Chereads / Bandage on Bullet Holes (LaCosta Saoirsa Initial Book) / Chapter 45 - Capítulo quarenta e três

Chapter 45 - Capítulo quarenta e três

"Could it be that... " napalunok na lang ako, "This is what's happening to her right now, at pinalabas nila 'to para muling malinis ang nasirang dignidad ni Philip at ng heneral?" nagkatinginan kami ni Allison at hindi maalis ang pagkalito sa aming mga mata.

"T-They forced her to do it. And they made it look like she was having an affair kaya nagawa siyang barilin ng sarili niyang ama noon, that was the video na ginamit natin para sirain ang reputasyon nila dahil binalak nila siyang patayin noon. All of this was just fabricated!" wala sa sariling saad ko na naituro pa ang tv habang tinitignan sina Allison at Blue.

"And since it is already proven, kinuha namin ang saloobin ng mga tao," saad pa ng reporter. Ibinalik namin ang tingin sa tv.

"Bagay lang sa kanya na binaril siya dahil manloloko naman pala siya!"

"Ang lakas ng loob na ipakita sa lahat na binaril siya ng sariling ama, eh kung ako nga ang ama noon, hindi lang baril ang abot niya sa akin!"

"Siguro po, alamin muna natin yung side niya bago natin siya husgahan."

"Ang dapat sa kanya, makasuhan at hindi ang senador o ang heneral. Ginawa lang nila ang tama."

"Dapat ikulong niyo na 'yang manlolokong 'yan!"

"Ang lakas ng loob na ipakita sa lahat kung paano siya binaril ng heneral at senador, kaya naman pala nila nagawa 'yon dahil sa panloloko niya!"

Nagkatinginan na lang kaming tatlo dahil sa narinig naming saloobin ng mga tao, "Does it mean, she's being arrested by the police once they see her?" mahina at halos paghingang tanong ko kay Allison.

"It depends, kung sasampahan siya ng kaso ng sarili niyang asawa. We all know the truth. And that video of hers kissing another man has been used as an evidence to clear the ruined name of the senator and general. Imposibleng hindi nila kukunin ang pagkakataon na linisin ang pangalan nila sa pamamagitan ng video na 'to," pahayag niya.

Then Gale is being accused sa kasalanang hindi niya ginawa.

"Could it be na sila ang may hawak sa kanya? O kilala po kaya nila ang kumuha sa kanya?" napatingin naman kami kay Blue. Dahil doon ay napaisip naman kami habang nakahilata pa rin sa tv ang video. They should g*ddamn stop showing it to the public. Konting respeto naman kay Gale. These moron media! Hindi ko sila masikmura.

"Wala silang kinalaman sa pagkawala ni Gale dahil hindi alam ng militar ang nangyari at nadamay sila sa set up kagaya natin," saad ko habang diretso ang tingin sa tv na sinundan naman ni Allison na nagkibit-balikat, "Kung ganon, maaaring kilala nila ang mga kumuha sa kanya, or maybe, nagpanggap sila na kasama sa set up but they were the one who actually planned it."

Napailing naman ako, "No, they might be clever pero hindi nila tayo kayang paikutin."

"The video might has been used in order for the senator to do something in return to the enemy. In that case, the one who abducted Gale and Philip might know one another. They traded with something from which both sides would benefit. The Senator must give something important to the enemy, and in return, ibinigay ang video sa kanya. They set up her," dagdag ko pa.

They are showing a video of her kissing a man, pinalabas nilang nangyari 'to bago ang kaarawan ng heneral. Nalaman raw nila ang tungkol dito kaya nagawa nilang barilin si Gale, na siyang ginamit naming ebidensya para sirain ang reputasyon nila. When in fact, this just happened now para linisin ang pangalan nila at siraan si Gale. They forced her to do it. Madali lang namang palitan ang oras ng cctv.

Mas lalo akong nakaramdam ng galit habang napapanood ko ang video ni Gale na ganoon ang suot at may kahalikan na isang lalaki. May tattoo ito sa buong katawan pero hindi ko makilala dahil nakatalikod ito. Then it is confirm na si Gale ang sinadya nilang ipakita sa kamera.

It must really be a set up for her schemed by her abductors and the senator. Though willingness could be seen from her actions, alam kong pinwersa nila siya para gawin 'to.

Yet, there's desire and anger from her eyes. Hindi ko alam kung bakit.

