The moment we reached the mansion, hindi na nagdalawang-isip pa ang mga bantay upang mabilis na buksan ang dalawang naglalakihang gate. I don't even know what should I feel. Seems like I'd explode anytime.
Nakuha ko pang matanaw si Allison sa side-mirror ng sasakyan na nakasunod pa rin sa akin mula sa likuran. Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan papasok nang buksan nila 'yon hanggang sa matanaw ko ang isang pamilyar na sasakyan sa tapat ng mansyon. Kakamatay lang din ng makina nito na halatang kakarating lang. Nang makapag-park ako sa likuran nito ay bumungad sa akin ang pagbaba ng nakasakay doon.
I was a bit surprised nang makita ko ang suot niya ngayon dahil bago sa paningin. It doesn't feel like him. He's not wearing the hat nor his coat. He's wearing that serious face again, which made me feel like knowing na alam na rin niya ang nangyari.
I hate this life! I shouldn't have just left there. Kung maaga ko lang nalaman na ang pag-alis ko ang ikakawala niya. Hindi na sana ako tumuloy pa sa pag-alis.
Pinatay ko na rin ang makina ng sasakyan ko bago tuluyang bumaba. Napatingin pa ako kay Allison nang bahagyang dumulas pasulong at tumagilid ang motor nito sa likuran ng sasakyan ko para magpark na rin.
Tinanggal niya ang suot na helmet at ipinatong sa motor hanggang sa sabay kaming humakbang paakyat para makapasok sa mansyon. Nakasabay na rin namin si Terrence na kasalukuyang naka 3/4 white polo at black slacks kaya nagkatinginan kami habang nagmamadali sa paglalakad.
"I assume, you have some good news," seryoso kong saad dito.
"I assume you also have good ones because I have worse ones in my pocket," saad nito. Ngayon lang namin naranasan ang ganitong pagkaseryoso sa pag-uusap.
Is he mad too? Sa pagkakaalam ko, may pinagsamahan sila ni Gale kaya hindi na ako magtataka kung mas halatang nakakaramdam siya ng galit ngayon kaysa sa akin. We never thought that Ali could easily do that. Putting her on the line then letting her go in the end? Huh, I can't believe this! Napailing na lang ako.
Hindi kami katulad ng date ngayon, we can't play jokes, because we know that nothing is a joke here, and no one must be vibin at a time like this. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maalis sa isip ko si Gale. Is she okay? Or did she believe na hindi Alzini ang kasama niya? She might be waiting for me, because I promised. Pero unang pangako pa lang, nasira na.
I promised. I remember promising to her na hinding-hindi siya mapapahamak dahil kasama niya ako. I had no idea na ganon kadali sa kanilang makuha siya. If I was there, she's still beside me, but no. I regret everything. Mas mabuti pang hindi ko na lang siya iniwan.
Pagpasok namin sa loob ay nakabantay pa rin ang mga tauhan at mga kasambahay. Napapayuko pa sila sa pagdaan naming tatlo. Sa tuwing papasok ako sa mansyon ay nakakagaan sa loob, pero hindi na ngayon. Dumiretso kami agad sa elevator para bumaba dahil ganito naman ang patakaran sa tuwing may mahalagang pag-uusapan.
I knew Ali's look. Sa tagal ng pagkakaibigan na mayroon kami, mata pa lang niya, alam ko na kung ano ang problema.
Pagkapasok namin doon ay si Terrence na ang pumindot sa may gilid nito, "Code 8," saad pa niya na sinundan rin agad ni Eli, "Black Alpha activated," pagkatapos noon ay gumalaw na ang kinatatayuan namin pababa.
"Do you have any idea na ganito ang plano ni Ali?" tanong ko na ibinaling ang tingin kay Allison kaya nabasag ang katahimikan. Maski ang detective ay napatingin na rin sa amin.
"What plan?" kunot-noong tanong niya.
I just can't help but to barely laugh at inilipat ang tingin sa harapan, "Stop lying. You knew. That's why you insisted na iwan ko siya."
"What the hell are you talking about, Van?! At saka pwede ba?!" hinarapan naman niya ako at nagkibit-balikat ito, "If she was taken, huwag mo 'kong idamay! Wala akong alam sa nangyari kaya huwag na huwag mo akong pagbibintangan!" pagtataas niya ng boses. Natawa na lang ulit ako.
"You were with your brother kaya imposibleng hindi mo alam na habang papunta ako, kinukuha na nila siya," sagot ko pabalik na tinignan siya hanggang sa panliitan niya ako ng mata.
