Chereads / Bandage on Bullet Holes (LaCosta Saoirsa Initial Book) / Chapter 48 - Capítulo quarenta e seis

Chapter 48 - Capítulo quarenta e seis

"Isang oras lang po ang ibinibigay sa mga bisita ng interrogation room, " saad ng babaeng pulis kay Erin nang itigil nito ang sasakyan sa tapat ng saradong gate ng presinto.

Napatango naman siya, "Sure, I understand," sabay ngiti nito. Pinagbuksan nila siya ng gate kaya nagpalinga-linga ito ng tingin para maghanap ng mapag-paparkingan.

Nang iliko ang sasakyan para i-park sa isang sulok ay mabilis niyang kinuha ang cellphone nito na nakapatong sa tabi niya nang bigla iyong tumunog. Nang makita niya kung sino ang tumatawag ay mabilis itong sinagot, "Nasaan ka na?" bungad ng nasa kabilang linya.

"Nandito na'ko, Xenia," saad niya na abala naman sa pagpapark ng sasakyan.

"Are you really sure na okay lang kay Ali na ikaw ang pumunta dyan instead na ako?" pag-aalala naman sa tono ng boses ni Xenia ang narinig niya.

"Yeah. Besides, umalis siya sa mansion."

"Sinama mo pa naman si Melody baby, baka magalit siya," daing pa ni Xenia.

"Ano ka ba naman? Okay lang, here talk to her," humarap sa likod si Erin para tignan si Melody na nakaupo sa back seat at ngayon ay nasa labas ang tingin.

"Baby," tawag niya kaya napatingin ito sa kanya.

"Tita Xenia wants to hear you," ngumiti siya at inilahad sa harap ng anak ang cellphone kaya doon napatingin si Melody.

"Hi Tita," napangiti si Erin nang marinig ang maliit na boses ng anak, ganon na rin si Xenia na tinanong ang bata. Pamangkin na rin kasi ang turing niya rito.

"Hi baby, how are you?"

"Mommy and Melody is all fine."

Ibinalik ni Erin ang cellphone sa tainga nito, "See? We're fine."

Dinig naman niya ang pagbubuntong-hininga ng kausap, "I'm sorry for asking this favor, Erin. Hindi ko naman kasi talaga inakala na magkakaproblema ako sa mga accounting and finance papers na pinass ko. I thoroughly checked it, hindi ko alam kung bakit nagkaroon ng problema ngayon. Ughh! Naiinis na ako," reklamo niya na ikinatawa saglit ni Erin at inalis ang seat belt nito.

"Baka naman sila ang nagkamali. Just wait for them to double check it."

"That's the problem girl. They checked it twice at ako ang lumilitaw na nagnakaw ng pera ng kumpanya. Like hello? Bakit naman ako magnanakaw ng pera kung mataas naman ang sahod ko kay Master, right? I gave them permission to check my bank account just to prove my innocence but... " natigilan ito sa pagsasalita.

"But?" -Erin

" ...nakita nila yung milyones na pera sa bank account ko na kakapasok lang," nanlaki naman ang mata ni Erin.

"Seriously?!"

"Yah. Hindi ko alam paano nangyari 'yon. Is someone mad at me to set me up like this? Sinakto nila na kung kailan chinecheck yung bank account ko, doon pumasok yung pera," problemadong pahayag niya.

"Kaya daw mali yung finance papers na binigay ko para hindi mahalata yung pagnanakaw na naganap. But seriously girl, I checked the papers before handing it to that company. Nung ipinakita sa akin, iba na yung infos and computations na nakalagay. So, ang lumilitaw ngayon ay ako talaga ang nasa likod ng pagnanakaw."

"Kaya ba ayaw ka nilang paalisin dyan?"

"Yup. Nandito pa rin ako sa presinto malapit sa municipality."

"Call a lawyer then."

"I already did, but you know what? Hindi siya makontak ng family ko. Eh siya lang naman ang pinagkakatiwalaan namin. Obviously, meron talagang pilit na ilulublob ako sa kasong 'to. And I don't know what to do."

