"Good evening to all of you," natahimik ang lahat nang magsalita si Philip sa harapan.
"Well, I don't clearly have an idea what to say and how to respond right now. Many of you asked me kung bakit hindi pa ako nagsasalita sa harapan ninyong lahat when the main celebrant has to speak in front before the commencement of the party. Despite of your busiest schedules, you did not even think twice to attend this huge celebration of mine and celebrate with me on my special day. Ang araw na ito ay isa sa mga pinakamahalagang araw sa buong buhay ko. We have been through struggles in politics, social and personal life. We have been betrayed... and sunk down through the depths of the water. You may even think that I am the luckiest man in this world but actually not. Just like any other ordinary man out there, I want this day to be memorable but I can't... since I've been betrayed... " sandali siyang natigilan, "By my own wife," napayuko siya at doon naman nag-umpisa ang bulungan.
"What happened, Senator?" tanong ng isang babae sapat na upang marinig ng lahat at mapatingin sa kinaroroonan nito. That's the time when my dearest husband had tears from his eyes. Nagkibit-balikat na lang ako at hindi makapaniwalang napangiti. Alzini was right. They would make it look believable. Ngayon lang umiyak ang mapagmahal kong asawa sa harap ng mga tao. He's trying to get their sympathy at baligtarin ang sitwasyon.
"I'm so sorry to inform you, but Philip has been like this ever since my daughter Serenity Gale... " nagpunas naman ng luha ang magaling kong ama. Kulang na lang ay hindi ito makapagsalita. If I wasn't informed, no one would think that they were just pretending.
Now, what would their reason be? What are they exactly planning just to turn the tables and make me the bad one here?
"Ano po bang nangyari?" tanong ng kung sino. Kitang-kita ko rin ang pagtitinginan ng mga tao. Their curiosity will drive them into this matter and that's exactly the purpose of my family for acting like this, "Many of you were asking about my wife. If her dissappearance has always been a mystery to all of you and so do we, her own family." -Philip
"We all know Gale," sambit ng heneral, "She's kind and a loving daughter. She did all of the things that I told her and even surpassed my expectations. Kilala niyo siya, she's not just a typical girl... matapang at palaban simula ng mamatay ang kanyang ina. Kaya't ako na lang ang nag-iisang nagpalaki sa kanya. It was really hard for my daughter to accept her mother's death that's why I also had a hart time comforting her. As a daughter, she forgot her responsibilities and even me, her own father. She was depressed and had anxiety that time. You might not think but she was sometimes selfish. Because of how much I love Gale, I endured everything despite of her going beyond limitations. I had to be strict just to give her some discipline and I succeeded. I did not want to leave her that's why I decided to take her inside the army's camp even if it was against the rules. Natutunan niyang mas maging matapang dahil sa akin na ama niya but she wasn't really that brave before," nagbuntong-hininga ito bago itinuloy ang isang napakagandang kwento.
How much is that if I'm going to buy it? Nakakatawang pakinggan ang isang kasinungalingan lalo na kung alam mo ang katotohanan.
"But I thought that what I was doing is too much that's why I gave her freedom until she met Philip," nginitian pa nito ang senador, isang malungkot na ngiti, "He asked me for my daughter's hand before getting married. Pumayag ako because I knew that Philip would be giving her the love that she truly deserved and a better life... and I was right. But who would thought that the Serenity Gale we all knew is somehow a traitor?" dahil sa sinambit nito ay nag-umpisa nang magbulungan ang mga tao kaya napangiti na lang ako at napailing.
They were great storytellers, I could say. How much more could they say?
"Tonight, we're going to reveal the true story behind Serenity Gale's sudden dissappearance," saad ni Philip, "We gave her everything but she ended up betraying us, her own family. It only hurts thinking na magagawa niya 'to sa amin, sa akin na asawa niya. The one who truly loved her despite her selfishness," talagang palilitawin nila sa lahat na ako ang may ginawang masama dito.