"Alam mo? Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan. I don't even know what you were trying to say!"
Ibinaling ko na lang ulit ang tingin sa harapan. If she doesn't really have any idea about Ali's plan, why is there a need for her to insist na iwan ko si Gale through that text message?
"Could you please stop, both of you?" napatingin kami kay Terrence na salubong ang kilay at halatang mainit na rin ang ulo kaya nanahimik na lang kami.
"Huwag kang mambintang kung wala kang ebidensya!" pahabol pa ni Allison na mabilis lumabas pagkabukas ng pintuan. Napailing na lang ako at sumunod kami sa kanya ng tahimik na detective.
Tinahak namin ang daan papunta sa dulo kung saan kami sinalubong ni Madam Olivia, "Master is waiting for you inside," napayuko naman ito kagaya ng parati niyang ginagawa at tumabi para makadaan kami. Sa gilid ng pintuan ay mayroon ding dalawang lalaki na nakabantay habang nakasabit ang mga baril sa katawan nila at diretso ang tayo. Nakakailang hakbang pa lang kami pero natigilan na si Allison sa tapat nito, "Madam Olivia, where's mom and dad?" pagtataka niya.
To think of it, kanina pa sila hindi nagpapakita at kahit isang tawag ay wala. Are they planning something too or could it be that they are already finding her? We won't know unless we speak with Ali.
"Godfather and Senyora had been called by the Elders in the main headquarters, Miss Allison," pahayag niya kaya hindi kami makapaniwalang napatingin sa isa't isa.
"Headquarters? For what?" napahakbang pa ng isang beses si Allison papalapit sa kanya.
Being summoned by the Elders, especially in the headquarters is not a good thing. Whenever it happens, laging may nangyayaring hindi maganda. When a problem reaches the Elders, it only means that it is not just a problem that someone can fully handle.
"Pardon, Miss Allison. But I too, don't have an idea about this matter," magalang na saad pa ni Madam Olivia.
Diretso namang pumasok si Allison sa loob kaya napasunod na rin kami. Bago ako tuluyang pumasok ay binalingan ko ito ng tingin, "Please don't let anyone interrupt with our conversation, Madam Olivia," hinarapan ko naman ang isa sa mga lalaking nakabantay, "Informe o outro para guardar com segurança a mansão."
(Inform the others to securely guard the mansion.)
"Sim senhor," bahagya itong napayuko bago ako nilagpasan. Tuluyan naman akong pumasok sa loob at pabagsak na isinara ang pintuan.
Pagkaharap ko sa kanila ay natagpuan ko si Ali na nakasandal sa may lamesa habang may hawak na baso at umiinom doon. Sina Terrence at Allison naman ay nakaupo sa magkatapat na couch na nasa harapan mismo ni Ali habang walang kibo.
How could they just sit like this? Ano 'yon? Parang wala lang ang nangyari?
Behind Ali is the Godfather's seat. Ni minsan ay hindi niya sinubukang umupo doon. For us, that seat is only intended to the highest, although he has permission to take the place when Godfather is not around, he never attempted to sit on that chair anyways. Yet going back... this is the first time that I am boiling inside dahil sa ginawa niya. At hindi ko maintindihan kung bakit.
He's still wearing that formal suit just as I am.
Kusang napakuyom ang dalawang kamay ko bago naglakad papalapit sa kanya. Tumigil ako nang matapatan ko siya at binalingan ng diretsong tingin, "Why do you have to do that?" tanong ko. I know him for doings things better than all of us, pero hindi ko lang maintindihan ang desisyon niya ngayon. What is he thinking?
"Did what?" uminom siya sa baso at ipinatong 'yon sa gilid niya pagkatapos niyang lumunok hanggang sa diretsong ibaling ang tingin sa akin. Dahil naman doon ay natawa na lang ako, "Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin. So tell me why did you have to do that? Ang akala ko ba sa atin lang siya?"
"But not anymore," pag-iling niya. Seryoso pa rin ang mukha nito na parang hindi talaga apektado sa nangyayari. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang magdesisyon ng ganun-ganon na lang.
"Do you even know kung anong pwedeng mangyari sa kanya kapag napunta siya sa kanila? I assume you know!" sa tagal ng panahon ay hindi ko nagawang pagtaasan siya ng boses but this one is different. I'm just trying to compose myself, resisting to burst out in anger.
"Yes, I know, Sullivan," sagot niya.
"Then why?! Bakit mo pa siya ibinigay sa kanila?! Why did you have to make a f*cking deal with them?!"
