Chereads / Bandage on Bullet Holes (LaCosta Saoirsa Initial Book) / Chapter 50 - Capítulo quarenta e oito

Chapter 50 - Capítulo quarenta e oito

Final Chapter

Kasalukuyan akong nakayuko habang tinatahak namin ang isang tahimik na hallway. Sa magkabilang gilid ko ay may dalawang pulis at hawak-hawak nila ang aking braso. Hindi man ako gumawa ng kahit na anong masama but why do I feel like I am some sort of a criminal because of the way on how they treat me? Nakaposas din ang dalawa kong kamay sa harapan.

Narinig ko na lang ang pagbubukas ng isang bakal na pintuan hanggang sa tumambad sa akin ang napakaraming selda. Bawat isa ay may laman na limang katao at puro babae lahat. Napatingin ako sa kanila nang mapansin na lahat sila ay nakatanaw sa akin.

Dinig ko rin ang pagbubulungan nilang lahat habang nakatingin sa sitwasyon ko. Alam kong kilala nila ako dahil kay Philip. Bigla akong napayuko nang malakas akong batukan ng isa sa mga pulis, "Yuko!" sigaw pa niya.

Kapag isa kang kriminal, bawal tumingala. Pero hindi naman ako ganon, kaya bakit kailangan kong pilitin ang sarili sa pagyuko?

Gustuhin ko mang lumaban pero hindi ko magawa. Wala akong nagawa kundi magtiis sa galit dahil wala rin naman akong laban ngayon. Alam kong pagkatapos ng lahat ay ililipat na nila ako sa mga selda kasama ang iba pang mga nakakulong. W-Why do I even have to be here kung wala naman akong ginawang masama since from the first place?

Kagagawan lahat 'to ni Philip. Kinasuhan niya ako dahil sa video na 'yon. At ngayon, malinis na ang pangalan niya. Silang dalawa ng magaling kong ama.

Maya-maya pa ay natigilan kami sa isang selda at humarap doon. Kinuha ng isa sa mga kasama kong pulis ang susi mula sa bulsa nito at saka binuksan 'yon. Tinanggal naman ng isa ang posas sa aking kamay at saka nila ako itinulak papasok sa loob. Tumambad sa akin ang apat na babaeng ngayon ay nakangising nakatingin sa akin.

Hinarapan ko ang dalawang pulis matapos nilang maisara ang pintuan at saka ako tinalikuran at naglakad papalabas, "Hindi ba ikaw yung asawa ng senador?!" sigaw ng isa mula sa pinakadulong selda kaya napatingin ako sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?!" sigaw pa niya na hindi ko na lang pinansin.

"Kwentuhan mo naman kami kung anong nangyari! Siguro nahuli mong may babae ang senador no, kaya nanlalaki ka rin?!" sarkastikong tanong ng isa.

"Magpatulong ka sa kanya na ilabas ka dito, tutal maimpluwensya naman siya dba?! Ang ayus-ayos niyo sa tv, tapos ngayon nakakulong ka dito dahil sa panlalalaki?! HAHAHAHA! Ibang klasi ka rin eh noh!" saad ng isang babae sa kaliwang selda kaya nagsitawanan na rin ang mga kasamahan nito.

"Pwede ba manahimik kayo!" sigaw ng isang babae sa kanang selda na tumalikod para harapan sila. Nakaupo siya malapit sa akin habang nakasandal sa mga bakal kaya mukhang nakatalikod ito sa amin. Ngunit halatang naiingayan siya sa mga katabi namin.

Saka naman ako nito hinarapan, "Huwag mong pansinin mga 'yan. Mga tsismosa kasi kaya ayan nakulong," sabay tingin niya ng masama sa kanila.

Pwede na rin pala kasuhan mga tsismosa ngayon?

Humarap siya sa pintuan habang nakaupo at saka itinaas ang dalawang tuhod. Sumenyas naman ito na tila pinapaupo ako sa tabi niya kaya itinuro ko ang sarili, "Ako?"

"Eh sino pa ba? Upo ka dito," saad pa niya. Naguguluhan man pero ganon ang ginawa ko at saka ipinag-ekis ang dalawang binti pagkaupo. Tanging mga bakal ang nagdidistansya sa aming dalawa ngayon.

