Chapter 33 - Capítulo trinta e um

"You're passing Alzini's boarder. And we can't let you in," pahayag ng anak ni Senyora habang nakapalibot ang kanilang mga tauhan at kanilang mga sasakyan sa gitna ng isang madilim na daan. Natigilan naman ang mga tauhan ng El Nostra nang harangan sila ng Alzini kaya wala rin silang nagawa kundi magsibaba mula sa kanilang mga sasakyan. Lahat ng tauhan ng magkabilang-panig ay nagsibabaan habang bitbit ang kanilang mga armas na kasalukuyang nakatago sa kanilang mga katawan. Ang iba ay nakasandal sa sasakyan habang ang iba naman ay maiging nakaabang para sa kung anumang bakbakan ang magaganap.

Napatingin silang lahat sa pinakahuling itim na sasakyang dumating mula sa likuran ng El Nostra at nang tumigil ito sa kanilang harapan ay may isang lalaking bumaba mula roon. He always wear the same kind of formal suit as usual, with a manly posture but a sarcastic facial expression. Sumalubong sa Alzini ang mapanlokong ngiti nito na ngayon ay papalapit sa kanilang gawi, "The Alzini family... " saad niya na natigilan sa mismong tapat nina Ali na ngayon ay nasa pinakagitna ng daan. Tinignan pa niya sina Allison at Xenia na nasa magkabilang gilid nito.

"Hola, senyoritas! Long time no see," inilipat niya ang tingin sa anak ni Senyora, "And of course, to the Alzini's future maf— "

"Shut your mouth and leave our border at once," pagharang ni Ali sa kanya kaya hindi makapaniwalang lumapad ang ngiti ng lalaki.

"Whoa! Ali naman. Bakit ba napakainit ng ulo mo? Kakarating ko lang oh? You should've been greeting me, right? I'm one of the powerful El Nostras. Wala naman nga kaming ginagawa, bakit ba galit na galit kayo sa amin? What did El Nostra do to the Alphas?" tinignan nito ang kanyang mga tauhan na nasa kanyang likuran bago ibinalik ang tingin sa tatlo.

"By the way, where's Godfather? And Senyora?" pagtataka nito na nakuha pang masdan ang paligid.

"Well, you can find them here if you want, Caze," pahayag ni Ali na tumingin na rin sa paligid, "But obviously, they don't seem to be here, unless you're that blind. So why bother finding the absent?" ibinalik niya ang tingin sa kausap nito at nababakas rin ang masamang pagngiti sa mga labi niya.

Nanlaki naman ang mata ni Caze dahil doon na tila hindi makapaniwala, "Really?! Is that you?! For hell's sake! Ang buong akala ko, ang laki na ng pinagbago mo pero may natitira pa rin palang Alistair sa buong pagkatao mo— "

"Could you please stop mentioning my name? Enemies don't speak my name or else, they die," paglilinaw pa nito na muling ikinatawa ni Caze.

"Para namang hindi tayo sabay na natuto sa pamumuno ng Elders, Ali. Pero ang laki na nga talaga ng pinagbago mo since you lived in Portugal. I can't believe this!" wala namang kibo si Ali at diretso pa rin ang titig kay Caze.

"Come on, Alzini. We're still allies. Bakit ba kasi hindi na lang tayo magtulungan? We both came from one of the most powerful organization, LaCosta. We also have the same enemy. So if we work together, walang babagsak sa atin," paglilinaw pa niya sa huling pangungusap.

"Alzini de la Alpha and El Nostra will never be associates, allies or whatever binding hands you call that. Stop being hopeful when you should have been hopeless since from the start," nabaling naman ni Caze ang tingin kay Allison na ngayon ay seryoso at nakamamatay ang tingin sa kanya.

"Uh, I don't really get it why we have to become mortal enemies when we're supposed to be working together."

"Ang dami mong sinasabi!" iritang saad ni Allison na biglang hinablot ang baril sa gilid nito at ikinasa. Mabilis naman siyang pinigilan ng kuya nito bago pa man niya maitapat kay Caze ang baril kaya naalarma na rin ang iba at naglabas ng kanya-kanyang armas.

