Dizzy, I found myself inside a suffocating place.
Parang umiikot ang paligid habang napapalibutan ako ng kulay pulang liwanag. Hindi na kasinlaki ng kwartong ito ang pinanggalingan ko kanina lang kung saan ko nakausap ang pinuno nila. Hindi ko rin alam kung paano ako napunta dito.
This place is really suffocating, bukod sa maliit ay dalawang tao lang ang kakasya. And speaking of people, malabo kong natatanaw ang isang babae sa aking harapan. Ni hindi ko maipaliwanag kung bakit nagagawa kong ngumiti ng mag-isa na parang nawawala na ako sa sarili. Ramdam ko rin ang malamig na pader kung saan ako nakasandal at 'yon lang ang nagiging gabay ko sa mismong kinatatayuan ko.
Tinanaw ko pa ang papalapit na kamay ng babae sa akin habang may hawak siya na kung ano. Naibabaling ko na rin ang ulo sa magkabilang paligid dahil sa isang hindi maipaliwanag na dahilan. I badly want to feel down, yet my body is telling me the opposite. Ramdam ko ang lungkot pero mas ramdam ko ang pagkaginhawa.
Naramdaman ko na lang ang pagkalagay ng kung anong bagay sa dalawang tainga ko. Maski ang leeg ko ay sadyang napakabigat dahil sa kung anong nakasabit dito, "W-Who are you?" bigla kong tanong sa babae.
Natanaw ko pa na natigilan siya. Naramdaman ko ang dalawa nitong kamay na inilapat sa magkabilang pisngi ko at itinapat sa mukha niya kaya kahit napapapikit ako ay nakikita ko pa rin siya ng maayos, lalung-lalo na ang masamang ngiti sa mga labi nito.
Pinilit kong titigan siya ng diretso at ang pinakauna kong napansin ay ang pulang labi nito, "Such a beauty," tinignan niya ako mula ulo hanggang paa kaya ganon na rin ang ginawa ko lalo na nang maramdaman ang init dito sa loob dahil sa sobrang liit ng kwarto.
Ilang beses pa akong napapikit habang natatanaw ang sariling katawan na halos wala ng suot. W-Wait! W-What?! Nanlaki ang mata ko nang mas makita pa ito ng maayos kahit napapapikit ako ng kusa dahil sa pagkahilo. Naaninag ko ang isang full body size na salamin sa likuran ng babae kaya sapilitan ko siyang itinulak sa tabi para mas makita pa ng maayos ang sarili ko.
Is this just an illusion? If yes, I could freely breath. Mas gugustuhin ko pang ilusyon lang talaga ang lahat ng 'to kaysa malaman na totoo.
Napahawak ang mga kamay ko sa magkabilang gilid ng maliit na lamesa habang maayos na tinitignan ang aking kabuuan. Sa pag-aakalang ilusyon lang ang lahat ay napapikit ako at napailing, umaasang sa pagmulat ko ay magising ako sa katotohanan at wala na ako sa ganitong sitwasyon. Nang unti-unti akong magmulat ng mata ay wala pa ring pinagbago sa paligid hanggang sa marinig ko ang mahinang pagtawa ng babae kaya hinarapan ko siya.
"Don't waste such sexy body," unti-unting niyang itaas ang isang kamay nito para hawakan ang isang pisngi ko kaya diretso akong napatitig sa kanya na ngayon ay nakangiti, "Once you enjoy everything here," bahagya pa siyang lumapit para bumulong sa tainga ko, "You won't regret even a single satisfaction you have given to them," muli siyang lumayo kaya nagkatinginan kami.
"Don't depend on anyone here. Walang tutulong sa'yo dito. Not even well known mafiosos know about this place, not unless someone here speaks about the location. Kaya kung gusto mo talagang makalabas dito," inilagay niya ang iilang hibla ng aking buhok sa likuran ng aking tainga, "Choose one of La Jaras."
"You think I would do that?" hindi makapaniwalang tanong ko na nakuha pa siyang ngisian.
"If that's the only way, why not? Choose the best, my dear Serenity Gale. Sila lang ang may kakayahan na ilabas at ipasok ka dito," matapos niyang sabihin 'yon ay mas lalong lumapad ang ngiti nito at tinalikuran ako. Binuksan niya ang pintuan at nakuha niyang tumingin sa gilid nito nang matigilan siya, "You should remove those contact lenses, hindi makakatulong sa pagtakas mo," dagdag pa niya bago nagsara ang pintuan.
Doon ko lang din napansin na magkapareho kami ng suot. Puno siya ng pulang accessories sa katawan nito, maski ang pulang suot niya na tanging tinatakpan lang ang maseselang parte ng katawan nito. Naiwan naman ako dito sa loob at muling napatingin sa salamin.
