Chereads / Bandage on Bullet Holes (LaCosta Saoirsa Initial Book) / Chapter 37 - Capítulo trinta e cinco

Chapter 37 - Capítulo trinta e cinco

Matapos kong suotin ang kulay gintong roba ay maayos kong tinignan ang aking sarili sa isang full body size na salamin. They were insisting na ito raw ang kailangan sa photoshoot, especially when I will be modelling for a red room's magazine. Malaki raw kasi ang kita ng mga modelo nila at hindi basta-basta kumukuha ang kumpanya nila ng kung sinu-sino. Noong una ay hindi ko alam kung anong dapat na isagot nang tanungin nila ako. Kung mataas ang kita, bakit pa ba ako tatanggi? After all, matagal ko na ring pinangarap na maging isang sikat na modelo sa ganitong klasi ng industriya. Hindi lang talaga siguro ako sineswerte kaya mas mabilis pa ring sumikat at umangat ang iba kaysa sa akin na matagal na dito. But by being the model of this well-known company, I might be able to achieve that dream of mine.

Dahan-dahan kong hinawakan ang dalawang tali ng roba para mahigpit at maayos na itali 'yon sa isa't isa. Ito lang kasi ang kaisa-isang bagay na magtatakip sa buong katawan ko. It's actually my first time wearing such kind of thing... black swimwear with gold attached strings on every curve and corner. Ang nagtatakip lang dito ay ang roba na suot ko kaya nakahinga ako ng maluwag. Yes, I was expecting na swimwear ang kailangan kong suotin but not too revealing like this na parang isang hilaan lang ay mapupunit na. Guess, I have no choice. As long as I won't gonna have to remove the golden robe, it's all fine to me.

Isa-isa ko munang iniligpit ang mga ginamit kong pang make up na kasalukuyang nakapatong sa lamesang nasa harapan ko. Inilagay ko sila sa kulay itim na bag at matapos noon ay isinara ko 'yon at isinabit sa aking balikat at muling tumingin sa salamin.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga bago tuluyang lumabas sa dressing room. Saktong naabutan ko naman si Jane na nakaabang sa gilid ng pinto habang may hawak itong telepono na kasalukuyang nakatapat sa tainga niya at abalang may kausap, "Yes sir, the photoshoot is about to start... yes... yes... noted po... opo," saktong ibinaba nito ang hawak ay napatingin siya sa akin.

Wala sa pagdadalawang-isip niyang inobserbahan ang aking kabuuan hanggang sa manlaki ang kanyang mga mata, "Oh my God! Miss Erin, you look so... " inikutan niya ako na tila hindi makapaniwala, "Fantastically gorgeous," dagdag pa niya na natigilan sa harap ko. Kitang-kita ko rin ang pagkinang ng mga mata niya kaya bahagya akong napangiti.

"I never liked compliments, but thanks," sagot ko na inilibot ang tingin sa paligid.

"No man can ever look away from you, alam niyo po ba 'yon? You're just... " natigilan siya na tila naghahanap pa ng sasabihin hanggang sa mapasuko na lang at magbuntong-hininga, "Too gorgeous," muli ko siyang binigyan ng matipid na ngiti.

How I wish that man can never look away from me, even if he sees someone better and lovable than me. I shouldn't be thinking about it. Wala na din naman siyang oras para pakinggan ako.

Sabay naman kaming napatingin sa harap nang magsalita ang isang lalaking ngayon ay papalapit sa amin, "Miss Erin, ready na po ba kayo? Magiistart na tayo," saad niya na ikinatango ko.

"Sumunod na po kayo sa akin at hinihintay na kayo ng mga photographers ng red room," sabay talikod nito sa amin kaya muli kong hinarapan si Jane, "Let's go?" malapad naman siyang ngumiti at nakuha pang magthumbs-up.

"Good luck po Miss Erin! Tara na," kinuha naman niya ang bag na dala ko at binitbit 'yon. Nauna siyang naglakad sa akin hanggang sa napatitig na lang ako sa kanya at nagkibit-balikat. She's the best of all, aside from being my personal assisstant, isa siya sa nakakaalam kung ano ang dinaranas ko sa trabaho ko ngayon.

