Chereads / Bandage on Bullet Holes (LaCosta Saoirsa Initial Book) / Chapter 36 - Capítulo trinta e quatro

Chapter 36 - Capítulo trinta e quatro

Unti-unti kong iminulat ang aking mata nang makarinig ako ng mga boses na tila nag-uusap. Ang panlalamig rin ang pinakauna kong naramdaman nang iniayos ko ang upo at mapagtanto kung nasaan ako. Ramdam ko rin ang higpit ng pagkakatali sa kamay ko na kasalukuyang nasa likuran kaya hindi ako malayang nakakagalaw.

Nakaupo ako sa pinakagitna ng van habang nakapalibot silang lahat sa akin. May nakaupo sa likuran at ganon na rin sa harapan. Pansin kong lahat sila ay nakatingin sa pinakaharap kung nasaan ang driver's seat kaya ganon na rin ang ginawa ko na napalunok pa.

Sa tapat lang noon ang tanging nakabukas ang bintana kaya natanaw ko na may kausap ang driver na isang lalaki. Katulad rin nila 'yon, puno ng tattoo sa katawan at may hikaw sa labi, napupuno rin ang kanyang tainga hanggang sa silipin ako nito at mapangisi siya.

"Yan pala target ni big boss ngayon, baka pwede naman akong pahiram mamaya," pabiro man niyang sinabi ngunit kitang-kita ko ang pagnanasa sa kanyang mga mata. Napatingin na rin sa akin ang driver nila at ngumisi, "You're finally awake. Sakto malapit na tayo. Hinihintay ka na ni boss," saad nito dahilan para samaan ko siya ng tingin.

Ibinalik naman niya ang tingin sa kausap niyang lalaki na nasa labas. Tinignan ko ang paligid para alamin kung saan nila ako dinala pero wala akong makita lalo na't kulay itim ang bintana, "Sige daan na," saad ng lalaki sa labas at tumingin ito sa malayo.

Pumito siya kaya natanaw ko sa harapan ang unti-unting pagbukas ng isang harang na tila isang gate na gawa sa bakal. Napansin ko rin na may suot ang lalaki na mahabang baril sa katawan niya.

Hindi nagtagal ay nagsimula nang umandar ang sasakyan kaya wala akong nagawa kundi obserbahan na lang ang paligid. Bigla na lang akong napaubo na hindi na rin nakakapagtaka dahil basa pa rin ako bunga ng nangyari kanina. Mula sa buhok ko ay may tumutulo pang tubig dahil basa ito. Napatingin sa akin ang dalawang lalaki sa magkabilang-gilid ko kaya kitang-kita ko kung paano nila ako titigan mula ulo hanggang paa.

The way they look at me gave me enough chills that something bad might happen.

Inilapit ng isa ang kamay niya sa leeg ko kaya mabilis kong iniiwas 'yon at napaatras. Naramdam ko pa ang pagdikit ng palad sa magkabilang-balikat ko nang hawakan 'yon ng lalaki sa likuran ko kaya sa kanya nabaling ang aking atensyon. Ang mga ngiti nilang may hindi magandang balak ang siyang bumungad sa akin.

F*ck these men!

"Will you stop?" tanong ng lalaki na nasa tabi ng driver's seat kaya napatingin kami sa kanya, "You heard it clear kay big boss na huwag siyang hahawakan, unless it's necessary just like what I did earlier," diretso naman ang tingin nito sa akin na nakuhang ngisian ako. Siya lang naman ang naglublob sa akin sa tubig kanina.

Bahagya pa niyang inilapit ang mukha sa akin kaya nagkatitigan kami, "Subukan mong tumakas ulit. Kung kanina, tubig ang hinalikan mo, sisiguraduhin kong ibang bagay na ang ipapahalik ko sa'yo mamaya," banta pa niya na napatingin sa katabi ko. Bahagya silang natawa dahil sa sinabi nito kaya sinamaan ko siya ng tingin at isinandal na lang ang sarili sa inuupuan. Mas magandang iwasan ko na lang ang mga titig nila.

I can't attempt seeing these men and hearing their words.

