Chereads / Bandage on Bullet Holes (LaCosta Saoirsa Initial Book) / Chapter 41 - Capítulo trinta e nove

Chapter 41 - Capítulo trinta e nove

Ano mang pilit na labanan ang hindi magandang pakiramdam ay hindi ko naman magawa kaya napasandal na lang ako sa dibdib nito habang buhat-buhat niya pa rin ako. I never expected for him to come in an unexpected moment where I am most of in need. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako, maiinis, masasaktan o magagalit dahil sa nangyari ngayon. Basta ang alam ko lang ay halu-halong emosyon ang nararamdaman ko.

Maya-maya ay naramdaman ko na ang malamig na simoy ng hangin. Ibig sabihin lang noon ay nasa labas na kami. Sinubukan kong imulat ang mata na nagawa ko naman at bahagyang natanaw ngayon ang malabong daan. Nasulyapan ko rin ang iilan sa tauhan ng Alzini na paniguradong isinama niya. Binuksan ng isang tauhan ang pintuan ng sasakyan nang makalapit kami doon hanggang sa iupo niya ako sa tabi ng driver's seat kaya napasandal na lang ako dito at isinara niya ang pinto.

Sanay ako sa tunog ng kamera at sa sunud-sunod nitong pagkislap pero hindi ko alam kung ano ang nangyari kanina at bigla na lang akong nahilo at nanghina ng ganito. Is it because of what happened last time kaya nagkakaganito ako ngayon? Napailing ako at napatingin sa harapan habang nanghihina.

No, it can't be. Baka kailangan ko lang talaga ng pahinga.

Nakatingin man sa harapan ngunit tanaw ko ang aking asawa sa mismong gilid ko habang kausap niya ang isa sa mga tauhan na siyang hindi ko marinig dahil sarado ang bintana. Dalawang itim na sasakyan lang ang nakapark sa likod ng studio kaya paniguradong pili lang ang mga isinama niya para hindi makakuha ng atensyon.

Kinuha ng tauhan ang kung ano sa bulsa nito at iniabot sa kanya. Nakita ko naman na bahagya itong yumuko bago siya tinalikuran ni Ali. Iniikot nito ang harapan ng sasakyan hanggang sa buksan niya ang pintuan ng driver's seat. Umupo siya dito at isinara ang pintuan.

Napansin ko na lang ang pagtingin niya sa akin. Kanina pa pala ako nakatitig sa kanya habang nakasandal pa rin ang aking ulo sa upuan ng sasakyan. Seryoso man ang tingin niya ngunit sa tagal naming magkasama, alam kong may bahid ng galit ang mga mata niya. Hindi ko alam kung dahil ba sa nangyari noon, o dahil sa nangyari ngayon.

Mas isinandal ko ang sarili sa upuan nang ilapit niya ang sarili sa akin para ilagay ang seatbelt na siyang nakalimutan kong gawin, "You always forget putting this on," saad niya na hindi ko lang pinansin o tinitigan man lang. I admit it, na palagi kong nakakalimutang isuot ang seatbelt at siya palagi ang nagsusuot nito sa akin.

Pagkatapos noon ay inilagay niya ang susi ng sasakyan para buksan ang makina at mabilis na pinaandar ito. Malungkot akong napangiti nang tila liparin ang sasakyan sa bilis ng pagpapatakbo niya rito. I got it. He's still mad. Ganito siya sa tuwing nakakaramdam ng galit at sanay na ako sa ganitong klasi ng ugali niya kaya hindi na rin ako natatakot sa bilis ng sasakyan. May tiwala pa rin naman ako sa kanya dahil magaling siya sa ganitong bagay.

My husband is a champion of car racing in Portugal.

Nang marating namin ang madilim na highway ay napahawak ako sa harap nang bigla niyang ihinto ang sasakyan sa tabi, "Since when?" dinig kong tanong niya kaya napatingin ako dito. Nasa harap ang tingin niya at maya-maya ay inilipat sa akin habang ang kaliwang kamay ay nakapatong sa manibela.

"Kailan ka pa nila ginaganito?"

Napalunok naman ako, "Wala ka ng pakielam doon," sabay tingin ko sa harap at nagkibit-balikat. Mas maganda na wala na siyang malaman tungkol sa buhay ko dahil alam ko rin naman na deserve ko ang mga nangyayari ngayon. Susubukan kong sarilinin hanggat kaya ko.