"I never attempted to give her to them but— "
"Kung tungkol 'to kina Erin at Melody, pwede naman nating gawan ng paraan nang walang napapahamak, right?!" pagharang ko.
"Van, could you please lower down your voice?" iritang saad ni Allison na napatayo na.
Tinignan ko siya ganon na rin si Terrence na nakikinig lang sa amin. Is this the supposed to be expression of a guilty person? But wait...
Something doesn't feel right.
Napatango na lang ako at hindi makapaniwalang napangiti nang mapagtanto ang kilos nila ngayon, "So alam niyo ring dalawa?" hindi naman sila kumibo, "Yet you didn't stop Ali. And even me," dagdag ko pa.
"Nalaman ko lang din nung sinundan kita sa beach house. And please, pwede bang kumalma ka?! Bakit ka ba nagkakaganyan? Kulang na lang masiraan ka ng ulo dyan!" sigaw ni Allison habang magkasalubong ang mga kilay nito at umaapoy ang mga matang nakatingin sa akin.
"What do you want me to do, huh?! I promised to her because you said, she must not be taken. Pero ano 'to?!" sigaw ko pa kay Ali.
Ang pinakaayaw ko sa lahat ay yung hindi ko natutupad ang mga pangako ko. Call me insane because of over reacting now but I am that kind of a man. At hindi ako mapapalagay hanggat hindi ko nakikitang maayos ang lagay niya.
"You shouldn't have texted me, hindi ko na sana siya iniwan," dagdag ko pa at pinilit na hininaan ang boses.
"Text what?" tanong pa ni Allison nang may pagtataka.
"The text didn't came from Allison," tinignan ko si Ali na nakasandal pa rin sa lamesa. Nagkatinginan naman kami ni Allison, "What do you mean?" tanong ko.
"It was a set up planned by an unknown enemy," saad ni Terrence na abala sa pag-iisip at prenteng nakaupo habang nanatili naman kaming walang kibo ni Allison. Napalunok na lang ako sa narinig ko.
"Why would they do that? Paano?" naguguluhan kong tanong. So wala talaga silang alam? Even Ali?
"Yan din ang gusto kong malaman kanina pa. Ewan ko sa isang 'to at bakit pinagbibintangan ako!" sinamaan ako ng tingin ni Allison bago naupo at sumandal sa isang couch na katapat ni Terrence. Ipinatong niya ang kanang kamay sa sandalan ng couch at nagdekwatro.
"El Nostra thought that it was the army who bombed one of their main warehouse. Which is why they planned to corner the camp with their weapons," paliwanag ni Terrence, "Nagkausap pa ang heneral at si Liam, and it was clearly stated that those men who attacked El Nostra's warehouse were just disguised as the army to fool both sides,"
Bigla naman akong napaisip. So it was really a set up? Even just with few words, unti-unti na rin naming naiintindihan ang sitwasyon.
"So becase of that, obviously, El Nostra would surely insist na kunin si Gale sa atin para hindi na malayang makagalaw ang heneral right? Sinadya ng kalaban na pagbanggain tayong tatlo. Kung ganon, bakit pinaikot nila tayo, at sino ang pakay ng kalaban?" hininaan ko na rin ang sariling boses.
Honestly, I feel guilty dahil sa inasta ko kanina. Kaya pala todo deny si Allison dahil wala naman talaga siyang alam sa pinagsasabi ko. I'm really stupid. I need to calm myself down.
"Blight contacted me," sabay-sabay nanlaki ang aming mga mata at napatingin kay Ali.
"At bakit naman niya gagawin 'yon?" hindi makapaniwalang saad ni Allison.
"Seems like the number was fake, and so do him. That's what I thought at first, but he mentioned something about Van and Serenity's location at the moment in the beach house which I confirmed that the message really came from him," diretso naman ang tingin ko habang hinihintay ang mga susunod pa niyang sasabihin, "He had been able to track another device inside the beach house, which only means that the enemy was already waiting even before Van and Serenity arrived. It could possibly be na pumasok sila sa beach house para iwan ang device sa loob," tuluyan namin kaming natigilan sa sinabi nito.
"W-what?" utal na tanong ko.
Unti-unti naman akong napaupo at sinapo ng dalawang kamay ko ang mukha ko dahil sa totoo lang, magulo, "So ibig sabihin... " saad ni Allison habang nakatingin sa kung saan at tinignan si Ali, "Something was already inside the beach house like a phone or what?"
"Possibly. He was trying to contact Van but his phone number was unable to reach, and even blocked at the moment."