"Can't wait to see it," bulong pa ng isa sa akin hanggang sa magtawanan silang lahat kaya napapikit ako at napalunok. Idinaan ko na lang sa malalim na paghinga para pakalmahin ang sarili ko.

I need to get out of this place. Calm down. Marami sila at isa lang ako, kaya kailangan kong kumalma. Now is not the time to put my fist on their b*llshit faces.

Nang imulat ko ang aking mata ay napansin kong sa dinaraanan namin ay may mga nakabantay at katulad sila ng lalaki kanina. May suot silang mga baril sa katawan at maiging minamanmanan ang paligid. Mayroon rin akong natatanaw na mga club sa dinaraanan namin. Maya-maya ay biglang tumigil ang sasakyan nang makarating kami sa pinakadulo.

Nagsibabaan naman ang mga kasama ko. Hinawakan ako ng dalawa sa braso at sapilitang hinila papalabas. Inilibot ko ang tingin sa paligid at puro club ang nakikita ko. Nang makababa ang lahat sa kani-kanilang mga sasakyan ay muli nila akong hinila sa paglalakad. Nasa harapan namin ang naglublob sa akin kanina habang nakahawak ang dalawa sa akin at nakasunod rin ang iba sa likuran.

Sa pagdaan namin sa bawat club ay natatanaw ko ang mga babaeng sumasayaw sa isang dance pole nang walang saplot. Sa harapan nila ay mga lalaking nakaupo at nakangising pinapanood sila sa pagsayaw. Sa pinakadulo ay may isang hindi pangkaraniwang club ang pinasukan namin. Naiiba ito maliban sa mga katabi niyang club. May kalakihan at kulay itim at pula ang mga disenyo sa paligid. Nang makapasok kami sa loob ay mas maraming babae ang sumasayaw sa may stage. May nakaupo, may nakatayo at mayroon ring nakasabit sa mismong dance pole at dinidilaan 'yon. Wala rin silang suot na kahit anong saplot ngunit puno ng pulang accessories ang mga katawan nila.

Inialis ko doon ang tingin nang hindi ko na masikmura pa ang nangyayari kaya natuon naman ang aking atensyon sa mga nadaraanan naming mga lalaki, kung saan ay nakapalibot ang bawat grupo sa kanya-kanyang lamesa habang may mga nakalapag na kung anong likido, mga gamot at iba't ibang klasi ng pulbura roon. Halata ring wala na sa sarili ang iba na kahit bagsak na ang katawan sa upuan ay nagagawa pa ring ngumiti na tila may sariling mundo.

Mayroon ring mga pumapasok sa mga VIP room habang may kasamang babae na halos wala nang isuot na saplot. Ang bawat isang kwarto ay mahigpit na binabantayan ng mga lalaking armado. Sa pinakadulo ay natigilan kami nang harangan kami ng dalawang lalaking nagsisilakihan ang katawan at walang pantaas na saplot, "Bagong salta?" tanong ng isa sa mga kasama ko.

Hinarapan naman ako ng lalaki sa harapan namin at masamang ngumiti bago ibinalik ang tingin sa dalawang bantay, "Soon, boys. Pero sa ngayon, si boss ang may kailangan sa kanya, so we can't make her perform," saad pa nito hanggang sa mapatingin sa akin ang dalawa.

"Sige, daan na," saad ng isa bago sila tumabi. Ipinatong pa ng lalaki sa harap namin ang dalawang palad nito sa balikat ng dalawang lalaki bago sila nilagpasan, "Magbantay kayo ng maayos."

Napasunod na rin kami sa kanya at ramdam ko ang pagtitig sa akin ng dalawang bantay bago namin sila nalagpasan. Pagdaan namin sa isang hallway ay may mga abala sa paghahalikan ngunit mabilis rin silang tumatabi sa pagdaan namin.

Natigilan kami sa tapat ng isang pintuan kaya napatingin ako doon. Kumatok doon ang lalaki sa harap namin at makalipas ang ilang segundo ay bumukas ang pintuan. Nang mapansin kong kulay pula ang ilaw sa loob noon ay muli akong nakaramdam ng kaba.

I won't ever forget this kind of ambiance.

