noon para hindi na lumabas pa sa publiko dahil mahal ko ang anak ko at hindi ko hahayaang masira ang reputasyon at dignidad niya kahit pa sa likod ng panloloko niya sa senador. Ngunit nailabas na ang video kaya wala na kaming magagawa. Panawagan lang po namin ng senador na huwag niyo ng husgahan pa si Gale, dahil lahat naman tayo ay nagkakamali," tulala naman akong nanonood at nakikinig pa rin.
Muling ipinakita ang video hanggang sa tuluyan ko nang makilala ang sarili. They are f*cking showing it in the television uncensored. What in the d*mn hell!
Idinidiin ba nila ako sa isang kasalanang hindi ko naman ginawa?! Hindi ko talaga maintindihan ang nangyayari. Tila hindi nagproproseso sa akin ang lahat. Kitang-kita ang paghahalikan naming dalawa at hindi ko ikakaila 'yon. We purposedly did it for a reason. But publicly? This is not right. Kusa akong napailing.
"Tell me this was just fabricated?" sabay tingin ko dito habang nakatayo pa rin siya, "Everything is clear yet hindi ka pa rin naniniwala. You knew well na kaaway namin ang magaling mong ama at asawa. Therefore hindi kami makikipagkasundo sa kanila para lang gumawa ng pekeng ebidensya na ipapakita sa'yo," yumuko pa siya para tapatan ako.
"Think well," itinuro nito ang gilid ng noo niya pagkasabi noon at umayos ng tayo.
Napatingin naman ako sa kung saan hanggang sa muli akong may narinig, "And since it is already proven, kinuha namin ang saloobin ng mga tao," saad pa ng nagbabalita.
"Bagay lang sa kanya na binaril siya dahil manloloko naman pala siya!"
"Ang lakas ng loob na ipakita sa lahat na binaril siya ng sariling ama, eh kung ako nga ang ama noon, hindi lang baril ang abot niya sa akin!"
"Siguro po, alamin muna natin yung side niya bago natin siya husgahan."
"Ang dapat sa kanya, makasuhan at hindi ang senador o ang heneral. Ginawa lang nila ang tama."
"Dapat ikulong niyo na 'yang manlolokong 'yan!"
"Ang lakas ng loob na ipakita sa lahat kung paano siya binaril ng heneral at senador, kaya naman pala nila nagawa 'yon dahil sa panloloko niya!"
Are these people referring to me like I am some sort of a criminal? Tama ba ang pagkakaintindi ko? O bunga lang ng pagkalito ko?
I could even see my own desire and anger from my eyes in the video just to prove these people wrong about Alzini.
"Ang tanong ng publiko ay kung sino ang naglabas ng video gayong sinabi ng heneral na itinatago nila ito para protektahan ang kanyang anak. Ngunit napag-alaman na isa sa mga malalaking kumpanya ang naglabas ng artikulo tungkol dito kasabay ng pagkalat ng video sa social media kaya't nagpatawag ang mga opisyal ng isang eksperto upang suriin ang pinanggalingan ng video," lumitaw naman ang itsura ng isang lalaki kaya ipinokus ko ang atensyon sa kanya.
"Based from our investigation, the video came a very reliable source. One of the biggest company in our country," napasinghap pa ako bago tuluyang marinig ang sinabi nito, "The NWR Business' owner. As far as I know, they merged business with the senator and general," kusang nanlaki ang mata ko dahil doon, "He's truly a great friend for saving the senator at a time of crisis and accusations."
Ang panginginig naman ng aking kamay ay mas lalong lumala, na parang pati katawan ko ay susunod na, "This is not real," bahagya akong natawa at napailing pa.
"Could you really go this far para lang siraan sila sa akin?!" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Just like what I told you, kahit anong gawin niyo, hinding-hindi niyo ako mapapaniwala!" saad ko na nakuha nang sumigaw dahil sa galit na nararamdaman ko.
"Tapusin na natin 'to, huwag niyo na akong pahirapan pa!!"
"We can't manipulate the media just like what your father and husband do, Gale. Alam mo sa sarili mo kung ano ang totoo ngayon, yet you can't accept your mistake and wrong beliefs. Hindi mo matanggap na niloko ka talaga nila. Pinatunayan mong mali ka sa paniniwala mo, kaya hindi mo pa rin matanggap," saad nito habang nakangiti ng masama.
Muli siyang yumuko at tinapatan ako, "Sinabi na namin sa'yo, pero nagmatigas ka pa rin. It was a live news. Didn't you hear? Isa sa mga pinakamahalagang tao ng Alzini ang sumira ng reputasyon mo at hindi kami. Kami nga napagtaksilan nila, ikaw pa kaya? Alistair is not what you think he is. He's longing for the throne, and taking advantage of everything around him became his weapon. Now that he knew na alam mo na ang baho niya," tinignan nito ang orasan na nakasabit sa pader sa taas ng pintuan bago ibinalik ang tingin sa akin.
"Anytime from now, he and his men would blow up this place. Since he knows you won't believe him anymore, isa ka na rin sa mga taong pasasabugin niya," sabay ngiti nito ng malapad. Umayos naman siya ng tayo
"A-Anong ibig mong sabihin?" utal kong tanong.