"Sorry but we also don't know how did this happen," pagsasalita ni tita Mercedes na nagpunas ng luha gamit ang panyo nito, mawawala ba ang pinakamamahal niyang anak? Of course not. It's funny to witness how they act believably like this when everything was just scripted. I did not expect na nasa script pala nila na isa-isang iiyak at magsasalita. A great thumbs up to the scripwriter. He or she managed to deceive everyone... kaya napapaniwala nila ang mga tao ngayon.
"Hindi kami nagkamali ng pagpapalaki sa kanya. I treated her just like my real daughter. Philip gave his everything yet she wasn't contented. She wanted more. That's when we found out that she was having an affair with the senator's rival." -Mercedes
'Seriously, is that true?!'
'Why did she do that?'
'Hindi ako makapaniwala na kaya niyang gawin 'yon?!'
'All this time, she was acting good?!'
'If I was her, I would have no guts to come here anymore.'
'Napakawalang-hiya naman pala niya kung ganon!'
Mga komento ng mga taong akala mo naman, kilalang-kilala ako. After tita Mercedes said all of those, mas umingay pa ang bulungan ng mga tao. There were also those who were taking a video of that moment. They will surely spread this news through the use of social media para mas maraming maniwala sa isang fake news.
"Calm down," bulong ng anak ni Senyora kaya napatingin ako sa kanya. Napansin na rin siguro niya na halos manginig na ako, "Really? How could you expect me to just calm down?!" hindi makapaniwalang tanong ko habang galit na minamasdan ang paligid. I want to explode right here but I can't. Ako ang magmumukhang masama kapag ginawa ko 'yon.
"Handa ng patawarin ng senador ang anak ko pero sumama pa rin siya sa lalaki niya." -Heneral
'Is it true na kinalantari niya ang kalaban ng asawa niya?'
'But for what?'
'May itinatago rin pala siyang kalandian?'
'Huh, I can't believe this?'
See how people quickly judge even without knowing the other side of the story? See how politics can easily influence and deceive the innocent public? These toxic people needs to be detoxified. Iba't ibang klasi na ng kemikal ang pumapasok sa isip nila dahil lang sa iisang salita na nanggaling sa isang 'maimpluwensya' or should I say, mapanirang tao?
"Sino po ang tinutukoy ninyong kabit ng asawa niyo?" tanong ng kung sino.
"We're really sorry but it is not in our vocabulary to speak ill against anyone."
"May balak po ba kayong ipakulong ang asawa niyo at ang kabit niya?" ang isang party ay tila naging isang himpilan ng mga sagot at katanungan. Stupidity.
Umiling naman si Philip, "Kung ganon, nakakaawa naman po ang senador. Kahit na niloko na siya ng asawa niya, hindi pa rin nito balak na gumanti o gumawa ng masama," sigaw pa ng isa. You can't say how much I want to drag the tongue out of that person's mouth. Kung makapagsalita, akala mo ang daming alam, eh nakikisama lang naman sa balita. Palibhasang unang pinapagana ang bibig bago utak.
"When she found out that we knew everything. My older sister ran away. Kahit na ako na itinuring siyang isang tunay na kapatid ay nagawa niyang saktan para lang hindi ako magsalita. Can you see this? She did this to me!" pagpapakita ni Adriana sa kamay nitong sugatan.
What the hell? I did not even touch her! Katuwa-tuwa. Napakagaling. Brilliant. Excellent. Extraordinary.
"Where is she now, senator?"
"She planned to kill her husband dahil pinagbantaan namin siyang sasabihin namin sa lahat ang ginawa nito," sagot ni tita Mercedes. Since when did I plan to murder someone? It's true na babaligtarin nila ang lahat para lang makuha ang simpatya ng mga tao. Well, congrats to them because they are doing well. Mga tao naman, uto-uto. Totoo naman dba? You clearly know what happened that night.