"Blocked?" saad naman ni Terrence na tinignan ako kaya umiling ako. I don't remember my number being blocked, nor did I turn it off.
"But I received a message directly from Allison," pahayag ko.
Hinarap naman ni Terrence si Ali. It could have been better if all third generation members were also here. Mas madali naming maaayos 'to lalo na't wala sina Don Stefano at Senyora ngayon.
"Then it only means they blocked your number para hindi ka namin makontak. And using Allison's number, they were the one who disguisedly sent you a message. Kaya ba iniwan mo si Gale? Dahil sa message na 'yon?" sabay tingin ni Terrence sa akin na siyang ikinayuko ko.
Kung alam ko lang na hindi totoo 'yon, hindi ko siya iiwan. I thought it was all true. Thanks to that stupid fake message!
"It says that the enemy was able to track our location. Alzini men would come for her, and me together with Allison would block the enemy on their way to the beach house. I thought it was our new plan, but knowing it was fake... sorry for being stupid and for what I did, believing that you really gave her to them," mahinang saad ko sa kanila. Napasapo naman ako ng mukha gamit ang dalawang kamay.
"Don't be sorry. Sadyang napaikot lang nila tayo," ipinatong ni Terrence ang isang kamay sa balikat ko kaya tinignan ko siya, "We'll surely find a way, for us to have her again," bahagya akong ngumiti at tumango. Inalis naman niya ang kamay sa akin.
"Since Blight said that, it was already confirmed that it was a set up especially when Van came without Gale by his side. The moment I saw you, I knew, that's why I commanded everyone to go back here in the mansion," saad pa ni Ali kaya ibinalik namin ang tingin sa kanya.
"The detective is right. You shouldn't feel sorry after all. The moment you left the beach house, they were already there. Even if I command everyone to save her, magsasayang lang tayo ng oras dahil wala na tayong aabutan," dagdag pa niya at napatango na lang ako.
Kaya pala kahit paliparin ko na ang sasakyan ay wala akong naabutan sa beach house. After I left, they surely got her that moment.
"So anong plano natin ngayon?" tanong ni Allison.
Muli namang kinuha ni Ali ang baso sa gilid nito at uminom doon bago nagsalita, "We have to wait for Godfather's command."
"Bakit nga pala sila pinatawag sa main headquarters? May nangyari din ba sa buong org?" pagtataka pa ni Allison na bahagyang yumuko at ipinatong ang dalawang siko sa tuhod niya.
"I have no idea," pag-iling na sagot ni Ali.
"Kadalasang malaki ang problema sa tuwing may ipinapatawag doon. We have to wait for them para malaman natin kung ano." -Terrence. Nagsalin pa ito ng alak sa basong nasa harap niya at kinuha 'yon.
"May konek din ba 'to sa nangyaring set up ngayon? Sa kalaban?" -Allison
"Probably?" hindi siguradong saad ng detective bago nainom. Sabay-sabay kaming napatingin sa bulsa niya nang tumunog ang telepono nito kaya naibaba niya ang hawak sa lamesa at kinuha ang telepono.
"Terrence Black speaking... " napasandal naman siya sa couch habang tahimik lang kami, "Oh yeah, I almost forgot... sorry to keep you waiting, there was an urgent call from the camp... " napatingin naman ito sa relo niya, "Sure... of course... I'll be there in a few minutes," sabay baba sa telepono nito.
"Anong meron?" -Allison
"Being called at Higher Police Department," sabay buntong hininga nito.
"Higher Police Department? Bakit, anong ginawa mo?" dahil doon ay dismayadong napatingin ang detective kay Allison.
"Kung makatingin ka, parang may ginawa ako ah? Hindi ko rin alam, may itatanong daw. So please, don't look at me as if I'll be interrogated like a witness or a criminal."
"Sorry na haha!" sabay tawa ni Allison.
"Then you should go," saad ni Ali kaya sa kanya nabaling ang atensyon ni Terrence.
"What about the org— "
"Allison will inform you. Seems like it's an urgent matter, detective." -Ali
Tinignan naman ni Terrence si Allison, "Yah I will. Wala rin naman akong magagawa kung 'yon ang utos," nagsalin din siya ng alak sa baso at diretsong tinungga 'yon.
"Sure?" tanong pa ni Terrence na ikinatango ni Ali, "Alright," inilagay niya ang telepono sa bulsa at tumayo, "I'll be back once I'm done with the police," tuluyan naman siyang lumabas kaya sinundan namin ng tingin at naiwan naman kaming tahimik.
To be continued...