"Oh, there you are!" hindi niyo alam kung gaano ako kasaya ngayon. Bahagya akong yumuko para buhatin ang aking nag-iisang alaga, "What do you want, Coffee? Hmm?" tanong ko pa dito. Akala mo naman ay sasagot ito but isn't it you can talk to animals freely? I hope we're just the same na mahilig sa kahit na anong klasi ng hayop except na lang sa mga tao d'yan na mukhang hayop at ugaling hayop.
Never mind about me, sometimes.
Nakakainis lang talagang isipin na may mga ganoong klasi ng tao. Hinaplos-haplos ko pa ang pusa habang nakatitig dito. Who wouldn't love my baby Coffee? Bukod sa malakape nitong kulay ay napakahaba ng makakapal nitong balahibo. Coffee is a persian cat kaya hindi ko na kailangan pang magtaka kung bakit kapag umuupo siya minsan ay tila isang senyorito. That's why we often address him as Senyorito. He's my stress reliever. Hindi kagaya ng asawa kong mainitin ang ulo.
"Meow!" sagot nito sa akin kaya napangiti ako. I hope naiintindihan sila ng mga tao kahit lengguwaheng hayop ang sinasambit. Bakit kaya hindi marunong ang mga tao na umintindi ng lengguwaheng hayop, ano? Nakakalungkot, it makes me sadder.
Kasalukuyan nga pala akong nasa kwarto namin ni Stefano. Ang totoo nga niyan ay kanina pa ako paikut-ikot dahil hindi ko mahanap itong alaga namin. Buti at naisipan pang magpakita. Nandito lang pala sa kwarto naming mag-asawa. Naisipan ko namang lumabas ng kwarto para pakainin siya habang buhat-buhat ko pa rin, "Napakapasaway mo talaga," saad ko dito habang patuloy sa paghaplos.
"Senyora? Bakit hindi pa po kayo nagpapahinga?" tanong ni Blue na napadaan at nakita ako, "Buti naman po at nahanap niyo na si Coffee?" hinaplos niya rin ang pusa habang nakangiti. See? Mahilig rin si Blue sa hayop.
Kaya siguro ang ibang tao minsan ay nag-uugaling hayop dahil mahilig sa hayop ano? Siguro nga. Hindi ko naman nilalahat, siguro lang naman.
"Buti nga at nakita ko siya. Akala ko ay naglayas na at nakipagtanan sa mga pusang gala dyan sa labas."
"Akin na po at ako na ang magpapakain sa kanya, Senyora. Alam ko pong pagod na kayo at gusto niyo ng magpahinga," aktong kukunin ni Blue si Coffee ay inilayo ko ito sa kanya kaya napatingin ito sa akin, "Hindi na kailangan. Ako na ang magpapakain sa kanya at saka isa pa hinihintay ko rin sina Ali. Paniguradong pagod na pagod silang dalawa ngayon. Hindi pa rin ba sila nakakabalik?" tanong ko dahil galing sa baba si Blue.
"Hindi pa po eh," pag-iling nito, "Huwag mo na ulit gagawin 'yon mingming ah? Baka ito na ang huling beses na makita kita," nagsalubong naman ang kilay ko sa sinambit nito habang abala na kinakausap ang pusa pero hindi ko na lang pinansin. Baka kasi lutang lang si Blue dahil sa pagod niya dito sa mansyon. Stress is real kasi.
"Osya kung ganon. Bababa na ako."
"Sige po, Senyora. Tawagin niyo lang po ako kung may kailangan kayo," tumango ako bago siya nilagpasan.
"Magpahinga ka na rin, Blue," pahabol ko naman.
Tinahak ko ang gawi pababa at dumiretso sa kusina. Wala akong naabutan dahil halos kasama nila Ali ang karamihan sa mga tauhan.
Sinigurado kasi namin na mababantayan nila sina Terrence at Xenia dahil sila ang hahabulin ng mga militar at ng tauhan ng senador. Sinubukan ko ring pilitin ang magaling kong anak na hayaang sundan sila ng ibang tauhan pero ayaw naman niya, kaya na daw nito. Ang mahalaga ay ligtas na makakauwi ang dalawang impostor lalo na't mas nasa panganib sila ngayon... sina Xenia at Terrence.
Dumiretso ako sa kusina at sandaling ibinaba si Coffee. Kinuha ko ang pinamili naming pagkain at namili ng ipapakain sa kanya. Nang makapili ako ay kinuha ko ito at saka binuksan. Nilagyan ko ng laman ang kainan nito kaya nang maamoy niya ay nanlalambing na lumapit at ipinunas ang sarili sa paanan ko, "Meow!" mahina lang 'yon ngunit sapat na para malaman kong nagustuhan niya lalo na't lumapit siya doon at nagsimulang kumain.