"Philip defended himself and that's why he accidentally shot the gun on her. It was a defensive attack dahil tinutukan siya ng baril ni Gale," saad ng ama ko. I felt a little satisfied dahil kahit konti ay may totoo sa sinabi nila but there were still mistakes. Mali ba ang pagkakaayos ng dila nila kaya mali-mali ang sinasabi? Uh, if anyone knew what really happened that night.
Sabagay, kung may nakakaalam man, wala pa ring magbabalak na magsalita laban sa senador at heneral.
I assumed that because of what they said, baka magkaroon ng kahit konting simpatya ang mga tao sa akin. I expected na kahit iilan ay ipagtatanggol ako and even reside with me because hell, they mentioned that they shot me using a gun! At isa pa, kilalang-kilala ako ng iba pero bakit agad silang napaniwala ng mga sinungaling na 'to?
"That must be a very controversial news to be announced on your special day, Senator," malungkot na saad ng emcee kanina na nakisama pa sa usapan. Lumalaki lang naman talaga minsan ang gulo dahil 'may mga nakikisali at pa-epal.' Palibhasa sana kung totoo lahat ng pinagsasabi nila.
"I'm sorry for what I did. I-i just did not want to lose her. H-hindi lang talaga ako makapaniwala na magagawa niya 'to sa akin," saad ng umiiyak na senador.
"We understand what you did," unti-unti kaming napatingin sa nagsalita. That was her moment to speak about her own opinion... note, her own opinion, "Kahit sino naman, makakagawa ng hindi maganda kung malalaman nilang niloloko sila ng asawa nila, hindi ba? In the senator's case, we understand why he did that. Sinabi na rin ng heneral that it was a defensive attack," pahayag nito na tinitignan ang mga tao.
"We have no rights to judge the senator. He did that for a reason that's why we have to understand," we have no rights to judge him but you have the right to judge me? T*nga ba ang isang 'to? Kasabay ng isang opinyon ay naimpluwensyahan na rin nito ang iba pa na lubusan kong ikinagalit habang isa-isa silang nagpapahayag ng sara-sariling opinyon.
My hate towards my family even became worse. I'm also starting to hate the public. Pare-pareho sila. Kaya hindi na ako magtataka kung mabilis maloko ang mga tao dahil isa rin sila sa mga nagpapaloko.
I assumed that someone would defend me but no. They believed all of the lies just because it came from someone who has a great influence and power. Kung sinong makapangyarihan, sila palagi ang pinaniniwalaan. Sila palagi ang tama.
Hinawakan niya ako sa braso at bumulong, "Serenity, for many times, there's nothing to be afraid of. Think how the public coincided with your family when all of their revelations were just a lie."
"Did you just see how they completely manipulated everything?" nag-uumpisa na rin akong manginig sa galit. Gusto kong maiyak pero hindi pwede. Not now, not too soon.
"I know. They will do everything to ruin your image and make you the bad one here. That's why you have to show them what you've got because you are a threat to them. If they think that way about you, then show them what kind of a threat you are," kusang kumuyom ang mga kamay ko. I want to explode at this moment habang naririnig ko pa rin ang mga hindi magagandang salita na sinasabi ng mga tao tungkol sa akin.
"You have the whole Alzini behind your back, there's nothing to be afraid of."
"What if the army shoots me?" I also have to anticipate what might happen on my next move.
"They can't. They'll be on their slumber before their bullet touches you. The whole De Valois clan is here," naalala ko naman ang detective dahil sa sinabi nito, "Detective?"
"They are snipers, remember?" napatingin naman ako sa kanya ng diretso. Malakas ang loob nila na iharap ako sa lahat because they also planned that there would be snipers. It only means that the snipers are already here watching every move of the army. Wala naman palang dapat problemahin.
"Fine," nagbuntong-hininga ako at tinignan ang heneral na katabi si Philip. Malungkot pa rin ang mga itsura at halos umiiyak ang buong pamilya 'ko'. How I wish that those were real tears? If they were faking their tears, well let's make them real. Yung maiiyak ako sa tuwa at maiiyak sila sa totoong lungkot at takot.
