"Could you do this pose?" ibinaba ko na lang ang kamay habang tinitignan ang cellphone ni Sir Ronald para ipakita sa akin ang pose ng isang modelong babae. We've been here for almost 30 minutes pero nakakailang shots pa lang kami. What makes it more uncomfortable to me is that... lahat ng mga staff ay lalaki, tapos pinaupo pa nila si Jane sa pinakasulok. Siya lang naman ang napagkukuhanan ko ng lakas ng loob dahil alam ko na sa tuwing katabi ko siya o malapit siya sa akin ay may kasama akong mapagkakatiwalaan.
Maraming harang sa aking harapan dahil sa mga naglalakihang kamera, light effects at camera stand na nakatayo doon kaya pasulyap-sulay lang si Jane sa akin mula sa sulok. Dalawa naman ang photographer. May isa ring nakatutok sa laptop habang nakaupo ito at may dalawang nakapaligid sa akin na siyang taga-ayos ng set tuwing may kailangan na gawing anggulo.
"Sure," napatango na lang ako at ginaya ang ipinakita ni Sir Ronald na siyang main photographer ng studio.
Ang tanging kasama ko lang ay ang silver na stool na siyang naging sandalan ko magmula pa kanina. Humarap ako sa gilid habang nakaupo ng kalahati para magmukhang nakasandal ako sa stool. Idiniretso ko ang kanang paa sa sahig, and willingly, I had to bend my left foot para ipatong ito sa stand ng stool.
Hindi man nila sabihin but it seems like they want me to emphasize my left leg. Ipinatong ko ang kaliwang kamay sa mismong upuan ng stool habang ang kabila naman ay ginawa kong panghagod sa buhok sabay tingin sa camera. Bahagya ring nakabukas ang robang suot ko dahil kailangan. I heard they want a fierce look kaya ganon ang ginawa ko. Nang magawa ko ng maiporma ang ayos na gusto nila ay narinig ko naman ang pagtunog ng isang kamera at ang mabilis na pag-flash noon.
Nang baguhan pa lang ako sa ganitong industriya ay nasisilaw pa ako ngunit sa ilang taon kong pananatili ay nakasanayan ko na. Pagkatapos noon ay narinig ko naman ang pakikipag-usap ni Sir Ronald sa kanilang direktor na siyang nakaupo habang nakaharap sa isang laptop.
I knew na may ibang pose nanaman silang gustong ipagawa sa akin. Though I did my own shots earlier, I know that they want something better than it kaya natatagalan kami ngayon, "Miss Erin," napatingin ako sa isang photographer na nasa gilid ko naman.
"Yes?"
"Own shots please, try po natin okay?"
Nang itutok na niya ang kamera sa akin ay gumawa na rin ako ng iba't ibang pose na maaaring pumatok sa panlasa nila. Sunud-sunod ang tunog ng kamera pati na rin ang pag-ilaw nito na hindi ko pinansin. Ang mahalaga ay matapos na 'to lalo na't ramdam ko ang init kahit na malakas ang hangin na nanggagaling sa electric fan. It's also intended for a windy effect.
Tinignan ko siya nang mapansin kong isa-isa niyang tinitignan ang mga kinuhanan niya sa kamera hanggang sa mapatingin siya sa akin at ngumiti, "Kahit saang anggulo, ang ganda niyo po. Napakagaling pa." Halatang siya rin ang pinakabata sa kanilang lahat at natutuwa sa trabaho niya ngayon. Binigyan ko na lang siya ng matipid na ngumiti.
"Kahit saang anggulo, ang ganda. Pero bakit kung anu-anong klasi ng pose pa ang pinapagawa niyo sa akin?" mainit na ulo kong bulong na ibinaling ang tingin sa ibang direksyon at nagkibit-balikat.
I am the only model in this industry considered as the perfect-for-the-frame model dahil ilang shots lang, may nakukuha na sila. Kaya kong sabayan ang kahit na anong gusto nilang pose na gawin ko pero bakit pagdating dito, parang may gusto pa silang ipagawa na hindi lang nila masabi ng diretso?
"Miss Erin!" napatingin ako kay Jane nang marinig ko naman ang boses niya. Bumungad sa akin ang pagdampi niya ng tisyu sa mukha ko habang nakangiti ito. Ganito naman palagi ang ginagawa niya, "Ang gaganda po ng mga pose niyo, bago 'yon ano? Yieee," pang-aasar niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Siya lang naman ang nakakaalam ng mga pose na madalas kong gawin. Yet naisip ko dati pa na kung iba-ibang magazine ang kumukuha sa akin, dapat iba-iba rin ang pose kaya pinag-isipan ko ng mabuti ang gagawin ngayon, pero hindi naman patok sa panlasa nila.
"I did all of my poses pero bakit hanggang ngayon, wala pa rin silang napipili? Ghad!" bulong ko sa kanya at nag-ikot ng mata.
"Baka po maraming shots niyo ang gusto nilang kunin at gusto nila, iba-iba ang anggulo?"
