Continuation
I spent two hours in a red room habang nakaupo sa kama at balot na balot ng pulang roba. Nakakaramdam na rin ako ng kaba na siyang pilit kong pinigilan dahil hindi makakatulong. Matapos ang paghihintay ay bumukas ang pintuan kaya napatingin ako dito.
Kagaya ng inaasahan ko ay isang pamilyar na mukha ang sumalubong sa akin. Kasabay nang pagtatama ng mata namin ay ang konsensyang unti-unting bumalot sa akin. Seryoso ang tingin niya sa akin at maya-maya pa ay natawa na lang bago isinara ang pintuan at lumapit sa akin. Wala siyang damit pang-itaas habang nakapantalon kaya kitang-kita ko ang puting takip sa mismong sugat niya sa tagiliran nito.
Kusa akong napayuko nang matigilan siya sa harapan ko, "I'm afraid I might not be able to control myself for killing you," dinig kong saad nito.
"Yet doing this is your punishment I've been waiting for," hinawakan niya ang braso ko at sapilitang itinayo kaya napatingin ako sa kanya na ikinatawa naman nito. Napansin ko na lang na aktong hahalikan niya ako kaya kusa akong umiwas na siyang ikinatigil niya. Ramdam ko naman ang unti-unti niyang paglapit hanggang sa maramdaman ang paghinga niya sa tapat ng aking tainga, "Umayos ka, nanonood sila," bulong niya kaya napatingin ako dito.
Bigla niya akong itinulak sa pader at mahigpit na hinawakan ang dalawa kong braso para ipako doon. Diretso kaming nagkatinginan, "I can't attempt kissing the killer of my father yet I wanna try it," nanlaki na lang ang aking mata nang maramdaman ko ang labi niyang nakalapat na sa mismong labi ko. Marahas ang paghalik na ginawa niya at hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin sa oras na 'to.
Magkahalong galit, sakit, inis, lungkot at panghihina ang nararamdaman ko na tila pinagtaksilan ako ng mga taong lubusan kong pinagkatiwalaan. Nanigas ako sa mismong kinatatayuan hanggang sa matigilan siya sa ginagawa, "Uulitin ko. Umayos ka, nanonood sila... kung gusto mong makaalis dito, sabayan mo 'ko," dahil doon ay hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya.
Aktong magtatanong ako ay muli niya akong hinalikan. Naramdaman ko na lang din na unti-unti niyang inalis ang pagkakatali ng suot kong roba hanggang sa tuluyang niyang alisin 'yon mula sa aking katawan. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para sumunod sa sinabi niya. I admit that I unintentionally killed that man... his father, wala lang akong choice.
But this is wrong.
My conscience is fighting my courage, yet I have to be hard-hearted now. Just for this moment.
Natigilan naman siya hanggang sa maramdaman ko ang halik niya na bumaba sa aking leeg at muling bumulong, "I want you to obsessively believe Alzini para masaktan ka ng husto sa huli tungkol sa kataksilan nila, but I'm telling you right now, hindi sila mapagkakatiwalaan. We are La Jara. Kilala namin ang mga kautak namin. I will tell you what will happen soon. They will send the video to your husband and bomb this place together with you since you are useless anymore. Ang mga taong pinagkakatiwalaan mo ang mismong papatay sa'yo. My brotherhood will soon leave this place after talking to Ali because that's exactly what will happen, and I will also do the same to escape the mafia boss' wrath."
Hindi ko na lang pinansin ang huli niyang sinabi dahil gulung-gulo na'ko.
Kahit hirap na hirap na ako at hindi alam kung sino ang paniniwalaan. I will still believe them. Alzini is my home. They won't betray me. Tiniis ko ang nangyayari sa amin ngayon at tumugon ako sa bawat hawak at halik niya, ngunit kasabay noon ay ang pagtulo ng aking luha.
Please, don't make me regret this in the end, Alzini.
...End of flashback...
Kusa na lang tumulo ang mga luha na madalas kong pigilan at lumuwag ang pagkakahawak sa cellphone dahil ni isang segundo ay naniwala ako na totoo ang lahat ng ipinangako nila sa akin. Bahagya siyang yumuko para tapatan ako, "Do you believe me now?"
