Chapter 30 - Capítulo vinte e oito

"Mukhang masarap ah?" pahayag ko at kusang napangiti nang ilagay niya sa harapan namin ang niluto niya. Nagtaka nga ako noong una kung bakit niya ako pinaupo dito, 'yon pala magluluto siya. Nahihiya nga ako pero mas nakakahiya kung basta-basta na lang ako aalis.

"You won't forget me once you have a taste of it," natawa naman ako sa sinabi nito na umupo naman sa harapan ko. Mas lalo ko pang tinitigan ang niluto niya nang maamoy ko ito— halatang masarap at nakakalasap.

It was a sandwhich filled with ham, sausage and roast beef. What makes it savouring to the mouth is because of the dripping cheese covering the whole sandwhich. I happened to observe him earlier while he was still making it. After putting variety of foods inside the sandwhich, isinawsaw niya sa cheese at inilagay sa oven. Aside from that, it has a fried-egg on top and french fries on its side which makes the plate full. Nakakatakam sa unang tingin pa lang.

Tumayo siya at may kinuha bago muling bumalik hanggang sa makita ko na may hawak na siyang dalawang baso ng tubig at inilapag sa harapan namin. May platito na rin sa harapan namin dahil inilagay niya 'yon kanina matapos akong pilitin na maupo dito. Nahihiya kasi ako kanina at hindi niya agad sinabi na magluluto siya. Gusto ko sanang tumulong pero ayaw naman niya.

"It's a Northern Portuguese Francesinha sandwich," saad nito bago naupo.

"Tingin pa lang, masarap na," wala sa sariling saad ko habang tinitignan ito. Unang beses kong nakita ang ganitong klasi ng pagkain at unang beses ko ring matitikman kaya ganito ako umasta pero hindi naman ibig sabihin noon ay atat ako sa pagkain.

"Yup, tingin pa lang masarap na," napatingin ako dito nang ulitin niya ang sinabi ko habang nakatingin din siya sa akin. Is it just me who's just thinking that he meant that word with the opposite meaning? Or am I just being delusional?

"Just kidding," bigla naman itong natawa. Hindi ko alam kung sa reaksyon ko ba o sa sarili niyang biro? Such a weird joker, huh?

"By the way, let's eat," kagaya ng sinabi niya ay kumuha na rin ito at kumain. Ganon na rin ang ginawa ko at kinuha ang tinidor. Naglagay muna ako ng konti sa platito hanggang sa matikman ko ito at nanlaki ang mata habang ngumunguya, "Is it good?" tanong niya na ikinatango ko, "Yes it is!"

"Very well. Eat as much as you can."

Pagkatapos kong lunukin ang nginunguya ko ay ibinaba ko ang tinidor na hawak ko, "Tanong ko lang," hinintay naman niya ako sa pagsasalita habang ngumunguya ito nang uminom ako, "Buti naman at gising ka na ng ganito kaaga?"

"I'm hungry, kaya bumaba ako para magluto ng makakain," sagot naman niya.

"Hindi ka ba kumain kagabi?"

"I think so. Because I already had my dinner when I was in the airport before I had my way here, which is why I didn't take my dinner anymore," pahayag niya na abala sa pagkain.

Tanging ingay sa kusina ang nakakapagpawala sa tahimik na mansyon dahil bukod sa madaling araw pa lang, nagpapahinga pa ang mga tao.

"Airport?" pagtataka ko na ikinatango niya, "Yup, I was in Portugal for a few months habang nagpapagaling ako."

That explains why he mentioned this sandwhich just like it is a hearty meal from somewhere afar, "Okay ka na ba ngayon?" tanong ko sa kanya.

"Yes I am. Kaya nga napagdesisyunan kong umuwi na dito sa mansyon," napasandal siya habang inililibot ang tingin. Seems like he missed this place while he was still in Portugal.

"We were supposed to create a harmonious negotiation with other orgs but the situation turned out to be worse. We had to defend ourselves against them and I couldn't let anything happen to my Master, which is why I had to risk my life on the line for him," dagdag pa niya na ipinag-alala ko.

At the same time, I felt curious why did he tell me this things. Isn't it bad for him to tell things like this to me especially kung kakakilala pa lang namin?

Napansin ko na habang sinasabi niya 'yon ay parang malalim ang iniisip niya, "And I don't want the same thing to happen to you," sabay tingin nito sa akin.

Kahit na hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin, mahigpit kong nahawakan ang tinidor at nagpumilit ngumiti, "Don't worry, whatever that is, it won't happen," mukha kasing mabigat ang pagkakasabi niya sa mga salitang 'yon kaya pakiramdam ko ay kailangan kong pagaanin.