"Ang init pa naman!" reklamo ko pa kahit malakas ang hangin ng fan.
"Inom muna po kayo," sabay lahad niya ng bote ng tubig habang may nakalagay na straw doon. Tinignan ko pa siya kaya ngumiti siya ulit. Kinuha ko naman 'yon sa kanya at sumipsip mula sa straw.
"Okay, let's take another shot again," malakas na saad ni Sir Ronald kaya pumwesto naman ang lahat. Ibinigay ko kay Jane yung bote kaya mabilis siyang umalis para bumalik sa sulok.
Pumunta si Sir Ronald sa aking harapan kaya napatingin ako sa kanya, "Miss Erin, napag-usapan namin ng direktor na sayang naman kung walang makikita hindi ba?" sabay tingin nito sa akin mula ulo hanggang paa.
"So?" tanong ko na pinagtaasan siya ng kilay.
"So we suggest for you to show just a little bit part of your body," bahagya naman akong napangiti ng masama. This is what I'm talking about.
"If that's the case, fine," saad ko na tuluyang hinila ng isang kamay ang pagkakatali sa roba na suot ko. Ramdam ko ang pagluwag nito sa aking katawan, "And the magazine seeks to emphasize a lady's undergarment," dagdag pa niya.
Lumapad naman ulit ang ngiti sa labi ko, "And that means, you're saying that I have to remove the robe? Though it's not on the contract?" tanong ko pabalik dito.
Tila naglinis naman ito ng lalamunan bago muling nagsalita, "Yes, it's not on the contract but we think that emphasizing the company's products through you will make everything— "
"Fancy, and pleasing," tuloy ko na ikinatigil niya.
Nagkatinginan naman silang lahat kaya ganon na rin ang ginawa ko, "Alright. I will do whatever's pleasing and eye-catching to the magazine and for the product itself pero hayaan niyong ako ang magpakita ng gusto ko lang ipakita," pagdidiin ko pa sa huling salita.
"All settled then, let's take the shots," saad niya sa mga kasamahan nito.
"Good luck!" saad pa niya na nginitian ako bago tinalikuran. Inayos naman ng iba ang lighting na nakatapat sa akin. Hindi nagtagal ay may isang lalaking lumapit sa akin para ayusin ang buhok ko kaya pinigilan ko siya, "It's okay. Kaya ko na," bahagya siyang yumuko at lumayo sa akin.
Hindi lang talaga ako komportable na isang lalaki ang nag-aayos sa akin. Si Jane kasi, ayaw nilang palapitin. What could be their problem? Sinubukan niyang lumapit kanina para ayusan ako pero pinigilan nila siya dahil makakaabala lang daw. Like what, she was supposed to be doing me a retouch pero anong inaarte nila? Mga lalaki pa naman.
Nang makapag-adjust na sila ay mabilis kong ibinaba ang roba na suot kaya lumitaw ang suot ko sa pang-itaas. Ramdam ko na rin ang hanging binabaybay ang aking leeg hanggang baywang kung hanggang saan ko ibinaba ang roba. Habang nakaharap sa gilid ay ipinatong ko ang dalawang kamay sa likuran kung nasaan ang stool habang nakasandal ako roon, at ganon pa rin ang porma ng paa.
Pagtingin ko pa lang sa kamera ay tumunog na ang mga ito at nagliwanag. Nakailang pose pa ang ginawa ko hanggang sa magsalita ang direktor, "The shots are almost perfect, could you please," sabay turo nito sa kaliwang binti ko, "Show just a bit more," nakita ko pa ang dalawang daliri nito na tila pinapakita sa akin ang depinisyon ng salitang konti.
Nagpumilit naman akong ngumiti at hinila pataas ang suot na roba kaya lumantad sa kanila ang buong binti ko. This is way too far. Hanggang dito na lang 'to. I didn't sign the contract and offer for this. Naririnig ko naman na sunud-sunod na ang pagtunog ng mga kamera habang hindi ko na alam kung saan ibabaling ang tingin lalo na't iniikutan na ako ng dalawang photographer. Nakuha pang lumuhod ng isa at hindi ko na alam kung saan talaga nakatutok ang kamera.
"Uhmmm, sandali lang po," dinig kong saad ni Jane. Alam kong alam na rin niya ang sitwasyon ko. Unti-unti na akong nakakaramdam ng pagkahilo, as those memories came by.
"Miss, huwag ka na munang makisali. Nakakaabala ka sa photoshoot," dinig kong saad ng direktor.
Sinubukan kong tignan si Jane pero hindi ko na magawa dahil sa sunud-sunod na pag-ilaw at pagtunog ng mga kamera. Sanay ako sa ganito, pero alam kong iba na ang pinaparating nila ngayon. Napansin ko na may tatlong nakasabit na kamera sa magkabilang gilid at gitna. Nang humarap ako ay tuluy-tuloy na nagflash ang mga 'yon kaya mas lalo pang umingay.
