Binuksan ng heneral ang pintuan at madali rin itong isinara kaya't sinalubong siya ng hangin na nanggagaling sa aircon ng kwarto nito sa loob ng kampo. Tinanggal nito ang suot niyang general's cap at ipinatong sa tabi bago naupo at malalim na napabuntong-hininga. Napahawak pa ang kanang kamay sa mismong ulo nito na halatang problemado bukod sa marami ang ginagawa. Umabot na rin sila ng alas kwatro ng madaling araw dahil sa dami ng inaasikaso at halos wala pang tulog ang buong kampo. Hindi rin nila malaman kung paano pipigilan ang pagkalat ng balita sa pagsapit ng araw.
Matapos ang ilang segundong pagpapahinga ay kusa itong napatingin sa labas nang marinig ang pagtunog ng red alarm sa buong kampo pati na rin ang kulay pulang mga ilaw na nakapalibot sa buong lugar. Napatayo ito para tignan kung ano nangyayari hanggang sa tumunog ang kanyang telepono na nakapatong sa lamesa at mabilis 'yong kinuha. Nang mailapat sa kanyang tainga ay siya namang pagsasalita niya, "What's happening?"
"General, you have to come here at the army's security office," saad ng nasa kabilang linya na siyang ikinakunot ng noo nito.
"Why?"
"It's El Nostra," nang marinig ang katagang 'yon ay madali nitong ibinulsa ang hawak at mas mabilis pa sa alas-kwatrong lumabas ng kwarto. Natanaw niya rin ang mga nagmamadaling tauhan nito na kanyang nasasalubong. Sa kabilang banda ay natanaw niya ang mga militar na may hawak-hawak na mga armas pagkalabas sa isang kwarto kung saan nakatago ang kanilang mga armas. Ang mga pulang ilaw naman ay walang humpay sa pagtunog at pag-ilaw kaya't mistulang may magaganap na labanan anumang oras.
Habang papalapit sa kanyang destinasyon ay siya namang pagsalubong sa kanya ng senador mula sa malayo, "What's happening, General? I was about to take my leave," tanong sa kanya ng senador nang magkaharapan ang dalawa at mabilis na pumasok sa isang kwarto, "I don't know yet. Kakaupo ko lang para sana magpahinga," nasalubong naman nila ang karamihan sa mga tauhan na abala sa pagpipindot ng kung ano mula sa mga computer na nasa harapan nila. Halos nakaupo ang lahat maliban sa lieutenant na nakatayo sa gitna habang maiging minamasdan ang isang malaking screen sa harapan kaya nilapitan nila ito. Napatingin naman ang lieutenant sa kanila.
"What do they want?" tanong ng heneral.
Napatingin na rin silang dalawa ng senador sa malaking screen kung saan makikita ang bawat sulok ng kampo dahil sa mga cctv na nakalagay rito, "We're trying to connect with them," sagot naman sa kanya. Napahalumbaba na rin ang lieutenant habang napahawak sa magkabilang-baywang ang heneral.
Humarap naman sa tatlo ang isa sa mga militar na nakaupo sa kanilang harapan, "General, we can't find a way to contact El Nostra at the moment," saad nito na ipinagtaka nila.
"What do you mean?"
Humarap na rin ang isang babae sa kanila at nagsalita, "We did everything but they were declining the call. We used any means of communication but they were turning down everything."
"Then, what the hell do they want from us?"
"General," napaharap naman sila sa isang lalaki na lumapit sa kanila, "We zoomed in the cctv live footage and the whole camp is surrounded by the enemy," napahawak naman ang heneral sa ulo nito. Napansin niyang hindi pa rin umaalis ang lalaki na tila may gusto itong sabihin, "What else?" tanong niya rito.
"Their snipers are aiming directly to us, as of this moment," dahil doon ay nagkatinginan ang tatlo at halata ang pagkagulat sa kanilang mga mata. Napatingin ang heneral sa pintuan nang pumasok ang isang pamilyar na tao kaya't nang makita siya nito ay mabilis niyang sinenyasan para palapitin agad sa kanilang gawi.
