Chapter 29 - Capítulo vinte e sete

After I immersed my almost shaking body through the bath tub containing a hot water, hinayaan ko munang maramdaman ng katawan ko ang init na nagmumula sa tubig. Dahan-dahan kong nililinisan ang sariling katawan gamit ang magkabilang-kamay hanggang sa matapos ako. Napasandal ako habang nakababad at sandaling napapikit. The smoke coming from the hot water evaporated on the air and sometimes making the whole bathroom blurry from my sight. I deeply gasped for air at muling napamulat nang subukan kong alalahanin lahat ng nangyari.

I should be happy right now, extremely satisfied. Yet I don't feel grateful nor dissappointed at all. Hindi ko rin alam. I just want revenge against them because of what they did to me. But why do I feel like doing something against my own family, to ruin their image does not make sense at all?

I waited for a long time to do what I did earlier, pero parang may kulang pa rin. Sometimes, I am just asking myself if this is the life that I really want to have. Mapapatanong ka na lang minsan kung gusto mo ba talaga ang katayuan mo sa buhay. This family provides me everything and anything. They are more worthy to love rather than my own family. Kahit na mabait sila sa akin, hindi pa rin kasi ako sigurado kung totoo nga ba ang lahat ng ipinapakita nila o pagkukunwari lang.

I couldn't help but to still have doubts about every thing that surrounds me.

Kaya siguro hanggang ngayon, pakiramdam ko ay nasasakal ako at nakakulong. Or maybe I am just that type of person na hindi marunong makuntento. Dahil ba kahit na sino hindi nakuntento sa akin kaya ganon na rin ang tingin ko sa sarili ko? Baka isang araw, maybe now or tomorrow, paalisin na nila ako dito. Napailing na lang ako. I had to wipe out those thoughts away from my mind. I had to think positively. After all of those things that I had been through, ngayon pa ba ako susuko?

Makalipas ang ilang minuto ay napagpasyahan kong tumayo na at kinuha ang puting tuwalya na nakasabit. I pushed the silver button attached on the bath tub to remove the water out of it. Pagkatapos kong magpunas ay isinuot ko na rin ang damit kong pantulog at tinanggal ang pagkakatali ng buhok ko na bahagyang nabasa. Nakikita ko rin ang aking sarili sa harap ng salamin. I abruptly swifted my glance on the door when I heard someone knocked thrice in my room. Dali-dali akong lumabas mula sa cr at lumapit sa pintuan habang nagpapatuyo ng buhok gamit ang tuwalya. Sinulyapan ko pa ang orasan and it's already 10:30 pm.

Pagkabukas ko sa pintuan ay nakita ko si Xenia kaya nakaramdam ako ng tuwa at agad siyang niyakap, "Easy girl, namiss mo naman ako agad?" saad pa nito. Pagkalayo ko sa kanya ay nginitian ko siya hanggang sa tuluyan siyang pumasok sa kwarto ko.

Isinara ko ang pintuan at nilapitan siya na umupo naman sa kama. Nakabihis na ito ng pambahay pero ganoon pa rin ang itsura niya. She was still wearing her make-up and her hair was still 'styled' just like before. It was a little bit messy because I guess, dahil 'yon sa pakikipaghabulan nila kina dad kanina.

"Buti naman at nakauwi na kayo. Kanina pa ako nag-aalala sa inyong dalawa ni Terrence," pahayag ko sa kanya.

"Mag-aalala ka pa talaga sa amin? We're members of Alzini, remember? At saka pagdating sa habulan, magaling naman ang detective kaya hindi mo kailangang mag-alala."

"Hindi naman masamang mag-alala hindi ba? Basta ngayon, kuntento na akong makita na nakauwi kayong ligtas."

"Me too. Akala ko wala pa kayong dalawa ni Master. Wala kasi kaming nadatnan na tao sa baba kaya dumiretso ako dito sa kwarto mo para silipin ka. Good to know na nakauwi na rin kayo," kitang-kita ko sa mukha nito na pagod na din siya at tila inaantok na.