Hindi naman nakuhang makapagsalita agad ni Erin habang nag-iisip kung paano papasayahin ng konti ang matalik na kaibigan , "Anyways, sorry kung ikaw pa ang pupunta kay Terrence. Nasaan ka nga pala? Ang sabi mo lang kanina, andito na ako. Saang dito ba ang tinutukoy mo?" tanong pa ni Xenia.

"I'm at the higher police department," hindi man nakita ngunit nanlaki ang mata nito sa naging sagot ni Erin.

"Anong ginagawa mo dyan?!"

"Nagtext ako kanina kay Terrence dahil ang sabi mo lang din, puntahan ko siya. Hindi mo naman sinabi kung saan. Ang sabi niya, nandito raw siya, which is why here I am," bumaba si Erin ng sasakyan at binuksan ang pinto sa likod para kunin si Melody. Hinawakan niya ang kamay ng anak at nang makalabas ito ay isinara niya ang pinto ng sasakyan. Sabay silang naglakad habang ang isang kamay ni Erin ay hawak pa rin ang cellphone nito at nakatapat sa kanyang tainga.

"Bakit nandyan siya?!" hindi makapaniwalang tanong ni Xenia.

"The answer for that is what I am going to find out real soon."

"I have a bad feeling about it," pag-aalala ni Xenia.

"Can't help but to worry. Ingat kayo ni Melody. Kailangan ko na pa lang ibaba 'to. Balitaan mo 'ko kung ano ng nangyayari diyan, okay girl? And one thing, ayusin niyo na ni Master ang relasyon niyo. You have to be with one another, especially to what's happening to Alzini now," tumango naman si Erin at sandali silang natigilan sa mismong harap ng presinto.

"Pwede ba, huwag mo na muna kaming isipin? Think of yourself first. I will inform you pagkatapos kong makausap si Terrence. Sabihan mo rin ako agad kung ano ng nangyayari dyan. I'll try to pass the information to Ali para matulungan niya kayo since wala pa rin sina Senyora at Don Stefano sa mansyon."

"Noted girl. Eh sino nga pa lang naiwan don?"

"Sina Van at Allison lang. Pati yung mga naninilbihan sa mansyon. Wala lang akong balita kung anong nangyayari don ngayon dahil nga nandito ako."

"I see. Okay bye na," nawala naman ang kabilang linya kaya napatingin si Erin sa harap nito at pinatay ang cellphone bago inilagay sa bulsa.

Naglakad sila papasok kaya sumalubong ang tatlong pulis na abala sa pagmamasid sa paligid. Dalawang lalaki at isang babae. Lumapit naman si Erin sa isa sa kanila kaya napatingin ito sa kanya, "Excuse me sir, I am looking for Detective Terrence Black," nagkatinginan ang tatlo bago siya hinarapan ng kausap nito.

"Ano pong kailangan niyo sa kanya?"

"I'm a close friend of him. He called me at pinapunta ako dito," sagot niya.

Muling nagkatinginan ang tatlo na napansin naman nito, "Is there any problem with that?" pagngiti pa niya.

"Uhmm," pagsasalita ng isang pulis, "Nasa interrogation room po siya, mam," dahil doon ay nawala ang ngiti nito at nagsalubong ang kilay.

"What do you mean interrogation room? Why?" tanong niya.

Nang hindi siya sagutin ay muli siyang nagsalita, "Then where is he? Kailangan ko siyang makausap," inilibot naman niya ang tingin sa paligid.

Inilahad ng isang pulis ang kamay nito sa isang hallway, "Sasamahan ko po kayo mam."

"Good," aktong susundan nila ang pulis ay pinatigil naman sila ng isa kaya napatingin siya dito,

"Mam, bawal po ang bata sa interrogation room," napatingin silang apat kay Melody na abalang tinitignan ang paligid.

"Bawal ang bata?" hindi makapaniwalang tanong niya, "Kung ganon, saan ko siya iiwan?"

"Ako na muna po ang magbabantay sa kanya, tutal hindi pa naman po ako naka-duty na rumonda," saad ng babaeng pulis at nilapitan sila.