"What's happening, General? Hindi maganda ang kutob ko dito as the camp contacted me at a time like this," tanong ng detective.
"Good to know you got the call earlier, Detective. We need you," napatingin naman ang detective sa malaking screen pagkatapos alisin ang suot nitong cap.
Sabay-sabay silang napatingin sa pinakaharapan nang biglang tumunog ang screen at may lumitaw na hindi kilalang numero mula rito. Lumapit naman silang apat sa tapat ng isang lalaking nakaupo na kasalukuyang may kontrol sa telepono.
"Answer the call," saad ng heneral na agad naman nitong sinunod.
"General Vincenzo de la Roche," isang boses ng lalaki ang kanilang narinig mula sa kabilang linya.
"Who are you?" tanong ng heneral. Ang kanilang pag-uusap ay naririnig sa buong kwarto. Natawa ang lalaki mula sa kabilang linya bago muling nagsalita. Halata rin sa boses nito ang pang-aasar at pagkasarkastiko, na siyang nakilala kaagad ng detective.
"El Nostra's heir," dahil doon ay nagkatinginan ang apat. Binulungan naman ng heneral ang lalaking nakaupo sa harapan nito, "Record the convo," tumango naman agad ang lalaki.
"What do you want to talk about?"
Natawang muli ang nasa kabilang linya, "Come on, General. Let us not be formal here. We're being silent for a very long time since you have started hunting my whole organization. We're here to talk about what you did," nagsalubong naman ang kilay ng dalawang heneral.
"Then tell me," napahawak ang dalawang kamay ng heneral sa sandalan ng upuang nasa harapan niya, "What did I do for you to corner us like this?"
"Don't you really know?" sarkastikong tanong ng nasa kabilang linya.
"As far as I know, we haven't yet made any move against El Nostra. So why do you have to surround us with guns?"
"I don't believe you, General. You bombed one of our warehouse this midnight," ang heneral naman ang natawa habang may pagbabanta sa boses ng kabilang linya. Nag-uumpisa na ring mapaisip ng malalim ang detective pati na rin ang mga kasamahan nito sa loob.
"If we were really the one who did that, we should be defensing the whole camp against you and ready to face El Nostra fire on fire," pahayag naman nito. Makalipas ang ilang segundo ay walang kibo ang nasa kabilang linya.
"And why should I believe you, General?" tanong naman nito na bahagyang ikinatawa ng heneral.
"Is there someone inside your camp who secretly sent some of your soldiers here? Is that even possible?" dahil doon ay nagkatinginan ang lahat nang may pagtataka sa kanilang mga mukha.
"What do you mean?" -General
"Did you get his location?" mahinang tanong ng heneral sa lalaking nasa harapan ngunit napailing ito.
"Kung wala talaga kayong kinalaman sa nangyari, then who the hell is these people?" pagkatapos sambitin 'yon ay may lumitaw na iba't ibang litrato sa screen kaya natutok ang atensyon ng lahat doon. Ang iba ay napatayo pa para lang lumapit at maiging tignan ang mga nasa litrato na kung saan ay may mga taong katulad ng kanilang mga suot, ngunit hindi pamilyar ang mga itsura. Mga taong tila tauhan ng militar.
"Don't tell me, they were disguised as the army?" muli namang nagkatinginan ang lahat.
"Looks like you really don't have an idea? Pardon our intrusion then. They bombed one of our places at kapag nalaman naming may alam o sangkot talaga kayo dito, we won't let you get away from this. We're not going to back down," pagkatapos sambitin 'yon ay kusa na lang itong nawala hanggang sa mapabuntong hininga ang heneral.
"Who were those people?" hindi makapaniwalang tanong ng lieutenant.
"El Nostra thought that we might have attacked them when in fact, those people disguised themselves as the army because they might want to frame up someone," sabay-sabay naman silang napatingin sa dako ng detective na napako ang tingin sa screen bago sila tinignan nito.
