Hindi makapaniwalang natawa ang detective, "That's an absurd conclusion. Why would I even help them when since from the first place, I don't even know someone from there?"
"That's exactly the point, detective. Why were you helping them?"
"You called me here just to tell me your nonsense accusations?" sarkastikong tanong niya pabalik sa chief.
"We're not accusing you, Detective Terrence Black. We're telling you the truth," maya-maya pa ay kinuha nito ang envelope na nakapatong sa mga hita niya at saka inilapag sa lamesa.
"You know me too well, detective. I don't accuse people without presenting a solid evidence."
Kinuha naman 'yon ng detective para ilabas ang mga papeles na nakapaloob doon. Isa-isa niyang binasa ang bawat papel at kusang nagsalubong ang kilay.
"You kept El Nostra's locket a secret when in fact knowing that it could be used to solve the case of the missing detective. And tracing back the last person whom he was having a conversation in Leviste street before his disappearance, it was an old phone that can't be traced by anyone. The phone was yours. You attempted to eliminate the evidence yet the burned phone was found and many claimed that they seldom spotted you using that phone. You were the one assigned to trace who was that person he was having a call pero ayon sa report mo, the contact was unreachable. Sino bang gagawa ng krimen at ilalaglag ang sarili niya? So that time, we had to assume that the real mastermind behind his disappearance was only El Nostra, dahil sila lang naman ang may kakayahan na iligaw ang mga ebidensya. Little did we know that you were part of their game, detective."
Muling natawa at napailing ang detective na ipinatong ang mga papel sa lamesa, "I don't know where all of these evidences came from pero ni isa sa mga 'to, walang totoo," sabay turo niya sa mga papel habang nakatingin sa chief.
"I am not helping El Nostra," dagdag pa niya.
"Yes, that might be true. So could it be that... " lumapad ang ngiti ng chief, "It's not El Nostra whom you were helping all this time?"
"What do you mean?"
"Alzini locket," dahil doon ay natigilan ang detective sa diretsong saad ng kausap.
"What?"
Muling may kinuha sa bulsa ang chief at saka inilapag sa lamesa, "We secretly investigated your condo unit and found this," napatingin siya doon hanggang sa makilala ang kwintas. A locket with A de la alpha's logo imprinted on it. Ibinigay 'yon ng kanyang ina sa kanya bago pumanaw.
"Is Alzini de la Alpha a secret organization under LaCosta, Terrence de Valois?" at 'yon naman ang tuluyang nagpatigil sa detective.
"If it's not El Nostra who abducted the missing detective, could it be Alzini... or you?" hindi naman kumibo si Terrence.
"You wait, and we will find out soon kung sino talaga ang kumuha sa nawawalang detective," banta pa ng chief.
...End of flashback...
"Ganon ba? Then in what way ako pwedeng makatulong sa'yo?" pag-aalalang tanong ni Erin.
"No need. Gagawan ko ng paraan. But they must not know that Alzini truly exists. Hindi pa natin sila kaya. Nakabalik na ba sina Don Stefano at Senyora?" tanong ni Terrence na ikinailing ni Erin.
"Not yet."
"How about Ali?"
"Umalis siya. Sina Van at Allison lang ang naiwan sa mansyon."
Tumango naman si Terrence, "Okay. Buti nga pala, ikaw ang nandito. Si Xenia?"
"Uhmmm," napayuko si Erin na napansin agad ni Terrence.
"Is there any problem? I was actually expecting for her to come. Kaya nga nabigla ako kanina dahil ikaw ang nakita kong pumasok. Then I assume na ikaw ang pinapunta niya dito," tumango naman si Erin at tumingala.
"Nasa ibang presinto siya," at dahil doon ay kusang nanlaki ang mata ng detective.
"What did you just say?!"
"Hindi ko rin alam kung ano talaga ang nangyayari sa kanya doon dahil hindi pa talaga kami nagkausap pero nagkaproblema rin daw siya sa mga papeles na ibinigay niya sa kumpanya kung saan siya nagtratrabaho as public accountant," paliwanag ni Erin.
Sandaling napaisip si Terrence hanggang sa kusa na lang napangiti at napailing, "Ang sabi mo, wala pa sina Senyora at Don Stefano, right?" tumango naman si Erin.
"Umalis ang asawa mo sa mansyon, at naiwan sina Van at Allison. Si Xenia at ako, pilit naman nilang pinagbibintangan. Sorry for asking pero may balita na ba kay Gale?"
Mabilis na umiling si Erin, "Yon din ang iniisip ni Van but I think, wala pa rin. Kaya nga isinama ko na rin si Melody dahil alam kong busy ang lahat."
"Then were is she?" pag-aalala ni Terrence. Pamangkin na rin kasi ang turing nila sa bata.