Both sides were like entering a cutthroat competition.

Raging. Ferocious. Savage.

"You are truly a short-tempered woman, Allison," sabay ngiti ni Caze nang malapad, "And that's what we like the most," pagkatapos sabihin 'yon ay nakaramdam na lang ito ng paninikip nang bigla siyang kinwelyuhan ni Ali gamit ang dalawang kamay habang binibigyan siya nito ng matatalim na tingin.

His knife eyes were on fire.

"Leave my family out of this matter. Talk to me if you don't want me to gouge out your eyes every time you look at my sister," mahina ngunit may pagbabantang saad nito. Aktong lalapit ang El Nostra sa direksyon nila ay itinaas ni Caze ang isa nitong kamay para patigilin sila.

"Está tudo bem, senhores."

(It's all fine, gentlemen.)

"Where's your heir? Siya ang kailangan naming makausap at hindi ikaw," saad pa ni Allison.

"Do you mean... the boss?" tanong ni Caze ngunit nang bigyan siya ng tatlo ng masamang tingin ay itinaas nito ang dalawang kamay at natawa, "Chill out, my dearest Alzini. I was just kidding. Bakit ba ang iinit ng mga ulo ninyo?" binitawan naman siya ni Ali na hindi inaalis ang tingin sa kanya kaya bahagya itong napaatras at inayos ang suot habang nagpapalitan sila ng tingin.

"He's busy handling the army. Sila lang naman ang may pakana nito at hindi 'to mangyayari kung hindi kayo naging pabaya," pagsasalita niya.

"Wow, big word!" napatango at napangiti naman si Allison na tila hindi makapaniwala, " Sinisisi mo ba kami kaya kayo nilusob ng mga militar?"

"Yes. Otherwise there wouldn't be any chaos because you were the one who started all of this. You clearly know na mahirap kalabanin ang militar, especially the five star General de la Roche. Yet you still executed your plans without informing the higher ups about this. The consequences could have been avoided if you didn't put the general's daughter on the line. You know that everyone's hunting her," seryosong paliwanag ni Caze.

"Wala kayong pakielam sa kung ano ang gusto naming gawin." -Allison

"You're really a headache, Alzini," napahilot naman ng noo si Caze, "Why don't you just listen to us for once? Huh? El Nostra grew up with this kind of world, while you?" sandali itong natawa, "You just entered the underground world yet you can't tell us that you're well acquainted with everything. Lumaki kami sa ganitong mundo kaya alam na namin ang pasikut-sikot. I am warning you, Alzini. Kung hindi kayo makikinig at wala kayong papakinggan, kayo ang pinakaunang babagsak sa kabuuang organisasyon. So please, don't let the whole LaCosta be destroyed by your careless actions."

"And do you really think we're not aware of that?" saad ni Ali na ngumisi, "My father is not just a Godfather. If you're too powerful that everyone is afraid of you, well, Alzini is not, and will never be intimidated by your presence."

"We don't have plans to interrupt but if it's going to knock down the whole organization, sorry but we have to get in your way. We will glady wait for that time, Ali" -Caze

"Wala na kaming oras para makipaglaro sa inyo. So please, just leave," saad pa ni Xenia kaya napatingin ito sa kanya.

"Aldrian's girl," sabay ngiti ulit nito ng malapad. Aktong lulusubin ni Xenia si Caze ay pinigilan din siya ni Ali kaya nagkatinginan sila.

"How many times do I need to mention that you must never speak the name of anyone from my family?" sabay tingin ni Ali sa harapan nito.

"Does he still belong to your family?" tanong ni Caze ngunit hindi na lang ito kumibo.

"I was just thinking... " sandali pa siyang napatingala bago ibinalik ang tingin kay Ali, "Na buti na lang hinayaan ni Don Stefano si Al na makipag-deal na lang kung kani-kanino?" nagsalubong naman ang kilay ng tatlo sa sinambit nito.

"What are you saying?" tanong ni Xenia. Dahil doon ay hindi makapaniwalang napangiti ng malapad si Caze. That wide and sarcastic smile of him has never been good.

