Maayos nitong minamasdan ang bilog na locket habang ang manipis at ginintuang tali noon ay wumawagayway dahil sa hawak niya lang ang mismong locket sa palad nito. Idinampi niya pa ang hinlalaki sa mismong mga nakakurbang salita sa locket kung saan mababasa ang salitang 'El Nostra.' Kasalukuyan siyang nakaupo sa isang couch habang nakasandal dito at suot pa rin ang isang puting long sleeves na nakatupi hanggang siko nito.
Maya-maya pa ay bumukas ang pintuan at pumasok ang isang pamilyar na lalaki kaya dito niya ibinaling ang tingin. Natanaw naman niya ang kanyang dalawang tauhan na nakabantay sa labas ng pintuan. Napansin niya ang hawak na itim na envelope ng lalaki pagkasara noon sa pintuan. Lumapit ang lalaki sa kanya para ihagis ang envelope sa lamesang nasa harapan ni Liam bago ito nagsalita, "Nandyan lahat ng nakalap kong impormasyon," sabay hawak ni Caze sa magkabila niyang baywang habang nakatayo pa rin. Halatang kakagaling lang din nito sa trabaho dahil sa suot niyang suit.
"So, what did you find out?" tanong ni Liam dito. Napako lang ang tingin ni Caze sa kanya bago nagbuntong-hininga at nagsalita, "It's confirm," saad nito sa tonong tila hindi nagwagi sa isang labanan at saka naupo sa couch na nasa tapat ni Liam.
Inilapag naman ni Liam ang locket sa lamesa bago kinuha ang envelope at saka 'yon binuksan. Minsanan niyang inilabas ang mga papeles na nakalagay doon at isa-isang tinignan. Nang mabasa ang bawat pahina ay kusang nagsalubong ang kilay nito, "When the whole organization of LaCosta had a large gathering at Feria Valencia, Spain... Alzini was not complete," napatingin naman si Liam kay Caze.
"What do you mean by that?"
"The names of the men in the list was complete in the event, pero hindi talaga ang mga taong nakalista sa listahan ang kasama ng LaCosta," dahil doon ay nagpalipat-lipat ng tingin si Liam sa papel na hawak at pati na rin kay Caze na halatang naguguluhan ito.
"I don't get it why— " natigilan si Liam at napako ang tingin sa kung saan habang hawak pa rin ang mga papel. Matapos ang ilang segundong pag-iisip ay bumalik ang tingin niya kay Caze, "Ibig mo bang sabihin, ang iilan sa kasama ng Alzini noon ay hindi totoong kasama sa organisasyon?" tanong nito na ikinatango ni Caze.
"Exactly, boss. Alzini hired people to replace their men. And those fake people listed the names of the true men kaya napagkamalan na sila 'yon pero hindi. They did that para walang makahalata na peke sila, and it was a success since required na magsuot ng maskara ang lahat."
"At para saan? What were their true soldiers doing that time para hindi dumalo sa pagsasalo? Were they missing? Or could it be that, something happened na ayaw ipaalam ng Alzini sa kabuuang organisasyon?"
Hindi siguradong napailing si Caze, "I think no. It was the Alzini itself who intentionally commanded some of their soldiers not to attend the LaCosta's gathering."
"Then? For what purpose?" muli namang binasa ni Liam ang mga nakasulat sa papel kahit halatang naguguluhan silang dalawa hanggang sa makita niya ang listahan ng mga pangalan, sa gilid nito ay may mga pirma.
"That was the list for every person who attended there. And I confirmed that it wasn't Alzini men's real signature, kaya ibig sabihin, hindi nga mga Alzini ang iilan sa mga kasama namin noon."
"Yet Senyora, Godfather, Alistair and Allison were there, tama ba?" saad ni Liam na ikinatango naman ni Caze, "Yep. Hindi na noon sumasali si Al sa pamilya niya kaya wala rin siya katulad mo," kinuha ni Caze ang bote ng wine sa lamesa at binaligtad din ang wine glass na nakapatong dito para gamitin 'yon, "At isa pa, alam naman nating lahat na simula umpisa, hindi na sinusunod ng Alzini ang gusto ng Elders," nagsalin siya sa baso at muling nagsalita si Liam, "Then, what could be their agenda?"