How I wish that my husband was here. Would he be proud or would he prohibit me from doing this? Would they or would they not?

Bigla akong nakaramdam ng lungkot. They were supposed to be cheering me up right now to do my best and to put the best smile that I can, yet ibang tao na ang pinapangiti nila ngayon. Those spark of insecurities that I always feel started to rise up all over again. Alam kong hindi magandang mag-isip pa ako ng kung anu-ano ngayon, I need to be strong. And I need to do this on my own. I need to smile on my own and put the best that I can do, even without someone beside me. Sana lang talaga, hindi na maulit ang mga nangyari dati. Kung hindi ko lang sana kailangang mag-ipon ng sariling pera, hindi ko pipiliin na magtrabaho dito. But this is the only way towards achieving my dreams... to be a well-known model and to save a big amount of money.

Many people hate me, but I tend to hate them more. It's not my responsibility to make them proud. Being proud to myself is all I need, and that's enough for me to be stronger.

Binilisan ko ang paglalakad para makasunod sa likuran ni Jane. At first, I don't really trust this red room magazine kahit na sikat ang kumpanya nila, but since Jane recommended me to them, she did everything to convince me para pumayag ako na kunin nila akong modelo para sa upcoming release ng new magazine nila. I trust Jane, and I am hoping that this magazine company is different from others.

Sa paglalakad namin ay tumatabi naman ang mga staff na pabalik-balik sa hallway ng studio. Habang ang ibang modelo ay hindi pa rin tapos na ayusan maliban sa akin na galamay nang ayusan ang sarili ko. Sa bandang dulo ay natigilan kami sa tapat ng isang pintuan hanggang sa bumukas ito at sumalubong sa amin ang isang lalaki. Nang makita ako nito ay tinignan niya ako mula ulo hanggang paa kaya hinigpitan ko pa ang pagkikibit-balikat dahil hindi ako naging komportable sa paraan ng pagtitig niya.

"Miss Erin Clemente, am I right?" tanong nito na siyang ikinatango ko at taas-noong ngumiti. Confidence is all I need right now. I need it every time I am facing stronger people.

"How glad for me to meet you personally, I've been longing to see you," sabay lahad ng kamay nito sa akin, "I'm Ronald Davidson, main photographer of red room magazine."

Napatingin ako sa kamay nitong nag-aabang sa aking harapan at nagdalawang-isip muna kung tatanggapin ko pa 'yon but since he's the main photographer, "Nice to meet you too, sir," nakipagkamay na rin ako sa kanya. I don't want him to think that I have no manners at all.

"And to inform you, in a few minutes we're about to start the photoshoot," sabay tingin nito sa kanyang relo pagkatapos makipagkamay sa akin, "You should wait inside the model's room first. I'll have the staff to call you when everything is ready. We're just adjusting the lighting of the background," napatingin ito sa loob ng kwarto bago ibinalik ang tingin sa amin.

"Sige po sir, maghihintay lang kami," sagot ni Jane na tinignan ako, "Halika na po, Miss Erin," hinawakan niya ang door knob sa katapat naming kwarto at binuksan 'yon. Napansin ko naman ang salitang model's room sa tuktok ng pintuan. May mga dumadaan ring staff sa hallway ng studio at pansin kong sila pa ang tumatabi sa tuwing dadaan sa tapat namin.

Binuksan ni Jane ang pinto kaya pumasok kami sa loob at natagpuang walang tao. Sinalubong kami ng malamig na hangin na nanggagaling sa aircon hanggang sa muli niyang isinara ang pintuan. Naupo naman ako sa isang stool na nasa harapan ng salamin kung saan may mga nakadikit na puting ilaw sa gilid nito. Obviously, it's a dressing and makeover room for models kaya ganito ang set-up. Ipinatong naman ni Jane ang bag sa harap ng salamin.

Napatingin ako sa gilid nang mapansin ang mga nakahanger at iba't ibang klasi ng swimwear. Some were lacy and strapless which made me feel uncomfortable kaya inialis ko ang tingin doon at napatingin na lang sa salamin. Tinignan ko ang magkabilang-pisngi para alamin kung may dapat pa ba akong ayusin sa sarili ko lalo na't medyo mainit kanina sa labas.