"Don't tell me, hindi niyo alam?" dahil doon ay kinwelyuhan siya ulit ng anak ni Senyora, "Don't you ever make a story and ruin my brother's name in front of us," banta nito.

Hinawakan ni Caze ang dalawang kamay ni Ali na nakahawak sa kanya at sapilitang inialis 'yon habang nagpapalitan sila ng masasamang tingin, "We don't call it ruining someone's name if I am just telling the truth. Why don't you see for yourself? Go, find out what's happening to him. And Xenia... " sabay lipat ng tingin niya dito.

"Alam mo bang kasama sa misyon niya ang babae?"

"Huwag kang makinig sa kanya, Xenia. Pwede ba! Huwag mong ibahin ang usapan. Mas maganda pa kung umalis na kayo dito ngayon! I won't hesitate pulling the trigger, Caze," galit na saad ni Allison.

"Okay. We're leaving. But where's the lady first? Siya lang naman ang pakay namin dito," mula sa nakangising mukha nito kanina ay napalitan naman ng pagkaseryoso na inilibot ang tingin.

"You can never find her," pag-iling ni Ali na ngumiti ng masama.

"And why? Isn't it may usapan na ibibigay niyo siya sa amin?" tanong ni Caze.

"My mother had an agreement with your... boss, but not to me. Which is why you have to take her away from me first, then take her away again from my mother, for you to have her."

"This is exciting!" malapad na napangiti si Caze , "Yet, we're not leaving until we have her on our hands. Kaya ibibigay niyo sa amin, sa ayaw at sa gusto niyo," pagbabanta pa niya na diniinan ang pagkakasabi sa huli.

"You have my words, Caze. You won't be getting anyone," pahayag pa ni Ali. Dahil doon ay nakaramdam na ng pang-iinit si Caze kaya napayuko ito at nagbuntong hininga na tila sasabog na anumang oras.

"Alzini, let's not waste our time here. We have a lot of patience, but not this time," seryoso itong nag-angat ng tingin, "Seems like she's not here," sabay tingin nito sa kanilang likuran, pati na rin sa paligid.

"Kung ayaw niyong magbanggan tayo ngayon dito at abutan tayo ng mga militar, you tell us her exact location right now. We're not here to play a joke."

"At hindi rin kami nakikipagbiruan dito, Caze," inilipat niya ang tingin kay Allison, "Aalis kayo, sabay-sabay tayong sasabog ngayon dito o talagang aabutan tayo ng mga militar?" banta pa niya.

"Pinagbabantaan niyo ba kami?" sarkastikong tanong ni Caze habang seryoso ang tingin sa kanya ng tatlo, "Don't forget who we are, Alzini," itinaas niya ang isang kamay— hudyat para sabay-sabay na itinaas ng mga tauhan nito ang kanilang mga armas kaya ganon na rin ang ginawa ng Alzini.

Lahat sila ay nagkatapatan ng baril maliban kina Ali at Caze na nagpapalitan ng matatalim na tingin, "Can't we just take part in using her against her own husband and father?" tanong ni Caze.

"Too bad that won't happen. Serenity Gale is only for Alzini," paglilinaw ni Ali sa huling salita na ikinatawa ni Caze.

"Really? Bakit ba ayaw niyo pa siyang ibigay sa amin? Nagamit niyo na siya sa mga plano niyo hindi ba? It's her part to help us too."

"Because we know how far you can go just to control her, and we won't let that happen. The girl is not safe with El Nostra, Caze. You know your caporegimes very well." -Ali

"Come on, no one's ever safe when already involved underground. Did you already forget, Ali? That's how exactly you acted when your wife was in danger too," dahil doon ay sandali itong nakaramdam ng hindi maganda ngunit hindi na niya ipinahalata pa.

"Do we still need to involve your wife and child in exchange of Serenity Gale?"

Hindi na nakapagpigil pa ang anak ni Senyora at bigla itong tinutukan ng baril sa ulo, "Don't. You. Ever. Lay. A hand on them," mahina ngunit may pagbabantang saad nito.