I-I'm just wearing a red and glittered undergarment. Nababalutan din ako ng mga pulang palamuti sa katawan. No wonder why it feels so heavy. Red earrings, red necklace, red lace gloves and red heels. Puno rin ng iba't ibang klasi ng pang-ayos sa aking harapan. No doubt that the girl earlier was the one who had to put a make up on me.
Lahat ay kulay pula pati na rin ang kwarto kung nasaan ako. It feels suffocating to the eyes. Muli akong napahawak sa magkabilang gilid ng salamin at kusang napayuko. Huli na nang mapagtanto ko ang pagkabasa ng aking pisngi. Tinignan ko ang sariling mukha sa salamin at ngayon ay nagtutubig na aking mga mata.
Why do I have to experience something like this? Ayos na ako sa kanila. I am okay all alone in the Alzini's lair. Why did everything end up like this? I thought they wouldn't give me to them pero paano ako napunta ulit sa kamay nila? I did everything to escape dahil ipinangako ko na hinding-hindi na mauulit ang nangyari noon. But it seems like I have to be under controlled by someone again. What a miserable life this is. I thought, everything would pay off once I ruin my family's reputation but it all somehow became worse.
Seryoso kong tinignan ang sariling mata sa salamin at unti-unting pinunasan ang mga tumulong luha. I will still hold on to their promises. I will hold on to Van's promises na wala akong dapat na katakutan, because I got Alzini's back. Katulad ng sinabi ni Senyora sa akin.
I trust them, and I still trust them until now, even being in this kind of situation.
Pero kung gugustuhin ko talagang makalabas sa lugar na 'to. Then, I have no choice. For now, there's no one beside to guide me. I have to protect myself and do all means, even if I have to repeat that crime again.
Dahan-dahan kong itinaas ang dalawang kamay para abutin ang mga mata ko, I slowly removed my contact lenses. Nang matanggal ko ang isa ay inalis ko na rin ang sa kabila at maayos na tinignan ang aking mga mata. Nang mapansin ko ang isang maliit na lalagyanan sa tabi ng mga pang-ayos ay kinuha ko 'yon para ilagay ang contacts at muling isinara 'yon para maipatong sa tabi.
I undoubtedly took one red lipstick at binuksan 'yon. Kusa akong natigilan bago ko pa man naipahid 'yon sa aking labi. Napatingin ako sa sarili kong mata habang sunud-sunod na tinatanong ang aking sarili.
Do we really have to do this? There might be another way para makalabas ako sa lugar na 'to, dba? Pero kailangan kong magpanggap na napapasunod nila ako para makahanap ako ng paraan sa pagtakas. Relax, Serenity Gale. You just have to pretend, never would you have to satisfy anyone here.
I hesitated at first hanggang sa madiin kong ipinahid 'yon sa aking labi at ikinalat pa 'yon gamit ang isang daliri. Kusa na lang akong napatingin sa pintuan nang biglaan itong bumukas at bumungad sa akin ang isang pamilyar na lalaki. Siya lang naman ang walang habas na naglublob sa akin sa tubig. He's none other than Trevan.
Sinalubong niya ako ng isang malapad ng ngiti at wala sa pagdadalawang-isip na tinignan ang aking kabuuan. Nakita ko naman ang isang pulang tela na nakapatong sa lamesa at mabilis 'yong kinuha para ibalot sa sarili ko. Aktong ilalagay ko 'yon sa aking likuran ay napatingin ako sa kanya nang mabilis niyang hablutin ito, "You're not allowed to be seen wearing this thing. Everyone must see your everything," saad pa niya na inahagis 'yon kung saan ko kinuha.
Bigla na lang niya akong hinawakan sa braso at hinila palabas kaya kahit pumalag ako noong umpisa ay hindi maikakailang mas malakas siya kumpara sa akin. Hinila niya ako papunta sa kung saan kaya napupunta naman sa amin ang atensyon ng mga tauhan nila at ng mga tao sa loob ng club.
Ramdam ko ang init ng pagtitig nila sa akin at sa tuwing nararamdaman ko ang mainit na palad na dumadampi sa katawan ko ay mabilis akong umiiwas. Kahit anong pilit kong lakasan ang loob ay hindi ko magawang itago ang panginginig dahil sa takot.
Naririnig ko rin ang pagpito ng iba sa tuwing dumadaan kami sa tapat nila, "Trevan Voise!" natigilan kami sa pagsalubong ng isang lalaki. Pormal ang suot nito at may dalawang lalaki sa gilid niya na halatang bantay niya ang mga 'yon.
"Mr. Heince, I'm glad that you were able to visit the club!" salubong ni Trevan habang nakahawak pa rin sa akin. Kinuha ko naman ang pagkakataon para maghanap ng daan palabas habang kitang-kita ko pa rin ang pagtitig ng iba sa akin.