"Sigurado ka ba?" nakuha niyang pagtaasan ito ng kilay.

"Huwag po kayong mag-alala, may anak din ako. Kayang-kaya ko siyang bantayan, mam."

Tinignan ni Erin ang babaeng pulis mula ulo hanggang paa at nang sa tingin niya ay mapagkakatiwalaan ang babae ay muling nagsalita, "Fine," lumuhod si Erin at tinapatan ang anak nito kaya napatingin si Melody sa kanya.

"Baby, maiwan ka muna dito ha? Mommy will come back soon. I'll bring back your tito. Isn't it you want to see him?"

"Detective tito, mommy?" tanong nito na ikinatango pa ni Erin at napangiti, "Yes, you're detective tito."

"Ok," malapad na ngiting saad ng anak.

Lalo pang lumapit ang babaeng pulis sa dalawa kaya napatingin si Erin sa kanya at ibinalik ang tingin sa anak, "Babantayan ka muna ni tita, okay? Be a good girl," hinawakan naman noon si Melody sa isang kamay.

"Alright mommy. Melody will wait," saad pa niya.

Umayos ng tayo si Erin at hinarapan ang babaeng pulis, "Huwag po kayong mag-alala mam. Babantayan ko muna siya. Puntahan niyo na lang po kami sa lobby, ayan lang po," sinundan ng tingin ni Erin ang itinuro nito hanggang sa napatango siya. Hindi nagtagal ay sinundan na niya ang pulis na naghihintay sa kanya.

Nang dumaan sila sa hallway ay napapalibutan ito ng mga interrogation room. Tahimik lang ang hallway at minsan ay may nakakasalubong siyang mga pulis. Nang makarating sila sa dulo ay itinuro sa kanya ng pulis ang pinakahuling kwarto at hinarapan siya, "Nasa loob po siya," saad pa nito.

"Sampung minuto lang po mam. Pagkatapos, kailangan niyo ng lumabas. Cellphone po pala," sabay lahad nito ng kamay kaya napatingin doon si Erin, "Bawal po sa loob," dagdag pa ng pulis.

Kinuha niya ang cellphone sa bulsa nito at ibinigay sa pulis. Nang umayos ng tayo ang pulis na tila magbabantay ay itinulak na ni Erin ang bakal na pintuan na siya namang bumukas.

Bumungad sa kanya ang nakaposas na detective habang nakaupo at nakapatong ang dalawang kamay sa lamesa. Magkahawak pa ang mga kamay nito. Sa harap nito ay may bakal na lamesa at may isa ring upuan sa tapat. Nang isara ni Erin ang pintuan ay tumingala ang detective kaya't nagtama ang kanilang mata. Pansin niyang nabigla ang detective ngunit agad ring ibinalik sa normal ang reaksyon nito.

Napatingin ulit si Erin sa kamay nitong nakaposas at unti-unting naglakad para maupo sa tapat ni Terrence. Maya-maya ay nakuha na niya itong tignan pagkaupo niya, "Anong nangyari?! Bakit ka nakaposas?" pag-aalala niyang tanong.

Hindi makapaniwalang natawa naman ang detective, "They were insisting for a crime that I didn't even do."

"What do you mean?" pagtataka ni Erin.

...Flashback...

"Detective Terrence Black, this way please. Hinihintay kayo ng chief," salubong ng isang pulis pagkapasok ng detective sa mismong presinto.

Sumunod naman ang detective sa tinahak na daan ng pulis hanggang sa mapansin niya na nasa hallway sila kung saan dinadala ang mga nasa interrogation room.

"Wait, bakit tayo papunta dito?" tanong niya sa pulis. Natigilan 'yon at hinarapan siya.

"Utos ng chief. Sumunod na lang po kayo," natigilan ang detective habang nakatingin sa pulis at napatingin pa sa pinakadulo ng hallway.

Tumango na lang ito kahit naguguluhan, "Alright. Bring me to him," muli silang naglakad hanggang sa matigilan sa dulo ang pulis at binuksan ang pintuan sa pinakadulo na tila hinihintay na pumasok ang detective.