"Frame up whom, Detective?" tanong pa ng heneral.
"That's my first conclusion. The second one is that they want El Nostra and the army to declare a war fire on fire," dagdag pa nito, "May nakakaalam pa ba ng pasikreto nating paghahanap sa El Nostra?" tanong ng detective sa heneral na ikinailing nito.
"Only few people know about this thing, Detective."
"Because obviously, halatang pinapalalim nila o nang kung sinuman ang hidwaan sa pagitan ng militar at ng organisasyon kaya nila 'to ginawa. They knew that we've been hunting them long time ago and that El Nostra is hiding from us."
Napatingin silang dalawa sa lalaking lumapit sa kanilang gawi, "General, El Nostra had retreated. They are nowhere to be seen within our scale anymore," dahil doon ay nakahinga ng maluwag ang karamihan habang problemado naman ang apat. Maski ang mga malakas na pagtunog ng kulay pulang alarm ay tumigil na rin.
SA kabilang banda ay napatingin naman siya sa gawi ng kasama na ngayon ay abala sa pagmamaneho at nakapokus ang tingin sa daan, "Are you really sure na okay lang ang gagawin natin?" dahil doon ay sandali siyang hinarapan ni Van.
"No worries. Walang mapapahamak. At isa pa, kasama mo naman ako. You won't be in danger," ibinalik naman nito ang tingin sa daan. Kahit hindi nakabukas ang aircon ng sasakyan ay ramdam ni Gale ang panlalamig ng kamay nito at tila balisa.
"Did I go too much kaya nagawa nilang lusubin ang El Nostra nang hindi pa naman napapatunayan kung sila nga ba talaga ang tumulong sa akin?" wala sa sariling tanong nito habang nakatanaw sa labas. Medyo mabilis rin ang pagpapatakbo ni Van sa sasakyan kaya't hindi niya makita ng maayos ang iilang mga gusali.
"Stop overthinking. Alzini can handle this. We just want you far from danger kaya kita inilalayo. We won't know what might happen next, kaya mas magandang sigurado kaming okay ka kahit na anong mangyari," kusang napatingin si Gale sa kanya ngunit halata sa mukha at boses ni Van ang pagkaseryoso na siyang hindi niya inaasahan.
How she wishes that those were words of care and true love. But no, they were words of assurance... because she thinks that they still need her.
Mahal nila siya dahil may kailangan sila. They care because they need her.
"Kung ganon, saan tayo pupunta?" tanong pa niya.
"Far from the city and the mansion itself. Somewhere safe."
Napatango na lang siya sa sinambit nito, "I'll make sure na bago ka pa man nila mahanap, nakapagtago ka na. For now, you can take a rest. Gigisingin na lang kita kapag nakarating na tayo," sabay ngiti nito sa kanya.
"Are you sure? Hindi ba nga, ikaw dapat ang nagpapahinga dahil wala ka pang pahinga? Eh kung maghanap na muna kaya tayo ng lugar kung saan pwedeng mag-stay?" pag-aalala nito na mas lalong nakapagpangiti kay Van at napailing ito.
"It's not safe for us, Gale."
Napansin na rin niya na mapupungay na ang mga mata ni Van, "Eh kung ako na lang kaya ang mag-drive?" dahil doon ay hindi napigilang matawa ng kasama nito.
"Nagda-drive ka habang natutulog ako dyan sa tabi?" pag-iling niya, "No Gale, I got this. Mga isang oras na lang naman siguro bago tayo makarating doon pero kaya ko pa naman. I'll just take a rest when we get there," napatingin siya sa relong suot nito. May kinuha ito mula sa gilid ng sasakyan at idinikit ang bagay na 'yon sa mismong aircon bago ito binuksan. Ang napakabangong amoy naman at lamig ang siyang sumalubong sa dalawa hanggang sa maramdaman ni Gale ang pagbigat ng talukap ng mga mata nito.
MATAPOS ang mahabang biyahe ay bigla na lang itong nagising nang maramdaman ang paghawak ng kung sino sa kanyang braso, "We're here," saad ni Van nang makilala niya ito. Mabilis naman niyang iniayos ang upo at nagkusot ng mata.