"Alam mong noon pa man, trip na ni boss si Erin. She's a model, isn't she? Bakit hindi mo bantayan ang asawa mo kaysa ibang babae ang pinoprotektahan mo? We know how she has been doing all this time, ikaw na lang ata ang walang alam dahil abala ka sa ibang babae. Come on, Ali. Show your love to your wife and child sometimes, baka hindi mo mamamalayang bigla na lang silang mawawala sa'yo. Erin is on the verge of death, you should save her," mas lalo pa nitong itinutok kay Caze ang baril.

"If you ever land a hand on my wife and my daughter, you'll never like the taste of my wrath. At ikaw ang uunahin ko," banta pa ni Ali.

"Kaya kung ayaw mong umabot tayo sa punto na madadamay ang mga walang alam, ibibigay niyo ang gusto namin. Therefore, I won't insist if it wasn't a command from the El Nostra's boss. Sumusunod lang ako sa utos. You know how powerful Liam is, right now." -Caze

HABANG nagkakatapatan pa rin ng baril ang lahat ay kinapa ni Allison ang cellphone sa bulsa nito nang maramdaman niya ang pag-vibrate noon. Napaisip pa ito kung ibababa ang baril na hawak o sasagutin ang tumatawag sa telepono. Nang mapansin niyang seryoso pa rin sa pag-uusap ang dalawa ay ibinaba niya ang baril at mabilis na pumunta sa likuran ng sasakyan para sagutin ang tawag.

"Terrence, nasaan ka na?"

("Allison, someone schemed to set up the army and El Nostra.") Pahayag ng detective mula sa kabilang linya.

Napakunot noo naman si Allison, "What?"

"They disguised themselves as the army and bombed one of El Nostra's main warehouse which is why Liam had to corner the camp at pinagbibintangan ngayon ang mga militar."

"What? Ano bang nangyayari? Sino sila? At bakit may nangyayaring set up ngayon?" sunud-sunod na tanong ni Allison.

"We're still trying to find out but Allison, I can't hold this for too long. I need to hang up now. Just call Van because I really have a bad feeling about this, he's unable to reach."

"Ha? Anong sasabihin ko?" naguguluhang tanong niya. Napansin niyang ibinaba na ng mga tauhan ang hawak nilang baril kaya napasilip siya sa dalawa na ngayon ay magkatapat pa rin ngunit may kausap na ngayon sa telepono si Caze habang nakita naman niya na may ibinulsa si Ali na mas lalong nitong ikinalito.

"Terrence!" saad pa niya ngunit bigla na lang nawala sa linya ang detective. Inis niyang ibinaba ang telepono at ibinalik sa bulsa nito. Aktong lalapitan niya sina Xenia ay napansin naman niya ang pagdating ng isang sasakyan sa kanilang likuran. Nanliit pa ang mata nito hanggang sa makilala kung kanino ang sasakyan.

Ang pagtataka ay mas lalong lumalim ng mamukhaan niya si Van sa pagbaba nito at lumapit sa kanilang gawi, "What's happening?" salubong nito sa kanya hanggang sa mapatingin sila sa gawi nina Xenia.

"Set up daw," tipid na sagot ni Allison. Katulad niya ay nagsalubong rin ang kilay ni Van.

"Set up what?"

Tinignan naman siya ni Allison, "Hindi raw ang militar ang lumusob sa El Nostra. Baka 'yon ang pinag-uusapan nila ngayon kaya wala na ring tapatan ng armas."

"I was uncomfortable during the travel. Why did it take you so long para kontakin ako? Is there something I need to know?" muli namang nagsalubong ang kilay ni Allison sa itinuran ni Van.

Magtatanong sana siya pabalik kay Van ngunit nabaling ang atensyon ng dalawa kay Ali at Xenia na ngayon ay papalapit sa kanila at tila sasakay ng kotse ang mga ito. Pati na rin ang mga El Nostra na kanina ay katapatan nila, ngayon ay sumasakay na rin sa mga kanya-kanya nilang sasakyan.