Pilit man akong umatras ngunit itinulak nila ako papasok hanggang sa magsara ang pintuan nang makapasok ang lahat. Tumambad sa akin ang isang lalaking nakaupo sa harapan. Kitang-kita ko rin ang paglabas ng usok mula sa sigarilyong hawak nito. Minsan ay inilalagay niya 'yon sa bibig niya at hinahawakan sa tuwing maglalabas ng usok.

Sa lamesang nasa harapan niya ay napupuno ng mga pulbura at tila iba't ibang klasi ng mga gamot at capsule. Hindi ko man gaanong natatanaw ang kabuuan ng mukha nito ngunit isang tao lang ang alam kong tinitingala ng mga taong nakapaligid ngayon sa akin.

"Big boss, I brought you your little girl," itinulak ako ng lalaki papalapit sa pinaka pinuno nila kaya mabilis akong napahakbang paatras. Hindi ko man tignan ngunit katulad noon ay alam kong nakapalibot silang lahat sa akin.

"But where's the boss, Trevan? He's supposed to be the one acting as one," mas luminaw sa akin ang katotohanan na siya nga ang nasa harap ko ngayon nang marinig ko ang boses niya.

That voice I never failed to hear everytime I am having nightmares.

Alam ko na rin kung sino ang boss na tinutukoy nila. This one's the big boss and the other one earlier is the boss, t-the one I accidentally shot, I-I meant...

"Well," tinignan naman ako ng tinawag nitong Trevan. I know him now.

Ibinalik niya ang tingin sa pinuno nila habang nasa gilid ko siya, "Your little girl here shot him. He's been taken underground para magpagaling dahil halos maubusan siya ng dugo kanina," pahayag nito.

Nanatiling walang kibo ang pinuno nila hanggang sa mapansin ko na inilipat nito ang tingin sa akin. Madilim man pero nakukuha kong obserbahan ang bawat kilos niya. Hindi ko man makita ang mukha nito pero kilala ko siya, "Finally, I've had the chance to meet you again after a long time of hiding," diretso nitong ininom ang laman ng isang baso at muling inilapag 'yon sa lamesa. Muli naman niyang inilagay sa bibig ang sigarilyo.

Tumayo siya at unti-unti akong nilapitan hanggang sa naging malinaw na rin sa akin ang itsura niya. Bumungad sa akin ang katawan nitong punung-puno ng tattoo katulad ng mga miyembro niya. Habang papalapit siya sa akin ay siyang ikinaatras ko nang mapansing itinaas niya ang kanyang isang kamay para hawakan ako. Nakita ko pa ang isang gintong singsing sa pang gitnang daliri niya. Naramdaman kong hinawakan ako ng isa sa likuran at mahinang itinulak ulit papalapit sa kanya, kaya ngayon ay nagtama ang mata naming dalawa.

Kinuha ng isa nitong kamay ang yosi sa bibig niya bago naglabas ng usok sa mismong mukha ko na siyang diretso kong nalanghap, "I think you know the reason kung bakit nandito ka ngayon," saad nito kaya napalunok ako. Dinampot niya ang isang papel na naglalaman ng pulbura at wala sa pasabing sininghot 'yon sa harapan ko. Napatingala siya at napapikit pa na tila biglang gumanda ang pakiramdam at nawalan ng problema.

Pagkatapos noon ay may kinuha siyang isang maliit na bote sa lamesa na nasa likuran niya na siya namang pamilyar sa akin. Tinanggal niya ang takip noon gamit ang isang daliri at inilapit sa akin na siyang ikinaiwas ko ng mabilis, "I don't need that f*cking thing anymore!" saad ko na humarap sa gilid.

Hindi ko gugustuhing malanghap muli ang amoy nito.

"Acting innocent, aren't we?" dagdag pa niya. Pagkatapos noon ay kusa na lang akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib na siyang ikinapalipit ko hanggang sa bitawan nila ako. Napasalampak ako sa sahig habang katulad noon ay tinitiis ko pa rin ang sakit.

Sh*t! Sa dinami-rami ng araw at oras, bakit ngayon pa?

Tila binudburan ako ng asin sa pamamalipit hanggang sa matanaw ko ang paanan ng isang tao sa mismong tapat ko.