Would it be possible that I can also sacrifice myself and put my life on the line just to protect them? Or just to protect someone?

"You don't need to have doubts. We were not like any other organization out there. You came here innocently, and I'll make sure you will get out of here innocent and alive," ngumiti naman siya at muling kumain. His words made me feel in comfort.

Hindi ko nga ba talaga pagsisisihan na napunta ako dito? Or vice versa? Baka sila ang magsisi na dinala nila ako dito? Things are starting to mess up. Occurrence of things is unpredictable which might prevent us to provide inaccurate solutions.

"How about you?" nagsalubong naman ang kilay ko.

"What?"

"Buti gising ka ng ganitong oras? Isn't it you should be resting the whole night because of what happened yesterday night?" ipinatong ko naman ang hawak kong tinidor sa platito at diretsong napatingin sa kanya.

"Uhmm, hindi na rin kasi ako kumain kagabi karating namin at diretso na akong nagpahinga kaya nagising ako dahil nagrereklamo ang tiyan ko," saad ko na inilipat ang tingin sa pagkain.

"Good to know that I had the chance to cook for you," tila masaya naman siya nang sabihin 'yon. Ewan ko nga, pero ang gaan din ng loob ko sa kanya.

"Well, well. What is this?" sabay kaming napatingin sa nagsalita hanggang sa mapangiti ako nang lumapit sa amin si Terrence.

Napatayo si Van at halata ang pagkatuwa sa kanilang dalawa na parang ngayon lang nagkita, "The Architect is here!" sa lakas ng boses niya ay naririnig sa buong kusina. Sadyang napakaingay ng detective ngayong araw o masaya lang siguro talaga siya.

"And the precious Detective!" saad naman ni Van at mabilis na nagyakapan ang dalawa, "Why didn't you inform us na uuwi ka na?" tanong ni Terrence.

"I wanted to surprise all of you and as expected, I got all of your unexpected reactions," natutuwang sagot ni Van.

"You never fail to surprise me, Sullivan."

"Of course, I will always be. You should have your breakfast first. Sabayan mo kami sa pagkain," sabay turo ni Van sa lamesa kaya napatingin sa akin si Terrence, "You're already awake? Bakit ang aga? O baka hindi ka pa natutulog?" tanong nito.

"She was hungry," sagot ni Van. Umupo naman si Terrence sa kanan ko. Bumalik din si Van na kinauupuan niya kanina na katapat ko.

"Pinagluto mo siya?" -Terrence

"Yup, cause we were both hungry." -Van

"Francesinha Sandwich?" tanong ni Terrence habang nakatitig sa pagkain.

"Yep," nginisian naman niya si Van.

"Influenced by Mediterranean cuisine, Mr. Sullivan?"

"Of course. That was my breakfast meal before midnight," muli sana akong susubo ng slice mula sa sandwich nang matigilan ako at sandaling mapaisip sa sinabi niya. Nagkatinginan naman kami ni Terrence.

Pwedeng mag-breakfast ng gabi?

"Breakfast meal? Before midnight, Van? Sa pagkakaalam ko, katawan mo ang natamaan at hindi ang isip mo. So what happened now?" natawa naman ako sa sinambit ng detective ngunit agad ko ring pinigilan.

"Yes. I am the only person living on earth who can take a breakfast before midnight," taas-noong sagot ni Van.

"If that's possible for you, then that's the stupidest thing that you have said," kinuha ng detective ang tinidor na hawak ni Van at diretsong nag-slice sa sandwich sabay kain. Medyo malaki kasi 'yon kaya pwedeng paghati-hatian.

I am just thinking... bakit parang ok lang sa kanila na maging totoo kahit na nakaharap ako? On the other side, hindi pa rin ako dapat na magpakampante. I should not let my guard down.

"The Elders wouldn't let me touch my blueprints while I was still having my medicine every morning and afternoon check-ups. That's why instead of resting, I started eating light meals before midnight. When midnight passed, I had to start my job secretly," paliwanag ni Van.

"So hindi ka natutulog?" tanong ko naman.

"I had to start my working hours from 1 to 4 am. I needed to wake up before 9 am because I had to take medicines."

"So you only have 5 hours sleep?"

"Yup. Otherwise, kung matutulog ako buong gabi wala akong magagawa. Our Elders would always monitor me kaya sa madaling araw ko lang nagagawa ang gusto ko," nakuha ko naman ang ibig nitong sabihin. Actually, hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nilang Elders.

"So you're not stupid at all?" tanong ng detective na abala sa pagkain.

"Do you think I am?"