Konti na nga lang ay magiging obese na ito sa taba kaya pinagda-diet sana pero hindi ko naman matiis na magutom siya. Mas maganda, mas mataba hindi ba? Ako nga ay hindi magawang tigilan ang pagkain, pusa pa kaya na walang kamuwang-muwang?
"Kumain ka ng mabuti ah," muli ko itong hinaplos at saka tumayo. Ibinalik ko naman ang binuksan kong pagkain niya sa cabinet kung saan ko ito kinuha. Kahit malayo ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan kaya nagmadali akong lumapit doon. Tama naman ang hinala ko na nandito na nga sila dahil sumalubong sa akin ang dalawa na basang-basa pero mas basa si Ali kesa kay Gale. Napansin ko na lang ang coat ni Ali ngayon na nakapatong sa likuran ni Gale kaya napangiti ako.
"What happened?" nag-aalalang tanong ko sa dalawa at nilapitan sila.
"As planned, it was a success, mom," sagot niya kaya hindi ko maiwasang mapangiti, "Really?! That would be a good news for your father. Pero anong nangyari sa inyong dalawa at basang-basa kayo?!" masaya ako sa narinig ko pero nag-aalala din ako kung anong nangyari sa dalawa.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong ko kay Gale. Tinignan niya ako at tumango, bahagya rin siyang ngumiti, "Opo."
"Are you sure? Bakit parang hindi?" tila naputulan ito ng dila. The plan was a success pero bakit tila hindi siya masaya? Hindi ba dapat siya ang pinakaunang nagbubunyi dahil ibig sabihin ay nagawa niya ng maayos ang plano na ipinagkatiwala namin sa kanya?
"How about Terrence and Xenia?" tanong ni Ali na ikinailing ko, "Wala pa sila. Hindi pa nakakauwi. It's hard to escape the army kaya hindi magiging madali ito para sa kanila but we should let them be. May tiwala naman ako sa kanila," pahayag ko dito na ikinatango naman niya.
"You're pale?" saad ko kay Gale nang mapansin ang mukha nito. Ano bang nangyari sa kanya?
"She needs to rest mom," saad ni Ali kaya tumango ako. Hinawakan ko ang noo ni Gale pero hindi naman mainit. Basa lang talaga siya ng konti, "Ano ba talagang nangyari at nabasa kayo? Hindi naman siguro butas ang ibabaw ng sasakyan mo ano?" napakaimposible naman ata noon?
"We had to hide somewhere for a bit."
"Hide? Bakit?" nagtatakang tanong ko, "We were being followed by El Nostra earlier, it was Liam."
Nanlaki naman ang mata ko sa aking narinig, "What?! Bakit hindi mo man lang kami tinawagan?!" nahihibang na ba ang anak ko?! Sumobra naman ata siya sa tapang at parang hindi na kami kailangan?
"They wouldn't follow us if nothing should be followed," sabay tingin nito kay Gale na nakayuko lang at hindi makatingin sa aming dalawa kaya't mas lalo kong ipinagtaka ang kilos niya, "May ginawa ba sila sa inyo?" I don't even want to hear na sinaktan nga silang dalawa ni Liam.
That brat! I will never forgive him kung susubukan man niyang ipahamak ang isa sa pamilya ko at kung sinuman sa Alzini. All members are part of our family.
"They did nothing... but they will do something soon if we won't give them what they want," pahayag niya na nakuha ko naman agad at napailing dahil doon, "No, it will never happen."
"And we won't be in trouble right now if someone didn't make an agreement with them. Why do you even have to lie, mom?" natigilan ako sa itinuran nito.
"What are you talking about?" pagtataka ko. Bakit ganito siya kung magtanong?
Tinignan niya si Gale kaya ganon na rin ang ginawa ko. Bago pa man makapagsalita si Ali ay nilapitan ko na si Gale kaya napatingin ito sa akin, "Go back to you room. Bukas na lang tayo magkwentuhan kung ano ang mga naganap kanina. For now, take a shower first para hindi ka magkasakit at magpahinga ka na," matipid itong ngumiti at tumango bago kami nilagpasan.
Hinintay ko munang makaakyat siya at makapasok sa kwarto nito bago hinarapan si Ali, "What are you talking about? Hindi ba't El Nostra ang pinag-uusapan natin dito? Bakit sa akin napunta ang usapan at saan ako nagsinungaling?"
"You lied that everything was fine. Did you already forget what happened while you were with Serenity and Xenia, mom?" napaisip ako sa itinuran niya. I tried to recollect what happened that day hanggang sa nanlaki ang mata ko nang maalala ko ang tungkol doon.
"Now I know why you were all acting differently yesterday night," dagdag pa niya. Actually, I did not really forget about the agreement, hindi ko lang talaga nakuha ang ibig sabihin ni Ali noong una.