"Kung hindi ko pa tinignan ngayon, hindi ko malalaman? Then when are you planning to tell me the truth?!" hindi makapaniwalang saad niya kaya hinarap ko siya.

"You don't have to know. At may sinabi ba akong pumunta ka— "

"I don't need your explanation! Just answer me!" sigaw niya na siyang ikinatigil ko. Nagkatinginan kaming dalawa at sa tuwing nakikita ko ang mga nagbabaga nitong mata habang nakatingin sa akin na asawa niya ay hindi ko magawang masikmura pero pinilit ko pa ring makipagtitigan sa kanya. Namumuo na rin ang luha sa aking mga mata.

"Ano bang gusto mong malaman?!" pagtataas ko ng boses.

"I want the truth!"

Bahagya akong natawa, "Ali, there's no such thing as truth— "

"Don't test my patience, Erin! Ang pinakaayaw ko sa lahat ay yung pinagmumukha akong tanga! I need to know what I must know because I am your husband. Kaya sagutin mo ang tanong ko!" galit pa nitong saad.

There he is. His rage I never wanted. What hurts is that he's not the man I used to love anymore. He's becoming violent, hindi niya ako nagagawang sigawan date. And I think I know the reason why he's like this now.

"I tried to tell you... " kusa nang bumagsak ang mga luha ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa inaasta niya ngayon o dahil sa sinasabi ko. Maybe both...

"Sinubukan ko... pero hindi ka naman nakinig. Nilagpasan mo pa nga ako dba? At hindi ko na pinilit na sabihin kasi alam kong abala kayo... at ayaw kong maging sagabal sa mga plano niyo... " mabilis akong nagpunas ng luha at iniiwas ang tingin sa kanya.

Pinilit kong magmukhang matapang sa harapan niya dahil ayaw kong manliit sa tuwing nasa mansyon ako. Kasalanan ko bang mahina ang loob ko at nakakaya ko lang na maging malakas dahil iniisip ko ang anak ko? Hindi ko ginustong maging mahina.

That's right. I love him, but everytime I am in that mansion, I feel empty. Nanliliit ako sa tuwing kasama ko sila.

That is why I am trying my best to be the best among the best.

"We might be having conflict, Erin. Pero kahit kailan, hindi ka naging sagabal sa akin! And that will never change."

"That will never change but the way you act has already changed, Ali," sagot ko na tinignan siya.

"What do you want me to do?!" nailapit na rin niya ang mukha sa akin dahil sa galit, "To act normally infront of my family even though they know what you were doing all this time?!"

"How many times do I need to tell you na hindi ako nakikipagkita kahit kanino?!" napalakas na rin ang boses ko habang tuluy-tuloy sa pagluha.

If I could only tell you the truth why do I have to meet those guys secretly. But it is not what you think it is.

Bigla na lang niyang hinawakan ang isa kong braso, pero ramdam ko pa rin ang pagpipigil niya dahil hindi ako nasasaktan, "There were photos, Erin. So don't you dare tell me na wala kang iba bukod sa'kin. Am I not enough?" seryoso at galit nitong saad na diretso ang tingin sa akin.

Napatango na lang ako, "Oo, may kasama akong iba pero hindi ibig sabihin noon ay may lalaki ako! Could you please just listen to me once?!"

"Para saan pa? Just to hear you deny your own guilt, huh?"

"Yan kasi ang problema sa'yo! Ayaw mong makinig sa akin dahil wala kang tiwala tapos ngayon gusto mong marinig ang totoo?! Paano ko sasabihin eh ayaw mo ngang makinig?!"

"Look Erin, what I want is the truth from that company where you are working, not the other truth, understand?" paliwanag niya.

"I was harassed many times by my bosses! Happy?" diretso kong saad, "Sinubukan kong sabihin dahil alam kong malalaman mo rin naman. I fear to face your anger, Ali. Kasi yung mga hindi mo kayang gawin date, nagagawa mo na sa akin ngayon. And I understand because I am fully aware that you believe those photos rather than me."

It may look like it, but believe me, ni minsan hindi sumagi sa isip ko na lokohin ka.

Lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin, "I'm sorry," sabay yuko niya.

"I'm just afraid to totally break our marriage. That's why I never listened to you. I am scared to know the truth because the truth might make us more complicated, Erin. You know I can do everything to fix our marriage, right?" nakuha ko ring makita ang lungkot at pagkadesperado sa kanyang mata nang tignan niya ako.