Habang abala sa pagbubulungan ang lahat, tinahak ko ang daan papalapit sa stage kung nasaan sila. Madilim pa rin ang paligid at silang dalawa lang ang nakikita dahil nakatutok sa kanila ang spotlight. Masama ko silang tinignan mula sa hagdanan hanggang sa gumuhit ang isang masamang ngiti sa aking labi.
"Kung ganon, nasaan na po ang asawa niyo, Senator?" tanong ng kung sino. Pagkaapak ko pa lang sa hagdanan paakyat ay bigla namang nagliwanag ang paligid. Kasabay noon ay ang pagpalakpak ko ng mabagal habang umaakyat.
I was the 'only one' wearing a gold gown kaya sa akin napunta ang atensyon ng lahat. Natahimik sila habang sinusundan ako ng tingin. Ang lungkot at pagkabahala sa mga mata nila ay napalitan ng pagkagulat at pagtataka. Tignan niyo lang ako hanggang sa masilaw kayo.
Let's make all fake things into real ones.
Habang papalapit ako sa gawi nila ay pabagal ng pabagal ang pagpalakpak ko hanggang sa huminto ako sa paglalakad na may distansya pa rin sa magaling kong ama at asawa. Ibinaba ko ang kamay ko at nakita ang isang mic kaya naisip kong kunin 'yon para mas marinig pa ng lahat. This is my moment.
"Good evening everyone, I just want to greet our dearest Senator Philip Alcazar a happy happy birthday!" tahimik ang lahat habang nakatitig sa akin. I took the moment just like the happiest person in the world. Minsan ko lang naman sila mapakaba kaya aayusin ko na, "Since how long did you plan for this event again?" tanong ko ngunit hindi siya nakasagot dahil sa pagtataka.
"Two months? Six months?" saad ko pa na ngumiti ng masama, "Ganon niyo rin ba katagal na pinagplanuhan kung paano ako sisiraan sa harap ng lahat?" hinarapan ko naman ang mga tao, "Well, if it really took that long hindi na ako magtataka because you're doing very well, my dear husband and father. You can't say how much I am surprised right now because of what you did."
"Excuse me?" tanong ni Philip.
"Oh sorry I forgot to introduce myself," inabot ko ang tali ng maskara sa likuran ng aking ulo at dahan-dahan itong tinanggal. Hinayaan ko itong bumagsak sa sahig at diretsong tinignan ang dalawa na ikinalaki ng mga mata nila.
Nilapitan ko silang dalawa at sinalubong ng halik sa pisngi, "Did you miss me?" tanong ko kay Philip. Sino ba namang hindi matutulala na makita ang isang taong patay na, na ngayon ay buhay na buhay.
"Act well, Senator and General. Baka mapaghalataan nila ang kasinungalingan ninyo. Tsk, tsk. Mahirap na," masamang saad at pang-aasar ko bago nilayuan ang dalawa. Binigyan ko pa sila ng masamang ngiti.
"Y-You're alive?" hindi makapaniwalang tanong ni Philip, "Of course, why would I be dead?" hinarapan ko naman ang magaling kong ama.
"And dad, how are you? Didn't you miss me?" sarkastikong saad ko dito. Kulang na lang ay manigas ang dalawa habang nakatingin sa akin.
"H-how did this happen?" hindi makapaniwalang saad nito na siyang mas ikinalapad ng aking ngiti.
"Aren't you both happy to see me?" dagdag ko pa.
"Tell me that I'm just being delusional, General," mahinang saad ni Philip na napailing pa. Inilipat ko naman ang tingin sa harap ng stage kung nasaan ang mag-ina. Halos lumabas na rin ang kanilang mga mata habang nakatingin sa akin.
"N-no," saad ni Adriana. Ganon na ba talaga kabigat ang presensya ko sa kanila para manigas sila sa kinatatayuan nila? I'm not starting yet.