"I'm here for the big boss. We have to discuss some matters, yet I was informed that he will be dealing with another business, so I guess, eenjoyin ko muna ang oras ko dito. Ayaw ko namang masayang ang oras na inilaan ko para lang makapunta dito at makausap siya, especially to visit the best club."
"Well you should, Mr. Heince. Big boss will be dealing with some tigress," ibinalik ko ang tingin sa kanila na ngayon ay parehong nakatingin sa akin, lalo na si Trevan. Napansin ko naman ang kausap nito na tinignan ako mula ulo hanggang paa, "What a beautiful lady," saad nito na hindi ko pinansin, "How much is she?" tanong pa niya kaya biglaan akong napatingin sa kanya.
"Pardon but she's not for sale," sandaling natigilan ang lalaki na tila binabasa ang isip ni Trevan, "Is she the one your boss is dealing with? As far as I know," binalingan niya ako ng tingin, "La Jara Brotherhood is always willing to share what they have, but if they restrict what they have, it is only for the big boss," sabay ngisi nito. Ganon na rin ang ginawa ni Trevan.
"You never failed to impress us with your thoughts sir. And you're right, which is why I am bringing the tigress to the VIP room," inilahad naman ng lalaki ang kamay nito sa daan.
"Kahit gusto kong unahan ang boss mo, I never intend to deal with him regarding unacceptable matters. I know what kind of brotherhood you are," pahabol pa niya kaya bahagya silang tumabi nang dumaan kami. Iniiwas ko rin ang tingin sa kanya dahil alam ko ang pagnanasa niya sa akin. Ramdam ko rin ang pagtitig niya sa buong katawan ko nang dumaan kami ni Trevan.
Nang makalagpas kami sa hallway ay hinawakan ng kasama ko ang pulang kurtina na nakaharang sa daraanan namin. May nakabantay rin doong dalawang lalaki hanggang sa senyasan niya ang mga 'yon para sumunod sa likuran namin. Katulad ng lalaki kanina ay ganoon rin ang tingin ng dalawa sa akin. Hindi ko na lang itinuon ang atensyon sa mga taong nakakasalubong ko dahil mas lumalakas ang kabog ng dibdib ko sa tuwing natatanaw ang mga mata nila.
Sa pinakadulo ay may isang bakal na pintuan na siyang naiiba sa lahat. Halatang hindi basta-basta nakakapasok ang mga tao dito dahil sa kandado at kadenang nakalagay dito. Binitawan ako ni Trevan at may kinuha sa bulsa nito bago hinawakan ang kandado at binuksan 'yon. Nang bahagyang bumukas ang pintuan ay hinarapan niya kami para tignan ang dalawa lalaki sa likuran ko.
"Guard well, boys," tinalikuran kami ng dalawang lalaki at humarang sila sa gitna katulad ng sinabi niya. Napunta sa kanya ang atensyon ko nang muli niya akong hilain papasok sa loob. Nagawa ko pang magpumiglas nang mapansin ang pababang hagdanan bago tuluyang nagsara ang pintuan pagkapasok namin doon. Hinawakan ko pa ang door knob nito para pihitin pero pilit niya akong iniharap sa kanya, "Well well, don't be a bad girl now," nakangising saad nito kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Hindi ako nagdalawang isip na sipain siya sa pagitan ng mga hita nito ngunit mabilis niya 'yong naiwasan. Naramdam ko na lang ang aking sarili na nakaharap sa pader habang nasa likuran ang magkabilang kamay at hawak-hawak niya. Malalim akong huminga dahil sa pagkahingal. Naramdaman ko ang lapit ng bibig niya sa mismong likod ng tainga ko, "Kung hindi ka namin mapapasunod sa gusto namin, pipilitin ka namin sa kung ano ang gusto naming gawin mo," muli akong nagpumiglas pero mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa dalawang kamay ko.
I slowly felt his bare hand roaming around my waist kaya napapikit ako. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang labi nito sa mismong gilid ng leeg ko kaya pilit akong umiwas sa kanya na nagawa ko naman dahil napalayo siya sa akin. Marahas niya akong iniharap sa kanya hanggang sa magtama ang mata namin.
Ramdam ko naman ngayon ang malamig na pader sa aking likuran, "Don't you worry, hindi ako ang magpaparusa sa'yo. You deserve a worse punishment from a worse person than me. But before he punishes you, ipapakita muna kita sa kanya," matapos noon ay muli niya akong kinaladkad sa pababang hagdanan.
"Just let me go!! Wala kayong mapapala sa akin!" daing ko na inaalis ang pagkakahawak niya sa akin ngunit hindi siya nagpatinag.