"So anong nangyari?" tanong ko. Sandali itong napaisip at nagbuntong-hininga habang nakatayo pa rin ako sa tapat niya at nagpapatuyo ng buhok, "Ayun, ipinasara ang mga daan which caused a heavy traffic kaya wala kaming nagawa ni Terrence kundi makisalamuha sa mga nagrereklamong driver but we kept quiet for a while. Ipinaalam nila sa mga nagbabantay sa check points na hinahanap ka ng dad and husband mo, they checked every one of us at dahil magaling kami, nakita nila ako pero hindi naman kasi ako ikaw so in the end, they were just following us for nothing."

"Natasakan kasi namin ang mga militar nang habulin nila kami plus traffic pa kaya nakisingit si Terrence sa mga sasakyan. Yung mga nagbabantay sa check point ang tumingin sa sinasakyan namin kaya wala rin silang alam na kami ang hinahabol ng mga militar," natutuwa pang saad nito.

Natuwa ako kahit papaano dahil hindi sila napahamak, "But you should not underestimate the army " I just want to give them a warning. Hindi magandang kinakalaban ang mga militar, especially when my dad holds the power and biggest influence.

"For your information, the army was the one who underestimated us. We're just playing the game that they started," paglilinaw pa niya.

Sumandal ito at idiniretso ang paa sa kama na halatang gusto ng magpahinga. Bakit kasi hindi pa siya matulog? Ayaw ko namang sabihan ng ganito dahil baka isipin niya na pinapaalis ko siya.

"You wouldn't like the idea once they ask help from their greatest ally."

"And who's the greatest ally of the militar that you're pertaining to?" tanong nito sa tonong may pagka-sarkastiko.

"Well, I don't really have an idea but I think it's someone who has a wider influence internationally. Narinig ko lang ang tungkol doon."

"Hmmm is that so? I wanna meet that greatest ally you're talking about then," ipinagtaka ko na lang dahil iba ang ngiti niya nang sambitin 'yon.

"How about you?" nagsalubong naman ang kilay ko.

"What?"

"Wala naman bang ibang nakakita sa inyo ni Master?"

"Wala naman, edi sana wala pa kami dito," tinalikuran ko siya para maupo naman ako sa harap ng salamin nang matapos ko nang patuyuin ang buhok ko. Kinuha ko ang suklay at maiging nagsuklay.

"Wala namang nanghabol sa inyo?" bumagal ang paggalaw ng kamay ko dahil sa tanong niya. Naalala ko kasi yung nangyari sa event place kanina.

"Uhmmm, wala naman," pag-iling ko. Mas maganda kasing huwag na muna niyang malaman ngayon, siguro bukas? Basta. Ayaw ko muna kasing pag-usapan ang tungkol doon. Ayaw kong mag-alala siya at isa pa, pareho kaming pagod. Ayaw ko munang mag-isip ng ibang problema.

"Buti naman. At least the plan was a success. Congrats sa'yo! Ang galing mo kanina! You totally shookt all of them, girl!" masayang sambit nito na napaupo pa sa kama.

Nakita ko siyang nakangiti habang nakatingin sa akin mula sa salamin kayo doon ko na din siya sinulyapan. Tumango ako at nginitian din siya, "Oh bakit parang hindi ka masaya?" alam kong nagtaka siya sa inasta ko. Tumayo siya para lapitan ako kaya ngayon ay nasa likuran ko siya.

"Masaya naman ako. Pagod lang talaga."

"Sigurado ka ba?"

"Oo," maiksing sagot ko, "Siguro nga pagod ka lang talaga. Sige na nga magpapahinga na rin ako," lumapit ito sa pintuan na aktong lalabas kaya tumayo naman ako ng biglaan. Kusa akong napahawak sa lamesa nang makaramdam ako ng pagkahilo. Kung wala ang lamesa ay tuluyan akong nawalan ng balanse.

Hinarapan ako ni Xenia nang buksan niya ang pintuan kaya umayos ako ng postura, "Good night, Gale," nginitian niya ako kaya ganon rin ang ginawa ko.

"Good night din," sambit ko sa paraang maririnig niya. Kasabay nang pagkasara ng pintuan ay mas lalo namang bumibigat ang pakiramdam ko. Madali kong inilock ang pintuan para walang makapasok bago lumapit sa kama para ihiga ang sakit. Kanina ay nanlalamig ako kaya napag-isipan kong magbabad sa mainit na tubig.