"Sorry, nakatulog ako," mahinang saad niya bago inilibot ang tingin sa paligid. Napatingin siya sa gawi ni Van nang may kunin ito na tila isang card sa gilid ng kotse bago lumabas kaya inalis na rin niya ang suot nitong seatbelt bago binuksan ang pintuan ng kotse. Pagkaapak pa lang niya ay sinalunong na siya ng sariwang simoy ng hangin na siyang nakapagpagaan sa kanyang pakiramdam.
But this time, she roamed her eyes around with a smile. The sound of nature is truly soothing to the mind and body. Natunghayan niya ang tahimik na pag-alon ng tubig galing sa dagat at ang puting buhangin na inaapakan nito kahit medyo madilim pa. Maski ang mga puno sa paligid na tila nasa isang isla sila, "Love what you're seeing?" napatingin siya kay Van na tumabi sa kanya habang tinitignan rin ang buong lugar. May ngiti rin sa mga labi nito hanggang sa tumango si Gale.
"Yah. I didn't expect na sa ganitong klasi ng lugar mo ako dadalhin," saad niya.
"Because it's safe here. Malayo sa lahat at malayo sa gulo."
"Gaano katagal pala natin kailangang manatili dito?"
Dahil doon ay napatingin si Van sa kanya, "Til they tell us to go back," napatango na lang si Gale na umaasang may sasabihin pa ang kasama nito ngunit halatang malayo ang tingin at malalim ang iniisip.
"Is there something bothering you?" napatingin naman ito sa gawi niya. Mapait na ngumiti si Van bago muling ibinalik ang tingin sa malayo.
"I was just thinking... hindi gagawa ng ganitong klasi ng gulo ang militar," saad nito na napailing pa, "Lalung-lalo na ang atakihin nang basta-basta ang El Nostra? Hindi sila ganito makipaglaban. Masyadong mabilis ang mga pangyayari and no one's careless when it comes to fire on fire," dahil dito ay napaisip na rin si Gale.
"Baka masyado silang nagalit dahil sa ginawa ko?" tinignan siya ni Van, "I know the senator and the general so well. May oras na sa sobrang galit ay hindi na nila alam ang tama at mali."
Nagbuntong-hininga si Van at inilagay ang dalawang kamay sa magkabilang-bulsa nito, "Mas magandang huwag mo na lang isipin ang tungkol doon. Let's just wait for Alzini to call us home. Let's go?" tanong nito na nakapagpunot sa noo ni Gale.
"H-Ha?"
Nginitian siya ni Van hanggang sa tinalikuran siya nito at naglakad kaya napasunod na lang siya habang iwinawagayway ng hangin ang kanilang mga buhok at suot na damit dahil sa lakas nito. Ang tanging tahimik na alon ay ang siya ring naririnig nila sa paglalakad.
Napatingin si Gale sa isang beach house nang matigilan sila ni Van sa mismong tapat nito. May kinuha itong key card sa bulsa at itinapat sa pintuan hanggang sa pumasok silang dalawa sa loob at isinara ang pintuan, "Let's just stay here for the mean time 'til the chaos starts to go off," inihagis naman niya ang key card sa couch at binuksan ang isang sliding na pintuan sa harapan. Pagkalabas nilang dalawa doon ay mas maayos na nakikita ang karagatan at pati na rin ang tunog at pag-alon nito. Nagandahan na lang si Gale sa tanawin.
"Gutom ka na ba?" tanong ni Van na ikinailing niya.
"Hindi ba't kakatapos lang nating kumain bago tayo umalis?" sabay ngiti niya dito.
"Then, magpapahinga muna ako. You can stay here for a while," napatingin naman si Van sa paligid, "Pero pumasok ka rin agad," sabay balik ng tingin niya kay Gale na ikinatango nito.
"Sure, alam kong wala ka pang pahinga... and thank you pala."