"Ano ba naman 'yan? Hindi man lang ba kayo masaya na makita ulit ako? Excited pa naman akong dumalo sa selebrasyon na 'to," pahayag ko pa habang nakatutok sa bibig ko ang mic at nag-aktong dismayado. Maski ang mga bisita ay palipat-lipat ang tingin sa amin na tila naguguluhan sa nangyayari.
"I-I thought you were dead," sabay-sabay kaming napatingin sa isang babaeng nagsalita na siyang nasa pinakagitna.
"If I were dead, I am not right here in front of you," sagot ko dito.
"Kung ganon, nandito ka ba para sirain ang kaarawan ng senator gayong alam na ng lahat ang baho mo? Kung ganon, nagtago at nanahimik ka na lang sana," galit na saad ng isa pang babae kaya inilipat ko ang tingin sa kanya. Eh kung siya kaya ang patahimikin ko? Pinagtaasan ko siya ng kilay at mas napangiti ng masama.
"So you believe him? He just said that I am already dead yet I am standing here. How sure are you na totoo rin ang lahat ng sinabi niya sa inyo? Hmm?"
Napatingin ako sa heneral nang lapitan niya ako at mahigpit na hinawakan ang aking braso, "You're really alive," galit ngunit mahinang saad nito na tinapatan ako, "You should have just remained silent all this time at hindi na ipinakita pa 'yang mukha mo sa amin. Hindi ka na dapat na nagpunta pa dito. Hindi ko alam kung paano ka nakaligtas pero sisiguraduhin kong wala ka ng ligtas ngayon," pwersahan ko namang inialis ang pagkakahawak niya sa akin.
"And why? Takot kayong isiwalat ko sa lahat ang totoong nangyari noong gabing 'yon?" siya naman ang tinapatan ko.
"Don't you dare, Serenity Gale," pagbabanta pa niya ngunit wala ng talab sa akin.
"Try to catch me if you can," paghamon ko sa kanya.
Inilipat ko ang mic na hawak ko sa aking kaliwang kamay at itinaas ang kanang kamay ko. I snapped my fingers and in a glimpse, biglang may nagplay na video sa mismong screen na nasa stage kaya napatingin ang lahat doon. Binigyan ko naman ng isang nakamamatay na tingin ang aking ama bago niya inilipat ang tingin sa screen. Kasabay noon ay muling nagliwanag sa paligid kaya kitang-kita ko ang mga bisita na abala sa panonood.
Hindi ko na binalak pang panoorin ang nasa video dahil ayaw kong panghinaan ng loob. Mas gugustuhin kong kalimutan na lang ang nangyari. Makalipas ang isang minuto ay nag-uumpisa nang magbulungan ang mga bisita na siyang ikinatuwa ko.
"N-No!!! Itigil niyo 'to! Nagkakamali kayo ng inaakala!" sigaw ni Philip na hindi na alam kung anong gagawin.
'What the hell! Totoo ba 'yan?'
'So, she never tried to kill her husband?'
'Hindi niya rin tinutukan ng baril ang senador?'
'Did the senator and general abuse her?'
"STOP THIS THING! HINDI TOTOO 'TO! GAWA-GAWA LANG 'YAN PARA SIRAIN ANG PANGALAN KO!!" sigaw pa ni Philip na halatang pinipilit ipatigil ang video at tila mababaliw na dito sa stage.
'Yon lang naman ang video na kuha mula nang gabing 'yon. Kung paano nila ako kinaladkad at walang awang isinubsob sa putikan. Lalung-lalo na ang wala sa pagdadalawang-isip nilang barilin ako at pakainin ng putik.
"Is this true?" napatingin kaming lahat sa isang lalaking nagsalita, isa siya sa mga may matataas na posisyon sa politika kaya todo iling ang senador at ang heneral, "Lahat ng sinabi namin kanina ay ang siyang katotohanan, gawa-gawa lang 'yan ng babaeng ito para siraan ang senador dahil ayaw niyang madungisan ang pangalan niya!"