Ngunit ngayon ay bumalik ang panlalamig na nararamdaman ko kasabay ng paninikip ng dibdib. Kulang na lang ay malalagutan na ako ng hininga sa sakit. Hindi na iba sa akin ang ganitong sitwasyon, tila normal na lang. Pero sa tuwing nararamdaman ko, hindi pa rin namamanhid ang katawan ko sa sakit.

Napakapit na rin ako ng mahigpit sa yakap kong unan sa tuwing nagkakasabay ang sakit ng ulo at paninikip ng dibdib. Hindi ko alam kung ano ang unang iindahin. Basta ang nararamdaman ko ay makirot at naninikip.

"Miss Gale," dinig ko naman ang pagkatok ni Blue mula sa labas. Baka mag-alala pa 'yon kapag nakita niya akong ganito, "Dinalhan ko po kayo ng hot chocolate," sambit nito. She sounded concern kaya bahagya akong napangiti, "B-blue pwede bang mamaya na lang?" binilisan ko na rin ang pananalita dahil baka makahalata pa siya.

"Uhm, may problema po ba?" pagtataka nito, "Hindi na po kasi ito masarap kapag malamig na."

"Wala namang problema kaso may ginagawa pa kasi ako... b-bababa na lang ako pagkatapos ko dito," napakagat ako sa ibabang labi nang mas makaramdam pa ng sabay na sakit. Pinipigilan ko ring gumawa ng ingay.

"A-ahhh, sige po. Ilalagay ko na lang po sa lamesa at kunin niyo na lang doon."

"Sige, salamat," nakita ko ang pag-alis nito nang mawala ang anino niya mula sa ilalim ng pintuan. Nakaalis na siya pero ang sakit na nararamdaman ko, hindi pa rin nawawala.

I don't want to feel afraid again dahil alam kong mararamdaman ko nanaman 'to. Kaya kong tiisin ang lahat ng bagay pero pagdating sa ganitong sitwasyon, kusa na lang akong napapaiyak. Kadalasan, natutulugan ko ang sakit pero ang nagbigay ng sakit na 'to sa akin ang siya ring gigising sa akin sa alanganing oras kung saan wala akong matatakbuhan o mahihingian ng tulong.

It keeps on repeating. Hinding-hindi ko makakalimutan ang kawalang-hiyaan nila!

Flashback...

"Pleaseeee!" pagmamakaawa ko sa harapan nila habang nakaluhod kahit na labag sa aking kalooban dahil hindi ko na kaya ang sakit.

Katulad noon ay nakapalibot silang lahat sa akin habang naririnig ang mga tawanan nila. Ang lalaking nakaupo sa pinakaharapan ay ang siyang kinamumuhian ko pero wala akong mapagpipilian sa ngayon.

Bahagya itong yumuko para tapatan ako at mahigpit na pinisil ang magkabilang-pisngi ko, "See? I told you na hahanap-hanapin mo 'to," maski ang mukha niya ay nanlalabo sa paningin ko.

Napailing naman ako, "H-Hindi ko na kaya!" saad ko pa habang tuluy-tuloy sa pagluha.

"Alright, tell me what you want, little girl," sumilay ang masamang ngiti sa labi nito.

"I-I need it," mahinang saad ko. Labag man sa aking kalooban pero mas hindi ko kayang tiisin 'to. Sobrang kirot at sobrang sakit.

"As you wish," saad niya na ibinaba ang kamay nito. Sinenyasan niya ang isa sa mga tauhan nito at maya-maya ay lumapit sa kanya. Inilahad nito sa kanya ang isang maliit na bote na naglalaman ng isang kulay tubig na likido.

Habang binubuksan niya 'yon ay nakangising nakatingin sa akin kaya nang malanghap ko ay dali-dali kong kinuha sa kanya at ininom.

Paglunok ko ay mas lalo niya akong tinapatan. Kasabay noon ay ang pagtatawanan ng kung sino sa paligid ko. Mahigpit niyang hinawakan ang aking buhok kaya napatingala ako, "If you really want this pain to end, you have to hurry up and give us what we want. If you can't, babalikan ka namin and you'll have to work for us, remember that, my little girl," pagbabanta nito na itinutok pa ang daliri sa noo ko na tila gustong itatak sa aking isip ang kanyang mga itinuran.

End of flashback...