"So anong nangyari at nakulong ka? Ang sweet pa naman ninyo sa tv. Totoo ba yung pinagsasabi ng mga tsismosang 'yon kanina?" bulong nito. May katandaan rin ito ng konti sa akin.

"Maniniwala ka ba kapag sinabi kong hindi? Karamihan naman sa tsismis, hindi totoo dba?" sagot ko.

"Sinisiraan ka lang ng asawa mo no? Dahil nasira yung reputasyon niya dahil sa video na ipinakita mo?" diretso naman akong napatingin sa kanya.

"Paano niyo naman nasabi 'yan?" nginitian niya ako ng masama.

"Alam kong mapagpanggap ang asawa mo. Kung ano ang ikinabuti niya sa harap ng kamera, 'yun ang ikinadilim ng budhi niya sa likod ng kamera. Sabihin mong hindi, tadyakan kita dyan!" inis na saad niya na siyang ikinatawa ko.

"Hindi ko idedeny 'yan. Pero paano mo naman nasabi?"

"Galit ako sa kanya. Siya ang may kasalanan kung bakit namatay ang pamilya ko," sandali naman akong natigilan at napaisip.

May napatay si Philip?

"Anong ibig mong sabihin?"

"Tignan mo nga. Ikaw mismong asawa, hindi mo alam. Ibang tao pa kaya? Pinapatay niya ang asawa ko dahil gusto na niyang umalis sa organisasyon nila pero ayaw ng senador. Kaya minabuti naming tumakas hanggang sa naabutan nila kami at pinagbabaril siya... " ginamit nito ang pang-gitna at hintuturong daliri para ituro ang dalawang mata, "... sa mismong harap ko. Nagawa ko ngang makatakas pero sa huli, ako ang pinagbintangan niyang bumaril sa sarili kong asawa," may galit at sakit sa tono ng pananalita nito habang nakatingin sa kung saan.

"Bakit hindi mo sinabi ang totoo?" hindi makapaniwalang natawa ito.

"Ginawa ko 'yon, pero sa tingin mo ba may maniniwala sa akin? Isang dukha laban sa mayaman? Sino sa tingin mo ang kakampihan ng mga tao lalo na't maraming sumusuporta sa kanya? Kaya pagkalabas ko dito, babalikan ko 'yang walang hiyang senador na 'yan. Ako mismo ang papatay sa kanya!" pahayag pa nito na may diin sa bawat salita.

"Hihintayin ko ang araw na 'yan," saad ko.

"Balita ko El Nostra daw ang tumutulong sa'yo. Hindi malayong tulungan ka rin nila ngayon," napatingin ito sa paligid bago ako nilapitan at saka bumulong, "Kapag nakalabas ka dito, huwag mo 'kong kalimutan ah?" sabay kindat niya.

Tumango naman ako kahit hindi totoo ang sinabi niya, "Sure. Gusto kong makita mo ang pagbagsak ng magaling kong asawa. Kung galit ka sa kanya, mas galit ako. Siya talaga dapat ang nandito at hindi ako," saad ko pa hanggang sa makita ko na tila inaantok na siya at napahikab pa.

"Tandaan mo, mahirap kalaban ang pulitika. Madumi silang maglaro. Nga pala oras na. Matutulog na ako. Bukas mo na lang ako kwentuhan ng tungkol sa baho ng asawa mo. Gustung-gusto kong marinig kung paano niyo napaniwala ang mga tao sa masayang pagsasama niyo," masama niya akong nginitian bago tumayo at maya-maya ay may kinuhang sapin sa sulok. Inilatag niya 'yon sa gitna, sa pagitan ng dalawang kama kung saan nagsisiksikan ang dalawang kasama niya sa bawat isang kama at saka siya humiga doon.

Sumandal na lang din ako sa mga bakal dahil alam kong hindi ako makakatulog sa dami ng iniisip.

Maybe, I really trusted the wrong people. I should have seen it from the start. Silang lahat ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon. Nanatili ako sa mismong kinauupuan at saka unti-unting niyakap ang sarili.

Bumabalik ang sakit at pabigat ng pabigat ang aking dibdib. Wala na akong ibang mapagkakatiwalaan ngayon kundi sarili ko na lang. Naramdaman ko na lang din na unti-unti nanamang tumulo ang mga luha ko.