"Jane," saad ko habang inaayusan niya ang buhok ko pagkaupo ko pa lang kanina. Speaking of my hairstyle, mas prefer daw ng kumpanya na nakalugay at mala-alon ang buhok kaya ganon ang ginawa ko. It's somehow attractive for them and for the magazine itself.

"Po?" sabay harap nito sa akin.

"Pa-retouch naman," pakiusap ko sa kanya nang makitang nag-ooily na rin ang mukha ko, "Sige po, sandali lang," binuksan niya ang bag at nang makalkal niya ang powder sa pinakailalim ay inumpisahan niya akong pahiran noon kaya napapikit ako.

"Oo nga po pala, Miss Erin. Pupunta po ba ang husband niyo?"

Ilang segundo muna akong natahimik. Nang matapos siya ay iminulat ko ang aking mata at tinignan ang sariling mukha sa salamin bago nagsalita, "I don't think so."

"Ahhh. Busy po siguro siya sa work no?" saad nito na tinakpan ang powder at ibinalik 'yon sa bag matapos magretouch. Alam na rin naman niya na kapag nagpaparetouch ako, konting pahid lang talaga ng powder ang gusto ko kaya mabilis niya lang ginagawa. Since we're that close, open na rin siya sa akin and I don't take it like nakikielam siya. She's just concern, and I can feel it.

Mapait akong napangiti, "Lagi naman siyang busy sa trabaho, busy na rin sa ibang tao," dahil doon ay napatingin si Jane sa akin na puno ng pagtataka.

"His family and my friends, they are all busy protecting someone more valuable than me. Feeling ko tuloy napag-iwanan ako. They are slowly forgetting me, because I think that I am that useless to be easily forgotten," wala sa sariling saad ko habang nakatingin pa rin sa salamin. How I wish eyes could speak.

Nagbuntong-hininga na lang ako, "It's true that everything is just temporary, time will come, everything will change. So we should know how to survive alone without thinking of anyone's promises. Promises are meant to be forgotten."

Sana ako na lang siya.

I felt a bit of sadness nang tawagan ko si Van kanina. Hindi niya man nga ako nasabihan na uuwi na pala siya. She was the first who was able to meet him first, not me anymore. Pati ba naman loob ni Van, nakuha na rin niya agad? I just wish for all of them to be safe and secured. Ayaw kong may mapahamak kahit na masama ang loob ko. Yes, they are there, yet I am alone. Lost in the underground world after they dragged me here.

"Miss Erin, may problema po ba kayo?" dahil doon ay napatingin ako kay Jane na diretso ang tingin sa akin. I can't help but to smile every time I see her. She looks cute with those pink glasses on, but I should keep my fierce posture on, para naman kahit papaano ay matakot silang maliitin ako.

"What kind of question is that?" pagtataas ko ng kilay sa kanya.

"Napapansin ko po kasi lately na parang ang lalim ng iniisip niyo. Tapos yung husband niyo po, hindi na rin kayo pinupuntahan sa work kung kailangan niyo siya pinaka kailangan," pahayag niya na nginitian ko na lang.

"Jane, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na mas okay na rin na wala siya dito?"

"Kahit po hindi na maganda ang pakikitungo ng mga nasa studio? Kahit na nababa— "

"First of all, you clearly know na matagal ko ng pangarap 'to. Second thing, hindi ako mananatili dito kung hindi ko kailangan, Jane."

"Eh mayaman naman po ang husband niyo. Bakit po hindi niyo siya sabihan o kaya humingi ng tulong sa kanya kung may mabigat man kayong dinadala?"

"Masyado na siyang maraming problema. At ayaw kong dumagdag pa. Presensya ko pa nga lang, nagiging problema na sa kanya. Humingi pa kaya ng tulong? As long as he and my Melody is safe, I have nothing to wish for," unti-unti naman akong napangiti.

"Ayaw kong maging pasanin sa kanya," dagdag ko pa.