"Naiwan muna sa isang pulis na babae dun sa may lobby. Bawal daw kasi siya dito."
"I see. But can I ask you a favor, Erin?"
"Sure, ano ba 'yon?"
"Could you please inform me what's going on in the mansion at sa iba pa nating kasama doon pagkauwi mo? I can receive a call but just for a while. I really have a bad feeling about the sudden occurences. Sabay-sabay tinitira ang lahat sa Alzini. No doubt na ipapatawag na nila ang iba nating kasama na wala dito," tinignan ni Terrence ang orasan na nakasabit sa pader, "We only have a minute. I think you can go, umuwi na kayo ni Melody. Hindi na rin maganda na nasa labas kayo ng mansyon. Sorry for having you here, kailangan ko lang talaga ng makakausap."
"Ano ka ba? It's okay. I'll try to talk to Ali regarding your situation. Alam kong tutulungan ka niya."
"No need. Don't ask for his help. Hindi niya kami tutulungan," nagsalubong naman ang kilay ni Erin sa inasta nito.
"How could you say that?"
"Helping us means ruining his own plan. Masyadong matalino mag-isip ang asawa mo," sabay turo ni Terrence sa gilid ng noo nito at ngumiti ng masama, "Manang-mana nga siya kay Don Stefano. He is truly what they say he is or maybe, worse than his father."
"Ano bang pinagsasabi mo?" pagtataka ni Erin.
"Don't be mad, Erin. Pero traydor ang asawa mo. Just like how you are a traitor to him," sabay ngiti niya ng mas masama na ikinailing ng kausap niya.
"I'm not here for that, Terrence. But I promise to inform you what's happening," bumukas ang pintuan at tumambad sa kanila ang nagbabantay na pulis. Dahil doon ay mabilis na tumayo si Erin at seryoso lang silang nagkatinginan ng detective.
"Whatever's happening, alam kong malalampasan natin 'to. Keep fighting," saad niya na ikinatango ni Terrence.
Tumalikod siya at naglakad papalabas ngunit natigilan nang magsalita ulit ang detective, "Erin," hinarapan naman niya ito, "Tell him the truth. I kept quiet for a long time just to protect you and Melody. Hindi magtatagal, malalaman niya ang totoo. Tell him before he finds out. Blame the black roses you and Gale both received. Dahil doon, nalaman ko ang sikreto mo."
Hindi niya sinagot ang detective bagkus ay tuluyang nang lumabas para pumunta sa lobby at sunduin ang anak. Pagkalabas niya sa pintuan ay kusa itong natigilan hanggang sa isara ng nagbabantay na pulis ang pintuan ng interrogation room. Nakatingin ito sa kung saan at tila bigla na lamang bumigat ang paghinga. Napakuyom pa ang dalawang kamay nito.
"Mam, hatid ko na po kayo pabalik sa harap," napatingin naman siya sa sinabi ng pulis kaya tumango na lang ito.
Pilit niyang pinakalma ang sarili habang naglalakad sa hallway ng presinto. Nang makapunta sa lobby ay sumalubong naman ang babaeng pulis habang hawak pa rin si Melody kaya pilit siyang ngumiti. Kasabay noon ay ang mabilis na paglapit ng anak sa kanya.
"Thank you po," saad ni Erin sa pulis kaya napatango na lang ito, "Ang bait po ng anak niyo mam. Sige po alis na'ko," tumango naman si Erin hanggang sa talikuran siya nito.
"Mommy, where's detective tito?" tanong ni Melody.
Lumuhod si Erin para tapatan ang anak, "May gagawin daw siya, baby. So detective tito won't be able to make it. Hintayin na lang natin siya sa house, okay?"
"Okay, mommy," pagtango at pagngiti ng bata.
"So, what do you want to eat bago tayo umuwi?" biglang napatingin si Melody sa labas hanggang sa nanlaki ang mata nito at may itinuro.
"Mommy, look!" pagtingin ni Erin doon ay bigla na lang tumakbo ang anak hanggang sa mapansin niya na balak nitong habulin ang isang kulay pula at isang kulay dilaw na lobo na inilipad ng hangin sa kung saan. Magkatali sa isa't isa ang dalawa kaya agaw pansin.
"Melody wait!" mabilis niyang hinabol ang anak ngunit mas mabilis ang pagtakbo nito para habulin ang dalawang lobo.
"Come back here! Melody!" sigaw pa niya hanggang sa mapunta sila sa gilid ng presinto bunga ng paghahabulan.
Sa isang iglap ay bigla na lang nakaramdam ng pagdagundong ang buong paligid nang makarinig na malakas na pagsabog ang lahat mula sa mismong loob ng presinto. Biglang napasalampak sa sahig si Erin nang umabot sa pwesto nila ang pagsabog hanggang sa maramdaman ang paghapdi ng mukha at balat nito na tila unti-unting nalalapnos. Nanginginig niyang hinawakan ang mukha nito at nang maramdaman ang hapdi ay tinignan ang sariling kamay na ngayon ay duguan.