"Wait. Kuya, anong nangyayari?" tanong ni Allison na sinalubong ito. Sandali pang napatingin si Ali kay Van bago sinagot si Allison.

"We had a deal," maiksing sagot nito na mas lalong ipinagtaka ni Allison ngunit halatang nagmamadali ang magkabilang panig. Sumakay na rin si Xenia sa kabilang sasakyan.

"Ibig sabihin, alam niyo na rin na set up ang lahat?" pagkabukas ni Ali sa pintuan ng kotse ay natigilan ito at tinignan si Allison.

"I had a deal with them, which is why we're going home right away."

"Deal about what?" seryosong tanong ni Van. Tinignan siya ni Ali at 'yon pa ang lalong nakapagpagulo kay Allison lalo na't alam niyang sa tingin pa lang ay nag-uusap na ang dalawa. Sa ilang segundong pagtititigan ng dalawa ay biglang sumingit si Allison nang may mapagtanto sa sinabi ng kuya nito, "Wait! Deal? Don't tell me, sinabi mo kung nasaan siya?" hindi naman kumikibo ang kuya nito na napatingin sa kanya.

Napatingin na rin siya kay Van nang marinig ang galit na bulong nito, "D*mn!" mabilis itong tumalikod at bumalik sa kotse niya at walang pasabing pinaharurot ng mabilis ang sasakyan. Pinaharurot na rin ng iba ang kanya-kanya nilang mga sasakyan kaya't naiwang puno ng pagtataka si Allison. Lumapit siya sa motor nito at sinuot ang helmet bago piniling lumihis ng landas para sundan si Van.

Continua...

Binuksan ni Allison ang helmet nito nang matapatan ang kotse ni Van na kasalukuyang nakabukas ang bintana. Kinailangan niya ring sabayan ang bilis ng pagpapatakbo ni Van sa daan. Bukod pa rito, halatang wala ito sa kanyang sarili at ang isip ay nasa iisang lugar lamang.

"Van, what are you up to?" sigaw ni Allison ngunit hindi siya pinansin nito, "We have to go home now!" sigaw pa niya.

Labis ang kanyang pagtataka dahil sa inaasal ng mga tao sa paligid nito na hindi niya makuhang intindihin.

"So everyone has an idea what's happening, except for me?" hindi makapaniwalang saad nito sa kanyang sarili.

"And one thing, where the hell is she? Ang akala ko ba magkasama sila ni Gale? Si kuya ba ang kumontak kay Van kaya nagawa niyang iwan si Gale dahil isusuko siya ng Alzini sa El Nostra? But why is he acting this way now if he knew?" dagdag pa nito habang malalim na nag-iisip. She abruptly had the notion of wiping off those thoughts away para ituon ang atensyon kay Van na halatang galit at hindi mapakali dahil sa kilos nito.

Mas binilisan pa ni Van ang pagpapatakbo kaya isinara ni Allison ang helmet nito at pinaharurot ang sinasakyang motor. Dahil sa bilis ng dalawa ay agad rin nilang narating ang beach house kung saan naiwan si Gale. Mabilis na bumaba si Van sa kotse at pabagsak na isinara ang pintuan, "Sabi ni kuya, kailangan na nating umuwi, ano pang gagawin mo dito at bumalik ka?!" pasigaw na tanong ni Allison na bumaba sa motor nito at mabilis na sinundan ang paglalakad ni Van lalo na't iba ang itsura nito na tila kabado— hindi normal katulad ng palagi niyang ipinapakita.

Habang naguguluhan siya sa ikinikilos nito ay biglang natigilan si Van habang nakatingin sa iisang direksyon na sinundan na rin niya ng tingin. Napansin niyang nakabukas ang pintuan ng beach house. Hindi nagtagal ay madaling lumapit si Van doon para sumilip sa loob kaya ganon na rin ang ginawa ni Allison. Inilibot nila ang tingin sa paligid at natigilan ang paningin ni Van sa mismong couch kung saan niya iniwang nakaupo si Gale. Maski ang pintuan sa likuran ay naiwang nakabukas.