"For your information, Mr. General," saad ko sa mic dahilan para matigilan siya, "Kitang-kita sa video na 'yan ang walang awang pagpapatahimik niyo sa akin! Hindi naman siguro kayo bulag para hindi makita kung sino ang gumawa niyan sa akin, hindi ba?!" itinuro ko naman ang dalawa habang nakaharap sa lahat.
"They were the one who tried to kill me! If you really think that the senator is a soft-hearted man, well nagkakamali kayo! He abused me many times, and everything he has just came from— "
"I'm sorry everybody! But my wife is trying to turn the tables against us! Gusto niyang paniwalaan niyo siya para sirain ang reputasyon ko!!" pagharang nito.
"You should say that to yourself, Philip! Tingin niyo ba talaga masaya akong maging asawa ng isang katulad niya?! Nooo! Who would ever love an abusive husband like him?! Nabuhay ako sa takot kaya pinili kong manahimik pero hindi na ngayon! Ilalabas ko ang baho na meron ang pamilya ko! And it's my pleasure to have you all here para marinig niyo ang lahat ng baho ng isang General Vincenzo at isang Senator Philip Alcazar!!!" nag-uumpisa na rin akong manginig dahil sa galit.
How I waited for this moment to come. I won't stand down now.
'Totoo ba ang lahat ng ito?'
'Kitang-kita naman sa video ang nangyari.'
'So nagpapanggap lang ang senator at ang heneral, all this time?'
Nag-umpisa na ring pumasok ang mga nasa media habang may dala-dalang mga camera at mic, "Oh right, good timing. Because I want this news to be controversial since it's all live para mabilis kumalat ang baho ng asawa at ama ko! Alam niyo ba kung bakit nila ako binalak na patayin?!" dagdag ko pa.
"Because I am a threat at once na nagsalita ako laban sa kanila, paniguradong sira ang reputasyon at integridad na binuo nila sa loob ng ilang taon sa pamamagitan ng pagpapakitang-tao!!" sapat na 'yon upang umingay pa ang paligid.
Nakita kong itinapat na rin nila ang mga hawak nilang camera sa video na paulit-ulit nagpeplay sa likuran. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tumitigil, "Lahat ng ipinapakita sa inyo ng heneral at ng senador ay hindi totoo!"
"Serenity Gale, stop!" pilit akong hinila ni dad pero hindi ako nagpapigil.
"Dahil ang lahat ng alam niyo tungkol sa kanila ay hindi totoo! Matagal na nila kayong niloloko at lahat naman kayo ay nagpapaloko!"
Mas lalo pang umingay nang mamatay ang mga ilaw kaya napatingin ako sa paligid. Naramdaman ko na lang ang kamay ng kung sino na tinakpan ang bibig ko at dinala sa kung saan, "Sir," dinig kong bulong nito na tila may kausap sa kabilang linya. Nanlaki ang mata ko nang mabosesan ko siya. Isa siya sa mga guwardiya ni Philip.
"Dalhin niyo sa likuran," narinig ko ang boses ng magaling kong asawa sa kabilang linya kaya nagpumiglas na ako.
May binuksan itong pintuan palabas sa venue habang hawak-hawak pa rin ako. Pagkaapak namin sa labas ay natanaw ko ang isang baril na nakatapat sa akin. Ngunit ibinaba nang may hawak noon ang baril sa paanan ko. Napapikit ako nang makitang pipindutin niya ang gatilya ngunit sa halip na ako, ay ang humahawak sa akin ang siyang napaluhod at napadaing sa sakit kaya napatingin ako sa kanya na ngayon ay duguan ang paa at nakaluhod sa sahig.
Tinignan ko kung sino ang gumawa noon hanggang sa makita ang anak ni Senyora. Hinawakan niya ang kamay ko hanggang sa mapasunod ako sa kanya. Hindi ko rin gaanong makita ang paligid dahil sa dilim. Mabilis naman naming tinahak ang daan palabas kagaya ng nasa plano.