Napatingin na rin siya sa likuran nito at napansin ang binisitang presinto na ngayon ay unti-unting nilalamon ng apoy. Napailing siya nang maalala kung sino ang pinuntahan sa loob, "N-no. This can't be... " nanginginig niyang saad. Nang maalala ang anak ay ibinalik niya ang tingin sa direksyong tinahak nito at doon niya nakita na nakahiga na ito at walang malay sa sahig.
Dinig rin niya ang paghiyaw ng mga taong kasama sa pagsabog. Marami ang sugatan habang ang iba ay nakahilata sa daan. May mga iilang parte na rin ng bakal na nagkalat sa daan bunga ng pagsabog. Mabilis siyang tumayo at nilapitan ang anak kahit hirap na hirap at ramdam ang pagkirot ng katawan at ng mismong balat.
Nang makalapit sa anak ay umupo siya para ipatong ang ulo nito sa kanyang mga hita, "Baby, wake up," sabay tapik sa pisngi nito.
"Melody! Wake up!" saad pa niya hanggang sa kusa na lang naiyak.
"Don't leave me! Open your eyes, baby please!"
Makalipas ang ilang segundo ay unti-unting nagmulat ng mata si Melody, "M-Mommy... " mahinang saad nito na nakapabigay ngiti kay Erin.
"Good girl. Don't sleep okay? Don't leave mommy."
"W-what happened to your face, mommy?" mahina at mabagal na saad ng bata habang tumutulo ang dugo sa ulo nito.
"Don't worry about me. Mommy is all fine."
"T-the balloon," tumango naman si Erin.
"Yeah. So don't sleep, bibili tayo ng maraming balloons, okay?" ngumiti naman ang bata sabay yakap ni Erin dito habang inililibot ang tingin para maghanap ng tulong. Simula nang makita ang kondisyon ni Melody ay tuluyan na itong nanginig sa takot.
The crowd sounded like a living hell of misery and pain. The scream of the people is traumatizing.
Biglang naglaho ang lahat sa isang iglap nang makarinig ulit ng pangalawang pagsabog ang mag-ina.
That was the last loudest sound they heard before everything around them completely disappeared.
....
Sa kabilang banda ay pinilit tumayo ng detective at humawak sa pader para kumuha ng suporta. Napahawak ito sa ulo niya at nang tignan ang kamay ay may dugo. Pakurap-kurap na rin ito dahil sa panlalabo ng paningin.
It all happened in just one glance nang walang nakakaalam. Malalim ang iniisip ng bawat tao sa presinto, and who would ever thought that a single explosion could give them piece of mind, but for others, it is not.
Punung-puno ng usok ang buong lugar hanggang sa tahakin niya ang hallway habang napapaubo at napapatakip sa ilong at bibig gamit ang isang kamay. Wala siyang matanaw kundi apoy at usok lamang. Napapaiwas pa siya sa mga bagay na nagkakanda-hulog sa dinaraanan nito.
Nang mga sandaling 'yon ay wala siyang ibang naisip kundi ang kaisa-isang kaibigan na bumisita sa kanya, "Erin. Where are you?" paghihingalong saad niya hanggang sa maalala ang sinabi ni Erin. Maski ang tunog ng red alarm ay hindi na niya gaanong marinig dahil sa lakas ng pagsabog na tila nagpabingi sa kanya.
Nang makalagpas sa hallway ay napatingin siya sa tapat ng lobby at nakita ang isang babaeng nakahilata sa sahig. Nang makita ang kabuuan nito ay napagtanto niya at tila nakilala kung sino 'yon. Mabilis niyang nilapitan ang walang malay na babae at lumuhod sa tapat nito bago unti-unting iniharap sa kanya.
Tila nahugutan ito ng hininga nang hindi na makilala kung sino 'yon dahil lapnos ang iilang parte ng mukha nito. Nang tignan ang kabuuan nito ay nakilala na niya kung sino at hindi nga siya nagkakamali. Napansin niya ang isang kwintas na hawak ng babae hanggang sa makikilala niya 'yon at kusang napailing. It was a silver necklace with the letter E in the middle.
"No no no! This can't be. Hindi pwede... " kahit na hirap na hirap at nanginginig ay binuhat niya ito ay mabilis na inilabas.
Nang makalayo sa nasusunog na presinto ay inilapag niya ang babae sa daan at saka kinausap nang makitang gumalaw ito, "Erin," nagmulat ng mata ang babae kaya ngumiti ang detective, "You're safe now."
Continua...