"Yan ang hindi ko pa alam, boss. I guess, you might be having a bit of idea about it," inilapag ni Caze ang bote sa lamesa at tinakpan 'yon bago kinuha ang baso. Bahagya niyang itinuro si Liam habang hawak ang baso at nagsalita bago uminom, "Since you already have pieces of information I provided for you."
"It was already six years ago I think, pero bakit ngayon lang 'to naungkat? I wasn't there that time yet you informed me na kumpleto ang lahat. Even the La Fierre org was there." -Liam
"The Elders knew na hindi ka makakapunta since you left El Nostra that time," dagdag ni Caze na ibinaba ang kamay habang hawak ang baso.
"Nagpaalam ako sa kanila kaya alam nila na hindi talaga ako makakapunta. I could even remember how bad they insisted for me to stay in the org, pero hindi ako nagpadala dahil ayaw ko ng patakaran noon." -Liam
"Did you ever notice something unusual that time?" dagdag pa ni Liam.
"No?" hindi siguradong sagot ni Caze.
Intensyong inilapag ni Liam ang hawak na papel sa lamesa bago tinignan muli ang kasama, "Ah, I knew it!" mahina ngunit may ngising saad niya.
"That was the time I joined La Jara Brotherhood just to hide from El Nostra, to my own father. And I was there when the brotherhood kidnapped an innocent girl... " napatingin ito sa sahig habang nagsasalita na tila inaalala ang lahat. Bahagya namang napayuko si Caze, ipinatong ang dalawang siko sa kanyang mga tuhod para lumapit kay Liam habang hawak pa rin ang baso.
"I hate that smirk of yours, Liam. But tell me, who's that innocent girl you're pertaining to?" seryosong tanong nito na tila hindi naging maganda ang pakiramdam sa naging sagot ni Liam at muling uminom.
Tinignan naman siya nito at nagsalita. Lumitaw na rin ang malapad niyang ngiti, "Who else? The general's daughter."
Dahil doon ay napako ang tingin ni Caze sa kanya at tila kusang umurong ang dila, "D-Do you mean... matagal mo ng kilala ang anak ng heneral?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"The past is being brought up to the present, I am intrigued now," kinuhang muli ni Liam ang locket sa lamesa at napasandal sa couch. Lumitaw naman ang ngisi sa kanyang labi habang maayos itong tinititigan, "I knew her long time ago since La Jara kidnapped her. She went through a lot in their hands, and she became a victim of their famous drug Ziothonol kaya nagawa nila siyang kontrolin," seryosong pahayag niya.
"D-Don't tell me, Liam... " lumapad pa ang ngiti ni Liam hanggang sa mapailing naman si Caze. Dahil doon ay ginaya ni Liam ang pagkakayuko ni Caze para tapatan ito at tumango, "Yes. I was the one who set her free, Caze."
Mas lalo namang natigilan si Caze dahil sa narinig, "No, you can't do such thing," pag-iling pa nito na tila hindi makapaniwala.
"But I already did." -Liam
"At bakit mo 'yon ginawa?" -Caze
"Me lending a hand will never be free, Caze. You clearly know me more than others. I did that for her to return me the favor."
Caze truly knows kung sino ang kaharap niya ngayon. At isa lang ang ibig sabihin ni Liam sa mga sinambit nito, "What must she do for you?" kinakabahang tanong pa ni Caze.
"Sacra Camorra," diretsong saad ni Liam habang halata ang pagkaseryoso sa kanilang mga mukha, "I want that secret society gone. Serenity Gale must provide me all information that I need in order to bring them down."
"Kaaway din sila ng La Jara." -Caze
"Exactly, Caze. Kaya nga La Jara ang nilapitan ko. I wanted to know their scheme. I did everything to gain the enemy's trust since that time, the enemy of my enemy is my friend. Minamaliit ng La Jara at Camorra ang El Nostra noon at magkalaban ang dalawang 'yon mula noon hanggang ngayon. Gusto nilang pabagsakin ang ama ko kaya nga pilit niya akong iniuupo sa pwesto niya na siyang tinanggihan ko. Kahit galit ako sa La Jara, sumali ako sa kanila para pabagsakin ang Camorra, at ipinangako kong isusunod ko sila pagkatapos. But I didnt' have an idea na idadamay nila ang isang inosenteng babae sa mga masama nilang balak. La Jara and Camorra are truly dreadful than LaCosta."
"Kung ganon... pumayag ba ang anak ng heneral sa gusto mo?" tanong ni Caze na sandaling ikinatigil ni Liam.
