Napako ang paa ko sa mismong kinatatayuan habang nakapalibot silang lahat sa akin. Hindi ko man makita pero ramdam ko ang mga mata nilang tinitignan ang aking kabuuan, lalo na dahil pa sa suot ko ngayon. Mainit ang temperatura sa buong kwarto habang napapalibutan ito ng pulang ilaw.
Napakuyom naman ang dalawang kamay ko para pigilan ang takot. Palagi kong nararamdaman ang ganito sa tuwing sila ang kaharap ko. Hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa nila date, mula noon hanggang ngayon. Isang bangungot na nakilala ko sila, at lahat ng taong sangkot sa pagkadukot ko noon.
"Perfect," saad ng pinuno nila. Tumayo ito at nag-umpisang ikutan ako habang minamasdan ako mula ulo hanggang paa, "You look tensed, my little girl. Oh, before I forget, you're not a little girl anymore. You've grown just by looking at that body of yours," aktong hahawakan niya ang aking baba ay mabilis akong umiwas sa kanya at sinamaan ito ng tingin.
"Easy, easy," sabay taas nito ng dalawang kamay na tila sinasabing hindi siya manlalaban.
"Bakit ba ganyan ka makatingin sa akin?" at inilapit niya ang mukha sa akin, "Eh wala pa naman akong ginagawa," sabay ngiti nito ng masama. Hindi ko na sinubukang tignan pa siya dahil hindi ko masikmura ang mga itsura nila, lalung-lalo na ng pinuno nila.
Mabilis akong dumistansya sa kanya at muli itong sinamaan ng tingin nang aktong hahawakan niya ako sa balikat, "Huwag na huwag mo akong hahawakan," sumilay ang ngiti sa labi nito na tinignan ang mga kasamahan niya. Muli ko namang narinig ang pagtatawanan nilang lahat.
Nakuha pa niya akong ituro bago nagsalita, "I like that attitude of yours, Serenity Gale. Matapang ka pa rin kahit na alam mong wala kang laban, magkaugaling-magkaugali kayo ng heneral," mas lalong uminit ang dugo ko nang marinig ko pa 'yon, "As if he was really your father," dagdag pa niya.
Humigpit ang pagkakakuyom ko sa kamay dahil doon at pilit pinipigilan ang sarili dahil tama siya, alam kong wala akong laban ngayon anuman ang gustuhin nilang gawin sa akin, magagawa nila.
"If you're planning to kill me, do it now," sabay tingin ko sa kanya ng diretso na ikinatahimik nila. Tumango na lang ako at tinapatan siya. I shouldn't be eaten by my own fear and weakness nang dahil lang sa presensya nila, "Are you really sure about that?" tanong niya na nginisian ako.
"What is there to wait for? Ikaw na rin naman ang nagsabi hindi ba? Na wala akong laban. Then do whatever your plan is," hamon ko sa kanya. Kung pwede lang na hindi kumurap ay ginawa ko na para lang ipakita na totoo ang mga salitang sinambit ko.
Muli naman niyang tinignan ang mga kasamahan nito, "Now you know why I really like this woman so much," sabay turo ulit nito sa akin, "The general's daugher is interesting, tama ba ako?" tumango-tango naman ang mga ito, "Yes big boss," saad pa ng isa.
Hinarapan niya ako at muling tinapatan, "You gaze on us with a look of rage and detestment through your eyes just like we were the worst person living in this world, Serenity Gale."
Nagawa kong ngumiti ng masama at pagtaasan siya ng kilay, "Bakit, hindi ba? Isn't that what you truly are?" bahagya siyang natawa kaya nagkibit-balikat ako habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya.