"Whose the owner of NWR Business again?" dagdag pa nito sa tonong may pang-aasar habang pilit kong hindi ipinapakita sa kanya ang panginginig ng kamay ko.
Nakuha pa niyang umiling, "You can't trust them. I told you."
Unti-unti niyang kinuha sa akin ang cellphone na hawak ko, "Ikaw na mismo ang nakapanood kung sino ang nagbigay ng video sa magaling mong asawa, kaya huwag mong sabihin na may tiwala ka pa rin sa mga manlolokong 'yon?" hindi makapaniwalang tumawa ito habang napako naman ang tingin ko sa kung saan.
"Guess, I'll be leaving now. They are surely going to kill all of us, at kapag naabutan ka nilang buhay dito. I'm afraid Alistair will be the one to kill you. Tsk! Tsk!" umayos siya ng tayo.
"Farewell. Protect yourself because no one's going to do it for you. I should be avenging my father by killing you yet papanuorin ko na lang kung paano ka manginig sa galit at pighati dahil sa pagtratraydor nila. It satisfies me seeing you in miserable situation in Alzini's hands," tumunog ang hawak nito na agad naman niyang sinagot.
"Papunta na ako. Nasaan na sila?" pakikipag-usap niya sa kabilang linya habang nakatingin sa akin, "Oh, too fast. Sige, hintayin niyo 'ko," sabay baba niya sa cellphone. Muli pa niya akong tinapatan at napatingin sa labi ko, "That lip of yours is tasty, I enjoyed it kahit sa maiksing panahon lang. Remember, Alzini will always have a trap. So be careful when escaping them," sabay ngiti niya ng malapad bago umayos ng tayo at naglakad papalabas.
Narinig ko na lang ang pagsasara ng pintuan. Kusang napakuyom ang dalawa kong kamay habang nakapatong 'yon sa kamang kinauupuan ko. Tutal wala na rin namang nakakakita ay tuluyan na akong nanginig dahil sa magkahalong galit, lungkot at sakit.
You f*cking promised to me! Nangako kayo sa akin!
But why did you do this to me?!
Tinulungan ko kayo sa lahat ng plano niyo without even knowing that you were the one who tainted my past. Hindi ako makatulog ng maayos tuwing gabi dahil palagi kong napapanaginipan ang gabing 'yon, on how those men abducted me. I somehow felt totally safe in that mansion, pero hindi ko alam na mali pa lang maramdaman ko 'yon. They might be right. Na ginamit lang nila ako. Na ginamit niyo lang akong lahat!
Yet...
Alam kong nagpagamit ako at ginusto ko 'yon dahil sa paraan ng pakikisama nila sa akin, but now that I knew everything, I'm starting to regret everything. Mga wala silang utang na loob!
All this time, I am repaying Alzini's kindness when in fact, they should be the one liable to me.
Napatango na lang ako habang patuloy pa rin sa pagluha. Alzini's words totally deceived me up until the end. After they used me against my father and husband, they will kill me for being useless, for knowing that secret when I was supposed to be the one killing them.
This is not yet the end, napailing na lang ako. Hindi pwedeng dito na lang matatapos ang lahat. Kailangan kong bumawi. Hindi ko hahayaang manalo na lang silang lahat. They should all pay for what they did to me. Dahan-dahan kong pinunasan ang mga luhang nagkalat sa aking mukha at pinakalma ang sarili para hindi na manginig pa.
Hindi ako dapat magpatalo. Kailangan kong makaalis dito ng buhay, at walang dapat na makaalam kahit na sino.
I might not have an idea kung saan ako pupulutin, pero ang mahalaga ay makatakas ako ngayon at makaalis dito ng buhay bago pa nila ako maabutan. Mabilis akong tumayo mula sa kama at lumapit sa pintuan. Pagkabukas ko pa lang sa pintuan ay bigla akong napaatras nang mapansin ang mga tao na ngayon ay nagsisitakbuhan sa kung saan. Punung-puno na rin ng usok sa daanan na mabilis ring pumasok sa kwartong pinanggagalingan ko. Nagsisigawan na rin ang iba.
Napatingin ako sa kwarto para maghanap ng bintana pero wala akong nakita. Minabuti kong makihalobilo na lang sa mga tao at sumunod sa tinatahak nilang daan lalo na't hindi ko rin alam kung saan ang daan palabas. Napatakip ako ng ilong at bibig gamit ang isang kamay dahil sa makapal na usok.