"Then what happened back then?" saad ko pabalik, "You're accusing me for having someone yet ikaw din naman, dba?"

"Hindi ba nakiusap ako sa'yo na baguhin mo na lang yung plano kasi ayaw kong may nakakasama kang iba, because we're not yet okay and I'm uncomfortable seeing you with other woman!"

"Come on, Erin! All of that was just part of a plan!" depensa naman niya ngunit hininaan na ang boses.

"Kaya nga wala akong nagawa at pumayag ako kahit labag sa loob ko, right?! I know that you are a sweet person pero— "

"Pinagseselosan mo siya?!" hindi makapaniwalang tanong niya at nagtuluy-tuloy na ang pagtulo ng aking luha.

"Anong gusto mong maramdaman ko?! Matuwa?! Matuwa ako na gawin mo sa kanya yung mga ginagawa mo sa akin dati?! You're not fixing our relationship that way, Ali," hindi ako bulag para hindi makita ang mga bagay na 'yon. Praning na kung praning pero nasasaktan ako.

"I am always like that to everybody."

"Always sweet to anyone, I know," napatango na lang ako, "Alam kong ganon ka. But not to me anymore, at 'yon ang masakit dito," sabay turo ko sa dibdib ko. Ramdam ko ang bigat ng pakiramdam na mas lalong bumibigat dahil sa mga ginagawa niya.

"Then what do you want me to do to lessen your pain?" napatakip ako ng mukha gamit ang dalawang kamay at bahagyang napayuko. Agad ko ring pinunasan ang mga luha, sinuklay ang buhok gamit ang isang kamay at tumingala. Ibinaling ko na lang ang tingin sa labas, "If avoiding her will lessen the pain, you don't have to worry because she's not on our hands anymore," kusa akong napatingin sa kanya habang nakatingin naman siya sa daan.

I might not like her pero hindi ibig sabihin noon ay gusto kong may mangyaring masama sa kanya. I know Gale's situation. And I envy her for being this strong despite struggles passing by in her life.

"The enemy got her," dagdag pa nito na tinignan ako kaya muli akong umiwas ng tingin. Gustuhin ko mang itanong kung anong nangyari pero hindi sa kanya. I can't talk to him yet.

"I don't demand you to do anything for me, just take me home because my daughter is waitin— "

"Melody is in the mansion," nalipat ang tingin ko sa kanya habang nakatingin lang muli ito sa harapan, "Pinasundo ko na sila," dagdag pa niya. Hindi makapaniwalang natawa na lang ako at muling ibinaling ang tingin sa labas. Nagkibit-balikat ako at sumandal. Sinigurado niya pa talagang uuwi ako sa mansyon?

What is he up to?

"We can't fix this anymore, Ali. I don't know why you're acting this way. Just bring me to my daughter, at huwag mo namang ilayo ang loob mo sa kanya nang dahil lang sa problema natin," diretsong saad ko. Alam kong mali na pakiusapan siya tungkol dito, but I can be selfish for the sake of my daughter.

Hanggat kontrolado ako ng taong 'yon, wala akong magagawa kundi layuan ang sarili kong asawa... para sa anak ko. I don't deserve to be treated as someone special. Alam kong kapag nalaman niya ang totoo ay magbabago na ang tingin niya sa akin, kaya mas pinili ko ang sitwasyon namin ngayon.

Dinig ko pa ang pagbubuntong-hininga niya. Binuksan niya ang makina ng sasakyan at muli 'yong pinaandar ngunit hindi na kasimbilis ng pagpapatakbo niya kanina. If we still have grudge against one another, wala ring patutunguhan ang bawat pag-uusap namin if secrets are still being kept.

Me and my daughter, we have to get away with this.

Habang nasa byahe kami ay tumunog ang telepono nito na agad niya ring sinagot at nagsalita matapos ang ilang segundo, "Just do it. I'll make an alibi. For sure, they will believe me," bahagya akong napatingin sa gawi niya ngunit ibinalik ko rin agad ang tingin sa labas.

"They don't have to know. And no one must know. Immediately do it. We have no time," saad pa niya bago ibinaba ang hawak. Itinuon ko na lang ang pansin sa daan kahit na wala akong gaanong nakikita dahil sa dilim noon.

...

Nang marating namin ang mansyon makalipas ang kalahating oras ay mabilis akong bumaba mula sa sasakyan niya para pumasok sa loob. Kusa akong napangiti nang hindi inaakalang sasalubong sa akin si Van. May ngiti man sa labi ngunit alam kong may pinagdadaanan siya, "Welcome back!" inilahad pa nito ang buong braso at sinalubong ako ng yakap kaya napangiti ako at niyakap siya.