"No problem. Sabay na lang tayong kumain ulit kagising ko," sandaling nagkatitigan ang dalawa hanggang sa hintayin ni Van ang sasabihin ni Gale lalo na't mukhang may gusto itong sabihin.
"Pwede bang ako naman ang magluto?"
"Marunong ka?" kusang natawa si Van kaya sinamaan niya ito ng tingin, "Anong tingin mo sa akin? Hinde? Syempre marunong ako."
"Alright," ikinabigla na lang niya nang ipatong ni Van ang kamay sa ulo nito at bahagyang ginulo habang ang isang kamay ay nasa bulsa pa rin niya, "May mga stock ng pagkain sa loob. Tignan mo na lang kung anong pwede mong lutuin," ibinaba nito ang kamay at tinalikuran si Gale.
Pagkapasok niya sa loob ay dumiretso sa isang kwarto at ipinatong ang telepono sa lamesa bago inihiga ang pagod na katawan sa kama. Nang makaidlip ito, makalipas ang limang minuto ay narinig ang pagtunog ng telepono na wala sa sarili niyang kinuha at sinagot dahil sa sobrang pagod, "Who's this?"
"Hi, it's good to know that you're finally back. Namiss kita," kusa itong bumalik sa ulirat at napamulat ng mata nang mabosesan ang nasa kabilang linya hanggang sa bigla siyang mapaupo.
"Erin?" salubong na kilay na tanong nito.
"Hindi mo man lang ako sinabihan na nakauwi ka na pala," tila may inis rin sa boses nito hanggang sa mapangiti si Van.
"I'm sorry. Pagod lang talaga... and I had to do something urgent right now."
"Huh? May nangyari ba?"
Dahil doon ay nagsalubong ang kilay nito, "So you still don't know what's happening? Bakit? Nasaan ka ba? I thought nagpapahinga ka na pagdating ko sa mansyon kaya hindi na muna kita hinanap."
"Wala ako sa mansyon buong araw. Busy kasi sa trabaho. Bakit? Anong nangyayari?" pag-aalala nito.
"You should ask Ali."
Napabuntong-hininga naman ang kausap nito, "Hindi naman siya mag-aaksaya ng oras para sabihin sa akin ang nangyayari," napansin din niya ang lungkot sa boses ni Erin.
"I somehow know kung ano ang nagiging problema niyo but I know that you can't do that, Erin. Hindi ka ganoong klasi ng tao. At alam kong alam ni Ali ang tungkol dito. What about your job? You should tell your husband. He has to be the first to know. Kung hindi pa nadulas ang kaibigan mo sa pagsasalita, hindi ko rin malalaman. Umalis ka na don."
"Alam mong hindi pwede, Van. Dito lang ako kumikita ng malaki. Ayaw ko ring dumepende sa kanya," sagot ni Erin kaya napabuntong-hininga ito.
"Fine. But you should find time to tell him the truth. Alam mo kung anong mangyayari sa mga 'yon kapag nalaman 'to ng asawa mo. Don't wait for his rage, unahan mo na. Basta kung kailangan mo ng tulong, nandito ako."
"Thank you talaga, Van. You're truly a friend. Pero anong nangyayari sa mansyon?"
Umiling naman si Van, "It's El Nostra, I think. Hindi ko pa talaga alam dahil hindi pa nila ako tinatawagan. Obviously, may gustong gumawa ng gulo. Pero mas magandang huwag ka na munang umuwi. Delikado rin, especially kay Melody."
"Sige. Hindi ko rin alam kung kailan ko siya ulit dadalhin sa mansyon eh. Pero hulaan ko. Ikaw ang kasama ni Gale?" bahagya itong natawa kaya ganon na rin si Van at napatango.
"Yeah."
"Sige, mag-ingat na lang kayo. Kailangan ko ng bumalik sa trabaho."
"Take care, Erin," matapos sabihin 'yon ay ibinaba na ng kausap niya ang telepono. Napatingin siya sa labas at katulad kanina ay madilim pa rin kahit papaumaga na lalo na't makulimlim at tila uulan. Aktong ipapatong ang telepono sa pinanggalingan nito ay muli namang tumunog hanggang sa makita niya ang isang message at binasa ito.