Hindi nagtagal ay nakuha naming makalabas at dahil nasa dulo ang club, napatingin ako sa kanang banda kung saan madilim ang daan at napapalibutan na ng mga puno. Minabuti kong sumunod pa rin sa mga nakakasabay ko hanggang sa ibalik ko ang tingin sa club. Napansin ko sa madilim na parte nito ang mga lalaking nakapampormal na suot.
Kahit makapal na ang usok ay natatanaw ko pa rin sila na papasok sa club at inililibot ang tingin na tila may hinahanap. Hindi nagtagal ay nakilala ko ang isa sa kanila hanggang sa mapagtanto na isa siya sa mga Alzini. Nanlaki ang aking mata at muling nakaramdam ng kaba kaya binilisan ko pa ang pagtakbo at tinahak ang kanang daan kung saan madilim. Wala na rin akong matanaw na isa sa mga La Jara. Bigla na lang akong nagtago sa isang malaking bato nang marinig at maramdaman ang isang malakas na pagsabog. Napatakip pa ako sa dalawang tainga at napayuko. Ang iba ay napasigaw naman dahil sa biglaang pangyayari.
Hindi nagtagal ay dahan-dahan akong sumilip sa club na pinanggalingan hanggang sa matanaw ito na ngayon ay unti-unti ng nasusunog at sira-sira na siyang hindi ko inaasahan. Napansin ko rin na tila may hinahanap rin ang mga Alzini sa mga tao kaya nagtago ako. Nag-umpisa nanaman akong manginig dahil doon. Unti-unti akong sumilip para malaman ang nangyayari hanggang sa makilala ko ang isang lalaking bumaba mula sa itim na kotse. It's Ali.
He may not be called as a liar pero isa siya sa kanila. Malamang nandito siya para patumbahin na rin ako. No doubt na sila ang may kagagawan sa pagsabog ng club. Are they here to confirm that I am already dead? Sad to say na hindi ako kasama sa nasabugan though I have some bruises now.
Maigi niyang tinignan ang mga tao na nakapulong sa kung saan bago tinignan ang buong club. Maya-maya pa ay may kinuha ito sa bulsa niya at may kinausap sa kabilang linya. May mga itim pang sasakyan na dumating at mabilis na nagsilabasan ang mga tauhan niya mula roon. The moment I observed na tila may hinahanap sila sa maraming tao ay mabilis na akong napatayo para tumakbo ng patago. Tinahak ko ang pinakamadilim na daan habang kumakaripas ng takbo at napapatingin pa sa likuran.
Nang makarami ako ng hakbang ay medyo nakalayo na rin ako sa club ngunit hindi pa rin ako tumigil. Kailangan kong magtago dahil kapag tumigil ako, baka mahuli nila ako at hindi ko 'yon hahayaang mangyari. May mga oras pa na nadadapa ako dahil sa pagmamadali kaya nakukuha kong magtamo ng mga galos, ngunit hindi noon napigilan ang determinasyon kong makalayo mula sa kanilang lahat.
Nang tuluyan ko nang hindi matanaw ang club ay tumigil na ako sa pagtakbo at naglakad na lang ng mabilis. Paulit-ulit akong tumitingin sa likuran para siguraduhin na walang nakakita o nakasunod sa akin. Sana lang talaga ay walang dumaan na sasakyan ngayon dito. Aktong papaliko ako ng tinatahak na daan ay bigla na lang akong natigilan nang matanaw sa harapan ang kulay bughaw at pulang ilaw ng tatlong sasakyan. Nakilala ko agad sila na siyang ikinaatras ko.
Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam na ako ng kaba lalo na nang matigilan sila sa mismong daraanan na tila hinaharangan ako. Nang maalala ko ang pinakitang video ni Colton sa akin kanina, kusa na lang akong napailing.
Don't tell me, they are going to arrest me? Sinampahan ba ako ng kaso ng walang hiya kong ama at asawa just because of that video? This is absurd! Hindi nila ako dapat mahuli dahil wala akong kasalanan!!!
And how did they find me here kung ako nga ang pakay nila?