"Now can you tell me why alone did you make an agreement with them, mom?" kitang-kita ko sa mata nito na naguguluhan siya.
It wasn't my plan na itago sa kanila ng matagal. I had no idea na ganito kaaga nilang malalaman. It didn't even take a day for them to find out. I clearly remember na ang usapan ay pagkatapos naming gamitin si Gale sa party ng asawa nito ay ibibigay namin siya sa kanila. Kagaya ng usapan ay ganon ang ginawa ni Liam kaya sinundan silang dalawa, without my son being aware of it because I kept it as a secret. For hell's sake. That brat!
"Tingin mo ba talaga basta-basta ko na lang gagawin 'yon ng walang dahilan?"
"That's why we have to know, mom. We have to fix this trouble. They won't let us go this time."
"Fine," nagbuntong-hininga ako at muling nagsalita, "Let's not talk about that here," tinalikuran ko siya at umakyat. Sumunod naman siya sa akin at dahil wala naman si Erin, pumasok ako sa kwarto nito. Sinara niya ang pintuan pagkapasok namin sa loob hanggang sa magkaharapan kaming dalawa.
Nagkibit-balikat ako bago nag-umpisang magsalita, "Son, before I answer your questions, you have to answer my question first," pahayag ko, "Anything, mom," diretso ang tingin namin sa isa't isa.
"How did you know that Liam was saying the truth? I am sure na hindi ka basta-basta na lang naniwala sa sinabi nito tungkol sa napag-usapan namin. So how?" Paano siya napaniwala ni Liam?
"Witness," sagot nito na ipinagtaka ko. Naisip ko naman ang dalawa— sina Gale at Xenia lang ang kasama ko noon at maaaring maging witness sa binanggit nito kaya nanliit ang mata ko, "Who?"
I made a promise with Gale na tinupad naman niya kaya imposibleng nagsalita siya. I am sure na itinago rin ni Xenia ang totoo pero sa kanilang dalawa, siya ang hindi ko nasabihan na gawing sikreto ang nangyari, "Xenia?"
Tila isang kuryente ang tinginan namin ng sarili kong anak, pagdating sa mga ganitong bagay, masyado kaming seryoso. Binabasa ko ang tingin nito sa akin at alam kong ganon din siya sa akin, "Serenity," sagot nito sapat na upang magsalubong ang kilay ko.
"Are you sure?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"It was me, Liam and her. Who could be the other witness aside from her, mom? Xenia is with Terrence," nakaramdam naman ako ng galit dahil sa sinabi niya.
"You forced her, Ali?" hindi makapaniwalang tanong ko, "Alam kong hindi siya yung tipo ng tao na sumisira sa pangako. So you forced her to speak?!" medyo tumaas na rin ang boses ko dahil sa hindi nito pagsagot.
"I had no choice— "
"You had no choice kaya tinakot mo siya?! What the hell is wrong with you, son?!"
"She did not want to answer at first, mom. I had to know the truth!"
"I know but stop being violent or even threaten her!"
"Why is she the topic now?!"
"Of course she will be because you did the wrong thing! Pwede mo namang alamin ang totoo nang hindi siya tinatakot! I could now imagine kung bakit siya ganon kanina, because you scared her as if you don't know her past!" I understand kung nagsalita si Gale pero hindi ko matanggap ang paraan ng pamimilit ng anak ko sa kanya.
"What's happening here?" sabay kaming napatingin sa pintuan nang marinig ang boses ni Stefano. Puno ng pagtataka ang mga mata nitong nakatingin sa aming mag-ina kaya nagkatinginan kami ni Ali.
"If you really want to keep her in this mansion, making her always feel threatened will be of no use. Huwag kayong magsisisi kung maiisipan niyang tumakas at pumanig sa kalaban. I am protecting her dahil ayaw kong maranasan niya ang naranasan ko date. Never ever try to do that again kung ayaw niyong tayo-tayo ang magkakagulo dito. Nagkakaintindihan ba tayo, Ali?" siya lang naman ang nakakagawa ng ganon, ang takutin si Gale. I won't let it happen.
Not again. And never.
Tumango siya kaya nakahinga ako ng maluwag. Yes, I felt mad at what he did pero hindi ko naman matitiis na magalit ng matagal sa kanya. Nahagip ng mata ko si Stefano na nakatingin pa rin sa amin. I guess it's time. Halatang alam na rin ng asawa ko ang pinag-aawayan namin ni Ali kanina, baka kanina pa siya nakikinig habang nasa baba kami kaya sumunod dito sa kwarto.
"I'll explain everything at code 13," saad ko na inunahan na ang mag-ama. Mapapakwento pa ako ng mahaba nito.
Continua...