"Isn't it dito dinadala ang mga may malalaking kaso? Why do I have to be called in here?" tanong niya habang nakaturo sa pintuan.

"Pasensya na po. Sumusunod lang ako sa utos," sagot ng pulis.

Hindi makapaniwalang napangiti si Terrence at nakuha pang tumingin sa likuran para obserbahan ang tahimik na hallway.

Muli itong natawa at sumilip sa loob. Natanaw naman niya na nakaupo ang chief doon na halatang may hinihintay, "Alright," saad niya na tinignan muna ang pulis at inilahad sa kanya ang hawak na brief case. Kinuha 'yon ng pulis bago bago tuluyang pumasok sa loob si Terrence.

Dahil doon ay nagsara naman ang pintuan. Napangiti ng malapad ang chief pagkakita niya rito, "Detective!" bungad niya na nilahad pa ang kamay sa upuang nasa tapat nito, "Have a seat," ganon naman ang ginawa ni Terrence.

"Calling me here at a time like this, tell me what's the problem, chief?" saad niya na sumandal sa kinauupuan. Inalis na rin niya ang suot nitong trilby cap at saka ipinatong sa lamesa. Ang kanang kamay ay nakapatong na rin doon.

"Seems like you already have an idea why you were being called?" sabay ngiti ng masama ng chief.

"Chief, don't forget that I'm a detective. Masyadong late para ipatawag ako ng ganitong oras sa ganitong klasi ng lugar," inilibot niya ang tingin sa kwarto at ibinalik ang tingin sa kausap, "So I anticipated na may problema."

"Kung ganon, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa," ipinatong ng chief ang dalawang kamay sa lamesa at saka bahagyang inilapit ang mukha sa detective, "Alam na namin ang lahat tungkol sa El Nostra," sandaling natigilan si Terrence bago sumilay ang ngiti sa labi nito, "Good then. Hindi na tayo mahihirapan na hanapin sila," sagot niya.

Hindi makapaniwalang napangiti ang chief, "Yes, hindi na talaga kami mahihirapan na patumbahin kayo."

Dahil doon ay nagsalubong ang kilay ng detective, "Kami?"

"Yes, detective. Alam na namin ang lahat tungkol sa'yo at ang koneksyon mo sa El Nostra," hindi makapaniwalang ngumiti si Terrence.

"Where is this coming from, chief? Bakit pati ako nadamay?"

Masama ang ngiti ng chief habang nakatingin sa detective hanggang sa may kunin ito mula sa kanyang bulsa. Inilahad niya ang isang locket sa tapat ng detective kaya maayos niya 'yong tinignan.

"The higher police department started to investigate Detective Ronan Silverio's abandoned office and we found this. A locket, with the name of El Nostra imprinted on it."

Nakilala naman agad ni Terrence ang ipinapakitang locket sa kanya, "Isn't it you also investigated his case, Detective?" may tono rin ng pagka-sarkastiko sa boses nito.

"Yes, I did."

"Kung ganon, bakit mo nireport sa amin na wala kang nakita na kahit ano na pwedeng maging ebidensya natin laban sa El Nostra? Detective Silverio might have found this locket and planning to link it to that organization pero naunahan nila siya. We could have used it to link El Nostra with his disappearance."

Sandali namang napaisip ng detective bago muling nagsalita, "As far as I remember, wala akong nakita sa office niya. If it was there, I would have reported it to you. So simple and just a common sense," bahagya itong natawa, "Unless wala kayo non katulad ko," ang chief naman ang natawa.

"This was found in a small cabinet under his desk. You even asked kung may mag-iimbistega pa ba sa opisina niya and we responded none," dahan-dahan ipinatong ng chief ang locket na may kwintas sa lamesa at saka tinignan si Terrence.

"So, what are you implying now, chief?" -Terrence

Umayos ito ng upo bago sinagot ang detective, "You purposedly kept the locket as a secret. You found it yet pretended na parang wala kang nakita, that's because you were protecting El Nostra all this time. Kaya ba madalas nila tayong natatakasan at nalulusutan dahil tinutulungan mo sila?"

Next...