Tinignan niya ang mga kasamahan at sumenyas na tila may pinapaabot. Maya-maya ay lumapit sa kanya si Trevan at may iniabot na isang pula at makintab na tela. Kinuha 'yon ng pinuno nila sa kanya gamit ang dalawang kamay at maayos na tinignan bago nagsalita, "Kayang-kaya kong gawin sa'yo ngayon ang matagal ko ng gustong gawin, but why do you think hindi ko pa rin ginagawa ang nasa isip ko ngayon?" sabay tingin niya sa akin.
Ako naman ang napatingin sa hawak nito, "Because we still have something to tell you bago natin umpisahan ang palabas," saad pa niya at muli kaming nagkatinginan.
Nanlaki na lang ang mata ko nang ilahad niya 'yon sa harap ko kaya napansin ko na tila isa 'yong pulang roba. Pumunta siya sa likuran ko kaya kusa kong naibaba ang kamay para ihanda ang sarili sa kung anuman ang gagawin niya. Nabigla ako sa sumunod niyang ginawa nang bigla niyang isinuot 'yon sa isa kong kamay at pagkatapos ay sa kabila. Nang makapunta siya sa harapan ko ay itinali 'yon na siyang sumakto sa akin kaya nabalutan na lang ang halos hubad ko nang katawan dahil sa ginawa niya.
Napatingin ako sa pulang roba at nanlalaki ang matang ibinalik ang tingin sa kanya, "Anong kahibangan 'to? Anong balak niyong gawin bago ako tapusin?" seryosong tanong ko.
"Why did you side with Alzini, Serenity Gale?" ipinatong nito ang dalawang kamay sa lamesa na nasa likuran nito habang diretso ang tingin sa akin. Bahagya rin siyang sumandal doon. Kitang-kita ko pa ang nag-iisang gintong singsing na suot niya sa gitnang daliri ng kaliwang kamay.
"Anong klasing tanong 'yan?" saad ko.
Bahagya siyang natawa at napatingin sa mga kasamahan nito, "Do you even know the reason why they can't save you even though they can?" bahagyang nanliit ang mata ko para basahin ang gusto niyang sabihin pero wala akong makuhang sagot. Seryoso siya habang nakatingin sa akin.
"Of course they can't dahil kahit sila ay nagawa niyong lokohin," saad ko, "I know you will do everything para hindi nila ako mahanap." Alam kong susubukan nila akong hanapin dahil nangako sila sa akin na para lang ako sa Alzini. Alam kong mali ang umasa pero may tiwala ako na matutulungan nila ako.
I'll make sure to return the favor once they help me. That's how mafia works, right?
"Even if we don't make a move, hindi sila gagawa ng paraan para mailabas ka dito— "
"Could you stop mentioning Alzini here?!" nilaksan ko na rin ang sariling boses dahil sa pagkairita. If they have plans to kill me and to make me suffer, gawin na nila. I don't need their nonsense speech.
"Hindi mo alam kung ano ang kaya nilang gawin. They might be silent, pero hindi sila marunong umatras!" saad ko pa.
"Is that how they introduce themselves to you?" tanong niya pabalik at ngumisi na siyang sandali kong ikinatigil.
"Huwag mo silang isali dito. At huwag mo silang siraan. Mahabang panahon ko rin silang nakasama, and I didn't even see unforgivable flaws from them," depensa ko pa. Hindi man ako gusto ng lahat sa Alzini, but I know that they are kind and soft-hearted people. Hindi sila katulad ng iba.
"Unforgivable flaws they didn't show you dahil kailangan ka nila. After they used you against the general and senator, what now? Do you think they are planning something to let you out of here?" ngumiti ito ng masama.
"Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na sa akin ng diretso at tapusin na natin 'to," hamon ko. Bakit ba idinadamay pa nila ang Alzini dito?
"Did they ever tell you something about your past?" at dahil doon ay nagsalubong ang kilay ko na mabilis ko ring sinagot.
"They know everything about me."
"Then what about your past of being kidnapped?" tanong pa niya.
Dahil doon ay natigilan ako at pilit na nilabanan ang takot. That's a secret only La Jara, my father and husband were aware of. That's the only thing Alzini does not have an idea. A dark secret I've been keeping all this time.
