Unti-unti akong nagmulat ng mata hanggang sa sumalubong sa akin ang isang puting kisame. Nanatili pa ring malabo ang aking paningin hanggang sa unti-unti itong naging malinaw sa akin.
Natanaw ko naman ang isang lalaki na ngayon ay tinignan ako at bahagyang nanlaki ang mata, "Mistress is finally awake!" sambit pa niya bago ako tinalikuran.
Napapikit naman ako nang maramdaman ang pamamanhid ng sariling katawan. Hindi ko ito magalaw lalo na't ramdam ko rin ang napakaraming benda na tila nakapaikot sa aking ulo. Sinubukan ko namang galawin ang sariling kamay na nagawa ko naman ngunit bahagya lang.
What did just happen? At nasaan ako?
Ramdam ko rin na may nakatusok na kung ano sa aking kaliwang braso. Bahagya kong natanaw ang gilid na direksyon nang marinig na tila bumukas ang isang pintuan.
Lumapit sa akin ang isang nakaputing roba na babae na tila isang doktora lalo na't may hawak itong medical record at ballpen. Sa likuran nito ay ang lalaking nakita ko kaninang pagmulat ng aking mata. Pormal din ang suot nito at maayos ang postura.
Dumiretso naman ang doktora sa aking kanan kaya sinundan ko ito ng tingin. Napansin ko rin ang isang maliit na makinang ginagamit sa ospital na ngayon ay kanyang tinitignan.
"BP is normal," saad niya at saka nagsulat sa kanyang hawak, "Heart rate is also normal," saad pa nito habang nagsusulat.
Malamig ang dumadaloy na likido sa aking katawan na alam kong nagmumula sa nakatusok sa aking braso. Maya-maya pa ay may pinindot siya mula roon sa makina, "Patient is now conscious. She won't be needing the medicine anymore," pagkapindot niya roon ay hindi ko na maramdaman ang lamig.
"How are you feeling?" nag-aalalang tanong niya na hinarapan ako at tinitignan ang aking kabuuan.
Sa ngayon, hindi ko alam kung ano ang isasagot dahil walang pumapasok sa isip ko. Tila lutang ako.
"Can you sit?" tanong pa niya.
Tumango naman ako dahil gusto ko ring gawin 'yon. Bahagya akong gumalaw kaya inalalayan niya ako. Maski ang lalaking kasama namin ay umalalay na rin sa akin.
Inilagay ng babae ang unan sa likuran ko bago nila ako pinasandal doon, "Wala bang masakit sa'yo?" tanong niya na ikinailing ko.
"Alright, that's good to hear. Kung may masakit sa'yo, don't hesitate telling me, okay?" hindi naman ako kumibo. Ni magsalita ay hindi ko magawa dahil sa nakabalot na tila benda sa aking buong ulo.
"Should I call the Master then?" tanong ng lalaki kaya napatingin sa kanya ang doktora. Kasalukuyan naman akong nakagitna sa kanila.
"Not yet," sabay harap nito sa akin at tinignan ang kabuuan ng ulo ko, "It has been six months since our patient was unconscious. I think it would be better to show her herself again," hinarapan niya ulit ang lalaki.
Nanatili naman akong nakikinig sa kanila kahit na hindi ko sila kilala at hindi maintindihan ang pinagsasabi nila. Who's Master they are pertaining to?
"But I think we should tell him first. Kilala mo naman siya, doc. Ayaw na ayaw niyang inuunahan siya," sabay tingin ng lalaki sa akin.
"But isn't it wonderful for the Master to see his lady in a good condition and apperance?" ngumiti ang babae na hinarapan rin ako.
"What do you think?" tanong niya sa akin habang ako, palipat-lipat ng tingin sa kanila.
Nang hindi ko sagutin ang doktora ay tinanong ako ng lalaki, "Do you agree, Mistress?" nagtaka naman ako dahil doon.
Why in the hell is he calling me that?
"Besides, it's also better for her to be the first seeing her face again. Mas makakaganda ito sa kondisyon niya, right?" saad pa ng doktora. Nang mapansin kong hinihintay nila ang sagot ko ay tumango na lang ako.
"See? She agreed. Therefore, we wouldn't have a problem with the Master," sabay lahad niya ng kamay sa akin na tila itinuturo ako.
Tila napaisip ang lalaki bago napapikit at nagbuntong-hininga, "Alright. Let's do it," sagot niya.
Hinarapan ako ng doktora habang may ngiti sa mga labi nito at saka hinawakan ang isa kong kamay, "Finally, we will be able to see you again after a long time in bed, Mistress."
Puno man ako ng pagtataka pero tila wala akong karapatan na magtanong lalo na't parang walang lumalabas na boses mula sa bibig ko.
Maya-maya pa ay mas lumapit siya sa akin at may ginalaw mula sa likuran ng ulo ko. Nang makita ko ang kamay niya ay napansin kong hawak nito ang benda na tila unti-unti na niyang inaalis 'yon mula sa akin.
Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng kaba noong sandaling 'yon.