Mom, I need you. Simula nung nawala ka, I didn't have anyone beside me. Ikaw lang ang kakampi ko, pero pati ikaw kinuha sa akin. I felt all alone since you left me. Even the justice you deserve was absent. I should be serving you that justice pero paano, kung mismong hustisya para sa sarili ko hindi ko magawa?

I was betrayed by everyone. Ang sakit pala. Ang sakit pa lang pagtaksilan ka ng mga taong lubusan mong pinagkakatiwalaan. They deceived me to the point that I never believed anyone but them, even myself.

Minsan talaga. Mapapaisip ka na lang na gusto mo ng maglaho.

I desperately wanted to be useful when I should have been useless to them because of what they did to me in the past. Sa sobrang kagustuhan ko na maging kapaki-pakinabang, I lost consciousness of what is really the truth.

Hence, here I am, totally useless now.

Basang-basa na rin ang aking mukha. Kaya kong pigilan ang pag-iyak, pero hindi ngayon. I think I should really let it all out, para kahit papaano ay mabawasan ang sakit.

Because I only have myself now to comfort myself.

"Hoy!" napatingin ako sa likuran ng sipain ako ng isa sa mga kasama ko. Nakatayo siya ngayon sa aking likuran.

"Tayo!" pagbulong na utos nito.

"H-Ha?"

"Tayo sabi!" sapilitan niya akong hinila papatayo kaya napaharap ako sa kanya.

"Kilala mo ba kung sino ako dito?" matapang na tanong nito. Hindi naman ako nakasagot nang makita pa ang tatlo sa likuran niya na tila tuta niya ang mga ito.

Nilapitan niya ako at tinapatan, "Dito, walang asa-asawa ng senador, naiindtindihan mo? Ako," sabay turo sa sarili niya, "Ang boss dito. Kaya susundin mo lahat ng gusto ko," saad pa niya.

"Pasensya na pero wala akong sinusunod— " naramdaman ko na lang ang malakas na pagduro niya sa ulo ko kaya napahakbang ako paatras. Tulog na rin ang lahat maliban sa amin.

"Sasagot ka pa talaga?"

"Ano bang gusto mong gawin ko?" walang gana kong sagot.

"Ganyan ang gusto ko," sabay ngiti niya ng masama.

Itinuro naman nito ang paa niya, "Halikan mo ang paa ko," seryoso ko naman siyang tinignan.

"Oh ano, ayaw mo?" hindi makapaniwalang tanong niya. Tinignan niya ang mga kasamaha nito na ngayon ay nakangiti ng masama, "Ibang klasi naman pala 'to eh!" pagkaharap niya ay kusa na lang akong napasalampak sa sahig ng sampalin ako ng malakas.

"Hawakan niyo," aktong manlalaban ako ay natagpuan ko na lang ang sarili na nakadapa sa sahig at kulang na lang ay halikan ito. Ang dalawang kamay ko ay nasa likuran habang hawak ng isa. Mahigpit rin ang hawak ng isa sa mismong buhok ko kaya bahagya akong napatingala.

"Tul— " aktong hihingi ako ng tulong ay mabilis nila akong nalagyan ng panyo sa bibig ngunit tuluy-tuloy pa rin ako sa pagsigaw kahit na alam kong walang makakarinig. Masyadong tahimik ang paligid at anumang gawin nila ay walang makakaalam lalo na't tinakpan pa nila ang aking bibig.

That moment, I knew na mabilis at tahimik ang mga kasama ko sa paggalaw. They might belong to a particular group. Ni hindi ko nagawang makadepensa. Paniguradong magaling sila sa ganitong bagay.

Lumuhod ang babae sa harapan ko at maya-maya ay inilahad sa akin kung ano ang nasa kamay niya. Nanlaki ang aking mata nang matanaw ang isang blade kaya muli akong nagpumiglas.

"Hawakan niyo ng mabuti 'yan," mahinang saad niya. Kumuha ako ng pwersa para makatakas sa mga kamay nila pero mas lalo lang humigpit 'yon.

Naramdaman ko na lang ang pag-upo ng babae sa likuran ko hanggang sa ipakita niya ulit ang blade sa akin mula sa likuran.

Please no.

Hindi niyo pwedeng gawin sa akin 'to.