Tumalikod ako para tumakbo nang mapansin na nagsibabaan sila mula sa mga sasakyan hanggang sa kusa na lang akong matigilan, "Walang gagalaw!" sigaw ng isa. Hindi naman siguro nila ako tinatapatan ng baril ngayon hindi ba?
Unti-unti ko silang hinarap at kusa akong nanginig nang makita nga ang siyang hindi ko inaasahan. Nakatutok ang mga baril nila sa akin na nagbigay ng takot kahit na wala akong ginawa. Dahil doon ay kusa ko na lang naitaas ang dalawang kamay, kahit na inosente ako.
"Confirm, it's the senator's wife," dinig kong saad ng isang pulis na malapit sa akin sa mga kasamahan niya.
"A-Anong ginawa ko?" utal kong tanong. I did not do anything yet I felt guilty dahil sa paraan ng pagtutok nila sa akin ng baril na tila isa akong kriminal.
Gustuhin ko mang tumakas nang matanaw ko ang dalawang pulis na papalapit sa akin, pero ang mga nakatutok nilang baril ang naging dahilan ng paninigas ko sa mismong kinatatayuan. Tila bumalik sa akin ang mga alaala kung paano ako pinagtangkaan ng sarili kong ama.
Nang makalapit sila ay mabilis akong pinatalikod at pinadapa sa daan. Hinawakan pa ako ng isa sa mismong leeg kaya halos halikan ko na ang sahig. Naramdaman ko naman ang kusang pagtulo ng aking luha, "W-Wala akong ginawa. Kasalanan nilang lahat 'to," mahinang saad ko na hindi na napigilan ang sarili sa pag-iyak.
Obviously, ako ang pinagbibintangan ngayon na nanloko kay Philip dahil sa video na 'yon. I hate all of you! Pagbabayaran niyo 'to! Someone set me up kaya nandito na ang mga pulis. Naalala ko bigla ang sinabi ni Colton sa akin.
"Remember, Alzini will always have a trap. So be careful when escaping them."
Napapikit na lang ako nang maramdaman ang isang posas sa dalawa kong kamay na nasa aking likuran ngayon kaya hindi ako makagalaw. This is their trap kung sakaling hindi nila ako mahuli o mapatay! Their own f*cking trap! Great. Always great. What a great idea, you traitors!
Oh, bigla kong naalala. Ali merged business with my husband, no doubt na kukunin niya ang tiwala ni Philip using me. Great, so great! You traitor! Bakit ngayon ko lang 'to naisip?
Sapilitan nila akong pinatayo at dahil sa dami ng iniisip at magkahalong nararamdaman ay hindi ko nagawang makapagsalita. Pagtulo ng luha lang ang siyang naramdaman ko hanggang sa ipasok nila ako sa sasakyan. Naramdaman ko na lang na nasa gitna ako ng back seat habang nasa magkabilang-gilid ko ang dalawang pulis at umaandar na ang sasakyan.
.....
Noong oras na 'yon ay wala akong naririnig. Ang natatandaan ko lang, nakikita ko ang daan dahil sa liwanag ng sasakyan, may katabi akong mga pulis, nakaposas ang aking mga kamay, may mga baril sila sa gilid, at nagrereplek sa gilid ng daan ang kulay pula at bughaw na ilaw ng kanilang
sasakyan.
Itinaas ko ang dalawang tuhod para yakapin ang sarili habang nasa sulok ng isang malamig na selda. I never imagined myself having to be innocently put behind the bars. If it was about the unintentional murder, I could still accept, but if it was because of something done by traitors and those who should be in jail, 'yon ang hindi katanggap-tanggap. Kusa na lang napakuyom ang mga kamay ko habang patuloy pa rin sa pagluha. Sinampahan ako ng kaso ng magaling kong asawa para linisin ang pangalan niya, and that video... I would never forget who sent that to him. Mga traydor sila!
"I'll make you repay... lahat... kayo. I will get out of this place alive. Sisiguraduhin kong makakalabas ako dito. At ako mismo ang magpapatumba sa inyong lahat. You, all of you! I will make you bow down to me, kiss my feet and lick the floor, asking for my forgiveness 'til your cries turn to blood. Mark... my... words," mahina kong saad habang nakatingin sa kung saan at tuluy-tuloy sa pagluha.
Continua...