"Yes I think you are. Ipinagpaliban mo na lang sana ang pagtratrabaho, ang dami namang magaling mag-drawing ng bahay dya— What the hell!" bigla namang sumulpot si Xenia na binatukan si Terrence habang kumakain kaya napatingin kami sa kanya.

"Kauma-umaga, tumatalak ka dyan. Papunta pa lang ako dito, naririnig na kita, para kang manok," inis na saad nito na tila mainit ang ulo. Umupo naman si Xenia sa tabi ni Van. Baka nga nagkita na sila kagabi dahil normal na lang ang reaksyon ni Xenia.

"Gale, gising ka na pala?" pagtataka niya na siyang ikinatango ko.

"Oo. Nagutom kasi ako. Buti gising ka na din?" tanong ko pabalik. Nagkamot naman siya ng ulo, "Paano naman kasi si Allison tinawagan ako. Kung kailan siya nakaalis, doon magpapasama sa akin. Nakakainis!" iritang saad niya.

Bigla naman niyang kinuha ang tinidor ko na nakapatong sa platito at nginitian ako, "Pahiram muna ah? Kakain ako," nakakapagtaka lang kung bakit hindi sila kumuha ng sarili nilang tinidor, eh ang dami pa naman. Ganon din ginawa ni Terrence kay Van kanina eh.

Dahil malapit kay Terrence ang plato ay hinila 'yon ni Xenia papalapit sa kanya, "Ako naman, kanina ka pa kumakain dyan eh," saad ni Xenia sa kanya.

"I just came home," depensa ni Terrence.

"Oh you just came home, eh ako paalis pa lang. Paluto ka na lang ulit kay Van, dba?" sabay tingin niya kay Van kaya napatango na lang din si Van dahil sa ingay ng dalawa.

"Fine," tumayo ang detective at lumapit sa bandang sulok kung saan may 'coffee brewer'. Nagsalin siya sa tasa hanggang sa mapansin 'yon ni Xenia, "Hindi ba sasakit tiyan mo nyan, Terrence? Kumain ka nito tapos iinom ka ng kape?" tanong niya habang ngumunguya.

"Regular coffee can make you smarter," pahayag nito na papalapit sa amin habang umiinom sa tasa.

"Tsk! I don't like coffee at all." -Xenia

"According to a study in Harvard, women who drank 4 or more cups of coffee per day had a 20% lower risk of becoming depressed," pahayag pa niya.

"You switched the Detective's bookworm side, Xenia." -Van

"And what about my other side?" napatingin naman ang detective sa sinabi ni Van.

"I didn't say anything about that," sagot ni Van kaya napapangiti na lang ako.

"Mukha ba akong depressed para sabihin mo 'yon, Terrence?" inilipat ng dalawa ang tingin kay Xenia bago muling naupo ang detective sa tabi ko.

"Who knows? Depressed people do not like to open their problems to other people too." -Van

"Maybe Xenia's depressed because of Al, pwede mo naman kaming sabihan," saad ni Van habang nakakibit-balikat. I feel out of place now. Ito ang pinakaayaw ko sa lahat.

Natigilan si Xenia at tila nainis nang tignan si Van, "May sinabi ba ako? Ha?"

"Why so affected then?" napatingin na rin siya kay Terrence na tila pinagkakaisahan siya ng mga ito. I really want to meet this Al, feeling ko may something sa kanilang dalawa kaya ganito umasta si Xenia ngayon.

"Bahala kayo dyan!" saad nito na itinuloy ang pagkain.

"Well, depression is a very sensitive topic guys." -Terrence

"I have this classmate of mine who committed suicide because of that," wala sa sariling saad ni Xenia habang abala sa pagkain kaya napatingin kaming tatlo sa kanya, "Hmm, hindi naman kami super close but yeah, nalungkot ako nang mabalitaan ko ang tungkol doon."

"Have you already experienced it?" tanong ni Terrence. Natigilan si Xenia sa pagkain at napatingin sa kanya, "Anong klasing tanong 'yan? Lahat naman tayo nararanasan 'yon dba?"

"Yup but not to the point that I thought of committing suicide. Ikaw ba?" -Terrence

Tila napaisip naman si Xenia kung magsasalita ba o hindi, "I think so," maiksing sagot nito bago kumain. Para ngang iwas siya sa usapan ngayon eh. Kung nadedepress man siya, saan at ano naman? Mukha ok naman siya at walang problema? O baka akala ko lang 'yon? Sabagay, lahat naman ata mukhang okay kahit hindi naman talaga.