Kusa akong napapikit sa hapdi at kirot nang maramdaman ang pagbaon ng talim ng blade sa mismong balat ko sa likuran. Mas idiniin niya pa 'yon na siyang nakapagpapikit sa akin ng husto at kusang napakuyom ng kamay.

Hindi ko man makita ngunit ramdam ko ang paglabas ng dugo sa aking likuran. At alam kong pa-ekis ang ginawa niyang sugat dahil sa paraan ng pagdaan nito sa aking likuran.

I couldn't scream, but I had to, inside me. Idinaan ko ang pagsigaw sa mismong pag-iyak at pagtulo ng mga luha.

Please stop....

Itigil niyo na 'to...

Hindi ko na kaya...

Bawat dampi, hapdi, kirot, sakit... pisikal, mental o emosyonal, hindi ko na alam kung ano talaga ang pinakamasakit sa mga 'yon. Sabay-sabay ang aking nararamdaman na dumating sa punto na tila gusto ko na lang sumabog. Habang ramdam ko ang lahat ng 'yon ay naririnig ko ang mahinang pagtatawanan nila.

Sa isang iglap ay bigla kaming nawala sa kung nasaan man kami nang makarinig kami ng isang malakas na pagsabog. Kung kanina, ang dugo ay tanging sa likuran ko lang. Ngayon naman ay pati ang buong katawan ko ay naliligo sa sugat at dugo.

Hindi ko inaakalang mas may malala pa pala akong mararanasan dito. Tila nawawalan ako ng hangin hanggang sa sinubukan kong gumapang kasabay ng panlalabo ng paningin. Kung kanina ay tawanan ang naririnig, ngayon naman ay paghiyaw ng mga tao sa paligid.

Ang tahimik na mga selda ay ngayong pinapalibutan ng apoy at duguang mga katawan. Ang iba ay walang malay, habang ang iba naman ay gumagapang tulad ko. Pinilit kong tumayo at humawak sa pader para kumuha ng suporta. Napapalibutan na rin ng usok ang buong lugar na mas lalong nagpahirap sa akin na tanawin ang paligid. Ang ilang parte ng presinto ay ngayong sira-sira na kaya mahirap tanawin ang daan palabas.

Nagtuluy-tuloy na lang ako sa paglalakad kahit na ilang beses na nadadapa dahil sa pagkahilo at pagkirot ng aking mukha. Hindi ko na rin magawang makapaglakad ng maayos. Napapaubo na rin ako habang naririnig ang red alarm ng buong lugar pero unti-unti ay nawawalan ako ng pandinig.

It was an emergency alarm, yet I could only hear it just like a whisper.

Nang makarami ng hakbang ay kusa na akong nawalan ng balanse at napadapa sa sahig, "H-Help... " mahinang saad ko at napalunok na lang. Pinilit kong imulat ang sariling mata kahit gustung-gusto ng pumikit.

I tried to move my feet pero hindi ko magawa kaya binalak kong gamitin na lang ang kamay sa sahig para gumapang at makalabas. Aktong gagapang ako ay iba ang nahanap ng kamay ko.

Nanlalabo man ang paningin ngunit nakita ko ang isang kwintas. It was a silver necklace with a letter E. Sumabit ang lace nito sa isa kong daliri.

I couldn't move my feet anymore at hinang-hina na ako. Nag-uumpisa na ring mamanhid ang aking katawan. I used my left hand to move dahil nanigas ang kanang kamay ko nang mahawakan ang kwintas. Unti-unti ko namang itinaas ang kaliwang kamay para abutin ang mukha ko.

Nang magawa 'yon ay sobrang hapdi, at sakit. Nang dumampi ang luha ko sa mismong mukha ay mas lalo itong humapdi na tila binudburan ng asin.

I reached for my face and the moment my fingers touched it, I felt something unusual. Nang tignan ko ang daliri ay duguan.

T-tell me...

H-Hindi naman siguro... n-nasira ang mukha ko hindi ba?

My face was burnt. Ramdam ko ang pagkalapnos ng mukha ko.

N-nooo....

Please....

Not this.

Ang huling naramdaman ko na lang ay may humawak at bumuhat sa akin. Tinatawag niya ako pero hindi ko na nagawang marinig at makilala kung sino siya.

The last thing I thought... mukhang pamilyar sa akin ang hawak kong kwintas ngayon.

I think, I saw it before.