Natigilan kami nang makarating sa pinakababa kaya napatingin ako sa magkabilang-daan kung saan walang tao. Kumpara sa pinanggalingan namin kanina, mas gugustuhin ko pang manatili doon kaysa sa lugar na 'to. May mga pulang ilaw na nakasabit sa buong hallway. Sa magkabilang-dulo ay may mga pulang pintuan. Sobrang tahimik ng lugar at maski ang maingay na club kanina ay hindi ko magawang marinig.
It's really true that silence screams more. Nakakabingi ang katahimikan.
Kinaladkad niya ako papunta sa kaliwa at muling natigilan sa tapat ng pintuan nang marating namin ang dulo. Hinawakan niya ang door knob para pihitin hanggang sa bumukas ito at marahas niya akong itinulak papasok sa loob.
Ang kwarto ay hindi katulad ng inaasahan kong sasalubong ulit sa akin na may isang pulang ilaw, bagkus ay isang nakasabit na puting ilaw ang natagpuan ko. Sa tapat noon ay may isang lalaking nakahiga. May takip ang gilid nito na halatang may sugat siya roon. May mga bahid din 'yon ng dugo na halatang hindi pa rin tumitigil sa pagdurugo ang sugat niya at may ilan ring nakatusok sa katawan nito.
Nang lumibot ang aking paningin sa buong katawan nito ay natigilan ako sa mukha niya nang unti-unti ko siyang makilala. Kasabay noon ay narinig ko ang pagsasara ng pintuan kaya napatingin ako kay Trevan na ngayon ay nakangising nakatingin sa akin at napasandal sa pintuan. Inilipat niya ang tingin sa lalaking nakahiga at walang malay kaya ganon na rin ang ginawa ko.
"You should have shot him on his head so the pain will easily be gone rather than witnessing his pain," saad niya. Inobserbahan ko ang mukha nito na ngayon ay namumutla hanggang sa napalunok ako at napayuko.
"Why don't you bring him to the hospital?" mahina ngunit diretso kong sabi.
I don't want to admit this but I feel guilty. Hindi ko rin inakala na magagawa kong iputok ang baril sa kanya, I already warned him yet he insisted. It's his fault kung bakit ganyan ang sitwasyon niya ngayon.
"Bringing him there means risking more of his life," nagawa ko naman siyang tignan.
"N-No one knows about your illegal works. Afraid of the people from the hospital?" tanong ko.
"People with tattoos are usually regarded as criminals. What do you think will happen once they see us? Hindi na namin kailangang magpanggap," bahagya itong natawa, "We'd rather die than being judged by the st*bborn society we live in, isn't it the reason why you're mad with the general?"
"Even someone like them are just like you," diretso pa rin ang tingin ko sa kanya, "The ones who are supposed to be protecting the people are the reason why people are being killed. Wala silang pinagkaiba sa inyo, pare-pareho kayo," dagdag ko pa.
Who's the criminal and the real victim? Sino ba talaga ang kakampi at kaaway ng mga tao? Is it the seen or the unseen?
"Then what about you?" sandali akong natigilan sa sinabi niya.
"You're also like us, aren't you? That man in front of you," tinignan niya 'yon kaya ganon na ring ang ginawa ko, "Is none other than Colton Maher... " ang paninigas ko naman sa mismong kinatatayuan ang siyang sumalubong sa akin nang marinig ko ang pangalan niya.
A-Anong ibig sabihin nito...
"He was there six years ago watching your pain on our hands. He completely initiated joining the brotherhood since he witnessed his father being killed infront of him," unti-unti akong mas nanginig at napailing dahil doon.
N-No...
This can't be...
"You are the criminal he has long been hunting for. And what do you think will happen once he wakes up seeing the killer of his father right infront of him?" naramdaman ko na lang ang mainit na paghinga ni Trevon sa mismong likuran ko habang napako ang tingin ko sa lalaking nakahiga.
"The boss won't let you go this time, you should be preparing, for the worst time of your life is yet to come," bulong nito at ramdam ko sa tono ng pananalita niya ang magkahalong galit at pagkatuwa. Under the big boss, there he is, the boss who is laying on the bed with the pain I've given to his life. Ang mga sumunod pa nitong sinabi ang kusang nakapagpahina sa akin, "And we'll get rid of whoever comes in our way, and that includes the Alzini and El Nostra."
N-No... H-He can't wake up... Hindi siya pwedeng magising.
I never wanted to do it.
I had no choice.
I am not a murderer.
Believe me... please.
Napako ang tingin ko sa mismong sugat nito hanggang sa tuluyan na akong nanginig at nahirapang huminga. Napahakbang na rin ako paatras habang napapailing.
Naramdaman ko na lang ang dalawang palad ni Trevan na dumapo sa mga balikat ko, "You, murderer," bulong pa nito na siyang nakapagpahina ng husto sa akin. Kung hindi niya ako hawak ay nawalan na ako ng balanse.
Colton's bandage on bullet holes was all my deed.
Continua...