Maraming beses niyang iniikot 'yon hanggang sa unti-unti ko na ring nararamdaman ang pagkaluwag nito mula sa aking ulo. Maayos naman kaming pinapanood ng lalaki sa gilid habang seryoso ito. Kinuha nito ang cellphone mula sa kanyang bulsa at nang mailapat 'yon sa tainga ay mabilis siyang lumabas mula sa kwarto.
Matapos ang ilang minuto ay tuluyan nang natanggal ng doktora ang benda sa aking ulo. Ipinatong niya ito sa bedside table at saka muli akong hinarapan. Nakaramdam pa ako ng pagkailang nang maayos niya akong titigan habang nakangiti. Tila isa siyang nanay na muling nakita ang sariling anak.
"Beautiful. Always gorgeous as the Master says," bulong niya.
"Oh pardon," mabilis siyang tumalikod kaya sinundan ko ito ng tingin. Binuksan niya ang isang maliit na lalagyan sa baba ng bedside table at saka may kinuha doon.
Hinarapan niya ako at maya-maya ay may inilahad sa akin gamit ang dalawang kamay niya kaya napatingin ako doon. Bahagya pa itong napayuko na mas lalong nakapagpagulo sa akin. Do doctors act like this to their patient? Nakita ko naman ang isang salamin sa mga kamay niya, "It is your right to see your face again, Mistress. Pagkatapos ng mahabang pagtulog ninyo."
Naguguluhan man sa pinagsasabi nila ngunit dahan-dahan kong kinuha 'yon mula sa kamay niya. Ramdam ko rin ang panghihina ng aking kamay kaya hindi ganon kahigpit ang pagkakahawak ko sa salamin.
Dahan-dahan kong itinaas 'yon hanggang sa masilayan ang isang pamilyar na mukha sa harap ng salamin. Why am I seeing a familiar face instead of my own?
Dahan-dahan kong itinaas ang kamay para hawakan ang mukha dahil gusto ko nang matigil ang ilusyon na 'to.
Ngunit nang mahawakan ko ito ay walang nagbago. Hinawakan ko pa ang sariling pisngi at labi hanggang sa kusa akong natigilan at natulala habang nakatingin sa salamin.
I am Serenity Gale but...
Why do I have Erin' face?
Bunga ba 'to ng matagal kong pagkakatulog kagaya ng sinasabi nila kaya iba ang nakikita kong mukha ngayon? Pero hindi. This seems so real.
What in the d*mn hell is happening?!
Tila huhugutan na rin ako ng hininga at muling matutulog ng matagal dahil sa nakikita ko ngayon.
No, no.
This can't be...
Am I dreaming?! Please wake me up. I can't consume this kind of reality.
Maya-maya pa ay napatingin kami sa pintuan nang bumukas 'yon. Tumambad sa akin ang lalaking kasama namin kanina. Binuksan niya ang pintuan hanggang sa may pumasok pa na dalawang lalaki. Katulad niya ay ganon rin ang suot ng mga ito ngunit hindi ko alam kung bakit may suot silang itim na shades.
Tumigil sila sa magkabilang parte ng pintuan at tumalikod doon kaya ngayon ay nakaharap sila sa amin. Maayos din ang postura nila na tila tagabantay. Maya-maya pa ay biglang tumambad sa amin ang pamilyar na mukha ng isang lalaki nang siya naman ang pumasok. Agad ko naman siyang nakilala na nakapagpadilim ng aking paningin.
Why would I f*cking forget the traitor?
Napatingin ako sa kabuuan nito habang papalapit siya sa amin. Pormal din ang suot niya at kung ikukumpara noon, mas madilim siyang tignan ngayon na tila nag-ibang tao. Natanaw ko naman ang lalaki na kasama namin kanina na isinara ang pintuan at lumapit sa sulok para doon tumayo habang nakaharap sa amin. Maski sa labas ay may mga nagbabantay na nasilip ko rin.
Natigilan siya sa mismong harap ko at siya namang pagyuko ng doktora na kasama ko, "How is she?" maski boses niya ay mas lumalim kumpara noon.
I can't still consume kung anong nangyayari hanggang sa mapatitig ako sa kanya na ngayon ay seryoso ang tingin sa akin. Dahil doon ay dahan-dahan kong naibaba ang hawak na salamin.
Is he going to kill me now? Bigla namang bumalik sa alaala ko ang lahat ng nangyari noon. Pero hindi ko alam kung paano ako napunta sa ganitong sitwayon ngayon.
Sa pagkakatanda ko... nasa selda ako. Nakarinig ako ng pagsabog noon sa presinto habang pinapahirapan ako ng mga babaeng kasama ko? Tama ba? O may nakaligtaan ako?
"Yes, she is, Master."
Hindi ko alam kung magagalit ba ako o ano habang nakatingin sa kanya dahil parang wala pa ako sa sarili.
"Until when before she could leave this place? It's suffocating," diretsong saad niya na tila nakapagpahiya naman sa doktora lalo na't inilibot nito ang tingin. The way he stands now makes him a man of power. Siya ba talaga 'to? Ibang-iba sa date?