"Nooo!" napaupo ako nang muling makita sa panaginip ang mga alaalang 'yon. Sobrang lalim ng paghinga ko habang ramdam na ramdam ang pagtulo ng pawis sa aking buong katawan.

Natanaw ko pa na nakabukas ang ilaw ng kwarto hanggang sa maalala ko ang nangyari. I just realized that I fell asleep while enduring the pain. Hindi ko na rin namalayan ang paligid dahil sa sakit kaya nakatulog ako at nakaligtaang patayin ang ilaw. Buti na lang at walang nakaalam.

Ramdam ko pa rin ang pagsakit ng aking ulo ngunit hindi na ito katulad ng kanina. Ganon rin ang paninikip ng aking dibdib na kusa na lang nawala. Hinawi ko ang aking buhok gamit ang isang kamay habang pinapakalma ang sarili.

Naramdaman ko rin ang gutom hanggang sa maalala ko si Blue. Nang kumalma na ako ay napagdesisyunan kong tumayo at dahan-dahang sumilip sa labas. Paniguradong nagpapahinga na ang lahat lalo na't natanaw ko ang orasan na halos alas-tres na ng umaga.

Pinatay ko muna ang ilaw sa kwarto bago ako dahan-dahang lumabas. Tahimik ko ring isinara ang pintuan at minasdan ang paligid. Nang masiguro kong walang tao ay tinahak ko ang daan pababa. I decided not to wear my slippers anymore dahil makakagawa lang ito ng ingay.

Pagkababa ko ay dumiretso ako sa kusina habang maingat sa paglalakad. Lumapit ako sa lamesa kung saan iniwan ni Blue ang dala niyang tsokolate na hindi ko nainom kagabi. Wala naman akong nadatnan na tasa kaya napatingin ako sa paligid. Baka kasi itinabi niya sa kung saan. Mukha na nga akong magnanakaw dahil sa kilos at galaw ko pero ayaw ko lang naman na maka-istorbo.

I'm just starving at the moment kaya naisipan kong bumaba para makahanap ng maiinom o makakain. Hindi na rin kasi ako kumain kagabi pagkauwi namin. Habang iniikot ko ang kusina para hanapin ang tsokolate, napadako ang tingin ko sa may ref. Okay lang naman siguro kung kukuha ako ng maiinom hindi ba?

Muli kong minasdan ang paligid at dahan-dahan akong lumapit dito para buksan 'yon. Nauuhaw lang talaga ako. Aktong hahawakan ko ito ay nakarinig ako ng isang pamilyar na tunog na siyang nakapagpatigil sa akin.

Oh no, tell me I heard the wrong thing. Again?

Tila may nagkasa ng baril at mas lalong lumala ang kutob ko nang maramdaman ang isang matigas na bagay sa likuran ng ulo ko, "Don't move," hindi pamilyar sa akin ang boses niya ngunit natitiyak kong lalaki siya.

It was actually my first time hearing a voice like this. Napapikit ako nang mapagtanto kung ano ang iniisip niyang ginagawa ko. Kagaya nga ng sinabi ko, mukha akong magnanakaw sa ginagawa ko ngayon.

"Who are you?" tanong pa nito. Itinaas ko ang dalawang kamay para ipaalam sa kanya na hindi ako lalaban. Bigla akong napaharap dito nang pwersahan niya akong hawakan sa braso at iniharap sa kanya bago lumayo upang dumistansya. Our eyes met for the first time.

He's not Senyora's son nor Terrence. Then who is he?

"I-ikaw ba? Sino ka?" tanong ko pabalik. Masyado lang kasi akong kinakabahan sa paraan ng pagtitig niya hanggang sa kusa kong nasabi 'yon.

"I was the first to ask you so you should be the first to answer."

I didn't even fully comprehend what were the right words to say. Should I say a victim of Alzini? A kidnap? The general's daughter? The Alzini's weapon? I don't really know what and how to respond while I was staring at his unfathomable expression. I should practice being a keen observer.

I was about to speak not until Blue came out of nowhere. Napansin niya kaming dalawa kaya't nagmadali itong lumapit at iniharang ang sarili sa akin, "Sir Van. Kumalma po kayo. Pasensya na po kung hindi namin kayo agad nasabihan. Siya po ang anak ng heneral. Huwag po kayong mag-alala dahil hindi siya masamang tao," pahayag nito.