"I should be the one telling you that," bulong ko bago lumayo sa kanya.

"Did something happen?" pagtataka niya nang makita ang kabuuan ko. Paniguradong kalat-kalat na rin ang make up ko dahil sa pag-iyak kanina. Palipat-lipat naman ang tingin niya sa aming dalawa.

"Maybe some other time, she has to rest, Van," sagot ni Ali at hindi ko na lang siya tinignan.

"Oh yeah, I'm sorry. You should be resting, Erin. For sure, you're tired," saad ni Van sa akin kaya tumango na lang ako.

"No worries. Once I'm okay, we'll have to talk about lots of things," saad ko na nginitian siya.

Tumango naman ito, "Of course. Namiss pa naman kita, by the way," sabay turo nito sa taas habang nakatingin pa rin sa akin, "I saw your daughter, gusto mo bang tawagin ko ang yaya niya— "

Umiling naman ako, "No need. I don't want her seeing her mother in this kind of outfit and situation. I'll just check her later bago ako matulog. Sige, akyat na ako," tumango ulit siya kaya kahit gustuhin ko mang makipag-usap ay mas nangibabaw ang pagod ko. Nilagpasan ko na siya at dinig ko naman ang pagsunod ni Ali sa akin hanggang sa tahakin namin ang hagdan paakyat.

Nang makaakyat kami ay natanaw ko naman si Allison dahil magkatabi lang ang kwarto namin. Kakalabas lang nito sa kwarto niya at pinagtaasan ako ng kilay at hinarangan kami, "Pinasundo ang anak? Bakit, nasaan ba ang magaling niyang nanay? Lalaki ang inaatupag?" tanong nito na nagkibit-balikat pa at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Wala ako sa mood para dito, Allison," saad ko. Alam ko naman na simula nang makita nila ang mga pictures na 'yon ay nag-iba na ang pakikitungo nila sa akin.

"Really?" hindi makapaniwalang saad niya. Madalas akong umasta na malakas sa harap nila pero hindi ko magawa ngayon.

"Allison, stop," saad ni Ali. Ramdam ko naman ang pag-akbay nito sa akin kaya napasunod ako sa kanya na nilagpasan si Allison, "Nga pala kuya," natigilan kami hanggang sa harapan niya si Allison, "Sina mom at dad? Bakit wala pa rin sila hanggang ngayon?" naiinis man ako pero alam ko sa tono niya ang pag-aalala.

"They called me while we were on our way here. They can't come back now."

"Bakit daw?"

Allison is a daddy's girl kaya alam kong isang araw na hindi niya makita ang ama nito ay hindi na siya mapalagay.

"There's a problem in the org. And they don't want to let us know yet," nang hindi sumagot pabalik si Allison ay humarap ako sa kanya. Napayuko ito at tumango na lang, "Kapag malaki ang problema, hindi naman talaga nila tayo sinasabihan," itinuloy naman nito ang paglalakad pababa.

Sinundan ko ng tingin ang pagbaba ni Allison at may lungkot sa mga mata niya. Napatingin na lang ako ng kusa sa kwarto ni Gale. Tandang-tanda ko pa ang pagkatok niya sa kwarto ko noon. Knowing na naiinis ako sa kanya, she never hesitated to approach just for that matter.

I should feel guilty, but more to this family.

Hinawakan ni Ali ang braso ko kaya napatingin ako sa kanya. Aktong hihilain niya papasok sa kwarto namin ay nilabanan ko kaya napatingin siya sa akin, "Does Gale know about what Alzini did six years ago?" tanong ko na sandali niyang ikinatigil. I know he wouldn't expect me to ask the unexpected. Hindi naman siya nakakibo kaya alam kong alam na rin niya ang tinutukoy ko.

Tumango na lang ako dahil alam ko na ang sagot. Silence means yes but now is the opposite. Ibinalik ko ulit ang tingin sa kwarto niya.

Serenity Gale, if you only knew. Time will come, you will hunt Alzini once you have a taste of the truth. You shouldn't have sided with the villains of your past.

Hindi mo pa talaga kilala ang mga taong kinampihan mo. I was with them for a long time.

And this man beside me is not the man I used to know anymore. Patagal ng patagal, nakakaramdam ako ng takot sa kanya.

Continua...