The moment I felt my breath getting heavier, I knew that this was the sign of needing to take that thing again. It was all I need from the start pero tinigilan ko na. It wasn't even my choice to have it. Wala lang akong napagpilian noon. And it's all because of these men!

"Seems like you'd be needing to take back your words, Serenity Gale," bahagya akong tumingala kaya nakita ko ang mukha nitong seryoso ang tingin sa akin. Dahil doon ay pinilit kong maupo para tapatan ang tingin niya at ngitian siya ng masama.

"I'd rather die than taking another."

Matapos kong sabihin 'yon ay sinenyasan niya ang dalawa nitong tauhan. Hinawakan nila ako at sapilitang pinaluhod. Ramdam ko pa rin ang pagpiga sa aking dibdib, paghahabol ng hininga at panlalamig ng sariling pawis.

Lumuhod siya dahilan ng pagkakatapatan namin. Nanlalabo na rin ang aking paningin.

Mahigpit niyang pinisil ang pisngi ko at pinatangala, "We let you live for years dahil nangako ka sa gusto naming gawin mo. I never even planned to lock you up with us kahit pasikreto kang labas-pasok sa poder namin. I even gave you the medicine that you nee— "

"Hindi ako nangako sa inyo! You just left me with no choice because of that drug. It was a threat you used against me kaya napilitan ako! If I did not feel the need to take something as f*ck as that, hindi ko rin gugustuhing maglabas-masok sa poder niyo! Because seeing all of you is like seeing packs of cheap criminals and g*ddamn bullshits!" sigaw ko dito.

Mas lalo namang humigpit ang pagkakapisil niya sa aking pisngi, "But isn't it we freely gave it to you?! Huh?! We were the one who saved you from pain. Kaya utang mo sa amin ang buhay mo!" itinapat naman niya ang mukha sa akin habang nag-aapoy ang mga mata nito.

"We should be putting a bullet in your head right now dahil sa ginawa mong pagtakas at pagtatago sa likod ng mga militar. Isn't it you planned to live inside the military's camp just to hide from us? Dahil gusto mo pa ring proteksyonan ang magaling mong ama at asawa?!" galit na saad nito.

"Why would I protect them for hell's sake?!"

"Then speak and let us hear everything about the sacred Sacra Camorras," dagdag pa nito. Kitang-kita ko ang magkahalong galit at pagkatuwa sa mata niya. Sandali naman akong natigilan.

There was an agreement pero wala akong nakalap na impormasyon kaya walang patutunguhan ang lahat ng 'to. For hell's sake!

Umiling ako bago nagsalita, "W-Wala akong alam tungkol sa kanila!"

"Come on, Serenity Gale. You know everything. Ayaw mo lang magsalita. Sa ayaw at sa gusto mo, magsasalita ka ngayon laban sa kanila kung gusto mo pang makalabas sa lugar na 'to. I won't let you go this time. I'll make your life as miserable as hell, at sisiguraduhin kong makikita ng itinuturing mong pamilya ang paghihirap mo dito. I guess you won't like that." Pinilit kong alisin ang pagkakahawak niya sa akin pero mas lalo lang humihigpit. Nahihirapan rin ako dahil nakatali ang kamay ko sa likuran.

"Kahit anong gawin niyo, wala kayong mapapala dahil wala akong alam!" sigaw ko pa. Halatang umaapoy na rin ito sa galit lalo na ng muli akong mapahiga dahil sa patulak niyang pagbitaw sa akin. Tumayo siya at tinalikuran ako. Napahawak naman ito sa magkabilang baywang at napapikit. Kasabay noon ay ang pagngiti niya ng masama bago nagmulat ng mata.

Matapos ang ilang segundo ay humarap ulit siya sa akin at tumango, "Fine. Madali naman kaming kausap. Strip her down," diretsong saad niya sa mga miyembro nito na ikinalaki ng aking mata. Gusto na ring kumawala ng nasa dibdib ko dahil sa takot at kaba.

"W-What?" nanginginig kong tanong. Lumuhod siya at nginitian ako ng masama.

"If you can't give us what we want, then give us what we desire most," 'yon rin ang unang beses na tila nabingi ako lalo na't nagpalitan sila ng tawanan habang napapalibutan ako.

Continua...

A/N: Never expect... just a reminder. Boa sorte, amoures!