"Since when?" tanong ni Van kaya sa kanya naman ito napatingin. Sumandal siya sa upuan at nagbuntong-hininga, "Back when I was in my college years. My course wasn't that easy. Although I hated math that much, 'yon kasi ang expectation nila sa akin,"

"That's why you had to go for it?" tanong ni Terrence na ikinatango niya, "Oo."

"You should have chosen the career that you really want to. Kung maaga ka lang sana naming nakilala, natulungan ka namin." -Van

"I wanted to make my parents proud and happy kaya ko ginawa 'yon."

"But obviously you were not enjoying it. Yet seems like you're enjoying your job now?" pagtataka ni Terrence. Mukha naman kasi talagang gusto niya ang ginagawa niya ngayon as an 'accountant' ng Master nila.

Nagsalita naman si Xenia, "Depression is in fact curable guys. They always say that depressed people do not really want to end their lives but just the desire to end the pain. Nasa tao na lang 'yon kung pipilitin niyang baguhin ang buhay niya o manatiling hindi ok. I experienced a severe depression before and since ayaw kong nagsasabi ng problema date, sinigurado kong kaya ko dahil 'yon ang pinili ko. Suicide came into my mind but not to the point that I almost did it. Ang dami kayang may sakit na gustong mabuhay tapos sasayangin ko lang ba ang buhay ko kung pwede naman akong magpakasaya? No way. Natural na lang na maliitin ka ng mga tao but wake up already, it's 2020 and we live to suffer."

"How can you be happy kung hindi ka muna dadaan sa pagsubok. Kaya naisip ko, imbes na iyakan ko ang mga bagay-bagay, bakit hindi ko na lang baguhin ang buhay ko dba? Noong una, pinilit kong makipagsundo sa walang katapusang balance sheet kahit sobrang hirap hanggang sa nasanay na ako. I started to love it but I love my dream more. Naisip ko na lang, pwede ko namang gawing proud ang parents ko without nothing to be given up. I can be an accountant while still reaching for my goals. See, tinupad ko ang gusto nila habang tinutupad ko naman ang gusto ko," taas-noong pahayag nito kaya napangiti kami.

"Well said. That was the most unanticipated thing that you did. Hindi ko alam na may word of wisdom ka din pala. Huwag mong kakalimutan na nandito kami para sa'yo. Of course we're here for everyone," saad ni Terrence na tinignan din ako.

"So kung iisipin ninyong nadedepress ako dahil kay Al, of course not. Miss ko lang siya. Kaya aalis na ako," sandali itong nagpunas ng bibig gamit ang panyo niya bago tuluyang tumayo at umalis.

Nagkatinginan na lang kaming tatlo hanggang sa makita ko na parehong may kinuha ang dalawa mula sa bulsa nila, "I have an emergency call," saad ni Terrence hanggang sa magkatinginan sila ni Van, "Me too," saad din nito pabalik sa kanya. Halata sa mukha nila ang pagtataka. Their phones might have vibrated at the same time, same with the emergency call that they are talking about. It only means, isa lang ang pinanggalingan ng tumatawag sa kanila.

Sabay nila 'yong sinagot habang nakatingin lang ako sa kanila at sa magiging reaksyon nila. Sabay silang napatingin sa akin na nagdulot naman ng kaba sa akin. I could sense that something's wrong dahil iba ang tingin nila sa akin, "I can," sagot ni Terrence na tumango.

"I will," sagot naman ni Van na mas lalo kong ipinagtaka.

Sabay nilang ibinaba ang mga hawak nila. Kinuha ng detective ang mga gamit nito at nagmadaling tumayo, ganon din si Van. Ikinabigla ko naman ang biglaang paghawak ni Terrence sa braso ko kaya napatayo ako, "You have to go now."

"Para saan?" kinakabahang tanong ko, "Your husband and father are in rage right now. They anticipated that it was El Nostra who helped you which is why the army attacked them... "

Itinuloy naman ni Van ang pagsasalita ng detective, "And El Nostra's going to attack Alzini."

"H-ha? Bakit kayo?" naguguluhang tanong ko.

"They want you... to stop the army," natigilan naman ako sa sinambit ni Terrence. Palipat-lipat na rin ang tingin ko sa dalawa, "S-so it's me whom they want kaya lulusubin nila kayo?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"But don't worry, it won't happen. It was Godfather and Senyora's command. Let's go," pahayag ni Van hanggang sa hilain ako nito papalabas ng mansyon at kasama namin si Terrence. Sumakay kami sa isang kotse at sumakay naman ang detective sa sasakyan nito. Napansin ko rin na nagsilabasan ang mga kasamahan ni Blue na halatang inaantok pa, tila hindi sila mapakali dahil halos nagmamadali ang lahat.

Continua...