Sinundan ko lang ang kasama ko kung saan siya papunta dahil nagawa ko na ang parte sa plano. Pagkalapit namin sa isang itim na sasakyan ay mabilis niyang binuksan ang pintuan kaya pumasok ako sa loob at isinuot ang seatbelt. Ganon rin ang ginawa nito at umupo sa driver's seat. Nakakapagtaka lang dahil tago ang lugar ng sasakyan at hindi madaling makita lalo na't madilim.
Napansin ko na lang ang dalawang pamilyar na tao. Naka-gold din na neck tie ang lalaki pati ang babae katulad ng suot naming dalawa. Napagtanto ko naman ang dalawang 'yon nang mamukhaan sila, "Terrence? Xenia?" mahinang tanong ko.
Tumatakbo sila papalabas habang hinahabol sila ng mga tauhan ni Philip, bago tuluyang sumakay ang dalawa sa isang sasakyan na nakaabang sa kanila ay tumingin si Xenia sa direksyon ko at ngumisi. Nanlaki ang mata ko nang makita ko na pareho kami ng ayos at suot na damit.
Wait!
Mabilis silang sumakay sa sasakyan at agad na pinaandar ito, "What the hell is happen— " natigilan ako nang sumunod naman ang mga tauhan ni Philip sa kanila gamit ang iba pang sasakyan hanggang sa maproseso ko ang kabuuan ng plano.
"Looks like they will be in a racing competition on the road," saad ng kasama ko na nakangiti ng masama kaya napatingin ako sa kanya, "What do you mean?"
Pagkatapos niyang maisuot ang seatbelt niya ay hinawakan nito ang manibela bago nagsalita, "They think it's us until realizing that it's really not," he said exactly just like what I think so he started the engine and immediately went the other way.
If they are going to turn the tables against me, I can also turn the tables upside-down against them... and I was able to do it because of Alzini de la Alpha.
Continua...
"Sigurado ka bang gusto na niyang pabagsakin ang mga to, Allison?" tanong niya habang nakalapat ang telepono sa kanyang tainga, "Yeah, as Godfather's wish."
Napangiti naman siya ng masama, "Ang tagal ko nang hindi ginagawa 'to."
"Ano? Kaya ba?"
"Teka lang, pag-iisipan ko muna."
"Wala ng oras, Blight. Sabihin mo kung kaya mo o hindi."
"Eh bakit kasi hindi niyo ako sinabihan ng maaga para nakapaghanda ako? Pabigla-bigla kayo sa pagtawag. Alam niyo namang nagtretraining ako."
"Ilang beses kitang tinawagan, t*nge! Hindi ka sumasagot. So ano? Kaya ba o hindi?" iritang tanong ni Allison mula sa kabilang linya.
Pinagpipindot naman ng lalaki ang kanyang laptop hanggang sa lumitaw ang isang mapa na nakapagpalapad sa kanyang ngiti, "Tinatanong pa ba 'yan? Alam niyong kaya ko kaya nga on the spot kang tumawag dba? Ngayon na ba?"
"Malamang. Wala ng oras."
"Alright, as he commands," matapos noon ay ibinaba na niya ang telepono at may pinagpipindot na kung ano sa laptop niya. Kinuha niyang muli ang telepono gamit ang isang kamay nito at ang isang kapiraso ng papel sa kabilang kamay. Pinagpipindot ng lalaki ang mga numerong nakasulat sa papel at hinintay ang pagsagot ng nasa kabilang linya.
Matapos ang ilang segundo ay may sumagot, "Good evening. This is the NCI Media, how may we help you— "
"Hello. There is an ongoing grand party at La Vista de Manila. I've been asked by a senator to please capture the moments live on television about the people's surprise to Senator Philip Alcazar."
"Okay sir, but may we please ask the name of the senator for confirmation?" napangiti ito ng masama habang hawak-hawak ang papel.
"Senator Antonio Florez."
"Alright, after the confirmation, we're good to go sir. Thank you."
"Thanks!" saad pa nito bago ibinaba ang telepono. Matapos ang ilang segundo ay may lumitaw na isang mensahe mula sa laptop nito at may pinindot muli roon, "Confirm."