"Oh I almost forgot, Alzini's Godfather and Senyora are already dead, and you know what... it was all part of his dirty game," kulang na lang ay tumigil na rin ang pagpintig ng aking puso.
"W-What... did you just say?" tulalang tanong ko habang nakatingin sa kanya.
"Pinasabog ang sinasakyan nila pauwi ng mansyon nila. That occurrence was plotted by their son, and now, the good news is that he is the new mafia boss of Alzini de la Alpha," kusa akong napayuko ng ilang segundo.
Everything that I heard and watched, totoo ba talaga ang lahat ng 'yon?
All this time, I was defending them. I was defending the wrong people. I, in fact sided with the real enemy. Kusang napakuyom ang dalawa kong kamay nang unti-unting mapagtanto ang totoong nangyayari.
I risked my reputation to clean their name, yet is this how they would repay me? Betrayal? Through making me believe with those lies? Ang luhang may bahid ng galit at pagkaalila ay tuluyan nang kumawala sa aking mata. Dahil naiintindihan ko na.
I could still remember what happened earlier just to prove this brotherhood that they can't do anything to make me turn my back against Alzini.
Pero mali pala ako. Maling-mali.
Hindi ko 'yon matanggap sa sarili ko kaya pilit pa rin akong naniniwala sa kanila. Kahit na alam ko na ngayon kung ano talaga ang totoo. I risked my everything here. I risked everything just to prove nothing!
...Flashback...
"Count me in. And I will show you na tama ako ng kinampihan," saad ko.
"Big boss, Colton's finally awake," sabay kaming napatingin sa pintuan nang sabihin 'yon ng isa sa kanila na halos kakarating lang.
Ibinalik naman ng pinuno nila ang tingin sa akin at saka ngumiti ng masama, "You said you want to prove us wrong, right? Then, let's make a deal," muli niyang hinarap ang miyembro nito, "Nakakatayo na ba?" tanong niya ng ikinatango nito.
"Nagpupumilit ngang pumunta dito, big boss, pinigilan ko lang," napatango naman siya at muling nagsalita.
"Good timing, tell him that he has to greet a guest," sabay tingin nito sa akin at muling ibinalik 'yon sa miyembro niya, "Lajara plan."
"Sure ball, big boss," saad ng lalaki na nakuha pang ngisian ako bago niya kami talikuran.
Nang lapitan ako ng pinuno nila ay napako ang tingin ko sa sahig habang iniikutan niya ako, "Wala na kaming magagawa kung ayaw mong maniwala sa amin. They might really be the best in terms of deceiving people. Bakit pa nga ba kami magtataka, kami nga naloko nila, ikaw pa kaya?" sarkastikong tanong niya. Hindi ko man sila tignan isa-isa ngunit tanaw kong nakangiti sila ng masama kagaya ng parati nilang ginagawa.
"Pero sige, pagbibigyan ka namin sa gusto mong mangyari," tumigil siya sa harapan ko kaya't nagtama ang mata namin, "Stay with Colton," saad niya na siyang ikinakunot ng noo ko.
"What?"
"We must really be absurd for telling our victim about the plan," hindi makapaniwalang napangiti ito at umiling, "Now this is what you're going to do. We'll bring you in a room with a camera installed in it. Pretend as if making love with the boss. Huwag kang mag-alala," aktong hahawakan niya ako sa baba ay iniiwas ko ang mukha sa kanya, "We'll record the video and afterwards," lumapad muli ang ngiti niya, "I'll be calling Don Stefano's son and send him the video— "
"Is that your plan? It sounds terrible— " pinutol naman niya ang pagsasalita ko at itinutok pa ang hintuturo sa bibig nito para patigilin ako, "Shhhh. Listen to me first."
"We will tell him how mad you are, and that you already knew everything about what they did to you six years ago. We'll threaten Alzini and send them the video para sabihin sa kanila that we'll also send a copy of that video to your husband, and in return, the senator has to ruin Camorra's image since he belongs there. At alam mong gagawin 'yon ng asawa mo para linisin ang pangalan niyang dinumihan mo," seryosong saad niya na inilapit pa ang mukha sa akin.
"If they really care about you... Alistair, Don Stefano and Senyora will do everything to save you this instant and take the video away from us even before we send it to your husband. Yet, once he is the one sending the video to them, it only means that you're useless anymore dahil iisipin nilang ilalaglag mo sila. Kaya uunahan ka nila. In the end, they will send the video to your husband, they will come here, bomb the place and hunt you down, since you already knew almost everything about their secret and your past connection with them, hindi ka na nila magagamit para sa mga plano nila because you're mad at them. Then hunting you down is the rightful thing to do for their unseen organization to stay as it is."
Sinamaan ko naman siya ng tingin at natawa na lang. Is that the plan he's talking about? Isang kahibangan? "So, are you in?" natawa man ako sa plano niya ngunit napaisip din ako. Ayaw kong maniwala pero kailangan kong patunayan sa sarili na totoo nga ang pinaniniwalaan kong totoo para sa akin.
I have to prove myself that I am not wrong.
Aktong tatalikod siya ay diretso akong nagsalita, "I'm in," muli siyang napaharap sa akin, "Since I am really sure that the video will once be yours but never again once they know about it," taas-noong sagot ko. I will still hold into Alzini's promises. Taking that video with my dignity depended on it will just be useless soon, but useful to prove my beliefs right.
Next...