"Ang tanong ng publiko ay kung sino ang naglabas ng video gayong sinabi ng heneral na itinatago nila ito para protektahan ang kanyang anak. Ngunit napag-alaman na isa sa mga malalaking kumpanya ang naglabas ng artikulo tungkol dito kasabay ng pagkalat ng video sa social media kaya't nagpatawag ang mga opisyal ng isang eksperto upang suriin ang pinanggalingan ng video," lumitaw naman ang itsura ng isang lalaki.

"Based from our investigation, the video came from a very reliable source. One of the biggest company in our country... " natigilan muna ang lalaki bago muling nagsalita, "The NWR Business' owner. As far as I know, they merged business with the senator and general," kusang nanlaki ang mata namin ni Allison at nagkatinginan, "He's truly a great friend for saving the senator at a time of crisis and accusations."

"No," mahina at napailing na saad ni Allison habang nakatingin sa tv, "Hindi magagawa ni kuya 'yan!" saad pa niya. NWR Business is Ali's own company. Pati ba naman siya?

"Mga sinungaling ang mga 'yan! They are truly doing this para pabagsakin ang Alzini! At hinding-hindi ko sila mapapatawad!" sabay duro ni Allison sa tv na halatang gustong manira kaya hinawakan ko siya para pigilan. Halos maiyak na rin siya at sumabog sa galit. Alam kong pare-pareho kami ng nararamdaman ngayon.

"Is Ali already there?" kunot-noong tanong ko kay Blue na ikinailing naman nito.

"Hindi ko pa po— " sabay-sabay kaming napatingin sa pintuan nang makarinig kami ng yapak at sumalubong sa amin ang hinahanap namin kanina pa.

"Ali, where the hell have you been?! Nagkakagulo na!" sabay lapit ko dito. Napansin ko rin ang dalawang tauhan sa likuran nito. They are not Alzini's men. Seryoso ang tingin niya sa aming tatlo hanggang sa lapitan din siya ni Allison.

"Kuya, we have to do something now! Pinapabagsak na nila tayong lahat! Where's mom and dad? Alzini badly needs them," pakiusap nito na hahawakan sana ang isang braso ni Ali ngunit mas ipinagtaka ko na lang nang hawakan ng mga tauhan si Allison kaya hindi siya nakalapit dito.

Nagtaka na lang ako nang walang pagbabago sa mukha ni Ali na parang ibang tao siya. Walang buhay at seryoso ang tingin niya kay Allison hanggang sa iniangat niya ang isang kamay nito kaya napatingin kami doon na tila may nilalahad siya. Noong una ay hindi ko matukoy kung ano 'yon hanggang sa unti-unti kong nakilala.

It's a gold circular logo of Alzini na saktong-sakto sa kamay ni Ali.

"W-Wait. B-Bakit mo hawak 'yan, kuya?" utal na tanong ni Allison. Maski kami ni Blue ay nagkatinginan rin bago ibinalik ulit ang tingin doon. Tila nanigas kami sa mismong kinatatayuan.

"H-Hindi ba si dad lang dapat ang may hawak niyan?" tanong pa ni Allison sabay tingin kay Ali.

There are exactly two gold circular logos of Alzini under LaCosta. The one who holds it only means that he is the boss, while the other logo is on the hands of LaCosta's Elders. Mafia bosses always bring that with them wherever they go as a legitimacy that they are really the boss. Yet once they dissappear, the Elder's will release the second gold logo as to deliver it to the one who deserves to be the next boss. Imposibleng ipapahawak ni Don Stefano kay Ali ang logo ng Alzini na hawak niya dahil bawal 'yon kahit pa anak niya ito.

Tila nakaramdam naman ako ng panghihina habang nag-iisip ng mga posibilidad.

"N-Nooo," napailing si Allison at mapait na ngumiti.

Inilipat ni Ali ang tingin sa akin at minsan ko nang nakita ang ganitong klasi ng tingin niya. That day when Aendriacchi family lost their grandmother before taking Alzini in their hands. Then Alzini's second logo? And his eyes...

Could it be...

Napailing na rin ako at napatingin sa dalawang tauhan na nakabantay sa kanya. They are LaCosta's men, not Alzini. Bosses are never allowed to be touched by anyone even their family not unless they permit it, "Tell me I'm thinking the wrong thing, Ali," saad ko na halos mawala na sa sarili. Hindi makapaniwalang napangiti na lang ako.

I can't simply believe all of this!

"It was delivered to me even before I found out that... " natigilan naman siya at ibinalik ang tingin kay Allison, "Godfather and Senyora's car had been bombed, while on their way home, Allison," mahinang saad niya na parang ikalalagot ng hininga naming lahat.

