Chereads / Bandage on Bullet Holes (LaCosta Saoirsa Initial Book) / Chapter 26 - Capítulo vinte e quatro

Chapter 26 - Capítulo vinte e quatro

Part 2

....

Lumipas rin ang ilang minuto at wala akong nagawa kundi panuorin siya sa paglagok ng alak. Sa tuwing titingin siya ay iiwas ako at sa tuwing titingin ako ay siya naman ang iiwas. It felt weird for the both of us. Although we were not doing anything wrong, I still feel guilty. Hindi ko rin alam kung bakit.

"Sino ba talagang hinihintay mo?" basag ko sa katahimikan. Sinubukan ko ring ayusin ang pagkakatanong dahil kanina pa siya umiinom, baka biglang uminit ang ulo nito, mahirap na.

Tila napaisip naman siya at halos nakalahati na ang laman ng bote. Tinignan niya ako ng ilang segundo kaya umasa ako na sasagutin niya ang tanong ko. I just felt that something is wrong all of a sudden. Parang nandito na yung kanina ko pa nararamdamang hindi maganda. Napansin ko rin siya na parang pinapakiramdaman ang paligid hanggang sa ipinatong nito ang hawak na bote sa lamesa. Mas lalong lumala ang kutob ko nang maglabas ito ng baril at ipinatong sa harap naming dalawa.

"They are here," ani niya.

Muli kong naramdaman ang kaba hanggang sa biglaang bumukas ang pintuan kaya napatingin kami doon. Nanlaki ang mata ko nang makita ang isang pamilyar na tao sa mismong harapan namin, "Finally, we found you," ang masama nitong pagngisi ang sumalubong sa amin kasama ang mga tauhan niya.

Una itong humakbang papasok hanggang sa sumunod na rin ang mga kasamahan niya at pinalibutan ang buong kwarto. Ngayon ay nakapagitna kaming dalawa sa kanilang lahat dahilan para mapatayo kami habang kaharap siya.

"Bakit kailangan pa nating maghabulan kung dito rin pala tayo magkikita-kita?" tuwang-tuwa pa ang mga mata nito kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"I've been waiting for this time so... " inilahad nito ang kamay niya sa akin habang malawak na nakangiti, "Come with us. I never thought that the Black Alpha of Alzini is going to be the one surrendering their only weapon to us. We greatly appreciate all of this, Ali— "

"Never speak my name, Liam," pagbabanta ng kasama ko. Tila napahiya naman si Liam sa isinambit nito kaya natawa siya at tumingin sa aking gawi, "So, what are you waiting for? Huwag na nating patagalin pa 'to at paabutin sa pwersahan. We don't want any blood here, right?"

"Do you think this is some sort of a trade just like your dirty job?"

"Dirty job? Sa pagkakaalam ko, I am not the only one who's doing a dirty job here, right?" saad ni Liam. Napaatras ako nang humakbang siya papalapit hanggang sa humarang ang kasama ko sa pagitan naming dalawa ni Liam, "I think you're mistaken for thinking that I'm here to give her to you, the El Nostra's heir? Never," masamang ngumiti ang anak ni Senyora.

"Oh look who's talking?" napatalikod si Liam at halatang pinipigilan ang sarili hanggang sa mapahilamos ng mukha. I was observing his men and they were all holding a gun, "Alzini is known for their so-called excellent underground transactions and trusted negotiations. Tanging kayo lang naman ang nag-iisang organisasyon na marunong tumupad sa usapan, hindi ba? So, what happened now?" tanong ni Liam.

"As far as I know, Alzini never had a deal with El Nostra, Liam. That's why there wouldn't be instance of give and take that should happen here," aktong lalagpasan niya ito ay hinarangan siya ni Liam kaya nagkatapatan ang dalawa.

"Did I hear, right? We never had a deal? Seriously? Don't deceive us. We had an agreement kaya susunod kayo sa usapan, whether you like it or not," sinenyasan niya ang mga tauhan at itinuro ako kaya nagsilapitan sila sa akin. I know that they want to take me with them pero hindi ako papayag. Mabilis kong hinablot ang baril mula sa gun pocket na nakatali sa hita ko at mabilis na itinutok 'yon isa-isa sa kanila.