"Oh, don't tell me they used you without informing you about it," nagsalubong na lang ang kilay ko sa sinabi pa ng pinuno nila, "Ano bang pinagsasabi mo?" naglakad siya papalapit sa akin at tinapatan ako.
"I know you've been secretly searching all this time who were those men who abducted you just to bring you to us six years ago."
Bumilis naman ang kabog ng dibdib ko nang sabihin niya 'yon. Ano pa ba ang hindi nila alam tungkol sa akin? Totoong patago akong gumagalaw noon kung sino ang mga kumuha sa akin para ibigay sa La Jara. Since from the first place, La Jara attempted to abduct me many times but I managed to get away from them, not until those men was able to capture me while I was running away from La Jara's wrath.
"And those men you were hunting? Nasa tabi mo lang," diretso naman ang tingin ko sa kanya, "W-What do you mean?" utal kong tanong.
Lumapad naman ang pagngiti nito, "The ones who really kidnapped you were Don Stefano's men," nanlaki na lang ang mga mata ko at kusang nanginig ang kamay na siya ring pinigilan ko agad, "In short, they were Alzini. Hindi ba nila nasabi sa'yo?" kitang-kita ko ang pagkatuwa sa mga mata niya na siyang ikinailing ko.
"N-No! Huwag mo silang siraan!" seeing how they treated me, "Hindi nila magagawa 'yon kaya huwag mo silang siraan sa akin dahil kayo talaga ang masama dito!!!" sigaw ko.
Sinasabi niya lang ang lahat ng 'to para kunsintihin ako na kumampi sa kanila at ibigay ang gusto nila. Kung ganon, hindi ako magpapadala, "Kahit ano pang sabihin mo, hinding-hindi ako maniniwala sa'yo dahil may tiwala ako sa kanila kaysa sa inyo!" dagdag ko pa.
"They really did everything to gain your trust, yes?" sarkastikong tanong niya, "But listen to me," aktong hahawakan niya ako muli sa baba ay mabilis kong iniiwas ang sarili sa kanya, "What... else... do you want?" seryoso at nanginginig kong tanong dahil sa galit.
Hindi ko na rin mapigilang samaan siya ng tingin dahil sa mga kasinungalingang lumalabas sa bibig niya ngayon.
"Nakuha niyo na ako. Kontrolado niyo na ako. Ano pa bang gusto niyo?" dagdag ko pa na halos maiyak na.
Bahagya itong natawa hanggang sa mapailing. Tinignan niya si Trevan at inilahad ang kamay nito. Maya-maya pa ay may iniabot itong itim na envelope sa kanya kaya mabilis niyang kinuha 'yon.
Pinasadahan niya muna ako ng tingin bago ako tinalikuran at lumapit sa kinauupuan niya. Binuksan niya ang envelope at may kinuha mula sa loob noon. Ginamit nito ang isang kamay para itabi ang mga nakaharang na pulbura sa lamesa at saka malakas na inilapag dito ang mga papeles at iilang larawan na laman ng envelope bago siya naupo.
Nakuha pa niyang ipatong ang dalawang paa sa lamesa at itinuro sa akin ang mga papeles na nilagay niya doon, "Kung ayaw mong maniwala, then see for yourself. Para malaman mong hindi lang talaga kami ang kalaban mo dito," palipat-lipat na rin ang tingin ko sa kanya at sa lamesa.
Dahil doon ay mas nakaramdam ako ng galit. Alam ko mang nagsisinungaling lang siya pero kumuha ako ng lakas ng loob para unti-unting lumapit sa lamesa. Una ko munang kinuha ang tatatlong larawan at maayos itong tinignan.