"Yes she did. Pero hindi siya tumupad sa usapan. She did everything to avoid La Jara at all cost, and even me who helped her out. Kaya nga La Jara at ako... " mas tinapatan pa ni Liam si Caze habang seryoso ang mga mata nito at unti-unting ngumisi, "Ang kahinaan niya, bukod sa tubig."
"Pero nakuha na nila siya," sumandal naman si Caze at nagbuntong-hininga. Nakuha na rin niyang luwagan ang neck tie na suot nito na parang nahihirapan nang huminga dahil sa mga naririnig at nalalaman niya, "Are you planning to save her from them, again?"
"Why do you think Alzini has not been doing anything to save her? Bakit tayo ang kukuha sa kanya mula sa La Jara?" -Liam
"I-I don't get it. Wala rin akong balita na gumagalaw sila lalo na't wala si Don Stefano at Senyora. Pinatawag raw sila sa main headquarters."
"Really?" ngumiti ng masama si Liam at muling sumandal.
"As far as I know, no one is present nor being called at the main headquarters," nagsalubong naman ang kilay ni Caze, "What?"
"You still don't know how Alistair Aendriacchi thinks. Masyado siyang matalino, kaya nga siya ang itinatapat nila sa akin. Kung ano ang ikinatahimik niya, 'yon din ang ikinadilim ng mga sikreto niya."
"W-Wait! Could you please tell me kung ano talaga ang nangyayari? Seems like you know everything, Liam," naguguluhang paliwanag ni Caze na ipinatong ang hawak na baso sa lamesa.
Binuksan ni Liam ang locket habang seryoso ang tingin doon, "Serenity Gale has chosen the wrong side since from the first place. May pagnanasa si Ali sa trono ni Don Stefano. I could still remember La Jara's words to those group of men when they kidnapped Gale. Ang mga lalaking dumukot kay Gale ay parte ng LaCosta," inilipat niya ang tingin kay Caze na kusa namang nanlaki ang mata dahil sa isinambit ni Liam, "If that time, Alzini's men were not complete, then there's a big possibility that Alzini was the one who kidnapped Serenity Gale and gave her to La Jara brotherhood."
"Paano mo naman nasabi 'yan?" hindi makapaniwalang saad ni Caze na nakuha pang matawa. Just because he witnessed how bad Alzini protected Serenity Gale.
"Marunong magpaikot ng tao ang La Jara, pero alam kong hindi lang basta-basta biro ang sinabi nilang 'yon. Kung sinabi nilang parte ng LaCosta ang mga dumukot kay Gale, then there's no doubt that it was all true, especially if some of Alzini's men were really missing that time in LaCosta's secret gathering. Why did they have to hire fake people to pretend as their men kung wala talaga silang ibang pinagkakaabalahan noon? And why did they have to do it secretly? Then to conclude, they didn't want anyone to know because they were negotiating with LaCosta's enemy, agree? The negotiation was done through abducting the general's daughter as Alzini's first mission in joining hands with La Jara," nang ipako niya ang tingin kay Caze ay tila unti-unti na ring nakuha ni Caze ang gustong sabihin ni Liam kaya muling nanlaki ang mata nito.
"Kung ganon... kaya ba hindi nila siya mailigtas ngayon?" hindi makapaniwalang tanong niya kay Liam.
"Once they save her, La Jara will tell her the truth. And that would spark for her revenge and rage against the Alzini. Tatalikuran niya ang Alzini kapag nalaman niya ang tungkol doon. Alzini is gaining her trust, remember? Once they lose her, everything's ruined. Yet once they save her, everything will also be ruined. They just entered the underground world, kaya ngayon hindi nila alam ang gagawin at nagtatago sila. Sinabihan na natin ang Alzini, yet nagmamagaling sila. Tignan natin ngayon kung ano ang magiging epekto ng mga palpak nilang plano. We already warned them not to put the general's daughter on the line, pero itinuloy pa rin nila. Keeping her hidden is all enough."
"I can't believe this," bulong ni Caze na napatakip pa ng labi gamit ang isang kamay.
"Then how about Alistair?" dagdag pa nito.
"That's what I'm also thinking... " isinara naman ni Liam ang locket kaya narinig ito sa buong kwarto lalo na't silang dalawa lang ni Caze, "It's impossible na wala siyang ginagawa para pagtakpan ang baho ng pamilya niya."
Continua...