Natigilan ang mga ito kaya hindi na ako magtataka kung bakit ngayon ay nakatutok na rin ang mga baril nila sa akin. Tanging ang dalawa na lang ang walang hawak na baril— ang anak ni Senyora at si Liam. Isa-isa ko silang tinututukan lalo na't napapansin ko na pasimple silang humahakbang papalapit sa aking gawi.

"I forgot that you were trained by the army. Be careful my men, she's a dangerous one. She will shoot anytime and anyone," saad ni Liam kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"If one of us will be hurt, you'll regret this," pagbabanta ng anak ni Senyora.

"And no one will get hurt kung susunod kayo sa usapan. Give her to us and we're finish. Kailangan pa ba nating umabot sa sakitan, Ali?"

"Why would I give her if since from the start, there was no agreement?"

"You know the consequences for breaking an agreement. Your mother will be the first."

"Don't you ever put my mother into this matter— "

"And why? We had an agreement."

"Agreement with my mother?" hindi makapaniwalang tanong nito na ikinalapad pa ng ngiti ni Liam, "Don't tell me you have no idea about our agreement?"

"My mother is not the type of person to hide things in our family so stop using her name. You can't deceive me."

"Come on, we're El Nostra. You know that we are not liars nor deceiving is not part of our dirty games."

"You don't have any evidence that my mother had an agreement with you."

"Evidence?" unti-unting lumipat ang tingin ni Liam sa akin at masamang ngumiti, "Yes we don't, but we have a witness, right Serenity?"

Tila kumakawala na rin ang puso ko sa kaloob-looban ko nang maalala ang nangyari noon. It's true that Senyora and Liam had an agreement pero ayaw ipasabi ni Senyora kaya walang nakaalam. Nalipat ang tingin ng dalawa sa akin ngunit hindi ko matignan ng diretso ang anak ni Senyora, "Is it true?" tanong nito dahilan para manlamig ako sa kaba.

If I say yes, baka ibigay niya ako sa kanila. If I say no, one or even both of us will get hurt. Paniguradong magkakagulo and we don't have enough control dahil dalawa lang kami at marami sila. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa dahil hindi ko alam ang dapat gawin.

Senyora, I need your help. What should I do?

"Come on, Gale. Tell him the truth."

"Is it true?" tanong pa ulit ng anak ni senyora na bahagyang lumalim ang boses.

"You have to tell him para hindi siya nagmumukhang walang ala— "

"I will ask you one last time, Serenity Gale! Is it true?!" tila masisiraan ako ng pandinig dahil sa lakas ng pagsigaw nito na siyang ikinagulat ko. Ito ang unang beses na nakita ko ang nag-aapoy nitong galit habang nakatingin sa akin. I made a promise with his mother na walang makakaalam sa totoong nangyari but I don't want to cause bloodshed.

Unti-unti kong naibaba ang hawak na baril habang nakatingin sa sahig. Kulang na lang ay maiyak ako dahil sa isang desisyon na hindi ko alam kung tama ba o mali. Yet I know that in every choice, there will always be consecutive consequences. Unti-unti akong napatango bilang sagot. I can't lie. Mapupunta sa gulo ang pagsisinungaling kaya ito na rin siguro ang tamang paraan. Ayaw kong mapunta sa kamay nila because I already know what would my situation be but if the pay off of telling the truth is stopping a bloodshed, I'd be willing to take the risk.

"Looks like there would be a bloodshed inside the Alzini's mansion. Son versus mother? Fine," ibinaba ng mga tauhan ni Liam ang kanilang mga baril nang sumenyas ito, "We'll give you one last chance. Huwag kayong sumira sa usapan Ali— "

"I said never speak my name!" galit nitong saad.

"Why does your name is such a big deal to you right now?" tinignan akong muli ni Liam, "Is it because someone you don't fully trust is here?"

"Well, I guess you should. Since she was able to do her job excellently for Alzini. It's time to pay her back too. I hope you do the same thing when you're finally with us, Serenity," mas sinamaan ko pa siya ng tingin dahil doon, "Let's go," saad nito at tuluyan kaming tinalikuran. Sumunod sa kanya ang mga tauhan nito hanggang sa kaming dalawa ang matira kasabay nang pagsasara ng pintuan.

Hawak ko pa rin ang baril at ni hindi ko magawang tignan siya dahil sa galit nito. Tumalikod siya at lumapit sa lamesa, natanaw ko pa ang pagkuha nito sa kanyang baril mula doon, "Since when?" dinig kong tanong niya.