Noong una ay natanaw ko ang dalawang taong magkausap ngunit hindi ko sila makilala. Isang lalaking nakatalikod at dalawang lalaking nakaharap sa kanya kaya mukha lang ng dalawang nakaharap ang natatanaw ko. Isa sa kanila ay may katandaan na rin. Sa likod nilang dalawa ay may mga lalaking nakapormal ang suot. Kulay puti at itim lang din ang larawan na tila kuha ito mula pa noon.
"Can't you guess who's that old man?" tanong pa niya kaya napatingin ako dito. Ibinaba niya ang dalawang binti at ipinatong ang dalawang kamay sa lamesa para bahagya akong lapitan, "I thought kilalang-kilala mo na sila, so I believe, na sa unang tingin pa lang ay makikilala mo na sila," ibinalik ko ang tingin sa larawan at maayos na tinignan ang matandang lalaki. Unti-unti ay nagiging pamilyar nga sila sa akin.
Maski ang lalaking nasa gilid niya ay tila nakilala ko na rin. Inilipat ko naman ang tingin sa pangalawang larawan para siguraduhin na tama ang nakikita ko. Nakumpirma ko na tama nga ang taong nakikita ko ngayon dahil sa pangatlong larawan ay mas malapit at kita ang kanilang mukha. Inilapag ko naman 'yon sa lamesa at maayos siyang tinignan, "So what kung sila 'yan? Anong gusto mong iparating sa akin?" taas-kilay kong tanong.
"Hindi mo pa rin ba maintindihan?" tanong niya pabalik.
"You can't use Alzini's Godfather and Master's picture para lang mapaniwala mo ako sa mga kasinungalingan ninyo," diretsong saad ko. Tama, sila nga ang nasa larawan, and so?
"Oh, I see. I almost forgot na matalino ka nga pala," sabay ngiti niya na muling itinaas ang dalawang binti sa lamesa at pinagkrus 'yon. Sumandal siya sa upuan para tumingala at nagkibit-balikat. Napapikit pa ito ng ilang segundo at muling nagmulat ng mata.
"Do you even know who was that group they were negotiating to?" nagsalubong naman ang kilay ko, "It was our freakin f*cking brotherhood, Serenity Gale," napangiti naman ako ng masama nang ibalik niya sa akin ang tingin.
"At bakit ako maniniwala sa inyo?"
Kahit anong kasinungalingan ang sabihin nila, hinding-hindi ako maniniwala. Alzini was always the one who had treated me better, kaya sa kanila lang ako maniniwala.
Bigla naman siyang nag-ayos ng upo at ibinaba ang binti. Itinuro niya ang lalaking nakatalikod sa larawan habang sa akin ang tingin kaya napatingin ako doon, "Can't you f*ckin remember who is this man?" seryosong tanong niya. Tumayo ito at ipinatong ang dalawang kamay sa lamesa, "It's Filippo Maher," at dahil doon ay kusang nanlaki ang aking mata. Unti-unti nang nahalata ang panginginig ng kamay ko nang makilala ko rin ang likuran nito.
Ayaw ko mang maniwala, pero ako mismo, alam kong totoo nga. It's really him.
Unti-unti niya akong nilapitan hanggang sa bulungan ako, "The man whom you committed a crime. The old man you murdered, Serenity Gale," mas lalo akong kinabahan sa bawat pagdiin niya ng salita.
Napalunok ako at umuling na tinignan siya, "That's not true," kusa kong saad.
"Not true what? That you didn't kill him? Or you just can't believe na siya ang kausap ng Alzini?"
No. It's impossible. Hindi nila magagawa 'yon sa akin. I am as important as a treasure to Alzini, kaya hindi nila magagawa 'yon. Kung alam nila ang lahat tungkol sa akin, isa lang ang hindi nila alam. They don't know my past, and they didn't have any connection with my past. At alam ko 'yon. I never met them before kaya imposibleng totoo ang lahat ng sinasabi naririnig ko ngayon.