Napansin ko na lang na hawak na ng isang lalaki si Jane at pilit itong hinila papalabas habang sumusulyap sila sa akin. Kitang-kita ko ang mga mata ni Jane na puno ng pag-aalala hanggang sa magsara ang pintuan.
"Jane," aktong hahabulin ko siya ay naramdam ko na lang ang paghawak ni Sir Ronald sa isa kong braso. Masama itong ngumiti at tinignan ako mula ulo hanggang paa, "Let go of me," saad ko na inalis ang pagkakahawak niya sa akin.
Aktong lalagpasan ko siya ay bigla na lang akong napasalampak sa sahig nang sipain niya papunta sa dinaraanan ko ang stool kaya humarang 'yon sa daan at tumama ang heels ko sa stand nito na siyang ikinabagsak ko. Habang nakalagay ang dalawang kamay sa malamig na sahig ay hindi ko na alam kung anong nangyayari sa paligid lalo na't humarang ang aking buhok sa buong mukha ko.
I want to be blind at this moment.
"You're way too perfect, Erin Clemente," tanaw ko ng konti ang pag-upo niya para tapatan ako at binulungan sa tainga, "If you just know how bad we want to taste you right now while all cameras here are automatically clicking themselves," kusang napakuyom ang mga kamay ko at napapikit. I am just doing this for my daughter. I knew the consequences yet bakit tinuloy ko pa rin?
Napalunok ako nang maramdaman ang kamay nitong unti-unting hinahaplos ang aking binti pataas hanggang sa maramdan ko ang kanyang paghinga nang lumapit pa siya at inamoy ang buhok ko. Tuluy-tuloy pa rin ang pagtunog ng mga kamera at ang liwanag na nanggagaling dito. Kinuha niya ang iilang hibla ng aking buhok at inilagay 'yon sa likuran ng aking tainga kaya tanaw na niya ang aking mukha na ngayon ay nakatanaw pa rin sa sahig. Napapikit ako nang makitang unti-unti niyang inilapit ang mukha nito papalapit sa aking leeg hanggang sa marinig namin ang malakas na pagbukas ng pintuan.
"Who's that?" sigaw niya na napatingin doon. Hindi naman ako makagalaw dahil sa sakit ng aking binti bunga ng pagkakabagsak ko kanina lalo na't naka-heels pa ako.
"Sir, sinubukan po namin silang pigilan pero nagpumilit pumasok!" sigaw nang kung sino.
Maya-maya pa ay natahimik ang paligid. Nagtataka man ngunit hindi ko na inalam ang nangyayari dahil nahihilo ako sa ginagawa ng mga kamera na patuloy pa rin sa pagliliwanag at pag-iingay hanggang ngayon, "And who are you to enter our company without permission?!" sigaw pa ng direktor. Napatayo na rin ang lahat habang nakaharap sa pintuan maliban sa akin.
"I am your model's husband," sandali akong natigilan sa boses na narinig ko hanggang sa kusang manlaki ang mata. It's familiar. And how will I forget that voice?
"W-what?" utal na tanong ng direktor.
Unti-unti ko namang inilipat ang tingin sa kanya hanggang sa tila tuluyan akong mawalan ng lakas nang makumpirma ko na totoo nga. Kasama pa nito ang iilan sa mga tauhan ng Alzini, "Não deixe aquele homem chegar perto de mim, his faces makes me vomit blood," saad niya sa mga tauhan nito at tumama ang matatalim niyang tingin sa akin. Hindi na rin ako nakagalaw sa pagkabigla at mabilis na nag-iwas ng tingin sa kanya.
(Don't let that man near me, his face makes me vomit blood.)
Anong ginagawa niya dito? Sinubukan kong madaliin ang sarili sa pagtayo pero hindi ko nagawa. Narinig ko na lang ang mga yapak niyang papalapit sa akin na mas lalo kong ikinatuliro. Bahagya siyang napaupo para tapatan ako at nang hawakan niya ako sa braso ay mabilis akong napaiwas, "Ano bang ginagawa mo dito? Hindi kita kailangan," saad ko.
Biglang napako ang tingin ko sa kanya nang hawakan ng isa niyang kamay ang magkabilang pisngi ko na tila pinipisil ito. Ganon man ang kanyang ginawa ngunit hindi naman ako nakakaramdam ng sakit, "Don't you dare get mad at me, Erin. Whether you like it or not, iuuwi kita sa mansyon ko," seryosong saad niya.
Hindi na lang ako nakakibo hanggang sa ibaba niya ang kamay. Unti-unti niyang tinanggal ang heels na suot ko at inilapag sa tabi. Itinaas na rin niya ang suot kong roba hanggang sa leeg na parang binalutan muli ako bago niya itinali ang ribbon nito.
"I always want to see you in gold, but not like this, my Erin," saad pa niya na dahan-dahang tinanggal ang suot kong hikaw, kwintas, bracelet at singsing at saka inihagis 'yon sa kung saan.
Naramdaman ko na lang na unti-unti niya akong binuhat bago siya tumayo. I smelled it again. My husband.
Continua...