"Did Blight change his code?" mahinang tanong nito sa sarili, "Hindi man lang kami sinabihan," dismayadong saad pa niya.
"Yo, it's Blight." Aktong rereplayan niya ay may pumasok na panibagong message.
"Someone's tracking you." Dahil doon ay nanlaki ang kanyang mata hanggang sa makaramdam ng hindi maganda at muling may pumasok na panibagong message.
"Van, it's Allison. The enemy is currently on their way to your location. Whom did you have a call to? Cause you were tracked, ano ka ba naman?" Aktong tatawagan si Allison ay sunud-sunod naman ang pumasok na message.
"Meet us on the 6th road of Emilio HighWay. Leave her there at the beach house. Kukunin siya ng mga tauhan ni dad. We have to face the enemy, kasama si kuya."
Dahil doon ay madali nitong kinuha ang isang baril sa isang cabinet at nilagyan na rin ng magazine bago ikinasa. Nagmadali naman siyang lumabas nang mailagay ang baril sa gilid niya at aktong kakatok sa kwarto kung nasaan si Gale ay kusa naman itong bumukas. Nagsalubong naman ang kilay ni Gale nang makita si Van, "Van, gising ka na pala? May problema ba— " natigilan ito nang bigla siyang hilain ni Van at pinaupo sa couch. Lumuhod naman siya para tapatan ito, "I will be leaving, at kailangan mong maiwan dito."
"Bakit?" pagtataka ni Gale.
"It's my fault," napahilamos naman ito ng mukha, "But don't worry, may susundo sa'yo dito. Godfather's men will be here any moment to get you. Haharangan namin ang mga kalaban at haharapin bago pa man sila makapunta dito. Promise me na dito ka lang hanggang sa dumating sila."
Kahit naguguluhan ay napatango na lang ito, "S-Sige. P-Paano ko malalaman kung sila nga 'yon? Eh kung ibang tao?"
May kinuha si Van mula sa gilid nito at iniabot kay Gale ang isang baril kaya doon napako ang kanyang atensyon, "Just in case something happens, you have to defend yourself. But I assure you na sila lang naman ang may alam sa lugar na 'to bukod sa kalaban na haharangin namin," kinuha 'yon ni Gale mula sa kanya at muling tumango.
"Sige," kitang-kita rin ni Van ang tapang sa mukha nito at ang pagkabihasa sa paghawak ng baril, "Basta mag-iingat kayo."
Tumango rin si Van, "No, you take care. I'll be leaving now," pahabol pa niya bago tumayo at tuluyang lumabas. Nilock ni Gale ang pintuan at napabuntong-hininga habang tinatanaw si Van sa paglayo nito at pagsakay sa kotse. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa baril at muling naupo sa couch na halatang hindi mapakali.
Matapos ang ilang minuto ay napatayo ito at pabalik-balik sa paglalakad hanggang sa makarinig na lang siya ng kung anong tunog kaya't nagsalubong ang kilay at sinundan kung saan iyong nanggagaling. Nang makapunta siya sa pinakasulok ay natigilan sa tapat ng isang lamesa kung saan nakapatong ang isang vase. Bahagya itong sumilip sa loob hanggang sa matanaw ang isang maliit na telepono na ngayon ay umiilaw. Ipinatong niya ang hawak na baril sa tabi at kinuha ang maliit na telepono sa loob ng vase.
Pinagpipindot niya ito hanggang sa makita ang isang message na kakapasok lang, "Can't wait to see you again, little girl." Nang mabasa 'yon ay kusa nitong nabitawan ang telepono at nag-umpisang manginig ang buong katawan. Napaatras pa siya habang nakatingin sa teleponong nasa sahig.
Ang panginginig ay mas lalong lumala nang may kung sinong kumatok sa pintuan kaya unti-unti siyang napaharap dito.
Continua...