"Hmm, let me see," kinuha niya ang iilang papel na nakapatong sa lamesa at muli akong hinarapan. Tila nanigas naman ako sa kinatatayuan ko simula nang makilala ko ang nasa larawan, "Filippo Maher, in association with La Jara Brotherhood and had transactions with Alzini de la Alpha... " natigilan siya at tinignan ako kaya napakuyom ang dalawa kong kamay.
"For business purposes. When did the transaction and negotiation occur? November 2015. That was six years ago right?" inilahad niya ang papel sa harapan ko at iwinagayway 'yon para ipakita sa akin na siyang ikinaiwas ko ng tingin.
"Isn't that the time you were aducted? The first time we met? As far as I remember, we were after you, pero natakasan mo kami. Tuluyan ka na sanang makakatakas not until some group of men in a black van abducted you instead and intentionally brought you to the brotherhood," itinapat niya pa ang bibig sa aking tainga kaya hindi ako nakagalaw, "Am I right, Serenity Gale?" napailing ako at tinignan siya kasabay ng kusa kong pagluha.
"No. Hindi nila magagawa 'yan," diretso kong saad.
"Evidences are here," pabagsak niyang inilapag ang mga hawak sa lamesa, "They really have made you believe into those lies. Since when they were kind to you, huh?" hindi naman ako nagsalita dahil naglalaban pa rin ang tiwala ko sa Alzini at ang mga pinagsasabi ng lalaking 'to.
Those evidences were all made up just to make me believe with everything they would say.
"They were so protective of you until you executed the plan to ruin the image of your father and husband, right? Pero nasaan sila ngayon at bakit hindi sila gumagalaw kung kailan mo pinaka-kailangan ng tulong?"
Nag-umpisa naman siyang ikutan ako habang sa sahig lang ang tingin ko. Hindi ko na alam kung sino ang nagsasabi ng totoo at kung sino ang dapat kong paniwalaan. This brotherhood did too much to me kaya ayaw kong maniwala, but what if... t-they were telling the truth? Umaasa pa rin ako na tutulungan nila akong makalabas dito katulad ng pangako ni Senyora pero parang umaasa na lang talaga ako sa wala.
I don't want to believe what this man is saying. Hindi pwede. Mabait sila at hindi nila magagawa 'yon sa akin. And I am so sure of it.
Sumandal naman siya ulit sa lamesa, "I will tell you the truth now and it's up to you kung maniniwala ka o hindi. Alzini was once our associate in underground business, just before they entered this kind of world. They were not convince by the whole organization of LaCosta that the rules were for the better of every organization kaya sa amin sila nakipagkasundo knowing the fact that we have the most reliable and unpredicted illegal schemes. And also, considering that we are under the most powerful Lo Zera cartel.
"They wanted to become powerful in just one go, kaya sa amin sila dumikit. And so, for the first job, our late boss commanded them not to attend LaCosta's gathering in Spain because they have a job to do. But instead, Alzini told their soldiers to do the work while Godfather, Senyora, their son and daughter would attend the party para hindi sila paghinalaan. LaCosta is one of our greatest enemy. Alzini sided with both dahil gusto nila ng kapangyarihan. Eventually, the Alzini mob had to assist us in abducting an innocent girl before completely joining hands with the brotherhood," mas lalo naman akong nanginig kaya mas hinigpitan ko ang pagkakakuyom sa dalawang kamay.
"Wanna know who was the girl?" tinapatan naman niya ako at kasabay noon ay ang muling pagtulo ng luha ko. Kaya kong pigilan ang ganito ngunit hindi ko magawa 'yon. I suddenly felt betrayed.
"It's none other than you, Serenity Gale. And so, they succeeded, kaya ka napunta dito noon. In short, they are traitors since they are greedy in terms of power, kagaya ng ginawa nila sa'yo. They used you, took advantage of you and everything. Kaya nga madali lang namin silang napaikot, dahil matagal din naming silang nakasama at alam na namin ang bawat kilos nila."