Tila natauhan naman ang lalaki at mula sa hindi mabasang ekspresyon nito ay napalitan ng pagkabahala na tumingin sa gawi ko, "Serenity Gale?" tanong niya na ikinatango ni Blue.

"I see," ibinaba naman nito ang hawak niyang baril, "You can leave now, Blue," tinignan naman ako ni Blue nang may pag-aalala kaya tumango ako na sinunod naman niya.

Pagkaalis nito ay napatingin ako sa lalaki nang magsalita siya, "I'm sorry for what I did," itinago nito ang baril sa likuran niya. Ang kaba na naramdaman ko sa ginawa niya ay unti-unti namang naglaho kaya tumango ako at bahagyang ngumiti.

"It's okay."

"I thought you were someone trying to steal something that's why I had to do that."

"A-alam ko. Mali din naman kasi yung ginawa ko," napakamot na lang ako sa ulo dahil nakaramdam ako ng hiya. Just don't do what I just did. Mali naman kasi eh. And I admit it.

Admitting mistakes is sometimes wrong but often right.

Nakatingin pa rin siya sa akin kaya ang akala ko ay hindi niya ako naiintindihan. I could not help but to gaze on his eyes. There was an almost invisible sky blue color that surrounds the pupil of his eyes. Hindi siya halata sa malayo pero sa malapit oo. I finalized everything that he might be a foreigner though his pushed back hair was dark brown, "I-i mean, I just realized that I did— "

"It's fine. Sa susunod kasi ayusin mo ang kilos at galaw mo para hindi ka napagkakamalan," ikinagulat ko naman ang sinabi niya. He just spoke english with accent earlier kaya ang buong akala ko ay englishero din siya katulad nung isa.

"Nagtatagalog ka pala?"

"Obviously. So anong ginagawa mo dito nang ganitong oras? Hindi ba dapat nagpapahinga ka?" I guess, he already knew what happened last night. He might be one of the third generation.

"Nagutom kasi ako kaya bumaba ako para hanapin yung pinaiwan kong tsokolate kay Blue... kaso hindi ko naman mahanap kaya iinom na lang sana ako ng tubig," nahihiyang saad ko.

"Oh the chocolate?" tanong niya na ikinatango ko, "I thought it was just there served for someone who wants it," sabay turo nito sa lamesa, "Kaya ininom ko na," sabay ngiti nito na siyang nakahawa sa akin.

"I'm sorry for that. Sa'yo pala 'yon," saad pa nito.

"No, it's okay. Kukuha na lang ako ng maiinom."

"Are you sure na mabubusog ka sa tubig lang?"

"Oo, okay lang."

"Hindi magandang nagpapalipas ng gutom. You should sit there for a while," sabay turo nito sa upuan kaya napatingin ako doon. Lumapit naman siya sa mga lalagyanan ng kaldero at kumuha ng isang frying pan.

"For what?" pagtataka ko. Bakit ako uupo?

Napatingin naman siya sa akin. Ipinatong niya muna ang frying pan sa pinaglulutuan bago lumapit sa akin. Napatabi ako ng kunin niya sa likuran ko ang isang apron. Nalanghap ko naman ang nakakaakit na pabango nito, "I forgot to introduce myself, Miss Serenity Gale," saad niya. Nakangiti ito habang abala na itinatali sa likuran niya ang apron.

"I am Mr. Sullivan NoFuente. You can just call me Van," sabay lahad ng kamay niya sa akin pagkatapos maisuot ang apron sa katawan niya.

Kusa na lang akong napangiti hanggang sa ituro ko siya, "Your names sounds familiar," napaisip ako hanggang sa maalala ang naikwento ni Blue noon.

"Are you perhaps an architect?" hindi makapaniwalang tanong ko. Kasabay noon ay ang paglapad ng ngiti nito at kinindatan pa ako, "The one and only," sagot niya kaya nakipag-kamay na rin ako sa kanya, "Nice to meet you then, Architect Sullivan NoFuente."

"And I am also a chef, at your service," lalo akong napangiti dahil bahagya pa itong yumuko. I never met an architect before. But I used to like them that much. Let's just say, an architect is one of my dream guy.

Continua...