"Miss Erin, asawa niya po kayo. Therefore, never kayong magiging pasanin sa kanya." Hindi na lang ako nakasagot sa sinabi niya.

Sabay kaming napatingin sa bag na nakalapag sa harap namin nang tumunog ang telepono kaya nagmadali siyang hanapin 'yon at ibinigay sa akin. Sinagot ko naman agad nang makita ang pangalan ni Margo kaya bigla akong nakaramdam ng tuwa, "Hey Margo!"

"Erin! Oh my gosh! I can't believe this na pumayag ka pa talaga na kunin ka nilang modelo? What were you thinking?!" hindi makapaniwalang tanong nito na nagtaas na rin ng boses na siyang ikinatawa ko.

"Nakukuha mo pa talagang tumawa? What if maulit nanaman ang nangyari few weeks ago?" galit man ngunit halata sa boses niya ang pag-aalala.

"Margo, don't worry, I think this one is different. Hindi naman ako kukulitin ni Jane kung alam niyang hindi katiwa-tiwala ang mismong kumpanya," sabay tingin ko kay Jane na nginitian ako.

"Alam ba ng husband mo ang tungkol dito?"

Napailing naman ako, "He doesn't have to know."

"Bakit pa kasi nagtitiis ka sa ganyang set up ninyo? You have to tell him the truth, dahil kung hindi, I am telling you na sa punerarya ang abot ng mga tao dyan, especially for what your boss did to you a few weeks ago."

"I attempted telling him once," napatingin ako sa mga daliri kong ngayon ay kulay ginto, pati na rin sa gintong singsing na suot ko, "But he's not willing to listen at all. So I assume, he doesn't have to know and he will not attempt to find out." Tanggap ko na rin naman kung nagbago na siya ngayon. It's all my fault. And I never had the chance to admit my mistakes, because all along, I am doing all of this to protect my daughter. It's for my Melody's safety.

"You have to tell us na kasi what happened between the two of you. Ang ayos niyo naman dati ah."

Masyado ng problemado ang buong organisasyon nila Ali at ayaw ko ng dagdagpan pa, especially now that they are slowly being satisfied because of Serenity Gale's presence and help to them. I was a witness how they carefully crafted every plan, and it wasn't a joke. Yet I can't help but to feel hurt because they all have interest to that woman but not paying attention to my situation.

I am the wife pero wala akong laban. Kailangan ko pang sumunod sa gusto nila dahil kapag hindi ko 'yon ginawa, ako ang mali.

Dinig ko naman ang pagbubuntong-hininga ni Margo nang hindi ko siya sagutin, "Okay, I get it that you're doing this for yourself and for your daughter, then what? Lalaki si Melody na ganyan ang relationship ng parents niya?" hindi makapaniwalang saad nito.

"You know what, Margo. There are threats around me these past few days. If I can tell it to him, matagal ko ng ginawa but I can't. Because sometimes, telling the truth will make you wrong. Lahat ng ginagawa ko, para sa anak ko," nagbabadyang tumulo ang aking mga luha na agad ko namang napigilan.

"Pero lalaki yung bata. Paano mo ipapaliwanag ang lahat sa kanya kung bakit kayo ganyan ni Ali?"

"Wala pa naman 'yan sa isip ko. What I need is makaipon ako para sa aming dalawa." It's the last thing I can do for the both of us, kapag nakaipon na ako, kaming dalawa ang kusang aalis.

"Nako girl. Siguraduhin mo lang na hindi kayo mapapahamak dyan sa mga tinatago mong sikreto. I'm your bestfriend since birth, at kahit hindi mo sabihin, alam kong marami ka pang hindi sinasabi sa akin."

"Don't worry, I know what I'm doing, Margo. They just don't have to know, and you have to promise me the same thing," mapait akong napangiti.

If someone has not been controlling me all this time and if I don't have to protect whom I value, I don't have to endure a heavier pain in my heart. Pagkatapos noon ay binaba ko na ang telepono nang may tumawag sa akin mula sa labas kaya napatingin kami ni Jane sa pintuan.

I had to feel guilty, though I must not. Nakakagaan lang sa loob na kahit papaano ay may nakakaintindi sa akin.

To be continued...