I could still remember every moment of that time. Kung paano ako kinuha, sinaktan, pinahirapan at kinaladkad papunta sa lugar na 'to, "In exchange, we have to give them power, and that's what they have right now. Kaya nga hindi nila magawang lumusob dito para kunin ka pabalik, dahil kukunin rin namin pabalik kung ano ang meron sila, and they can't sacrifice power over you," nginitian naman niya ako ng masama at dahil doon ay diretso akong napatingin sa kanya.
Tila may kung anong mabigat na bagay ang dumagan sa aking dibdib. Parang sinaksak ako ng maraming beses at paulit-ulit tinatamaan ng bala. Ayaw kong maniwala, at pinipilit kong hindi maniwala.
"They are afraid that we tell you the truth kapag binangga nila kami at mawalan sila ng kapangyarihan. Kaya huwag ka ng umasa na ililigtas ka nila, dahil sa amin nakasalalay ang kapangyarihan na meron sila. Hinding-hindi sila gagawa ng paraan para bawiin ka, since they already took advantage of your desire to ruin your family's image. Mga traydor sila, just like what the El Nostra's boss did. You wouldn't be able to escape if Liam Ardizzone didn't set you free after you murdered Filippo infront of his son."
"Do you believe me now?" diretso lang ang tingin ko dito habang tuluy-tuloy pa rin ako sa pagluha. I don't even know who must I believe. Basta ang alam ko lang, sobrang bigat na ng pakiramdam ko na tila sasabog ako anumang oras.
"I guess not."
"Papatunayan ko sa inyong hindi sila traydor. Mga sinungaling!" mahina ngunit may banta kong saad.
Pinunasan niya ang luha ko at ang tingin sa akin ay tila isang kaawa-awang musmos. Hindi ko na siya napigilan dahil sa magkahalong galit, lungkot at pagdurusa na nararamdaman ko, "If I were you, I would have chosen to help El Nostra instead. You could have gain a lot from them rather than Alzini. I know you feel betrayed dahil sa nalaman mo. You should forget what we did to you for the mean time. I will tell you our plans, and those plans are intended for you to find out kung kasinungalingan ba ang mga sinasabi namin o hindi. Wanna know?"
Umiling na lang ako, "Come on, they really deceived you, Serenity Gale," pinagtawanan naman nila ako, "I thought you were that smart to find out the truth. You were working for the wrong people whom you have your nightmares. Kung hindi dahil sa kanila, hindi ka mapupunta sa amin noon. Pag-isipan mo ng mabuti ang desisyon mo. Babalikan kita. Let's go boys," nilagpasan niya ako hanggang sa sumunod sa kanya ang mga kasamahan nito, "Sandali lang," saad ko na tumalikod para harapan sila.
Kahit naguguluhan at nahihirapan ako. Kahit magkahulong sakit ang nararamdaman ko. May parte sa akin na gusto at ayaw maniwala sa mga sinasabi niya. Did they really betray me or not? I wouldn't know not unless...
Pipigilan kong alalahanin ang nangyari noon, at aalamin ko ang totoo ngayon. Whoever I confirm telling the lie, I'll do whatever it takes to take them down. Mark my words.
I'm tired of trusting the wrong people. I'm tired of being betrayed by everyone. I'm simply tired of everything.
I might have been afraid of these people, but there's one thing I can assure. Though I often see lust from their eyes, never ever did they plan to succeed their desires. Napatingin ako sa pulang roba na nakabalot sa akin ngayon. Does it count that they could be telling the truth?
Tumigil siya at hinarapan ako. I hate those eyes to the point that I badly want to kill him, "I will prove to you that you are the worst people I've ever met in my entire life," banta ko. Isa sila sa mga taong pababagsakin ko pagdating ng araw. I will never believe their lies.
"Count me in, and I will show you na tama ako ng kinampihan," hamon ko pa.
Continua...