Natulala na lang ako hanggang sa mabilis na humakbang papalabas si Allison. Nagawa naman siyang pigilan ni Ali hanggang sa makita ko ang pagsensyas niya sa mga tauhan para sabihing okay lang. Aktong ilalayo kasi nila si Allison sa kanya.

Then it is really true....

"Kung ganon, bakit wala kang ginagawa?! We have to save them!!" sigaw niya sa kuya nito habang pinipigilan pa rin siya ni Ali. Napasigaw na rin siya hanggang sa tuluyang bumagsak ang luha, "HINDI AKO NANINIWALA SA SINASABI MO!!! TELL ME KUYA! PALABAS LANG ANG LAHAT NG 'TO DBA?! KASAMA 'TO SA PLANO NIYO PARA PALABASIN NA NAGTAGUMPAY ANG KALABAN?!!! DBA??!!" sigaw pa niya.

"Stop! Your actions won't do anything good to Alzini!" sigaw ni Ali na nakapagpatahimik kay Allison. Ilang segundo niyang tinignan si Ali habang lumuluha hanggang sa itulak niya palayo ang kuya nito.

"Don't tell me may alam ka dito?!" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Yung video?" sabay turo niya sa tv, "May alam ka ba don? Totoo bang ikaw ang nagbigay sa kanila ng video ni Gale?!" nanatili namang tahimik si Ali kaya napaatras muli si Allison at napatango na tila hindi makapaniwala. Hindi ko rin alam kung paano ako magsasalita dahil naguguluhan ako.

"What we have to do now is to save her," sambit nito na diretso ang tingin sa kapatid. I could also feel that something's going on with Ali. May nagbago sa kanya. His aura seems different.

On the other hand, totoo bang wala na sina Don Stefano at Senyora? Tell me no.

"Save?!" hindi makapaniwalang tanong ni Allison, "Pagkatapos mo siyang ipahamak, ililigtas mo siya?! All this time, we're believing in all of your lies! Totoo nga ang sinasabi nilang gusto mo talagang angkinin ang trono ni dad! Baka nga siguro kasabwat ka sa pagsabog ng sinasakyan nila no?!"

"Allison," saad ko kaya napatingin siya sa akin, "What?! Totoo naman dba?! Can't you see?!" sabay lahad niya ng kamay sa direksyon ng kuya nito, "Ngayon ko lang napag-alaman na totoo nga ang sinasabi nila!" inilipat niya ang tingin sa kuya nito, "Pero hindi ako naniwala dahil kuya ko siya. Pero all this time! I was deceived to believe him just because we have the same blood! Kaya nga magmula ng mawala si Gale, busy na rin siya. Baka abala siyang planuhin ang lahat at ang tanga ko para hindi 'yon makita! Abala na rin siyang isipin kung paano pababagsakin si dad!" sabay duro niya dito.

Halos sumabog na rin siya sa galit. Allison was never like this before. Pero ngayon, hindi ko alam kung sinong paniniwalaan ko.

Tinapatan naman niya si Ali, "Since from the start, ikaw pala. You are the real enemy here!" diin pa niya sa bawat salita bago ito nilagpasan.

"Never ever did I attempt to take Godfather's seat, Allison," saad ni Ali na nakapagpatigil kay Allison sa tapat ng pintuan.

"And I will never sit even if it is empty. I believe they will come back," dagdag pa niya.

"And if they not?" sabay harap ni Allison sa kuya nito.

Magkahalong galit, poot at lungkot ang mga mata niya. Kasabay noon ay ang pagluha nito, "Whether you like it or not, ikaw ang iuupo nila. That's good news if you really planned this, and bad news if not," sinamaan niya ng tingin ang kuya nito bago kami tinalikurang lahat.

Wala kaming nagawa kundi magkatinginan na lang.

"Are they really gone, Ali?" tanong ko ngunit yumuko lang siya kaya napatango na lang ako at napatingin sa kung saan.

Hindi ako makapaniwalang hahantong ang lahat sa ganito.

"Did you really plan this?" nagkatinginan ulit kami. I don't want to hear what I think I'd hear right now. Kilala kita, at alam kong hindi mo kayang gawin 'to sa aming lahat...

Unless you are really what they say you are.

"Alzini is on a downfall, two of our comrades are being arrested, Van," kusang napakuyom ang dalawang kamay ko habang matatalim ang tingin sa kanya. Ni hindi niya magawang sagutin ang mga tanong ko.

Continua...