Nang hindi madatnan si Gale ay nagmadali niyang binuksan ang pintuan ng dalawang kwarto. Ang mabigat na pakiramdam nito ay mas lalong lumalim nang wala siyang natagpuan. Muli itong lumabas sa isang kwarto at inilibot ang paningin hanggang sa matigilan nang matanaw sa pinakasulok ang isang pamilyar na bagay.

Unti-unti siyang lumapit doon habang nakatanaw sa isang baril na ngayon ay nasa sahig. Isang pamilyar na baril na siyang ibinigay niya kay Gale. Bukod pa rito ay may mga patak at bahid din ng dugo sa sahig. Dahan-dahan siyang napaluhod at kinuha ang baril para maayos na tignan. Nilapitan naman siya ni Allison at napansin niya na napahigpit ang pagkakahawak ni Van doon.

"Allison, tell me... " saad nito na tumingin sa gilid niya lalo na't nakatayo si Allison sa likuran nito, "What was mainly the sole reason why Ali had to make that kind of hasty decision?" tuluyan naman niyang hinarapan ito at bahagyang tumingala para magtama ang tinginan nilang dalawa.

"What?" kunot-noong tanong ni Allison.

"You know what I am talking about."

Napansin na rin ni Allison ang seryosong itsura ni Van at ang baril na hawak nito. Kusa na lang siyang napalunok at napailing bago nagsalita , "I-I dont' know. Hindi ko rin alam kung anong nangyari. I was having a phone call with Terrence, and then you came. Then both sides suddenly retreated at hindi ko alam kung bakit," sandali pa itong natigilan nang mapaisip hanggang sa mapansin niya ang paghihintay ni Van sa mga susunod pa niyang sasabihin.

"He's totally a different person when he's like this. He always have that kind of threatening charisma whenever he feels furious," saad ni Allison sa sarili nito bago itinuloy ang pagsasalita.

"But the last thing I know is that they want Gale against the army."

"And Ali wouldn't conclude an abrupt decision kung walang rason," pagsasalita ni Van na ikinatango pa niya.

"That's exactly the point. I think it's because Erin and Melody will be involved... kapag hindi natin ibinigay ang gusto nila," napayuko na lang si Allison at nagkibit-balikat, "Which I believed made my brother think twice kung sino ang mas pipiliin niya. Eventually, he came up realizing to just give her to them rather than risking his wife and child's safety," napakuyom ang isang kamay ni Van bago dahan-dahang tumayo. Hinarapan niya si Allison habang hawak pa rin ang baril.

"If you have known sooner before you contacted me, hindi mo na sana ginawa," mahinang saad niya na napatango pa at tila biglang natulala. Nang ibalik niya ang tingin kay Allison ay salubong ang kilay nito, "What are you talking about? But wait! So, you're questioning me now? Eh hindi ko nga rin alam na kakailanganin siyang ibigay ni kuya sa El Nostra eh. All of this were not planned. So don't ever blame me dahil wala rin akong alam sa nangyari. And as if I could stop my brother if he ended up with that decision," hindi makapaniwalang sagot niya na nakuhang magtaas ng kilay lalo na't pansin niya ang matatalim na tingin ni Van sa kanya, "So stop looking at me as if I should be guilty of something."

"I am deeply affected, Allison," saad ni Van na ikinatawa ni Allison, "Stop acting like you knew her long time ago. You just met."

"Yet I made a promise I never wanted to break, and so I did by leaving her life in danger," sandaling natigilan si Allison sa isinagot nito na hindi niya inaakalang masasabi ni Van. Mabigat rin ang dating ng mukha nito na tila pasan ang mundo sa kanyang pagyuko.

Inilipat ni Allison ang tingin sa sahig kung saan may iilang patak ng dugo, "Gale knew that they were not my father's men," dahil doon ay napatingala si Van sa kanya at napatingin na rin doon, "You found the gun on that corner, it only means na sinubukan niyang dumepensa bago pa man nila siya nakuha. Otherwise, there wouldn't be any drop of blood kung hindi siya nanlaban," saad pa nito. Napapikit naman si Van habang kinokontrol ang kanyang sarili.