I faced his direction unwillingly dahil ayaw kong mas galitin pa siya, "Since when did they have the agreement?" kasabay noon ay ang pagkasa nito sa kanyang baril na ibinaling ang tingin sa akin kaya napatingin ako sa hawak niya, "N-nung lumabas kami kasama si Xenia," napaisip siya sa sinambit ko bago ibinalik ang tingin sa akin.

"For sure, they got you all cornered at the moment. You were all in danger but why were we unaware about this thing?"

Nakagat ko ang pang-ibabang labi dahil hindi ko mahanap ang mga tamang salita na dapat sabihin. If I didn't make a promise, I could directly spill out the truth. On the contrary, ano pa nga bang proprotektahan ko kung nasira na ang pangako ko kay Senyora? Promises are meant to be broken after all.

"I hate waiting," itinaas nito ang isang niyang kamay na hawak ang baril at maayos 'yong tinititigan, "Don't make me force you to speak, Serenity," isang seryosong tingin ang ibinigay niya. Nagproprotesta na rin ang kaloob-looban ko dahil sa hindi malaman ang gagawin.

"I-i made a promise... sabi kasi niya mas magandang walang makaalam. A-ayaw niya kasing mag-alala kayo... " napansin ko na tila hinihintay niya pa ang pagsasalita ko, "T-that's it," nauutal na rin ako dahil sa paraan ng pagtitig niya.

What the hell is wrong with me? Kung hindi uurong ang dila ko, maaaring mautal ako o kusa na lang mapasunod sa gusto niya. Uh, I hate this feeling. This kind of him being so serious, "My mother?" tumango naman ako, "Yes."

"She entrusted you with this thing when it was supposed to be me or my father. Now, look what happened for trying to hide the truth," napayuko ako nang makaramdam ng pagsisisi dahil totoo naman ang itinuran niya. I'm in between of complying or telling the truth. But you can't avoid the fact that he is mad right now though looks serious.

"Since from now on, you have to tell me every single thing that is necessary involving the mafia, my family, the people in the mansion and the mansion itself. Do you understand?" ma-otoridad na pahayag nito.

"But— "

"Don't forget that you're under my authority, comply with my rules if you don't want any problems, do I make myself clear?"

"This is too much!" sobra naman ata kung ganon ang gusto niya, "Do you really think that you can just control me anytime you like dahil lang nasa inyo ako?" hindi makapaniwalang tanong ko. Here I am, finally exploded. Kanina pa ako sunud-sunuran sa kanya, hindi pa ba sapat?

"I am not controlling you, Serenity Gale. I am just telling you that secrets are somehow dangerous. They either defend or kill. Now tell me, do you know him?" muli kong naramdaman ang kaba dahil sa pag-iiba niya ng tanong.

"W-what?"

"Do you know the El Nostra's heir?" of all the things, bakit ito pa ang itatanong niya sa akin?

"Y-yes, by name," sabay iwas ko ng tingin sa kanya. You don't know how much I am shaking right now. Sobra-sobrang kaba sa pakiramdam.

"How?" paghakbang nito papalapit sa akin kaya napahakbang ako paatras at napalunok, "He introduced himself to me," mabilis kong sagot. I did my best to directly look at him kahit na mahirap. Kulang na lang ay manginig na rin ako hanggang sa matigilan kaming dalawa habang nakapako ang tingin sa isa't isa.

"Why does it seem like you knew each other for a long time?"

"I didn't even know him not until I got involved with all of you," diretsong sagot ko. Hindi ako pwedeng magkamali ng isasagot. I could get caught.

"By the way he looks, he knows something about you," tila nababasa naman niya ang mukha ko dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin.

"Lahat naman ng tungkol sa akin alam niyong lahat, hindi ba? What's new?"

"You might have a secret that he is aware of," sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko na gusto nang kumawala sa dibdib ko dahil sa kaba at takot, "And he can use that against you."

"And you don't have to care," sagot ko pabalik.

"I'll make sure to find out that secret," saad niya kaya umiwas na lang ako ng tingin. No one must know. Tinalikuran ako nito kaya pinanood ko ang paglabas niya sa kwarto. Natigilan naman ito sa tapat ng mismong pintuan at tumingin sa gilid niya, "Alistair Caradoc Vercelluz Aendriacchi," hindi ko nakuha ang sinabi niya noong una.

"That's my name, my amoure."

Continua...