Sa bagay, nagpapanggap lang pala siya noon na parang walang pakielam sa paligid at sunud-sunuran sa ama.
"Uhmmm, it's up to her, Master. Kung kaya na po niya bukas, then we can already prepare her papers before leaving," magalang na sagot ng doktora.
Napatango naman ito at saka ako hinarapan, "Do you agree, Erin?" dahil doon ay natigilan ako.
Why the hell is he calling me that?
I am not f*cking Erin!
Dahan-dahan ko ulit na itinaas ang hawak na salamin pero wala pa ring pagbabago. Bakit nasa akin ang mukha ni Erin?! I am clearly aware that I am Serenity Gale! Wala akong amnesia para makalimutan kung sino talaga ako.
"There was an explosion where you visited the detective, and many died. You've been longing to be a famous model and I know you wouldn't like your face ruined, so I had them do a plastic surgery on you while you were still unconscious. I can't let you be in depressive state kaya gusto ko, paggising mo maayos na rin ang lahat. I know you value your assets too much," paliwanag niya kaya unti-unti kong ibinalik ang tingin sa kanya at kusang naibaba ang kamay.
Do I look like Erin para gawin sa akin 'to?! A plastic what?!
Wait! This is all wrong!
May kinuha ito sa kanyang bulsa at saka inilahad sa akin. Napatingin ako doon at nakita ang isang kwintas na may letrang E, "If you didn't have this, therefore even you wouldn't recognize yourself," kusang nanlaki ang aking mata.
Napaisip naman ako. As far as I remember, nagawa ko pang matanaw ang sarili ko noon matapos ang pagsabog. Nagkataon na kung saan ako huling nadapa ay may basag-basag na salamin at kitang-kita ko ang pagkalapnos ng balat ko, lalung-lalo na sa mukha. Then does it mean...
Tila huhugutan ako ng hininga...
If Erin was also there, kasama siya sa pagsabog kagaya ng sinasabi ng taong 'to. The necklace might belong to her. Kaya ba letter E? Dahil sa kanya yung kwintas?
It was the last thing na natatandaan kong sumabit sa kamay ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.
Then... they only thought that I was her just because of that necklace?!
Sinubukan kong magsalita para sabihin 'yon pero walang lumabas sa bibig ko. Maya-maya pa ay lumapit ito sa akin na siyang ikinatigil ko, "I understand if you can't still speak. You're still in recovery, my mistress," inilagay niya ang aking buhok sa gilid at saka dahan-dahang lumapit sa akin na ikinatigil ko. Maski ang paghinga niya ay naramdaman ko. Kasabay noon ay dahan-dahan niyang inilagay ang kwintas sa akin.
Napatingin ako dito nang matapos niyang gawin 'yon. Maayos naman niya akong tinignan, "Then I'll be taking her home tomorrow," saad pa nito.
Napahawak ako sa letrang E ng kwintas hanggang sa muling mapaisip. If all this time, nasa akin ang mukha ni Erin just because of a misunderstanding, kung ganon nasaan talaga si Erin?
Kasama ba siya sa pagsabog? O namatay?
No, it must not be.
"Yes Master," saad ng doktora.
Napatingin ako sa kanilang lahat at maya-maya ay itinigil ko ang paningin sa kanya. Kusa na lang napakuyom ang kamay ko nang maalala lahat ng nangyari. Tila ba may mabigat na pasanin sa dibdib ko ang biglang pumatong habang nakatitig sa kanya.
"Let's talk outside first," saad niya sa doktora. Mabilis naman itong yumuko at lumabas kaya pinagbuksan siya ng pintuan ng isa sa dalawang nagbabantay.
"Wait for me here. I'll come back," saad niya bago ako tinalikuran.
Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin pero bigla kong hinawakan ang kamay nito bago pa man siya makatalikod kaya napaharap siya sa akin na puno ng pagtataka. Nagtama naman ang aming tinginan.
Natigilan ako nang unti-unti niya ako niyakap kaya pumatong ang mismong ulo ko sa dibdib niya. Naramdaman ko naman ang kamay nito sa aking ulo, "Don't worry. It's fine. No one can hurt you now," mahinang saad niya.
That moment, I had nothing to think of but revenge.
Hindi ko man alam kung nasaan ka, Erin. But you must not be alive. Kahit na alam kong mali, paninindigan ko 'to. Your husband loves you too much, and I should take advantage of that in order to destroy him.
As I can see, Alzini seems undefeatable now, with your husband... or should I say, with my husband as the new boss?
You should just stay dead and let me live your life, Erin. Tutal alam ko rin naman na pagod ka na sa buhay mong ito, right?
Ako na ang bahala sa asawa mo. He still has to pay me.
I will let all of them taste the wrath of my vengeance. Your position in Alzini is power. And right at this moment, I am Alzini's mistress.
LaCosta Saoirsa Initial Book
Bandage on Bullet Holes
Ended